webnovel

The Former Villain

I am Jax Blaine. I already forgot this feeling long time ago. Caring and loving someone is already deleted in my vocabulary. Unfortunately, didn't expect I felt those things again because of that lady.

Parisfrans99 · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
57 Chs

Chapter 54

Kitkat's POV

Sabado na ng tanghali ngayon at mag-isa lang ako sa condo dahil naka-duty ng full-time ang engot sa coffee shop. Wala sa mukha niya ang pagiging hardworking kaya nagugulat pa rin ako.

Nandito ako ngayon sa room ni Jax... at nakakalungkot dahil alam kong hindi na siya rito tumutuloy. 'Yong pag-alis niya noong isang gabi n'ong nasa convenience store kami ay isa sa nagpapabagabag sa aking isipan.

'So pumunta siya kung nasaan ako? Sinusundan niya ba kami? Or anong iniisip niya? Bakit hindi niya ako nilalapitan?'

Mga tanong na iyon ang mga dahilan kung bakit hindi pa rin ako makatulog nang maayos.

Narinig ko namang may nag-doorbell kaya kunot-noo kong nilapitan ang pinto tsaka binuksan.

"Anong ginagawa mo dito?" naiinis kong bungad sa kanya. "Umalis ka na! Ayoko nang makita pa ang pagmumukha mo!"

'Alam niya ding dito na ako tumutuloy?'

Isasara ko na sana ulit ang pinto nang bigla niyang hinarang ang kanyang kamay dahilan na ikinagulat ko.

"Please! Kitkat!"

"Umalis ka na, Clark! Hindi mo ba naiintindihan? Galit na galit ako dahil sa ginawa mo! Ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo! Kasalanan mo ang lahat kung bakit galit na galit si Jax sa akin!"

At mas nagulat pa ako nang pilit niyang pumasok sa loob. Dahil mas malakas siya sa akin, napaatras ako nang pilit niyang buksan ang pinto.

"A-anong ginagawa mo! Anong nangyayari sa 'yo! Naging desperado ka na!"

Bigla kasi siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang aking kamay nang napakahigpit.

"I'm begging you! Please tell Jax Blaine to do not kill my baby!"

Nanglaki ang aking mata nang maalala ko ang sinabi ni Noreen sa 'kin noon na buntis siya at si Clark ang ama.

"I'm sorry that I did that to you last time! I was out of my mind! I was so afraid to let you go! I wasn't aware that Noreen's pregnant that day! Please not my baby!"

"A-anong pinagsasabi mo! H-Hindi kita maiintindihan!"

Kung hindi ako makapaniwalang makita si Clark noon na umiiyak sa harapan ko, mas hindi ako makapaniwala sa mukha niya ngayon. Sobrang desperado at sobrang layo na ng kanyang itsura sa Clark na kilala ko.

Ngayon ko lang din napansin na may mga bandage 'yong braso at ibang bahagi ng katawan niya. May pasa pa siya sa mukha at alam kong pinagsisipa at pinagsusuntok siya.

Napasinghap ako nang muli kong maalala ang sinabi ni Noreen. Na tino-torture ni Jax si Clark sa harapan niya.

'Siya ba ang may gawa nito kay Clark?'

"It's fine for me that Jax Blaine will hurt me brutally! I know it's my fault but I can't ignore that he threaten me using my baby!"

'Si Jax?'

"Alam niya na ba ang totoong nangyari? Na pinilit mo akong halikan?"

"I... I couldn't afford to bring it up to him! Because if he'll know about it, he will really kill Noreen! If that happens...my baby..."

Muli kong naalala ang sinabi ni Alfonso. 'Ibang-iba na ngayon ang Jax Blaine mo... Inaway niya kami ni Kernel...'

Gulong-gulo na ang aking isipan at nalilito na ako sa nangyari. Pero isa lang ang sigurado ako, sobra siyang naapektuhan sa nakita niya! Na nakita niyang nagkahalikan kami ni Clark!

Akala ko kilala ko na talaga siya. Pero 'di ko man lang alam na malaking epekto sa kanya si Clark. Ilang beses na niyang binanggit si Clark sa akin. Lalo din 'yong time na sinabi kong nag-aalala ako rito at nahuli pa niya akong gustong tawagan ito.

Mabilis kong pinatayo si Clark at pilit na hinila siya sa labas.

"Wala akong pake sa 'yo! Umalis ka na rito!" buong lakas ko siyang hinila sa labas.

"Umalis ka na bago pa tayo makita ni Jax dito!"

Mas mabuti nang maingat. Alam ko namang hindi na umuuwi si Jax dito. Alam ko ring wala namn talaga kaming ginawang masama, pero kung si Jax ang makakakita sa amin, alam kong mami-misunderstand na naman niya. Lalo pa't ayaw na ayaw niya kay Clark. Ayoko na siyang bigyan pa ng rason na masaktan at magalit sa akin!

Kung nakakamatay man ang tingin, siguro napatay ko na siya lalo pa't hinawakan pa niya ang kamay ko para pigilan.

"I know he's not living with you here anymore that's why I came to you this time to ask those favor! Please Kitkat!"

"Oh really? So that you can have the time to be alone in my own condo?"

Pareho kaming natigilan nang marinig iyon at agad na napatingin kay Jax na nakangisi sa aming dalawa.

'Bakit sa pagkakataong ito, minalas ako?'

Pumasok naman siya sa loob ng condo nang hindi ako tiningnan at parang wala lang sa kanya ang nakita niya. Pero alam kong hindi siya kalmado, nararamdaman ko ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Lalo pa't sinulyapan pa niya si Clark bago isara ang pinto.

Susundan ko na sana siya nang hinawakan ni Clark ang braso ko. "Please I beg you to convince him to not kill Noreen and my baby!"

Kinuyom ko naman ang isa kong kamay at isinampal sa kanyang mukha. Wala akong pake sa gulat niyang reaction. Wala akong pake kahit nakakaawa ang itsura niya ngayon.

"Pakiusap Clark! Ako ang magmamakaawa sa 'yong layuan mo na ako! Wag mo na akong lapitan at guluhin pa! Huwag mo nang dagdagan ang lahat ng nagawa mo sa 'kin! Huwag ka nang magpapakita pa sa akin!"

Iniwan ko naman siya sa labas tsaka agad na pumasok sa loob para sundan si Jax pero napatigil naman ako sa paglapit nang makita siyang nakaupo sa sala. Nakapatong ang dalawa niyang siko sa sandalan ng sofa at nakapikit ang kanyang mata.

Binalot ako ng kaba habang dahan-dahang  lumapit sa kanyang harapan. Bakit parang mas nakakatakot siya ngayon kumpara sa itsura niya noong nakita niya kaming dalawa ni Clark na nagkahalikan?

'Yong mga ini-imagine kong senaryo kapag magkikita kami. 'Yong mga gusto kong sabihin sa kanya, bigla na lang naglaho.

"J-Jax..." mahina kong tawag nang makalapit na ako sa kanyang harapan.

Nang dahan-dahan niyang idinilat ang kanyang mata at magtama ang paningin namin, bigla akong kinapos ng hininga at pinanghinaan ng tuhod.

Natatakot ako sa kanya.

Akala ko matutumba na ako pero nagulat ako nang bigla niya akong sinalo at hinila papalapit sa kanya. Nakita ko ang gulat niyang expression at ang mga tingin niyang may pag-aalala.

Sobrang lapit ng mukha namin at gusto ko na lang maiyak dahil nakikita kong nag-aalala pa siya sa 'kin.

Imbes na magpaliwanag ako o hihingi ng tawad, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko... Bigla ko na lang siyang hinalikan sa labi.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at para akong mababaliw sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon.

Pero...

...Muling bumalik ang matinding kaba sa puso ko nang ilang segundo ko na siyang hinalikan pero hindi pa rin siya gumaganti sa halik.

Takot akong ihinto iyon kaya mas inilapit ko pa ang katawan ko sa kanya nang hindi pinuputol ang paghalik ko. Hinawakan ko  ang kaliwa niyang pisngi habang 'yong isa kong kamay ay nakahawak sa kanyang leeg. Pinalalim ko ang paghalik, sinipsip ko ang ibabang labi niya at sa unang pagkakataon ay sinubukan ko ring ipasok ang dila ko sa loob ng kanyang bibig. Napasinghap ako sa sensasyong naramdaman ko nang mahuli ko ang kanyang dila.

May kung ano sa aking tyan. Hindi ko ma-explain. Kaya itinigil ko iyon at nag-focus ulit sa paghalik sa labi niya. Nakakakaba ang ginawa kong iyon! Desperada na siguro ako!

Pero hindi pa rin siya tumutugon sa halik. Huminto ako at dahan-dahang inilayo ang mukha ko sa mukha niya. Nakita kong nakapikit siya,nakabuka nang kunti ang kanyang bibig at 'yong dalawa niyang siko ay muling nakapatong sa sandalan ng sofa.

Napalunok ako ng laway nang idilat niya ang kanyang mata at tumawa siya nang nakakainsulto. Sinuri niya ang itsura ko pati na ang aking posisyon na ngayo'y nakakandong na pala sa kanya.

"This was what you're doing with him here... in my own condo. Looking like that, kissing him that way... with this position."

Unti-unting tumulo ang aking luha at nanatiling nakatitig sa kanyang walang emosyong mga mata. Hindi ako makakilos bigla. Ang sakit! Parang tinutusok 'yong puso ko sa sakit!

Binuhat niya ako paalis sa kanya at napatayo na lang ako sa harapan niya nang tumayo rin siya.

"...I've been away for days so I bet he already made a score. How many rounds you lasted with him?"

At mas lalo akong nasaktan sa klase ng kanyang tingin sa akin. Hindi ako nakapagsalita kaya umalis siya sa harapan ko.

'Nandidiri ba siya sa 'kin? Gan'on na lang ba ang tingin niya sa akin?'

Gan'ong tingin ang ibinato niya sa akin. Okay sana kung galit siya o kinamumuhian niya ako. Pero 'yong pinandidirian niya ako, hindi ko na kaya pa...

Nakita ko siyang huminto at agad na lumingon sa gawi ko kaya wala sa sariling napaiwas ako ng tingin. Natatakot akong makita ang mga tingin niyang iyon. Nanliliit ako.

Ilang sandali pa ay dumiretso na siya sa kanyang kwarto at ako naman ay parang napako sa aking tinatayuan. Ang hirap huminga... Ayokong umiyak pero kusa na lang nagsibagsakan ang mga luha ko nang walang tigil.

Kung panaginip man ito, gusto kong magising.

...

Hindi ko na nakita si Jax nang umalis siya sa condo dahil hindi na ako lumabas ng kwarto ko at kanina pa nakatulala. Narinig ko na lang kasing tumunog 'yong pinto ng room niya at ng pinto ng main door.

Nang tingnan ko kung anong oras na, nakita kong malapit nang mag-alas singko ng hapon.

Buo na ang desisyon ko, 'di ko na kaya pang tumira dito sa condo niya. Mabilis akong nag-impake at nilinis ko na rin ang guest room. Kunti lang din naman ang gamit ko rito kaya agad akong natapos.

Hindi na rin ako nagpaalam pa kay Alfonso dahil busy naman iyon. Nang makarating ako sa amin, sinulit ko ang oras para maglinis ng bahay. Natigilan pa ako nang makita ang mga pictures ni Jax sa kwarto ko.

Muli ko na namang naalala 'yong time na pumunta siya rito at kumain ng pancit canton. At sa tuwing naaalala ko siya, umiiyak ako.

Kinagabihan, tumawag sa 'kin si Alfonso pero hindi ko sinagot dahil alam kong hinahanap niya ako. Nag-text din siya pero hindi ako nag-reply. Isa pa, wala akong load. Expired na.

N'ong linggo naman, busy din ako sa pag-aayos ng mga lock. Dinoble ko ang lock ng kwarto at tatlong lock nilagay ko sa main door. Hindi na rin ako lumabas ng bahay at natulog na lang buong maghapon.

...

Monday ngayon at papunta na ako sa first class namin. Nag-bubulungan na naman ang mga estudyante nang makita ako. Pero this time, hindi na panglalait. Parang mas interested pa sila sa story namin ni Jax.

N'ong nakaraan nalaman ko pang may love story pa kami sa campus website, ginawa ng isa sa mga estudyante.

"Sabi na eh baka nag-away nga sila. Hindi ko na kasi sila nakitang magkasama!"

"Oo nga! At si Pres parang bad mood na bad mood kaya walang lumalabag sa rules dahil kunting galaw lang, binibigyan na niya ng penalty!"

"Ano kayang dahilan?"

"Ilang araw na ring lutang si Reyes, ilang beses pang napagalitan kasi lutang sa klase!"

"Pag-ibig nga naman!"

"Sana magbati na sila! Ang hirap kumilos sa cafeteria dahil sobrang higpit ni Pres!"

"Baka love triangle! Nag-aaway sila at 'yong isang gwapo rin na palagi siyang sinusundo! Ang cute nila tingnan!"

"Pero palagi din silang nagbabangayan n'ong isang 'yon kaya bestfriend lang niya siguro 'yon! Kay Pres pa rin ako! 'Di ko pa nakita si Pres na interested sa ibang babae eh!"

At kahit sa classroom, gan'on ang pinag-uusapan nila. Nasali pa sa usapan si Alfono at 'di ko alam kung bakit. At pare-pareho ang lahat ng mga kwentong gawa-gawa nila! Syempre nandoon sa campus website!

...

Bumuntong-hininga ako habang naghihintay sa engot dito sa cafeteria. Hindi sana ako pupunta dahil wala akong ganang kumain kaso nag-text ang abnoy na mag-e-eskandalo daw siya kung hindi ako pumayag. At alam kong gagawin talaga ng engot na 'yon ang mga katangahan niya!

Maski ako ay 'di ko inakalang kami ang palaging magsasama. Hate namin ang isa't-isa pero parang nasanay na lang din kami. Wala din naman kasi kaming ibang kaibigan.

'Di naman ako mapakali nang makitang pumasok sa loob ang members ng council. Ayokong makita si Jax ngayon. Aside sa natatakot akong makita siya, may parte din sa aking ayoko muna siyang makita. Nasasaktan pa rin kasi ako sa mga pinagsasabi  niya.

Paranoid na nga siguro ako. Ba't naman pupunta 'yon dito eh ilang araw na nga siyang 'di kumakain dito para lang maiwasan ako!

May mukha namang tumabi sa mukha ko. Idinikit pa niya ang pisngi niya sa akin at tiningnan ang members ng student council.

Sumimangot ako tsaka itinulak ang mukha ni Alfonso palayo sa akin. Pero gan'on pa rin, napaka-intense ng tingin niya sa mga members ng council.

"Anong ginagawa mo?"

"Ginagaya kita! Anong meron sa mga 'yan at parang may kung anong ka-engotan ang nasa isip mo?"

Pabiro ko naman siyang sinapak pero tiningnan niya lang ako nang kakaiba habang umupo sa harapan ko.

"Bakit? Hinahanap mo ba ang perpekto mong boyfriend?"

"H-hindi ah! Pinagsasabi mo diyan!"

"May nangyari ba n'ong sabado nang hindi ko alam? Ba't bigla ka na lang lumayas sa condo? Nagkita kayo ng Jax Blaine mo?"

Umiwas naman ako ng tingin. "W-walaaa! Bumili ka na ng pagkain, nagugutom na ako!"

"Sabi mo wala kang gana?"

"Ngayon meron na! Bilis! Bilis!" pagpapaalis ko sa kanya kasi 'yong mga tingin niya alam kong 'di naniniwala sa akin.

"Nakapag-usap kami ni Kernel kahapon. Tinatanong niya ang update ng boyfriend mo. Hindi ko sinabi sa kanya ang totoo kung ba't kayo nag-away. Ang gago hinuhuli pa naman ako!" kwento niya. Alam na kasi niya ang nangyari kung bakit nagalit si Jax. Sinabi ko sa kanya at pati siya ay inis na inis kay Clark. Pero ilang beses niya pang minura si Jax dahil 'di man lang daw ako pinakinggan.

Walang gana naman akong tumango. Napatingin ako sa buong cafeteria tsaka bumuntong-hininga. "Mapayapa na talaga nang nawala na ang tatlong gangs,' mahina kong sabi na ikinatango pa ng engot.

"May idea na ako kung paano mo makuha ang atensyon ng Jax Blaine mo! Tutulungan kita!" nakangisi niyang bulong kaya tiningnan ko siya nang may pagdududa.

'Ano na naman kayang naisip ng engot na 'to!'

"Himala! Noon minumura mo pa si Jax at sinabi mo pa sa aking lalayuan ko siya! Ba't tinutulungan mo na ako ngayon? Ano namang kapalit nito?"

"Kapalit agad?"

"Ganyan ka naman palagi! Tutulong ka lang kapag may kapalit!"

"Aba syempre! Nothing is free na ngayon! Ngayon lang ako tutulong sa 'yo kasi mukha ka nang patay diyan! So ano? Makikinig ka na ha?"

Nagdadalawang-isip ko naman siyang tiningnan. "Hindi ko na kailangan. Ayoko munang---"

Hinampas niya nang malakas ang mesa na ikinagulat ko at ng lahat. Napunta tuloy sa amin ang atensyon.

"Anong gina-"

"Ah! Engot ka pala! Nakakabadtrip kang engot ka!" inis na sigaw niya at bigla akong hinawakan sa braso at ikinaladkad papunta sa labas. Pinagtitinginan tuloy kami ng karamihan.

"Hoy! Anong ginagawa mo?"

Nang bitawan niya ang kamay ko bigla akong sinabunotan sa buhok na ikinagulat kong muli.

"Aray! Aray! Bitawan mo ako! Napa-praning ka na ba!" pinagsasapak ko naman siya pero ang lalaking 'to nakakainis ayaw ba naman bitawan ang buhok ko!

"Nangbibigla ka! Bored na bored ka ba at ako pinagti-tripan mo? Anong trip mo hoy! Aray! Bitaw sabi!"

Hinawakan ko naman ang kanyang buhok at hinila nang mahigpit dahilan na napaaray siya!

"Ano bang problema mo! Anong ginagawa mo ha!" sigaw ko sa kanya. Sobrang sakit ng anit ko sa lalaking 'to!

Tumigil naman siya tsaka at binitawan ang aking buhok.

"Sabi sa rules ng Jax Blaine mo, no fighting! Nilalabag natin ang rules niya!" bulong niya.

"At bakit naman!" nakapamewang kong tanong habang sinasamaan pa rin siya ng tingin.

"Hindi ko na sasabihin sa mga slow na katulad mo! Aakto lang tayong nag-aaway! Pipigilan tayo ng council at dadalhin sa office. Makikita mo na ang Jax Blaine mo!"

Huminga naman ako nang malalim at tsaka agad siyang sinapak sa ulo.

"Nangbibigla kang abnoy ka! Baliw ka! Baliw! Dinadamay mo pa ako sa kalokohan mo!" inis na inis ako habang walang tigil na sinasapak siya.

Gumaganti pa siya na mas lalong ikinakulo ng aking dugo. Alam niya namang wala ako sa mood!

Hinawakan kong muli ang kanyang buhok at buong lakas ko itong hinila na ikinasigaw niya.

"Aray! Aray! Sumusobra ka na! Engot ka talaga! Hindi mo nakukuha ang punto ko! Acting nga lang! Namemersonal ka na!"

Hinawakan niya naman ang kamay ko at pilit na pinapabitaw sa pagsabunot ko sa kanyang buhok. At hindi ako nagpatinag!

"Ikaw ang nagpasimuno nito! Wala akong pake kung makalbo ka! Ginagalit mo ako!"

"What's going on here?"

Sabay kaming natigilan nang marinig ang boses na iyon. Hindi pa nga ako nakalingon sa gawi ni Jax nang biglang hinila ni Alfonso ang kanyang buhok palayo sa palad ko pero dahil mahigpit ang pagkapit ko doon, napasabay naman ako at napasandal sa kanyang dibdib.

At hindi pa doon nagtapos dahil bigla siyang umatras palayo na parang isa akong virus na kinakatakutan niya at dahil doon sabay kaming natumba.

"Aray! Bobo ka ba! Ba't ka umatras!"

Nagulat naman ako nang pagdilat ko, nakita kong sobrang lapit ng mukha namin ni Alfonso. 'Yong bilog na bilog niyang mata mas lalo itong naging perfect circle sa pagkagulat. Naamoy ko pa ang fried chicken na kinakain niya kanina! Argh!

Sinapak ko naman ang dibdib niya bago bumangon. Pinagpag ko ang damit ko at natigilan na lang ako nang may humawak sa aking kamay. Bumilis naman ang tibok ng puso ko sa kaba o sa kanya. Sobrang higpit kasi ng pagkahawak niya!

'Pabango pa lang niya, alam kong siya ito!'

Hindi ko sinalubong ang kanyang tingin at napatingin na lang sa paligid na mas lalo kong ikinagulat. Ba't ang dami yatang tao dito?

"Diba sabi ko, effective?" sabi ni Alfonso sa 'king likuran pero hindi ko na siya pinansin.

'Ito ang naisip niya! Huhu! Kahit kailan talaga ang abnoy! Nakakahiya! Ang dami palang nanunuod! Ano kayang itsura naming dalawa kanina! Kakainis!'

Kung ngayon pang ayaw kong makita si Jax, ngayon pa niya naisip gawin 'to! Kakainis talaga ang engot! Papatayin ko siya mamaya! Ililibing ko siya nang buhay!

"You're already a college student! And you're already aware of my rules! Yet the two of you are still doing these idiotic things!"

Hindi ko alam kung galit ba si Jax o ano. Pero 'yong boses niya parang naiinis.

Napatingin ako sa kamay niyang mahigpit na hinawakan ang kamay ko habang kinakaladkad niya ako sa 'di ko alam kung saan.

Nilingon ko si Alfonso, at pati siya ay hinawakan ng members ng council. Nandito pala silang lahat. Sinamaan ko naman siya ng tingin nang ginagalaw pa niya pababa't pataas ang kilay niya nang magtama ang tingin namin.

Pero mas nakakagulat pa nang makita si Clent dito at katabi niya si Kernel na naka-uniform ng janitor at nagtatawanan pa!

Habang naglalakad kami, napayuko na lang ako sa hiya dahil lahat ng tingin ng mga estudyante ay nasa amin! Huhu! Nakita ko pa 'yong isang prof namin na babae na nakapamewang pa at umiiling-iling na nakatingin sa akin. Na para bang pinapahiwatig niyang wala na akong pag-asa! Kanina kasi pinagalitan niya ako, 'di daw ako nakikinig!

Dahil doon, muli kong nilingon ang engot at inikutan ng mata!

...

Nakayuko naman ako katabi ang engot habang nasa harapan kami ng desk ni Jax. Nandito kami sa loob ng student council at pinapagalitan kaming dalawa.

Nandito rin sa loob si Clent dahil ngayon pala siya nag-transfer sa paaralan namin. At hindi ko alam kung bakit sumama sa loob si Kernel at kunwari naglilinis pa.

'Bakit naman ngayon pa ito nangyari kung kelan iniiwasan ko si Jax!'

Siniko ko naman ang engot tsaka sinamaan siya ng tingin. "Mapapatay kita mamayang engot ka!" bulong ko.

"Effective naman!" bulong niya.

"Sinabi ko bang kailangan ko 'to ngayon!"

"So may nangyari nga talaga n'ong sabado?"

"Are you two even listening?"

Muli akong napayuko nang sabihin iyon ni Jax. Natatakot akong magsalubong ang tingin namin. Kinakabahan ako. Baka makita ko namang nandidiri siya sa 'kin. Isa pa, ayoko talagang maalala ang mga sinabi niyang iyon!

Tahimik lang ako habang sinasabi ni Jax ang penalty. Hindi naman siya gaano kabigat na parusa. Maglilinis lang daw kami ng gym mamayang uwian. May sinabi pa siya at tahimik lang akong nakikinig habang nakayuko. Ang engot naman ay angal nang angal kaya sinisiko ko minsan.

Akala ko tapos na nang natapos siya kaso bigla niya akong tinanon. "Why aren't you responding, Ms. Reyes?"

Narinig kong nagpipigil ng tawa sina Kernel at Clent pero nanatili lang akong nakayuko. Ano kayang nakakatawa?

"O-Opo, pres," mahina kong sagot at muli kong narinig ang bungisngis nina Kernel.

"Hindi pa pala sila nagbati? Mabuti naman!" bulong ng isang member na babae sa likuran ko dahilan na ikinakunot ng aking noo.

'Sabi na eh! Ayaw talaga nila sa 'kin!'

"Why aren't you looking at me?"

Wala sa oras akong napatingin kay Jax nang marinig iyon pero agad ko ring iniwas. Hindi ko rin kasi alam kung ba't ako nagkakagan'to. Parang automatic na lang kasi akong natatakot kapag magkakasalubong ang tingin namin.

'Diba ayaw niyang magpakita sa akin? Ba't ngayon gusto ko siyang tingnan?'

"Aba! Kung ako sa kanya, ba't ko naman titingnan ang gagong walang tiwala sa 'kin?"

Siniko ko naman si Alfonso nang bigla siyang sumingit.

"Hoy! Anong pinagsasabi mo diyan!" bulong ko. Tiningnan ko ang mukha niya at seryosong-seryoso siyang nakatitig kay Jax. Sinulyapan ko saglit si Jax at ganoon din siya kung makatingin kay Alfonso.

"Bakit? Totoo naman diba?" tanong niya pa sa akin. "Ikaw na nga 'yong babae. Ikaw pa 'yong naghabol. Ikaw pa 'yong nangligaw. Isang mali lang, 'di na pinakinggan ang paliwanag mo, eh ikaw naman 'yong na-harass!"

Iniwas ko ang tingin kay Alfonso nang seryoso siyang tumingin sa akin habang sinasabi iyon. Umiinit na lang bigla ang aking mata at hinawakan ko nang mahigpit ang laylayan ng kanyng t-shirt para patahimikin siya.

"T-tumahimik ka!" pagpipigil ko sa kanya.

"Ah! Hindi pala 'yon harass. Pinipilit kang halikan ng gagong 'yon kahit ayaw mo so para na ring rape 'yon! Mahal ka ba talaga ng boyfriend mo o ginagamit niya lang ang feelings mo?!"

At dahil sa sinabi niya, itinulak ko siya nang malakas tsaka nagmamadaling lumabas ng office. Naluluha na lang ako bigla at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.

...

Third Person's POV

Ilang segundong nagkatitigan sina Jax at Alfonso. Makikita na galit ang binata habang si Jax ay masama ring nakatitig sa kanya. Pero sa loob-loob ni Jax, nakaramdam siya nang matinding konsensya.

"Kung ayaw mo na sa kanya, sabihin mo! Willing kong gawin ang lahat, maka-move on lang siya sa 'yo!" pagbabanta ni Alfonso tsaka lumabas na din ng office para sundan ang dalaga. Naiwan namang tahimik ang lahat.

Pati sina Clent, Kernel, Caryll at ang iba pang members ng council ay hindi gumawa ng ingay.

Nakita naman ni Kernel ang pagkuyom ng kamao ni Jax. "Tsk! Seems like you will be the ex-boyfriend number 2," sabi niya at napapailing pa.

Nagulat naman ang mga members dahil ngayon lang nila namalayang may kasama pala silang janitor. Naka-focus kasi sila masyado kina Jax at Kitkat.

Takang-taka ang mga ito dahil sa sinabi nito. Lalo pa't hindi nila kilala ang janitor na kasama nila.

"Oh sorry! I'm Kendrick, Jax's friend. I am a janitor! A handsome one!" nakangiti niyang sabi. Labas pa lahat ng ngipin.

Hindi pa rin sila makapaniwala lalo na't nakasuot pa ito ng mamahaling relo, mamahaling sapatos at maayos pa ang buhok nito. Ngayon lang sila nakakakita ng ganito ka kinis at maputing balat ng janitor. Para itong hotelier.

"What are you two doing here?"

"Because I was hired and I am working here?" sagot ni Kernel.

"You already forgot? I am transferring here dude!" sabi pa ni Clent tsaka sinulyapan ang mga babaeng members at kinindatan.

Tiningan naman ni Kernel ang lalaking member ng council, ang kanilang auditor. Nginitian naman niya ang binata nang magtama ang kanilang tingin.

"You look familiar. Have we met before?" tanong ni Kernel. Dahil doon, napatingin sina Jax at Clent rito.

"I don't think so," simpleng sagot nito.

"Ohhh! Nag-e-english ka na pala pre? Bagay na bagay ah!" kumento ng isa pa nilang kasama na ikinatawa ng iba. Nginitian lang sila nito.

Kernel just shrugged. "Sorry! I must be mistaken," nakangisi pa niyang sabi.

"So Jaxie... want some coffee break?" Sinamaan naman siya ng tingin ni Jax.

"Tsk! Tsk! Bumabalik na ang Jaxie natin, right Clenton?" makahulugan nitong sabi na ikinatango ni Clent. "...Or is he?"

Naalala naman nilang muntik nang magpatayan silang dalawa ni Jax noong mga nakaraang araw. Noong sinundan niya ito mula sa convenience store.

...

Itutuloy...