webnovel

The Gangster Prince and I

Clarisse Grahams is an 18 year old high school introvert student. She conidered herself as an average type of girl, she doesn't want attention from other people, but unfortunately, her life changed when Jackson Laerin, the Gangster Prince, came into her life.

Ellaine_Mojado · Khác
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

15: Heart Attack

HER POV.

Pumunta ako sa bintana at sumilip dito. Waaaaaaah! Pagabi na!

"Hindi mo pa rin ba mabuksan?" Tanong ko kay mamang inglisero. Idiot na nga lang, ang haba ng tawag ko sa kanya eh. Napapagod lang ako.

"Nakikita mo namang hirap na hirap din ako, diba? Stupid." Sagot nya sakin.

"Malay ko ba." 'Yan na lang ang nasabi ko saka umupo sa higaan nya. Kinuha ko ang cellphone ko at ite-text sana si Mama kaso..

"Waaaaaah! Bat ngayon ka pa na-lowbat? Asar naman oh!" Pagrereklamo ko.

"You're so loud, stupid. Shut up, okay?" Sabi ni idiot saka tumabi sakin.

"Uy, buksan mo na. Gusto ko ng umuwi." Sabi ko sa kanya.

"I'm tired. Tao din ako, napapagod. Kung gusto mo, ikaw ang mag-bukas." Sabi nya saka humiga sa higaan nya. Tumayo ako saka lumapit sa pinto.

Pinilit kong buksan ito pero ayaw talaga. Huhuhu! Mama,tulong!

"Let's just wait until tomorrow." Bigla nyang sabi.

"No, we can't, I can't!" Sigaw ko. Hindi pwedeng bukas pa ako uuwi. Magagalit si Mama tsaka hindi pa ako nakakainom ng gamot ko.

"Don't shout at me, woman! Wala naman akong gagawin sayo eh, hindi kita gagalawin kung dito ka muna hanggang mabuksan 'yan pinto!" Sigaw rin nya habang nakasandal dun sa headboard ng higaan nya.

"Hindi mo kasi naiintindihan! Oo, wala kang gagawin sakin, I know that pero baka mamatay ako dito ng wala sa oras!" Sigaw ko. Naramdaman kong pasikip na ng pasikip ang dibdib ko pero hindi ko 'yun pinahalata sa kanya. Natatakot na ako. I'm scared, baka dito pa ako atakahin. Ayokong malaman ng kahit sino na meron akong sakit sa puso.

"'Wag kang OA, stupid! Anong akala mo dito, impyerno? Oo, may ugali akong demonyo but I'm not going to kill you!"

"Hindi mo kasi naiintindihan!" Sigaw ko kasabay ng pagpatak ng luha ko. Bwiset naman oh! Hindi ako pwedeng umiyak dahil baka lalo lang akong atakahin nito.

"Then ipaintindi mo sakin!" Sigaw nya rin.Tumungo ako.

"I can't." Tanging sagot ko at unti-unting naupo sa sahig habang nakahawak sa dibdib ko. Hindi na ako makahinga.

"What's happening to you?" Tanong nya.

"M-medicine." Tanging sagot ko. Naninigas na ang mga kamay at paa ko. Hindi ko na magalaw ng maayos.

"What?!" Tanong nya.Halatang nagpapanic na.

"M-medicine.."

"Hey, stupid! Wake-up! Hey!" Ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay.