webnovel

The Girl From Nowhere (tagalog)

tagalog story / fantasy it makes you believe that forever doesn't really exist.

xiunoxki · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
57 Chs

Chapter 14

> CHELSA'S POV <

***FLASHBACK

WHO'S THAT GIRL?

PANGET NIYA PROMISE!

TATAHITAHIMIK, MALANDI PALA!

ANG Y-U-C-K NI GIRL! PAPEMPEM!

SARAP BASAGIN NG MUKHA NI ATE! PASAMPAL PO!

YAN YUNG FREAK AT WEIRD AT MALANDI NA RIN NA CLASSMATE NAMIN.

PELENGERA! PAPEYMUS!

ABA MATINDEEE!

Grabe naman sila maka-comment! Tuwang-tuwa pa naman ako nang makita ko ang pictures namin ni Nate. Kahit may nakasulat na 'He's Dating Tha Loser'. Ano daw?! Loser ako? Mga enggetera! Sobrang daming comments, trending? Yung mga classmate ko na binigyan ng lolli-cake di man lang ako sinaklolohan. Kanina, parang ang babait nila! Tapos ngayon may naki-comment pa!

Buti may FB account din ako na walang ni isang friend at di ko pangalan. Ginawa ko lang naman 'to para ma-like ang page nina Nate. Stalker lang ang peg 'no? Ayun, naki-comment din ako, nakipag-away na ako! Waaaaaaahhhh! Kung pwede lang mag-flying kick!

ALAM N'YO BA ANG KWENTO? ISIP-ISIP MUNA MGA 'TEH! Ako yan.

MAGANDA NAMAN SIYA, HAH! SIMPLE BUT ROCK! Ako yan.

GRABE NAMAN KAYO MAKAPAGSALITA. PERFECT KAYO? Ako ulit yan.

INGIT LANG KAYO! KASI SIYA HINAWAKAN SA KAMAY NI NATE! Ako ulit.

WISH KO LANG NA AKO SIYA! CHINA OIL! Ako pa rin po.

SANA ALL! GO ATEH GERL! Ako pa rin yan.

Pero yun, talo pa rin ako. Isa laban sa isang libo, grabe! Nag-log out na lang ako matapos kong i-save yung mga pictures namin ni Nate. Pero naapektuhan ako dun, ah. Nasaktan ako. Yung piling na parang nag-iisa ka lang sa mundo? Di ko naman 'to pwede sabihin sa family ko, for sure, di na nila ako papapasukin. Di hindi ko na makikita ang star ko.

Sabi ko sa sarili ko, di ako papaapekto. Ba't ko sasayangin ang buhay ko sa pag-entertain ng mga negative vibes. Laitin man nila ako, wah ako cares! Hindi ko dapat idepende sa kanila ang kaligayahan ko. Mas okay nga, eh. Medyo nawala ang hiya ko na ipakitang gusto ko si Nate. Above all, wala naman akong ginawang masama. Hangga't alam natin tama tayo at wala tayong inapakang tao, hamakin man tayo ng iba, di dapat tayo paapekto. Hayaan nating magkasala ang iba sa pangbibintang sa 'tin. Hayaan natin silang magkasakit sa sama ng loob sa 'tin, basta tayo walang ginawang masama sa kanila. Remember, love yourself.

Natulog pa rin akong nakangiti! Who you sila sa 'kin!

***END OF FLASHBACK

~~~

BAGO AKO BUMABA ng kotse, hinanda ko na ang sarili ko. Parang ang init ng pakiramdam ko. Ito na siguro yung sinasabi ni ate na, High School is Hell! Papasok ako ng gate, dami ko nang naririnig na bulungan. Pero dedma lang si ako, tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Bakit kung kailan patapos na ang klase tsaka ko pa napasok ang gulong 'to? Pero para naman 'to sa star ko, kaya keri lang! Inhale, exhale lang, Chelsa. Focus lang. Diretso lang. bulong ko sa sarili ko.

Mas lalong dumami yung bulungan pagkapasok ko sa building at paglakad ko sa hallway. At lalong lumakas nang makita ko si Nate, kasalubong ko siya. Papasok din ata siya sa classroom? Bumilis ang tibok ng puso ko. Tugudog-tugudog! Tugtug! Waaaahh! Heart attacked?

Parang bumagal yung lakad niya at nakatingin lang siya sa 'kin. Huminto ako at nag-smile ako sa kanya. Seryoso siya, napahiya ako ng very light. Inalis niya ang tingin sa 'kin at ibinaling niya sa bandang likuran ko.

Di ko man makita yung mga tingin sa 'kin ng mga schoolmate namin na girls alam kong ang tatalim nun. Yung pakiramdam na parang sinasabi ng tingin nila na 'Welcome To Hell!'. Kung nakamamatay lang ang tingin, bocha na ako.

~~~

> LHYN'S POV <

Omooo? Dami kong gulat! Is it real or is it real? Anong meron? Anyare? Paglabas ko ng classroom bumungad sa 'kin ang tatlong 'to; si Nate, si Chelsa at Cristy. Like, seriously? Really? Parang another kabet story. Nasa likod ni Chelsa si Cristy at kaharap nilang dalawa si Nate mga three meters apart. For sure, kumukulo ang dugo nito ni Cristy. Kala ko nagdadrama lang si Cristy kagabi? So true, na pinagselosan niya talaga yang girl na yan? My gosh!

Nakatingin sa isa't isa sina Cristy at Nate habang si feelengera girl nakatingin kay Nate. Grabe 'tong girl na 'to! Kapal ng fes! Si Cristy nag-smile, yung signature niyang bitches smile kapag inaabot siya ng kamalditahan. I know right! Pero si Nate napakaseryoso. Let see what will happen.

Here you go! Naglakad si Cristy at binangga niya si Chelsa. Nagulat si Chelsa, di yata alam na nasa likod niya si Cristy. Nakayukong napaatras pa ang echosera. Natawa naman yung mga chismosang akala mo nanonood ng shooting ng pelikula.

Napansin ko yung mukha ni Nate, medyo weird siya. Ano yun? May something ba talaga siya sa babaeng yan? For real? What the-!

"Hi, babe!" si Cristy at lumapit siya kay Nate. Go girl!

Pero di sumagot si Nate, he just smiled at hinawakan si Cristy sa kamay. Then naglakad na sila papasok sa classroom. Kumindat sa 'kin si Cristy nang madaanan nila ako. Parang sinasabing, for victory! Pero napansin ko sa smile ni Nate na iba, eh?

Lumabas ako at medyo lumapit ako kay Chelsa. Nakayuko lang siya. Tiningnan niya ako at tiningnan ko siya ng masama. Kala mo, hah!

Binato ko ng masamang tingin si Chelsa, diretso lang ang tingin niya pwesto kung saan nakatayo kanina sina Nate. Gusto ko sanang awayin ang babaetang 'to, kaso nakita ko ang grupo nina Kristan, yung apat na baliw magkakasama. Yung Awin naka-smile pa sa 'kin. Inirapan ko nga, ang kulit ng isang yan! Niyaya ba naman akong maging date sa prom. Pwe! Chora neto! Iniwan ko na lang si Chelsa dahil sa apat na yun. Dumagdag pa sa panira ng araw! Mga chismoso din! Pabo!

~~~

> CHELSA'S POV <

Sakit nun, hah? Daing ko habang hinihimas ang braso ko. Bato ba ang katawan ni Cristy? Di ko alam nasa likod ko pala siya? Yung mga bubuyog bulungan pa rin nang bulungan. Di pa magsipasok sa classroom nila. Diretsong nilibot ko ang paningin ko sa kanila. Ewan, ba't kailangang mapatingin pa ako sa mga 'to?

Pero, para maisip nila na wala akong atraso sa kanila para kamuhian nila ako. Ba't pa parang commited tayo na makisawsaw sa buhay ng iba? Eh, may kanya-kanya naman tayong buhay na kailangan isipin? Ganun ba sila ka-bored para pag-aksayahan nila ako ng energy? The more you hate, the more chances of winning ba? Ikayayaman ba kapag nang-bashed ka ng iba at maging hater ka? Fulfillment ba yun? Achievement ba na makitang nasasaktan ang isang tao? Successful ka ba na kapag ang luha ng isang tao ay ikaw o ang salita mo ang dahilan? Di ko gets? If mahal nila sarili nila, ba't hinahayaan nilang gumawa sila ng mali?

Nakita ko si Kristan, gusto ko sana mag-smile sa kanya kaso ang talim ng tingin niya sa 'kin. Bakit? Kahapon lang ayos naman, hah? Minsan nga lang yata siya harmless, nagkataon kahapon. Next victim na ba talaga nila ako sa pangbu-bully nila? Naku naman! Full forced pa silang apat ngayon, ang apat na pasaway ng school!

Pagpasok ko sa room diretso ako upo. Dati may hi at hello sila sa 'kin, ako lang ang umiiwas. Pero ngayon, wala ni isang bumati sa 'kin. May ibang classmate kaming wala naman atang pakialam sa isyu at may ibang sama naman makatingin. Na-recognized ko sila, sila yung ibang nag-comment ng negative about sa 'kin sa FB. Tatandaan ko mukha nila! Wala na kayong loli-cake!

Lumipas ang ilang oras, at natapos ang klase ng pang-umaga na parang di ako nag-i-exist sa room.

~~~

LUNCH BREAK, NANDITO ako sa canteen. Medyo marami order ko, nagiging patay-gutom talaga ako kapag nasa ganitong sitwasyon, ka-stress sila. Naupo ako sa apatan at solo ko ang table, walang nangahas tumabi sa 'kin. At wala akong maalalang may nakatabi na ako ditong kumain sa canteen. Nag-smile lang ako at huminga ng malalim. Di ko alam kong pinagtitinginan nila ako o ako ang pinag-uusapan nila. Waaah ako cares!

Nakita ko ang pagdating ng grupo ni Nate, naupo sila sa table kung saan lagi silang nauupong walo. Napansin ko ang masamang tingin sa 'kin nina Cristy at Lhyn. Pero yumuko na lang ako at nag-focus sa pagkain ko. Baka matusok ko pa ng tinidor eyeballs nila.

May mga estudyanteng naiinis at naririnig ko pa ang daing nila kapag napapadaan sa harap ko. Parang gusto nilang maupo kaso nandun ako. Ano ako may nakakahawak sakit? Mabantot lang, ganun? Kala nila pangarap kong makatabi sila? Nagkaroon ako ng realization minutes ago lang, kung ayaw n'yo sa kin bakit ko kayo gugustuhin? Kikilos ako kung paano ako kumilos, di ako magpapanggap dahil I love myself. Di ako ipinanganak para i-please ang sino man? Kung weird tining nila sa 'kin, ano naman? Tining ba nila, normal tingin ko sa kanila?

Habang kumakain na ako, nagulat ako nang may biglang umakbay san 'kin. Paglingon ko, si Kristan, nakangiti siya pero feel ko sarcastic ang ngiti niya. Afraid! Kasama niya pa grupo niya, sina Awin, Arvin at Melcho. Ako na ba talaga ang sunod? Ano 'to, pagdating sa 'kin di uso kampihan? Lahat ako kalaban?

Naupo sila, si Awin inagawan pa ng upuan yung isang estudyante sa kabilang table para may maupuan siya. "Hi!" bati niya sa 'kin.

"Mukhang masarap ang kinakain mo, hah?" tanong ni Kristan. Tumango lang ako.

"Share mo naman." Si Arvin. Tumango ako.

"Kain kayo." Alok ko at ginitna ko ang tray na may pasta, fried chicken, burger at soft drinks.

"Kilala mo kami, di ba?" si Awin. Tumango lang ako.

"Order ka pa. Kulang sa 'tin 'to." Utos ni Melcho habang kagat na yung burger. Kasing kapal ng mukha niya yung burger.

Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Kristan. "Mahiya ka naman sa babae, pre. Tsaka kaibigan ko na 'to si Chelsa. Ikaw na mag-order." Suggest niya.

Tumayo si Melcho. "Okay, pera?"

"Chelsa my friend, bigyan mong pera si pareng Melcho." Sabi sa 'kin ni Kristan at tinapik-tapik pa ako sa balikat.

Bigay naman ako. Diyos ko. Parang maiihi ako! Waaaahh! Gusto kong sumigaw kaso baka tampalin ako ng mga 'to? Wala man lang sumaklolo sa 'kin. Pinagtinginan lang kami. Ano ba talagang nagawa ko sa kanila?

"Ba't parang natatakot ka? Di ba friends na tayo?" sa boses ni Kristan para na akong nahuhulog sa kumukulong tubig.

"Harmless ka ba ngayon." Diretsong tanong ko. Pinagtawanan nila ako.

Tiningnan ako ni Kristan sa mata. "Malamig bang soft drinks na 'to?" tanong niya. Ibang Kristan na talaga ngayon ang nakikita ko.

"Oo." Matipid na sagot ko. Kung may exit button dito pinindot ko na.