webnovel

PROLOUGE

October 6, 1994

Nagising ang batang si Hikaru dahil sa katok na nanggagaling sa front door nila. Lumabas si Hikaru sa kwarto niya at nagmadaling bumaba ng hagdan. Binuksan ni Hikaru ang pintuan ng bahay nila, pagkabukas niya nakita niya ang isang babaeng nakaschool uniform na punong puno ng sugat at pasa. Humingi ng tulong ang isang babae kay Hikaru. Natatakot man si Hikaru pero pinapasok niya ang babae sa kanilang bahay.

"Uhm. Ano pong nangyari sayo?.."

Tanong ni Hikaru sa babaeng nakaschool uniform.

"Ma-may mga humahabol sakin na lalaki... Papatayin nila ako!!"

Sabi ng babae kay Hikaru na takot na takot.

"Papatayin ka?!. Bakit ka nila papatayin?"

Gulat na sinabi ni Hikaru sa babae.

"Saka bakit nakauniform parin po kayo gabing gabi na? May pasok paba ng gantong oras?" Sunod na sinabi ni Hikaru.

"May kompetisyon na palakasan ng talino. Ako ang napili ng school na ilaban para sa kompetisyon na iyon. Ginawa ko ang lahat ngunit nabigo akong makuha ang panalo. Nang matapos na yung kompetisyon may mga sumundo sa akin ang sabi nila pinadala daw sila ng school para ihatid ako sa bahay. Pinasakay nila ako sa Van pagkatapos nun nagising nalang ako na nakatali at nasa isang madilim na lugar. May mga lalaking bumugbog sa akin kaso hindi ko nakita ang kanilang mga mukha, pagkatapos nila akong bugbugin tinanggal nila ang tali ng mga kamay ko at dun ko na sinimulan tumakbo..."

Kwento ng babae kay Hikaru.

Hindi nakapagsalita si Hikaru dahil sa kwento ng babae. Pagkatapos ng ilang sigundo biglang tumili ang babaeng nakaschool uniform at sa sobrang lakas ng tili ng babae napapikit si Hikaru. At pagdilat niya ng mata nagulat siya dahil nasa kama parin siya.

"Panaginip lang ba yon?"

Tanong ni Hikaru sa Sarili.

Narinig ni Hikaru ang tunog ng kotse ng pulis na nanggagaling sa labas ng kanilang bahay. Sumilip si Hikaru sa bintana ng kwarto at nakita niya ang kanyang ina sa harap ng kanilang bahay. Lumingon si Hikaru at laking gulat nya ng makita niya ang babaeng nakaschool uniform na patay na ang puro dugo ang katawan.

Nagmadaling lumabas ng bahay si Hikaru at nang paglabas niya ng bahay nilalagay na sa ambulansya ang bangkay ng babarng nakaschool uniform.

"Magiimbistiga po kami sa pangyayaring ito. Maraming salamat po sa inyong kooperasyon Maam. Aalis na po kami."

Sabi ng pulis na nagcheck sa katawan ng babae.

Pagkatapos umalis ng mga pulis, napansin ni Hikaru ang isang nametag.

"Alexa Hansley? Hindi kaya galing ito sa babaeng nakaschool Uniform?.."

Sabi ni Hikaru sa Sarili.