webnovel

The Girl I Love The Most (JenLisa GirlxGirl)

She was the best thing that ever happened to me. The only treasure I keep in the world. She is my happiness, which I do not want to share with others. But SHE is my best friend. And yes, I love her. I fell in love with her. I fell in love with the person I should not love more than a friend.

Jennex · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
49 Chs

Chapter 36

Now playing: Patawad, Paalam by Moira Dela Torre & I Belong To The Zoo

Jennie

Halos matalisod na ako dahil sa bilis at laki ng mga hakbang ko makarating lamang agad kay Kuya. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko pa man ito natatanaw at hindi pa ako nakakapasok sa mismong entrance ng gym ay isa-isa nang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko.

Inis na pinahid ko ang mga ito at nagpatuloy sa aking paglalakad.

Hindi ko alam pero bakit ako nasasaktan?

Hindi ba nga dapat masaya ako?

Hindi ba nga ito naman talaga ang gusto ko?

Hindi ba matagal ko nang gustong mangyari ito?

Pero bakit ako nasasaktan ngayon?

Bakit ang sakit-sakit sa part ko na malamang hiniwalayan nito si Lisa?

May iba na ba siya?

All this time lamang ba eh niloloko lamang nito si Lisa? Ang daming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan na alam kong si kuya lamang ang tanging makakasagot. Hindi ako pwedeng magpadala sa aking emosyon at sariling kathang isip na mga katanungan.

Ako ang nasasaktan ngayon para kay Lisa.

And I hate him for doing that!

Alam kong hindi tama ang ginawa ni Lisa, alam kong nag-cheat siya sa kuya ko, para sa akin, dahil sa akin. Alam kong may kasalanan din ito at lahat ng iyon ay hinayaan ko lamang mangyari, but the point na nalaman kong ginawa iyon ni Kuya kay Lisa, ako ang nadudurog para sa kanilang dalawa.

Naabutan ko naman ang buong team nito na abala pa rin sa kanilang training. Habang galit na sinisigawan sila ng kanilang coach. Lalo na si Kuya.

Halata kasi na wala ito sa focus.

Ngunit kahit na galit ang kanilang coach at halatang disappointed ay hindi ako nagpasindak at mas nilakasan ko ang aking boses para agad na maagaw ang pansin ng aking kuya.

"Kuya, can we talk?!" Malakas ang boses na tanong ko sa kanya dahilan upang matigilan ito sa pagtakbo at mabilis na napalingon sa akin.

Kinuha ng kanyang kasama ang bola na hawak nito bago ito tuluyang lumapit sa akin.

Habang humahakbang ito papalapit sa akin ay muli na namang nag-unahan sa pagpatak ang aking mga luha.

Bakit naman ganun?

Bakit parang ako ang hiniwalayan sa nangyayari ngayon?

Mas lalo pa akong napaluha noong makita ko na gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa labi ng aking kuya, nang tuluyan itong huminto sa aking harapan.

Napalunok ako ng maraming beses bago muling nagsalita.

"W-What happened?" Agad na tanong ko at napiyok pa sa dulo dahil sa may kung anong nakabara sa aking lalamunan.

Nanlalabo rin ang aking paningin dahil sa sobrang pagluha. Ramdam ko rin ang paninikip ng aking dibdib dahil sa hindi malamang dahilan.

Ang tanging alam ko lang ay nasasaktan ako ngayon.

Marahan na hinila ako nito sa sulok na wala masyadong makakarinig sa aming dalawa.

At bago pa man ako niya ako tuluyang sagutin ay binigyan lamang niya ako ng isa pang ngiti bago ginulo ang buhok ko. Pagkatapos ay niyakap ako.

Iyong yakap na comforting at nagbibigay ng warm sa akin. Dahilan din upang mas lalo akong mapaluha.

Hindi tumagal ang pagyakap nito sa akin dahil agad din nitong inilayo ang kanyang katawan sa bago ginulo ang buhok ko. Pinahid din nito ang luha na nasa mga pisngi ko.

"Hindi dapat ako ang pinupuntahan mo ngayon." Wika nito. "Hindi ba dapat si Lisa ang hinahanap mo ngayon?" Tanong nito bago napalunok. "I'm sorry. N-Nasaktan ko ang best friend mo." Dagdag pa niya.

"Kuya!" Pagkatapos ay ngumangawa na hinampas ko siya sa kanyang dibdib.

"Why?" Tanong ko pa. "Bakit mo 'yun ginawa? May iba na ba? H-Hindi na ba si Lisa?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya ngunit nakatitig lamang ito sa mukha ko.

Wala akong makita na kahit na anong emosyon mula sa kanyang mga mata niya.

May ilang segundo bago ito muling nagsalita.

"I'm sorry, bunso." Muling pag hingi nito ng tawad. "Pero hindi na ako masaya sa kanya." Napalunok ito bago napatingala sa itaas.

"You should be with her right now. Please!" Pakiusap nito sa akin at tatalikod na sana ito nang mabilis ko siyang pigilan sa kanyang braso ngunit mabilis din niya ako na muling inunahan.

"Kailangan ko nang bumalik sa training." Matigas na sabi nito sa akin. Dahan-dahan na binawi nito ang kanyang braso sa akin at walang lingon likod na tinalikuran na ako.

Napapa-face palm na lamang ako ng disoras.

Naguguluhan pa rin ako.

Hindi ko pa rin yata nakukuha ang tamang sagot na gusto kong marinig. Ang kasagutan sa mga tanong sa aking isipan ay nananatili pa ring katanungan.

Kaya hindi, hindi ko pwedeng hayaan na hanggang dito lamang magtatapos ang lahat.

Sandaling kinalma ko lamang ang aking sarili bago tuluyang natungo na sa aking klase.

Alam kong isang mahabang araw ito ngayon para sa akin, lalong lalo na kina Kuya at Lisa, pero hangad ko na mamaya, kapag nagkaroon ako ng pagkakataon ay makausap ko rin ang best friend ko.

Alam kong higit sa lahat ay kailangan din ako nito ngayon.

Hindi ko rin tuloy maiwasan ang hindi makonsensya dahil sa ginawa ko sa kanya kanina.

Hays! bahala na nga!

---

Hapon na, natapos na ang lahat ng aking klase, pero heto pa rin ako, tulala sa kawalan habang hindi malaman kung ano ba ang susunod na gagawing hakbang.

Panay lamang ang aking pagbuntong hininga dahil pinanghihinaan ako ng loob na puntahan o harapin si Lisa.

Ewan ko ba!

Naduduwag yata akong makita siya. Naduduwag akong makitang nasasaktan siya nang dahil kay Kuya.

At alam kong sa mga sandaling iyon ay madudurog lamang ako. Dahil wala akong ibang hangad kundi ang alagaan at ingatan lamang siya, ang damdamin niya, tapos malalaman ko ngayon, dahil lamang sa hindi na masaya si Kuya sa kanya, kaya siya nito nawalang iwanan?!

Gusto kong magalit kay Kuya. Ngunit alam ko rin na wala akong karapatang magalit dahil may ginawa rin naman akong kasalanan habang nakatalikod siya kasama si Lisa.

Alam niyo ba 'yung ganoong pakiramdam?

'Yung gusto mong magalit sa isang tao, pero wala kang karapatan dahil parehas lang naman kayo na may ginawang kasalanan!

Napalunok ako nang muling maalala si Lisa.

"Hays!" Inis na napatayo ako mula sa aking kinauupuan.

Hahanapin ko na lamang ito.

Sigurado akong sa kanilang bahay ito dumiretso pagkatapos ng eskwela. Ganoon kasi siya sa tuwing may problema sila ni Kuya. Nagkukulong sa loob ng kanilang bahay at doon maglalasing.

Pagkatapos ng twenty minutes ay nakarating na rin ako sa tapat ng kanilang gate. Bukas naman ito at hindi naka-lock kaya dumiretso na lamang ako ng pasok.

Hindi na rin ako kumatok pa sa mismong entrance ng kanilang bahay. Agad ko na itong binuksan at dumiretso sa loob. Agad na hinanap ng aking mga mata si Lisa, pero mukha yatang walang tao rito ngayon.

Noon ko naman naisipan na ilabas ang cellphone ko para tawagan siya nang may biglang magsalita mula sa aking likuran. Awtomatikong napatalon ako sa gulat at halos mabitiwan ko na rin ang aking cellphone.

Napakapit ako sa aking dibdib at mabilis na napaharap kay Lisa.

Agad na nagtama ang aming mga mata pero mabilis din akong nagbawi ng tingin dahil sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

Isa pa, mukha siyang walang tulog at talagang wala sa mood. Nanlalalim ang mga mata nito pero kahit na ganun ay maganda pa rin siya. Napakaganda pa rin n'ya! Napa-cross arm ito habang tahimik lamang na pinagmamasdan ko.

"S-Sorry, pumasok na ako." Paghingi ko ng tawad. "Akala ko nga walang tao kaya---"

"Pwede bang diretsahin mo ako bakit ka nandito?" Mabilis na putol nito sa akin at tinignan ako ng diretso sa aking mga mata.

Katulad ni kuya, hindi ko rin ito makitaan ng kahit na anumang emosyon. At ang kanyang boses, napakalamig nito at tila ba giniginaw rin ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin.

May katagalan bago ako nakasaggot dahil tahimik ko lamang itong pinagmamasdan.

Dumaan siya sa harap ko at nagtungo sa entrance ng kanilang bahay. Marahil lalabas ito ngayon para lumanghap ng sariwang hangin. Naging pagkakataon ko naman iyon para sundan siya.

"N-Nandito ako dahil nag-aalala ako sa'yo, Lis. Kaya ako pumunta rito dahil gusto kong malaman kung okay ka lang ba at kung maayos ka naman ba." Paliwanag ko sa kanya. "I-I'm worried." Dagdag ko pa.

Napalingon ito sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Well, now that you've made sure I'm okay, at humihinga pa naman ako, pwede ka nang umalis!" Sabi nito sa akin at mas nilawakan pa ang pagbukas ng pintuan.

Bigla akong natigilan at parang natuklaw ng ahas dahil sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko kasi inaasahan na maririnig ang mga katagang iyon mula kay Lisa.

Napalunok ako ng mariin.

"L-Lis, 'wag ka namang ganito oh!" Pakiusap ko.

Ngunit tinignan lamang ako nitong muli ng diretso sa aking mga mata at sinabi ang sumunod na kataga na mas lalong ikinagulat ko.

"Get lost, Jennie." Matigas na sabi nito sa akin na walang ka-emo-emotion! "Why don't you just leave me alone? Bakit hindi mo na lang puntahan si Nami?" Dagdag pa niya.

Magsasalita na sana akong muli pero hindi pa pala siya tapos.

"Go on, get lost!" Pag-ulit nito at mabilis na akong tinalikuran.

Ngunit nakakalilang hakbang pa lamang ito nang muli siyang natigilan.

"Oh, pakisara na lang pala ang pinto kapag nakalabas ka na. Salamat." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hindi na niya ako muling nilingon pa.

Sa halip ay naupo ito sa mahabang sofa ng kanilang sala, binuksan ang TV at nilakasan ang volume.

Samantalang ako naman ay ang lakas-lakas ng kabog ng dibdib ko.

Nasasaktan na nga ako dahil sa mga ginawa niya noon, sa nangyari sa kanila ni Kuya, hanggang ngayon ba naman na wala naman akong ibang gusto kung hindi ang damayan siya?

Muli na naman akong napaluha dahil sa magkahalong inis at lungkot na nararamdaman noong tuluyan na akong lumabas ng kanilang bahay at padabog na isinara ang pintuan.

I hate her!

I hate her for doing this to me!

Ano baaaaa!! Pati ako naloloka na rin sa inyooo! Hoy! Hahaha!

Jennexcreators' thoughts