webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
57 Chs

Chapter 7

"FOR MY STAR?" natawa naman ako dun ng mabasa ko yung nakasulat sa card sa loli-cake. Star? Ako? Fan ko nga talaga siya? Susulatan ko muna 'to bago pumasok sa classroom, tapos ito na ibibigay ko kay Cristy. I hope magustuhan niya. Sorry na lang pala sa fan girl na yun. Sana di niya makita pagbinigay ko 'to sa babe ko.

"For my Star?" si Edward. "Fan mo nga siya."

"See? Sabi sa'yo, eh. Kung ano-ano kasi iniisip mo."

"Pero may something talaga akong nararamdaman sainyo, eh? Di ko lang ma-figure out?" nagpupumilit pa talaga?

"Stop that thingy something! 'Lika na nga!" yaya ko nang masulatan ko na yung card.

Naglalakad na kami sa hallway papuntang classroom. Wala pa siguro si sir panot, nasa labas kasi sina Kyle, Karl at Zab. At may kanya-kanyang kasamang girls? Nakaupo sa sahig si Kyle at yung kasama niya. Nakatayo naman si Karl at yung kasama niya. Si Zab, naglalakad sila nung kasama niya palayo. At hawak na nung mga babae yung mga dala nilang bulaklak. Sumbong ko 'to sa mga syota nila, eh!

"Bro, di ka ba naiingit sa mga yun?" tanong ko kay Edward. Walang sumagot? Paglingon ko sa likod ko. May ka-holding hands na si Edward at binigyan pa siya ng card nung girl. Lahat siguro kami pinaglihi sa bangus?

Papasok na ako sa pinto ng biglang tumatakbong lumabas si Jasper. Nasagi pa ako sa balikat? Problema nun?

"Jaspeeer!" ayun pala yung problema. Si Lhyn. Sumisigaw na hinahabol si Jasper hawak yung bulaklak ng santan. Puno pala ng santan – dahil may ugat pa, eh. Mga sira talaga 'to.

"Araaay! Aray! Aray!" si Jasper. Nang maabutan ni Lhyn at pinagpapalo nung puno ng santan. Buti nakawala si Jasper at nakatakbo palayo na sinundan naman agad ni Lhyn. Si Jasper pala ang patay kay Lhyn. Buti nakawala si Jasper sa sadistang babaeng yun. Buti pala di puno ng rosas ang dinala niya? Kung nagkataon, tusok-tusok na siya.

"Jaspeeer! Pagnaabutan kita magiging Casper ka talagaaa!" lakas talaga ng boses ng babaeng 'to. Daig pa ang naka-megaphone. Parang nakalunok lang ng speaker at ampli.

Dinig ko naman sa labas yung tawanan ng mga classmate namin sa loob. At si lokong Jasper na mapang-asar talaga sumayaw-sayaw pa para lalong galitin si Lhyn. Wag kalang talaga pahuli Jasper ka.

Pagpasok ko sa classroom nakita kong nakasimangot si Cristy. Naupo ako sa tabi niya. Ngumiti ako pero inirapan niya lang ako.

"Ano na naman ginawa ni Jasper kay Lhyn?" tanong ko para magsalita si Cristy. Parang balak kasing di magsalita maghapon. Ayaw ko muna kasing ibigay yung loli-cake. Nakita ko kasi si Excuse me girl sa likod – baka mapansin niya.

"Sabi ni Jasper may surprise siya kay Lhyn. Tingnan na lang daw ni Lhyn sa bag niya. Excited naman na binuksan ni Lhyn yung bag niya. Tapos santan pala na may ugat pa, at may mga lupa pa. Kaya ayun, nagalit si Lhyn. Mamaya nasa clinic na yun si Jasper." Sagot niya pero di pa rin siya nakangiti.

"Aah?" Tugon ko. Palingon-lingo ako sa likod. Sana maiha ka! Sana maihi ka! Dasal ko para pumunta ng CR si Excuse me girl.

"Pero buti pa si Jasper may surprise kay Lhyn." Simangot ni babe, na alam kong may ibig ipahiwatig.

"Yes!" napa-yes, ako nang lumabas si Excuse me girl. Mahina lang naman pero narinig ata ni Cristy.

"Anong yes? At sino bang tinitingnan mo?"

Di ko na siya sinagot. Nag-smile na lang ako at binigay yung loli-cake. "Happy Heart's day, babe!" sweet kong pagkakasabi sa kanya. Pero mahina lang – saktong siya lang ang makakarinig. "Special yan. Nagpaturo pa akong mag-bake para gawin yan." Nag-smile na siya. Pero biglang sumimangot nang makita niya yung bigay ko. At naging dalawa, pinakita niya sa 'kin ang hawak niya? Oh, shit!

"Really, Nate? Ito yung gift mo sa 'kin for Valentines?" At tinaas niya yung dalawang loli-cake. Binato niya ang mga ito sa 'kin at nahulog sa sahig. "Bake niya daw? Hmmp!" at simangot siyang lumabas ng room. Napanganga na lang ako habang nakatingin sa identical loli-cake na nahulog sa sahig.

"Ayaw n'yo? Akin na lang?" yung classmate naming mataba na halos apat na tao na ang katumbas. Tanong niya nang pulutin niya yung dalawang loli-cake. At may hawak din siyang ganun na kain-kain na niya. Kaya pala ang itim ng mga ngipin ng balyenang 'to dahil sa chocolate flavor na loli-cake.

At paglingon ko sa lahat naming classmate, lahat sila may hawak na loli-cake? Ba't di ko napansin kanina yun? Pagdating ko ba may mga loli-cake na sila? Ugh! Bigla kong kinuha yung loli-cake kay taba nang bubuksan na niya sana yung isa.

"Akin yan!" sabi ko.

"Ang cute mo talaga." Sabi niya lang at nagpapungay pa ng mata sa 'kin.

"Saan galing 'tong mga 'to?" tanong ko. Pero may hinala na ako. Haist! Pambihira!

Tinuro ni taba ang kapapasok lang na si Excuse me girl. Sabi na nga ba, eh! Haist! So, lahat kaming classmate niya binigyan niya? Tiningnan ko siya ng masama at nag-smirked ako sa kanya. Yumuko siya at nagmadaling umupo sa upuan niya. Alam na niya siguro ang gusto kong ipahiwatig. Loko siya! Magbabayad kang Excuse me girl ka! Wait ka lang!

Nagmadali akong lumabas para sundan si Cristy. Lately pa naman parang di ko na alam. Lagi kong sinasabing love na love ko siya pero…ewan? Gulo ng pag-ibig, 'no?