HER POV.
Hola, Tuesday!
Kasalukuyan akong nag-bibihis ngayon para pumasok sa University. Mag-lalakad lang ata ako ngayon dahil wala pa rin si kuya. Ang tagal nya ng wala ah. Nasan na kaya 'yun?
"Good morning, Ma! " bati ko kay Mama pagka-baba ko.
"Good morning din, anak. How's your sleep? " tanong ni Mama. Ako naman ay umupo na at kumain.
"Okay naman po, Ma. " sagot ko.
"That's good, anak. " sabi ni Mama. Kumain na lang kami at pag-tapos nun ay nag-toothbrush na ako.
"Ma, alis na po ako. " sabi ko kay Mama pag-tapos kong mag-sipilyo. Nag-mano ako kay Mama saka ko sya hinalikan sa pisngi.
"Ingat, baby. " sabi nya. Umalis na ako at saka nag-lakad-lakad.
La la la ~
Habang nag-lalakad ako ay may nakabangga sakin.
"Aray ko naman! " singhal ko. Nakita ko ang nakabunggo sakin. Isang lalaki na nakabonnet tapos nagi-skate board. Akala ko hihinto sya pero hindi. Wengya 'to!
"Hoy lalaking naka-skate board! " sigaw ko sa kanya. Narinig nya siguro ang sigaw ko dahil napahinti sya saka lumingon sakin at hutanessss! Ang gwapooooooo!
"What? " cold nyang tanong.
"Hindi ka man lang ba magso-sorry?! " sigaw ko sa kanya. Kailangan hindi ko ipahalata sa kanya na gwapong-gwapo ako sa kanya.
"Sorry for what? " tanong nya ulit.
"Hello?! Nabangga mo po ako! Di mo na-feel? Ano? Manhid lang ang peg? " sabi ko sa kanya.
"Can you please lower your voice, you're so loud. " pagrereklamo nya. Bakit ba lahat na lang ng nakikilala kong lalaki mga inglisero? 'Yung totoo?
"Hoy! Wag mo'kong ma-english-english dyan ha? Mag-sorry ka sakin! " singhal ko sa kanya. Nako! Ang aga-aga binibwiset ako ng lalaking 'to!
"Tss. " sabi nya at..
.
.
.
.
.
.
.
Tinalikuran ako?! Bastos 'to ah!
"Hoy, kinakausap pa kita ha? Bastos ka ah! " sigaw ko ulit sa kanya. Humarap naman ulit sya sakin. Akala ko magso-sorry na sya sakin pero mali ako.
"Hindi ako bastos, ang bastos nakatuwad. " sabi nya at nag-skateboard na ulit.
Aba't--!
"Bwiset! "
Nasigaw ko na lang. Makita ko lang talaga ulit ang lalaking 'yun, masasapak ko 'yun.