webnovel

CHAPTER 6: TRAGIC REVELATIONS

"HOLD my hand..." marahang turan ni Ashton. Inilahad nito ang palad kay Celina upang alalayan siyang bumaba sa kotse nang makarating sila sa venue ng party.

Inabot naman niya ang kamay nito't tahimik lang na sumunod.

Alam niyang pakitang-tao lang ang mga kilos ni Ashton sa harapan ng mga kakilala nito. And he was damn good at that-a perfect user!

"Never utter a word until I told you. All you have to do is nod here, and nod there; smile here, and smile there. Hi, hello, and nice to meet you lang ang mga salitang papayagan kong sabihin mo. Also, never answer questions! I will answer all of their questions hanggat makakaya ko. So, tumahimik ka lang."

"Okay," tipid niyang tugon. May magagawa pa nga ba siya? She has no rights to say 'no' anyway.

"At hanggat maaari, 'wag na 'wag kang mawawala sa paningin ko! Hinding-hindi ko rin mapapayagang gumawa ka ng anumang kalokohan sa party. You understand?"

"Okay."

"And l-let's, at least... pretend that we're happily married couple."

"Okay."

Naalala niya ang mga habilin sa kanya ni Ashton noong nasa sasakyan pa lamang sila habang papunta sa venue.

Sinisiguro nitong magiging maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa for the sake of his good public image.

"Let's go," ani Ashton, at iginiya na siya nito papasok.

Sa gate pa lang ng residential house ay mahigpit na ang seguridad. Ang isang invitation card ay good for two person lang. At kailangan pang i-base sa larawang nasa loob ng card na iyon ang pagkakakilanlan ng mga inimbitahang bisita bago iyon tuluyang tanggapin ng mga security.

Alam na niyang isang birthday party lang naman ang gaganaping pagdiriwang. Ngunit, nagtataka pa rin siya sa pagiging ganito kagarbo at kahigpit pagdating sa pagkilatis ng mga bisita.

Mayamaya pa'y tumambad na sa kanya ang isang napakalaking bahay. Mansyon na itong maituturing kung laki lang ng bahay ang pag-uusapan. Nagniningning ang kabuuan nito ng gabing iyon.

Napaka-prestihiyoso nang pagkakaayos ng mga dekorasyon. Halatang pinaghandaang mabuti ang bawat detalyeng gagawin sa paligid. Magmula sa mailaw na harden, catering team, hanggang sa estado ng mga bisitang naroon upang kumpletuhin ang pagdiriwang. It shows elegance and power. Nagpapakita rin na hindi basta-basta ang nakatira rito. At lalo na ang taong magdiriwang ng kaarawan.

Pansin din niyang kalimitan sa mga bisita'y matatandang negosyante na sa tingin niya'y hindi bababa sa apatnapu't lima ang mga edad.

Iilan lamang ang nakikita niyang nasa lebel ng kanilang edad. Ngunit, ang mga ito'y tila nagtataglay din ng mabibigat na pangalan sa business industry. Sa mga kilos pa lamang at kung paano makipag-usap sa ilang matatandang naroon ay kitang-kita na niya ang layo nang narating ng mga ito.

"Oh, Mr. and Mrs. Gamara!" Isang malakas na pagtawag ang umagaw sa kanilang atensyon. Nagmumula iyon sa crowd ng harden. Ngunit hindi na nila kailangan pang hanapin ang nagmamay-ari ng boses na iyon dahil ito na mismo ang lumapit at sumalubong sa kanila. "I'm glad you came!"

Isang matandang lalaking tama lang ang pangangatawan, at mukhang hindi nalalayo ang edad sa kaniyang ama ang bumating iyon. Agad itong nakipagkamay sa kanyang asawa.

"Happy birthday, Mr. Reynolds! Ang regalo kong mahirap dalhin ay ipapadala ko na lang," pabirong bati ni Ashton. Malapad ang pagkakangiti nito na sinuklian naman ng matanda ng isang malutong na tawa.

"So... this is your wife!" Baling naman ng matanda sa kanya't inilahad ang palad para makipagkamay na agad naman niyang tinanggap.

Isang matamis na ngiti ang ipinagkaloob niya sa matanda at tipid lamang na pagbati. "Happy birthday!"

"Thank you!" anito.

"Oh, yes!" Noon lang tila naalala ni Ashton na kasama siya nito. "Her name is Celina. Daughter of Mr. Ronald Zealcita."

"Really? Hindi ko akalain na may anak palang ganito kaganda si Ronald! You must be so lucky, Ashton..." Bahagya nitong kinindatan ang kanyang asawa bago muling tumingin sa kanya.

"You're right! It's like winning a lottery!" he enthusiastically said. Mabilis din siya nitong inakbayan at kinintalan ng halik sa noo.

At muling nagsalo nang tawanan ang dalawang lalaki. 'Napaka-fake talaga! Tsk!' Anas niya sa sarili.

"It's really good to see a sweet couple on my birthday! You reminded me my younger years being married. Ganyan na ganyan kami ka-sweet ng asawa ko. Pero ngayon... hindi na." At muli itong tumawa. "Masyado ng conservative ang misis ko dahil matatanda na raw kami!"

'Kung alam mo lang ang definition ng "sweet" para sa aming dalawa ni Ashton... Malamang hinding-hindi mo sasabihing ganito ang relasyon niyo ng asawa mo!' Kinimkim na lamang niya sa loob ang mga salitang ito.

"Maybe... she'll too become more like your wife twenty years from now!" muling biro ni Ashton.

Natawang muli ang matanda. "Naku! 'Wag mo nang pangarapin! Paano ba 'yan... maiwan ko na muna kayo, ha? Comfort yourselves and enjoy the night!" Bahagya nitong tinapik ang balikat ni Ashton. Pagkuwa'y tuluyan na silang iniwan para salubungin naman ang ibang mga bagong dating na bisita.

"Good job!" mayamaya pa'y bulong ni Ashton sa kanyang tainga. At sarkastikong ngumiti.

"Puwede na ba tayong umupo?" mapakla niyang tanong. At pa-simpleng inirapan ang asawa.

"Sure! As you wish, Babe..." Hindi pa rin maalis ang nakakalokong ngiti nito kaya lalo lang siyang naaasar. Palinga-linga rin ito sa paligid na tila pinag-aaralan ang bawat kilos ng mga bisitang naroon.

Maraming mata sa paligid kaya alam niyang ingat na ingat ang lalaki sa bawat kilos nito.

NATAPOS na ang unang bahagi ng pagdiriwang. Karamihan sa mga medyo bata-bata pa'y hindi na maalis sa dance floor. Ang ilan nga'y tangan pa ang kanilang alak habang nagsasayaw.

Nagsasaya na ang lahat. Samantalang si Celina ay bagot na bagot na sa kanilang lamesa. Sa bawat kilos din niya'y nakamatyag ang mga mata ni Ashton. Hindi rin ito umaalis sa kanyang tabi. May ilang mga kakilala na rin itong kinausap doon upang pawiin ang pagkabagot nito dahil ni ayaw naman siya nitong kausapin o yayain man lang para sumayaw.

"Excuse me."

Napalingon kaagad si Celina sa nagmamay-ari ng tinig na iyon. Kung gaano siya kabilis na napalingon ay ganoon din ang kanyang asawa.

"Ahm... Naka-istorbo ba ako?" muling turan ng lalaking lumapit sa kanila. Pamilyar sa kanya ang mukha nito, ngunit hindi lang niya eksaktong maalala kung saan niya ito nakita.

"What do you want?" pagkuwa'y mapaklang tanong ni Ashton. Seryoso rin ang mukha nito.

"I guess, the atmosphere over here is getting boring," tahasang turan ng lalaki. "I'm just planning to save the beautiful lady sitting next to you... Besides, the music playing was so inviting. So, would you allow me to have a dance with your wife?" sarkastikong pahayag ng lalaki. Mapang-asar din ang mga ngiti't titig nito kay Ashton.

Mabilis niyang sinulyapan ang asawa upang makita ang reaksyon nito. And to her surprise, nakita niya ang galit sa mukha nito. Na parang gustong-gusto ng sapakin ang lalaki pero nagpipigil lang ito.

"Hindi ako nagpapahiram ng pag-aari ko!" mariing sagot ni Ashton.

"Ops! Pare, chill ka lang!" At muli itong tumawa. "Isasayaw ko lang ang asawa mo. Hindi ko siya itatakbo. May masama ba ro'n?"

Hindi umimik si Ashton. Sa halip ay tinitigan naman siya nito ng masama.

"Bakit hindi na lang natin tanungin si Celina kung gusto niya?" Baling ng lalaki sa kanya.

Noon lamang siya nalinawan kung sino ang lalaking ito. Naaalala na niya. Ang lalaking nagpangiti sa kanya noon. "Jess?" Paniniguro niya.

"We met again..." malapad ang pagkakangiting tugon nito.

"Ikaw nga!" Sinuklian din niya ang mga ngiti nito. Ngunit agad din naman niyang binawi nang mapansin ang madilim na mukha ng kanyang asawa. "A-ahm... Hindi ko gustong sumayaw. Actually, kanina pa nga niya ako niyayaya pero ako lang ang may ayaw talaga. I'm sorry, but, I prefer to stay here," pagdadahilan niya. Masama ang makagawa siya ng pagkakamali ngayon. Ayaw na niyang ilagay pang muli sa piligro ang kalagayan ng kanyang ina.

"Oh, sayang naman..." Umiling-iling ang lalaki na tila nalungkot. "Are you sure?"

Tumango na lang siya bilang tugon. Hindi niya gustong nakikita ang galit na mukha ng kanyang asawa. Kinatatakutan na niya iyon, lalo na kung para sa kanya ang galit nito.

Mayamaya pa'y may isa na namang lalaki ang lumapit sa gawi nila. Nagtungo ito sa tabi ni Ashton at malumanay na nagalita. "Mr. Gamara, pinatatawag ka ni Chairman."

"Okay."

"And it's a private matter, Sir," muling turan ng lalaki nang akmang aalalayan na ni Ashton si Celina para tumayo.

"But, she's my wife, anyway," giit ng kanyang asawa.

"I'm sorry, Sir." Iiling-iling ito. Halatang sumusunod lamang sa utos.

"I'll take care of her. Don't worry," sabat naman ni Jess.

"Fine. Can I talk to her for a moment?" Ngunit hindi na nito hinintay pa ang sagot ng lalaki at agad na siyang hinila patungo sa 'di kalayuan.

"Behave yourself, Celina!" mariing bilin nito. "Hindi ako magtatagal. At oras na bumalik ako sa table natin na wala ka ro'n, matitikman mong muli ang galit ko!" Tumalikod ito sa gawi ng dalawang lalaki upang itago ang kanilang reaksyon.

"Hindi kita gustong galitin," tanging nasabi niya.

"Good! Mabuti't nagkakaintindihan tayo. And one more thing... don't mess around. Hindi ko gusto ang Jess na 'yon kaya hanggat maaari ay iwasan mo siya! Okay?"

"Okay..."

Bahagyang tumango-tango ang lalaki. Pagkuwa'y hinawakan siya nito sa kamay at iginiya na pabalik sa kanilang table. Bahagya pa niyang ikinagulat ang ginawa nito ngunit sumunod na lang din siya.

"Hindi ako magtatagal, Mahal ko..." Matamis itong ngumiti sa kanya at walang pasabing bigla siyang hinalikan sa labi. The supposed to be smack kiss, turned out to be a little bit longer in a few seconds.

Sa kabilang banda nama'y mahigpit na naikuyom ni Jess ang mga kamay sa nasaksihang iyon.

Hanggang sa nakaalis na si Ashton ay natitigilan pa rin si Celina. Kakaiba ang dulot na kiliti noon sa kanyang puso. Ngunit, nang matauhan ay mabilis niyang pinalis ang naramdamang iyon. Hindi iyon maaari. Hindi siya dapat makalimot na napakalaki ng kasalanan ng lalaking iyon sa pamilya nila.

ILANG SANDALI na tahimik lamang sina Celina at Jess sa kanilang kinauupuan. Si Jess na hindi mapagkit ang mga titig sa kanya, at siya naman na halos umikot na ang mga mata sa paligid huwag lamang matitigan ang lalaki. Napaka-awkward ng sitwasyon nilang dalawa. Isa pa, naiilang siya sa mga titig nito na para bang maaari siyang matunaw doon.

Mayamaya pa'y natawa ng malakas ang lalaki. "Ang cute mo!" bulalas nito.

"A-ano?" nagtataka niyang tanong. Sa wakas ay hindi na niya napigilang tumingin dito. Pakiramdam niya'y bigla rin siyang pinamulhan ng mukha.

"What was that acting? You're treating me like a stranger na para bang... ito pa lamang ang una nating pagkikita."

"A-ah... sorry, Jess. K-kasi..."

"Does your husband threaten you? And that you have to avoid me?" pambubuko nito.

"No! It's not that... j-just..." Ilang ulit niyang tinangkang gumawa ng dahilan ngunit hindi niya magawang mag-isip ng matino dahil sa mga titig nito.

"Okay. Since, ayaw mo naman akong paunlakan ng isang sayaw... maybe, you should see this." Ipinatong nito ang sariling cellphone sa kanilang lamesa at itinuro ang larawang naka-display sa screen. Bahagya rin nitong ini-usog iyon sa kanyang harapan.

"Palma's Hospital?" Binasa niya ang pangalan ng ospital na nasa larawan. Puno pa rin siya ng pagtataka. Ano kaya ang nais nitong sabihin?

"Touch slide the screen..." utos nito.

At ginawa naman niya iyon.

Natigagal siya sa nakitang sumunod na larawan. Naitakip niya ang mga kamay sa bibig at hindi napigilan ang maluha. "M-mommy..." gumagaralgal niyang sambit nang makilala ang nasa larawan. Nakakalbo na ang ulo nito at payat na payat na ang pangangatawan. Halos hindi na nga niya ito makilala kung wala lang ang kanyang ama sa tabi nito.

Inilapit ni Jess ang upuan sa kanyang tabi at laglag ang mga balikat na napabuntong-hininga.

"Ang alam mo'y nasa Saint Luke's Hospital siya, hindi ba? But it's not. Two months na siyang naka-confine sa pampublikong ospital na iyan... na ginagastusan mismo ng iyong ama. Dahil two months na rin silang hindi nakakatanggap ng medical support mula sa asawa mo. And I'm so sorry to tell this... but you have to know..."

"What is it?" Rumihistro na ang galit sa kanyang mukha dahil sa mga nalaman. At ngayon ay dapat nang mabunyag ang lahat.

Huminga muna ng malalim ang lalaki bago diretsong tumingin sa kanyang mga mata. Hinawakan din nito ang kanyang mga kamay na nakapatong sa mesa at mahigpit iyong pinisil.

"Stage four na ang cancer ng mommy mo, Celina... Hindi kasi naging tuloy-tuloy ang chemotherapy niya dahil sa kakulangan ng budget ng dad mo."

"Hindi... Hindi!" Mabilis siyang tumayo at nagtatakbo palayo.

Agad naman siyang sinundan ng lalaki sa bahagi ng harden na malayo na sa mga tao--kung saan siya nagtungo.

Umiiyak na napasalampak na lang ng upo si Celina sa naroong bermuda grass. Ayaw niyang paniwalaan ang lahat nang sinabi ng lalaki sa kanya. Hindi niya iyon kayang paniwalaan. Hindi puweding sa loob ng dalawang buwang pananahimik niya't pagsusunod-sunuran kay Ashton ay niloloko lang pala siya nito.

At ayaw din niyang tanggapin na ganoon na ang kalagayan ng kanyang ina. Ang sakit-sakit. Parang dinudurog ang kanyang puso sa tuwing maaalala ang larawang nakita niya.

Wala siyang magawa ng mga sandaling iyon kundi ang umiyak na lang nang umiyak.

...to be continued