Ikawalong Kabanata
GULAT na gulat kong pinagmasdan ang taong-aso na balisa at hindi makatingin sa akin ng maayos. He's pulling the long sleeve of his garment and trying his best to look busy.
"A-Ano?" marahas niyang tanong nang hindi ko pa rin siya nilubayan ng mga nanlalaki kong mga mata.
"Sigurado ka bang hindi ka marunong magbasa o magsulat man lang?" tanong kong muli.
Nalaman ko 'yon nang subukan kong ipabasa sa kaniya ang mga lecture na p-ini-cture-an ko sa 'king cellphone sa buong week na may pasok, tinamad akong magsulat kaya palagi ko na lang kinukuhanan ng mga picture. Sa tuwing gabi na ng Biyernes ay do'n na ako magsisimulang magsulat. Naging habit ko na rin sa pagdaan ng panahon dahil matagal ko nang gawain.
And now that I'm trying to write it down ay magpapatulong sana ako sa taong-aso na i-dictate iyong bawat salita na nasa picture, pero ito pala...
"Hindi nga, e! Ang kulit mo! Nakakainis!" Ngumuso ako nang ngumuso rin riya. "Hindi mo ako masisisi dahil iba ang mga panulat at sulating ginagamit ninyong mga tao! Hindi ganiyan ang paraan namin!" sigaw niya, saka nagsimula na namang kamutin ang kaniyang leeg.
Nangunot ang noo ko habang tinitingnan ko siya. Kanina niya pa ginagawa 'yon, a? Namumula na ang buong leeg niya at kung hindi pa siya titigil ay baka magsugat na iyon.
"Akinse, ano'ng ginagawa mo?" Bahagya akong napangiti nang makita ko siyang natigilan noong tinawag ko siya.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sanay na tinatawag siya kaniyang pangalan. Madalas ay hindi niya pansin na siya na ang tinatawag ko.
Naiintindihan ko dahil bago pa sa isip niya. Masasanay rin siya.
"B-Bakit?" Iyon at mahaba na naman ang nguso niya sa kasisimangot.
"Bakit kanina mo pa kinakamot 'yang leeg mo? Nangangati ba?" tanong ko at nilapitan ko siya na naroon sa sahig. Umi-squat ako sa kaniyang harapan mula sa pagkakaupo ko sa dulo ng aking kama.
Inalis ko ang mga kamay niyang akma na namang kakamutin ang leeg niya. Ipinatong ko ang mga palad ko sa palibot ng kaniyang leeg, I felt him flinched but I didn't care, at marahan ko iyong hinagod-hagod.
I saw him closed his eyes, parang dinadama niya ang ginagawa ko. Yumuko siya bigla, his forehead connects at my chest when he leaned forward. He purred. Hinayaan ko na lang siya at baka mag-away pa kami kung papansinin ko.
"Ano bang nararamdaman mo? Ayos ka lang?" tanong ko. I tilted my head and tried to peek at him.
Yumuko lang siyang lalo at mas pinag-igihan pa ang pagsiksik sa akin kaya mas lalong natago ang mukha niya. Ramdam ko ang kiliting hatid ng kaniyang malambot na buhok sa 'king leeg.
Ilang minuto rin kaming tahimik at nasa gano'ng posisyon lang noong tuluyan siyang sumagot.
"Hindi lang talaga sanay ang katawan ko sa pagbabalat-kayo. Kapag nagtagal sa higit na limang-araw ang pagbabalat kayo ko ay baka hindi ko kayanin at puwersahan akong bumalik sa 'king tunay na kaanyuan," aniya.
Kumunot ang noo ko at bahagyang natigilan. That means he needs a break? He has to. Iyon ang labas sa akin.
And then, realization hits me. Tumawa ako kaya kaagad siyang napatunghay sa 'kin. Nabitawan ko tuloy siya.
"A-Ano na naman?! Ba't ka tumatawa?!" iritadong sigaw niya.
"Ibig sabigin, allergic ka sa pagiging tao?" Muli akong napabungisngis. Nagagalak kong tinakpan ang bibig kong para mapigilan ang aking tawa dahil sa katapat kong masama na ang tingin sa akin.
"Ha? Aller-Ano?" naguguluhan niyang tanong.
Umiling lang ako at ginulo ang kaniyang itim na itim na buhok. He groaned and I could see the redness of his cheeks. I beamed at him.
It's amusing how pitch black his hair is samantalang ang tunay na kulay niyon ay puti. Halos kasing linis at puti ng niyebe, pero ngayon ay maiitim pa ito sa dilim.
😁
"Gusto mo muna bang bumalik sa dati? Total, nandito ka lang naman sa kuwarto ko, walang ibang tao maliban sa akin," Tingin ko'y nakita kong kumislap ang kulay ginto n'yang mga mata dahil sa sinabi ko.
Saglit akong nagmuni-muni sa isip ko habang tinititigan ang pares ng mga matang iyon.
Madalas akong makuwesiyon nina Papa dahil sa mga mata niya, masyado raw kakaiba at tingin nila'y nag-iisa lang, na siya lang, ang may gano'ng kulay na mga mata. Tinatanong nila kung may lahi ba ang taong-aso. Hindi ko naman masabi sa kanila na talagang iba ang lahi niya kumpara sa amin dahil hindi siya tao.
"P-Papayag ka?" Parang bata itong nag-abang sa isasagot ko.
"Ba't naman hindi? Mukha naman kasi talagang hindi ka kumportable. Mabuti at napansin ko."
Ngumuso siya at nagsalubong ang mga kilay niya. Ngayon, pati yata ang kaniyang ilong ay namumula na.
"He! S-Sabihin ko naman dapat sa 'yo na ibalik ba 'ko sa dati dahil kanina pa 'ko kating-kati. I-Inunahan mo lang ako!" he defended. Ngumiti lang ako ay hindi na pinansin pa ang pagiging mahiyain niya.
"So... Ano 'yong dapat kong sabihin para maibalik ka?" Inangat ko ang palad ko sa pagitan naming dalawa.
Umupo naman siya ng maayos at mukhang inire-ready ang sarili. Sinubukan kong tumayo para maging pormal, pero hinawakan niya lang ang braso ko at sinabing ang posisyon namin ay ayos lang.
"Basta, sundin mo lang ang bawat salitang papasok sa isipan mo. I-sentro mo lamang sa akin ang iyong atensiyon."
Pumikit siya, pati na rin ako ay napasunod. Dinama ko at pinakinggan ang mga salitang unti-unting nagiging malinaw sa 'king isipan noong maitapat ko sa kaniya ang palad kong unti-unting nagliwanag.
Parang may mga bumubulong sa akin...
"Sagre hishte, kurum padratehnkan!"
Ramdam ko ang init na naggagaling sa aking palad. Sobrang init. Pakiramdam ko ay may nakatapat na apoy sa kamay ko kaya hindi ko mapigilang hindi magmulat ng mga mata.
Nasaksihan ko kung paanong unti-unti nabubura ang replika ng sagisag ni Akinse sa kaniyang leeg. Parang mga abo na sumasabay sa hangin habang ang asul na liwanag ay palabo nang palabo hanggang sa magbalik siya sa dati niyang anyo.
Nagmulat si Akinse ng mga mata at nagtama kaagad ang mga tingin namin. Nginitian ko siya at hinila ang kaniyang mga taingang nasa tuktok ng kaniyang ulo.
"Ang cute mo talaga sa mga taingang 'to! Para kang naka-headband!" Tumawa ako, pero galit na pinalo niya ang aking mga kamay.
Mas natawa na lang tuloy ako dahil sa pagsusungit niya. Humahaba na naman ang nguso niya, kasisimangot.
Halata namang tuwang-tuwa siya sa pagbabalik n'ya sa dati. Sa sandaling mailayo niya ako sa kaniya, ang kaniyang mga buntot ay kaagad na bumalot sa kaniyang katawan at niyakap niya ang mga 'yon na para bang isang malambot na stuff toy.
Ang tagal ko siyang pinagmamasdan. Hindi niya talaga tinigilan ang panggigigil niya sa sarili niyang mga buntot, kulang na lang ay parang aso niyang habol-habulin 'yon sa likuran niya.
Ano naman kayang gagawin namin ngayon?
"Alam ko na!" I exclaimed, kinamao ko ang aking kanang palad nang may maisip akong matinong gagawin. "Tuturuan na lang kita kung paano isulat ang pangalan mo."
"Ha?" He scowled at me, napahinto siya sa pagharot sa mga buntot niya. "Ano ba'ng pinagsasabi mo r'yang mortal ka-S-Sandali, bakit ba?!" galit na sabi niya nang hilahin ko ang isa niyang kamay para patayuan mula sa pagkakasalampak niya sa flooring.
Hinila ko siya sa harap ng aking study table at hinayaan siyang maupo sa harapan n'on, tumayo ako sa bandang kanan niya.
"Makulit ka rin, 'no? Pag-intindi nga sa mga karakter na isinusulat niyong mga tao ay hindi ko magawa, gusto mo pa na sumulat ako! Nang-iinsulto ka ba talaga?!" Marahas siyang tumayo habang titig na titig sa akin ang nanlilisik niyang mga mata.
He towered over me when he stood up. Panandalian kong inisip kung gaano ba siya katangkad. Mukhang mas matangkad siya kay Kuya Ihara.
Tumawa na lang ako. Ipinatong ko ang mga kamay ko sa magkabila niyang balikat at sapilitan siyang inupong muli sa silya, gulat na gulat pa siya sa ginawa ko.
"Sige, mareklamo ka at gagawin kitang tao ulit," banta ko at kumuha ng isang buong pad ng papel at isang panulat.
Napangisi ako nang mapansin kong natigilan siya. He behaved after that.
"Ang pangalan mo ay Akinse, ganito kung isusulat." Dahan-dahan akong nagsulat para masundan niya ang ginagawa ko, siya naman ay tutok na tutok sa papel na sinusulatan ko.
"Ngayon, ikaw naman!" Ngumiti ako at ipinahawak sa kanang kamay niya ang ballpen na ginamit ko.
Bahagya muna siyang nagreklamo at kung anu-anong pangbaba sa sarili ang sinabi niya katulad na lang ng hindi niya kaya o hindi siya marunong, pero sa huli ay napilit ko pa rin siya... Siyempre, dahil 'yon sa pagbabanta ko.
"Nakakainis!" muli na naman niyang sabi nang muli na namang nasira ang pagsulat niya dahil sa panginginig at paninigas ng kaniyang kamay.
Kaagad ko siyang pinigilan noong akmang ihahagis niya ang ballpen sa kung saan. Inagaw ko 'yon sa kaniya bago pa niya tuluyan ang kaawa-awang ballpen.
"Naiinis ako sa bagay na 'yan! Ayaw ko na! Hindi naman ako matututo ng gan'yan!" pagalit na sinabi niya at nakanguso siyang humalukipkip habang nakabukot sa kaniyang kinauupuan.
Namumula ang mga pisngi niya at ang mga kulay puting taingang-aso niya, nakababa, tipong parang asong nalulungkot.
Napabungisngis ako sa ekspresyon niya, para kasing malungkot talaga, disappointed yata sa sarili niya. Hinila ko ang isa pang silya sa gilid ng study table at naupo sa kaniyang tabi.
"Paanong hindi ka matututo, mali ang paghawak mo sa panulat," pigil ang tawang sabi ko, kung hawakan niya ang ballpen kanina ay para bang tambo ang hinahawakan niya, tapos ay sa kaliwang kamay pa siya sumusulat.
"Ganito, o." Muli ay kinuha ko ang kamay niya at ipinahawak sa kaniya ang ballpen, this time, ay inayos ko ang paghawak niya ro'n. Medyo nahihirapan nga lang ako dahil kaliwete siya.
"Tapos, ganito mo naman isusulat." Hawak-hawak ang kamay niyang may hawak na ballpen ay iginaya ko ito sa tamang pagsulat, halos umakbay pa ako sa kan'ya para maayos ng mabuti ang sulat.
A... k... i... n... s... e...
Tumawa at napapalakpak ako noong maayos niyang naisulat ang pangalan niya, though, tumulong ako ay ayos lang, iginiya ko lang naman ang kamay niya. It's a huge step for him.
"Ngayon, subukan mo ulit, 'yong ikaw na lang mag-isa." Mula sa pagkakatitig niya sa kaniyang kamay na hawak ko kanina ay lumingon siya sa akin at dahan-dahang tumango, mapupula na naman ang mga pisngi niya. Pansin na pansin 'yon dahil sa putla ng kaniyang kulay.
Bawat naisusulat niya, kahit na medyo liko-liko, ay todo cheer ako. Habang nakatatapos siya ng isang letra ay malakas akong pumapalakpak, pansin na pansin ko naman na nag-e-enjoy na siya dahil napapangiti na siya.
Ilang minuto rin niya 'yong ginagawa hanggang sa makabisa at maayos niya na ang pagsulat. Niyakap ko siya at todo bati sa kaniya, panay lang ang tango niya habang nakayuko, pero nakikita ko namang nakangiti siya.
Siguro, masaya siya na marunong na siyang magsulat, kahit ang pangalan man lang niya.
"Ang dali mo naman palang matuto, e! Hindi ka pa naniwala sa sarili mo no'ng una, pero tingnan mo naman! Nagawa mo ng maayos!" Maangas ko siyang tinanguan at mahinang sinuntok ang kaniyang balikat.
Gan'to talaga ako ka-proud.
Ngumuso siya at biglang inabot sa akin ang hawak na ballpen, bigla akong nagtakha dahil sa ekspresyon niya. Ang tapang, pero parang nahihiya. Ewan. Ang gulo kasi.
"I-Ikaw... Isulat mo ang pangalan mo," aniya.
Tumaas ang isa kong kilay at napatanong ng "bakit?". Nasigawan tuloy niya ako ng hindi-oras.
"Basta, isulat mo na lang!"
"Okay, okay. Easy ka lang," natatawang anas ko at katulad ng kanina ay mabagal kong isinulat ang aking pangalan sa isang na namang blankong papel, pansin ko na titig na titig siya sa ginagawa ko.
"Iyan na! Sania Aureya! Gan'yan kung isulat ang pangalan ko," sabi ko at biglang napatingin sa orasan na naro'n sa 'king study table.
Mag-a-alas-onse na pala. Ang tagal na pala namin ni Akinse sa ginagawa namin, hindi ko man lang napansin dahil masyado akong nalilibang sa kaniya.
"Gusto mo na bang matulog?" tanong ko sa kaniya habang papatayo sa 'king kinauupuan. Umiling lang siya at muli na namang nagsulat.
"Hindi muna. Pag-eensayuhan ko pa ang pagsulat sa 'king pangalan," pursigidong sabi niya, iyon at nakita ko na namang isinusulat niya ang kaniyang pangalan sa isang bagong blangkong papel.
"Okay, pero papatayin ko na ang ilaw sa kisame, ha? Iyang sa study table na lang pagt'yagaan mo, total ay malinaw ang mga paningin mo kahit sa dilim," nakangiting sambit ko bago binuksan ang ilaw sa studytable, nagulat pa nga siya sa ginawa ko at bahagyang natulala sa ilaw.
Matapos 'yon ay ang ilaw naman sa kabuuan ng silid ang pinatay ko bago tuluyang pabagsak na humiga sa malambot kong kama.
Isinapin ko ang makapal na comforter sa 'king katawan at muling binalingan si Akinse.
"Matulog ka na mayamaya," paalala ko sa kaniya bago pumikit.
"Oo. Mamaya," narinig kong tugon niya bago tuluyang nilamon ng antok ang isip ko.
"Hoy, mortal!" Nagising ako dahil sa malakas na pagyugyog sa 'king katawan, animo'y lumilindol sa tinutulugan ko.
Nang magmulat ako ng mga mata ay puting bagay kaagad ang bumungad sa mga nanlalabo kong paningin.
"Akinse?" inaantok kong sinabi habang papaupo ako mula sa pagkakahiga.
Humikab ako at ginulo pa lalo ang aking buhok. Tinitigan ko si Akinse, naroon siya sa gilid ng kama ko at nakaupong-aso na naman sa sahig habang nakatunghay sa akin.
"Anong kailangan mo?" Lumipat ang mga mata ko sa kaniya tainga't at buntot. Masyado 'yong malilikot.
"Narinig ko mula sa ibaba na kumakain na sila! Bilisan mo! Humabol na tayo!" nagmamadaling sikmat niya.
Excited?
Hindi ko na sana siyang papansinin dapat kun'di ko lang napansing may mali sa mga sinabi niya.
"Ha?! At paano mo naman narinig?? Lumabas ka?!" Tingin ko ay nagising ako bigla dahil sa kaba.
May nakakita ba sa kaniya ng gano'n ang itsura niya? Nabuksan niya iyong pinto? Hindi niya alam buksan 'yon, a?
Ngumisi lang siya at itinuro ang kaniyang mga alertong tainga.
Napatango na lang ako. Now that answers my question.
"Dali na! Gutom na 'ko, Aureya!"
Hmp. Patay-gutom na nilalang. Parang oras-oras naman yata ay gutom siya. Tinatamad pa akong bumangon, inaantok pa 'ko.
Hindi ko na napigilan ang pag-irap sa hangin at tuloy-tuloy na bumagsak sa malambot na unan ang ulo ko.
"Aureya!"
Muli... Nilamon ako ng antok.
---
"Sa susunod, bago ka muling bumalik sa 'yong pag-idlip ay asikasuhin mo muna ako! Iyan! Tingnan mo ang iyong ginawa, hindi tayo nakakuha ng makakain!"
I just shook my head. Naririnig ko na naman ang paulit-ulit na pangaral sa aking ng nilalang na may mga buntot.
Kababalik ko lang sa kaniya sa pagiging tao at iyon ay kanina pa siya nagsasasabi.
I must admit that I am not really like what they usually call "morning person", lalo't may kaunti akong bad temper sa tuwing umaga. Madalas, hndi ako makausap ng maayos at kung susumpungin pa ay nakagagalitan ko ang sino mang may lakas ng loob na gisingin ako. It happens most of the time.
"'Wag kang nagmamadali, titirhan naman tayo ng pagkain, e," paliwanag ko sa kaniya habang ibina-bun ang aking napakagulong buhok.
"Gutom na 'ko!" Pagalit siya humalukipkip. "Nakakainis!"
Napabuntonghininga na lang tuloy ako. "Sige na, mauna ka nang bumaba ro'n at aayusin ko lang muna 'tong mga naiwang gamit sa study table."
Nagtungo ako sa tapat ng pinto para buksan 'yon. Iyong si Akinse na nasa likuran ko lang pala ay patakbong lumabas at halos hangin lang ang naramdaman kong nagdaan dahil sa bilis niya. Napapailing tuloy ako habang pinapanood siyang bumababa ng hagdanan.
Matapos niyon ay rinungo ko iyong mga papel na nagkalat sa lapag at isa-isa 'yong pinulot. Ito siguro 'yong mga ginawa ni Akinse kagabi.
Ano na kayang oras natulog ang nilalang na 'yon? Ang dami n'yang nagawa.
Curious, I opened the crumpled papers that I've collected. Gulat kong tiningnan ang mga papel. Lahat ng mga iyon... pangalan ko ang nakasulat.
Ba't niya pinag-aksayahan ng oras 'tong pangalan ko? He could have kept on writing his name, e, wala akong masyadong nakitang "Akinse" sa mga papel.
Noong maayos ang loob ng kuwarto ay saka na ako lumabas. Nagulat ako nang sa pagbukas ko ng pinto ay ang alagang pusa kaagad ni Isaiya ang bumungad sa akin. Nakatingala pa ito sa 'kin at parang estatuwang nanlilisik ang mga matang nakatuon sa isang direksyon, sa akin lang.
Nakaupo ito sa harapan ng pintuan ng aking kuwarto na para bang may hinihintay. Naalala ko bigla si Akinse dahil gano'n din siya kung maupo.
Saglit ko itong tinaasan ng kilay nang makita kong mariin pa rin ang panitig niya sa akin ba hindi niya maikurap-kurap.
"Oh, hi, Alpha! Good morning!" Nginitian ko ang itim na pusang may kulay asul na mga mata. "Kumain ka na ba? Binusog ko ba ni Isaiya, hm?"
Kinuha ko ang pusa at binuhat sa 'king kandungan nang maupo ako para mapantayan ito. Hinimas ko ang ilong niya, but his paw just whap away my hand.
"Meow," matipid na anito, nagulat pa ako dahil bigla ako nitong inirapan. Dis-oras ko siyang naibaba muli sa sahig.
Nagsimula siyang tumalikod mula sa pinagbabaan ko sa kaniya at taas-noong naglakad papunta sa nakabukas na kuwarto ni Isaiya na nasa tabi lamang ng kuwarto ko. I just blinked my eyes.
Hmp. Kay sungit na pusa.
Nang makababa ako papuntang dining room ay inabutan ko si Akinse na kumakain na, nakita kong nilahadan siya ni Mama ng tinapay na mabilis niya namang kinuha at kinagatan.
"Sige, kain pa, Akinse. Grabe, ang lakas mo talagang kumain," nakangiting anas ni Mama sa nilalang na hindi siya pinapansin, busy sa pagkain.
"Ma! Good morning!" bati ko nang makalapit. Pahapyaw akong nilingon ni Akinse, tapos ay nagpatuloy na siya ulit sa pagkain.
"Ikaw, Sania, kumain ka na rin. Nahuli kayo ni Akinse sa agahan," sabi ni Mama. Tumango lang ako at nagmamadali nagtungo sa CR para makapaghilamos.
Nang makabalik ako ay hindi pa rin tapos si Akinse, si Mama ay wala na sa dining room kaya kaagad kong tinanong ang taong-aso habang papaupo ako sa tabi niya.
"Ang sabi ng iyong ina, gigisingin niya si Isaiya para makakain na rin," ngumunguyang sagot niya sa akin.
Napatingin ako sa plato niyang punung-puno ng pagkain. Masiyadong madami.
"Good morning, Ate, and to you too, Kuya Akinse." Tuloy-tuloy na nagtungo si Isaiya sa kabilang gilid ng mesa at naupo sa tapat ni Akinse.
"Hoy, bubwit! Nasa'n naro'n ang pusang si Alpha?" tanong ng katabi ko sa 'king kapatid na mukhang inaantok pa.
"Nakasalubong ko kanina si Alpha. Ba't mo siya hinahanap?" tanong ko.
Sinimulan kong magpalaman ng tinapay para kay Isaiya at para na rin sa akin, ibinigay ko rin kaagad ang natapos ko kay Isaiya.
Tumaas ang mga kilay ko nang umusog sa akin si Akinse at pasimpleng bumulong.
"Ang sabi sa akin ng pusang 'yon, napagmamalupitan daw siya rito." Gulat akong napalingon sa kaniya at ang atensyon ko ay wala na sa hawak kong tinapay.
"Ha? Pa'no mo nasabi?" pabulong kong itinanong tapos ay pasimple kong tiningnan ang kapatid kong nasa tapat.
Nginitian ko si Isaiya nang makita ko siyang nakatitig sa aming dalawa ni Akinse. Ang kaniyang mukha ay bahagyang nakayuko habang hawak ang tinapay sa kaniyang mga kamay, pero 'yong mga mata niya... sa amin nakatingin.
I have to admit that, sometimes, my little brother looks like a freaking psycho.
"Mamaya tayo mag-uusap, Akinse. Umayos ka, nakatingin si Isaiya," muli kong bulong ko at umayos na ng upo.
Noong natapos kami sa pagkain ay kaagad ding umalis si Isaiya, nagmamadaling pumunta sa kuwarto niya para makapanood ng SpongeBob SquarePants. Request niya talaga kay Papa ang maglagay ng TV sa loob ng kuwarto niya para hindi niya na kailangang bumaba sa sala para makapanood lalo na sa tuwing may bisita. Gano'n siya ka-spoiled.
Tiningnan ko ng masama si Akinse nang pati siya ay nagsubok na umalis para sumunod kay Isaiya sa pag-alis. Kaagad kong hinablot ang kaniyang damit.
"O, o, o! Sa'n ka pupunta?" tanong ko. Ang mga inipon kong maruruming pinggan ay pinabuhat ko sa kaniya at hinila ko siyang muli patungo sa loob ng kusina.
Itinuro ko iyong lababo at doon niya inilapag iyong mga pinagkainan.
"So, anong sinabi ko sa 'yo kapag natatapos kang kumain, ha?" Naweywang ako habang pinagmamasdan ko siyang mag-isip.
Yumuko siya sandali, tapos ay walang pasabi siyang umalis. Ako naman ay mabilis na hinugasan ang mga maruruming pinggan.
Nang magbalik si Akinse ay dala niya na iyong sipilyo niya.
"Mabuti't alam mo. Ngayon, kapag natapos mong linisin 'yang mga ngipin mo, puwede mo nang gawin ang gusto mo."
His face lightened. Nagmamadali siyang nagtungo sa gawi ng palikuran mula sa pintong hindi niya isinara ay nakita ko siyang tumayo sa harap ng sink sa loob n'on at nagsimulang magsipilyo sa harap ng salamin.
Great. At least he's slowly learning about the proper hygiene. Pero madalas talaga ay hindi ko siya mapigilan sa gusto niyang gawin, lalo na iyong itim niyang damit na ayaw na ayaw niyang pinapalitan, o kung mapilit ko man siyang magsuot ng pansamantalang kapalit ay ayaw niya 'yong nawawala sa paningin niya.
"Hoy, mortal! Tapos na 'ko, ha!" paalam ni Akinse nang tuloy-tuloy itong nagdaan sa likuran ko mula sa pagkakaupo ko harap ng mesa gaya kaninang kumakain kami.
"Sandali! 'Yong tungkol kay Alpha!"
"Saka na! Panonoorin ko rin iyong mga hayop na pinanonood ng kapatid mo!"
I just sighed. Routine na nga pala nilang dalawa ni Isaiya ang manood ng mga pambatang palabas sa tuwing umaga.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang mag-ayos-ayos na rin. Bigla kong naalala na may usapan nga pala kami ng mga kaibigan ko na maggu-group study kami para sa exams next week. Baka tamarin na akong kumilos kapag dumating na sila.
Nang matapos ako sa pag-aayos galing ligo ay bumaba ako sa sala dala ang isang libro, may ipinahiram kasi sa akin si Lyca at gusto niyang mabasa ko.
Although, I'm little bit sceptical at first. Kapag kasi si Lyca, madalas, ay may bahid ng erotika ang mga librong binabasa niya, but it turns out na fantasy naman pala ang genre ng librong ipinahiram niya ngayon sa akin kaya babasahin ko na.
I was in a deep read when I heard a thud coming outside. That thud soon was followed by another and another. Nang lingunin ko ang nakatiwangwang na pinto ng aming bahay ay pumasok ang nagdi-dribble ng bolang si Kuya Mago.
Can't help but frown.
Ang aga namang mangapit-bahay ng taong 'to.
"O! Hi, San! Kumusta?" He grinned widely the moment he sighted me.
Nagmamadali siyang lumapit sa sofang kinauupuan ko, tapos ay pabagsak na naupo sa tabi ko.
Ang bolang hawak niya kanina ay hinayaan niyang gumulong-gulong sa flooring at ramdam ko ang paglibot ng kaniyang braso sa itaas ng sinasandalan ko.
"Yeah... I'm fine," matipid kong sagot. "Napa'no na naman 'yang pisngi mo? Ba't may band-aid na naman?"
"Wala 'to. Alam mo na, guwapo ako. Maraming naiingit kaya marami ang nagtatangkang sirain ang mukhang ito," natatawang sabi niya.
I stared at him. Seryoso?
"Awts. Bagong ligo? May lakad ka?" tanong niya bigla.
"Wala naman. I just like being fresh in morning. How about you?" Pinasadahan ko siya ng tingin. Siya rin naman, mukhang bagong ligo, e.
"Me? I like seeing you in the morning." Kinindatan niya ako kaya tinitigan ko siya ng mariin.
Isusumbong kita kay Kuya.
I felt him leaned forward at nakitingin sa binabasa ko.
"Kuya Mago..." tawag ko sa kaniya't inilayo iyong libro. Lumingon siya bigla sa akin kaya nagkatitigan kami sa sobrang lapit na distansya.
"I knew it. Ang ganda mo talaga kahit na sa ganito ka-close up." Ngumisi siya at kita-kita kong ang kaniyang pangil.
He has these really pointy pangs, iyong ang kapansin-pansin sa kaniya sa tuwing ngumingiti siya. He looks like a vampire or something, mabuti na lang at hindi pangit tingnan.
"Hmp." Pinangunutan ko siya ng noo at itinulak palayo ang kaniyang mukha. "Kuya Mago, layuan mo nga ako."
"Awts. Kuya-zone again? Mago is fine." Sumimangot siya. "Pero okay lang naman din 'yong 'gwapo'."
I just sighed again. Hindi ko mapigilang hindi mapatanong.
Ba't nakipagkaibigan si Kuya sa ganitong klaseng tao?
"Sila Bella pala, saka si Maria Ailyn? 'Di ba pupunta ngayon dito?" tanong niya bigla at umayos na ng upo. Nagpasalamat ako na inalis niya na 'yong braso niya sa likuran ko.
"I think, pupunta sila mamayang after lunch. May group study kami ngayon kasama 'yong iba." Kinuha niya iyong bola niyang nasa ilalim ng coffee table, tapos ay sumandal siya sa tabi ko at ipinaikot sa kaniyang hintuturo ang bola.
"Talaga? Then, dito na lang din ako manananghalian. Kukumustahin ko sila," nakangising sabi niya at mas lalong pinatulin ang pagpapaikot sa bola.
"I'm not really sure if they're going to be pleased to see you." Iiling-iling na sinabi ko at ibinalik sa libro ang mga mata ko.
Matagal na naming kilala si Kuya Mago, specifically, Vanessa and Ailyn knew him already before the others, iyong dalawa kasi ang madalas na narito sa bahay sa tuwing walang pasok. Junior siya ni Kuya Ihara, Kuya is a graduating student at si Kuya Mago naman ay third year, bukod pa ro'n ay magkasama sila sa basketball team ng paaralan.
Sa lahat, hindi pa siya nakilala ni Lyca dahil siguro, sa tuwing weekend at narito sa bahay si Kuya Mago ay wala si Lyca. Maarte kasi 'yong babaeng 'yon. She's whining about visiting us, her friends, during weekends. She always complains about the heat hugging her whole body sa tuwing maglalakad siya papunta sa amin, kaya madalas ay kami na lang ang bumibisita sa bahay nila.
Pero ibang kaso ngayon. Hindi puwedeng hindi siya pupunta dahil malalatay siya ro'n sa dalawa-Kay Vanessa at kay Jhoma.
"Hindi mo ba hahanapin si Kuya Ihara? I think, nasa kuwarto niya, tawagin mo na lang," I suggested while flipping the book into the next page.
"Bakit ko pa siya hahanapin, e, nandito ka na?"
Maluha-luhang umakyat papuntang ikalawang palapag ng bahay namin si Kuya Mago habang kinakapa ang noo niyang hinampas ko ng libro.
Hmp. Ayaw niya pa kasi akong lubayan.
I flinched when my phone rang, kaagad ko iyong kinuha mula sa pagkakapatong niyon sa coffee table. Nakita kong tumatawag si Ailyn.
"Bakit?" tanong ko nang masagot ko ang tawag.
"Anong bakit? Ba't nakasara 'tong gate ninyo? Pagbuksan mo 'ko, dali! Umiinit na rito sa labas!"
Pagtapos niyon ay mabilis niya ring tinapos ang tawag.
Kunot-noo akong tumayo mula sa maganda kong pagkakaupo sa sofa. Ba't nakasara 'yong gate? Isinara ba ni Kuya Mago? Saka, ba't ang aga niyang pumunta, mamaya pa naman ang usapan namin.
"Dali! Ang init!" sigaw ni Ailyn nang matanawan akong papalapit sa gate. Nakita kong kasama niya si Vanessa.
Ba't nandito na sila?
"Ang aga n'yo," sabi ko habang inaalis ang pagkakasara ng gate.
Kaagad na pumasok si Ailyn, kasunod si Vanessa.
"Ikaw, Ailyn, alam ko na kung bakit nandito ka, 'wag ka nang magpaliwanag," mabilis kong putol sa akmang pagsasalita nito.
Sinamaan niya kaagad niya ako ng tingin na hindi ko naman pinansin at si Vanessa at pinagtuunan ko.
"Iwas-walwal muna 'ko ngayon. Sumabay na 'ko kay Ailyn no'ng nakita ko siya, wala naman akong masyadong ginagawa sa bahay, e."
I nodded as they followed me leading the way inside our house.
"O! Nandito na kayo? Akala ko ba, mamaya pang after lunch ang dating nila, San?"
Inabutan namin si Kuya Mago na prenteng nakaupong muli sa puwesto niyang kanina sa tabi ko.
"Ewan. Maagang nagsipunta, e." Nagtuloy-tuloy akong bumalik sa puwesto ko kanina at muli binuklat ang libro sa pahinang naiwan ko.
"Hi, Maria Ailyn! Hi, Bella! Looking gorgeous, I see," narinig kong tawag ni Kuya Mago sa dalawang mukhang hindi gusto ang bumungad sa kanila.
"Will you shut up, Mago? Nakita na naman kita, sira na naman ang araw ko," iritadong sagot ni Vanessa sa kaniya. "And also, stop calling me Bella cause I ain't Bella you're talking about."
"Bakit hindi? Kamukha mo kaya si Ranee Campen na siyang crush ko. Parehas kayong maganda, pero siyempre, mas maganda ka."
Sa pag-angat ko ng tingin mula sa pagbabasa ay nahuli ko kung paanong inirapan ni Vanessa si Kuya Mago nang kindatan siya nito. Sa inis ay padabog na naupo si Vanessa sa katapat na sofa, si Ailyn naman ay nagtungo sa tapat ni Kuya Mago habang nakahalukipkip.
"Excuse me lang, ha? Close ba tayo, Mago? 'Wag mo nga akong matawag-tawag sa buo kong pangalan dahil tatlong lalaki lang ang pinapayagan kong tawagin ako sa pangalan na 'yan."
"Talaga? Hindi mo naman ako kailangang payagan, e. Hayaan mo lang ako..." banat pa nitong katabi ko. Hindi ko mapigilang hindi mapabuntong-hininga.
Wala talaga siyang patawad. Pati itong dalawa ay iniinis niya.
"A! Buwisit ka talaga, Mago!" nanggigigil na sigaw ni Ailyn. Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ng nakuha niyang throw pillow ang lalaki.
"Shit! Gan'yan ka pala ka-wild, Maria Ailyn!" Tawang-tawa itong katabi ko. Mas lalo niya pa talagang iniinis si Ailyn, sira talaga.
"Naii-stress na talaga ang bangs ko sa 'yo!" patol pa sa kaniya n'ong isa. Naiiling ko na lang na inilipat muli ang pahina ng binabasa ko.
"Wala ka namang bangs, e."
"Magkakaro'n na! Malapit nang tumubo dahil sa stress ko sa 'yong hayop ka!"
"Wow! E'di, ang cute mo kasi n'yan?"
"Urgh!"
"Anong nangyayari dito?"
Sumiklot ako sa dulo nang sofa nang bigla ay nagmamadali naupo sa gitna namin ni Kuya Mago si Ailyn, tapos ay kung sinong mahinhin na naupo nang tuwid habang nakapatong pa ang kaniyang mga palad sa mga hita niya nang maghanap ng tingin kay Kuya Ihara na papabana ng hagdanan.
"H-Hi, Kuya Ihara... Good morning!" bati nitong maharot na katabi ko.
"Hi. Good morning din, Ailyn. Sa 'yo rin, Vanessa," nakangiting bati ni Kuya sa dalawa kong kaibigan. Tumayo si Kuya Mago, tapos ay biglang inakbayan si Kuya.
"Tagal mo, Tol! Naaapi ang kagwapuhan ko rito!" sumbong n'ong isa kay Kuya, tapos ay pasimpleng nginisian itong katabi kong palagay ko'y nanggigigil.
"At sino naman ang nang-aapi sa 'yo?" Inilibot ni Kuya ang mga mata nita aming tatlo ng mga kaibigan ko, ramdam ko ang pagsiksik niya sa tabi ko habang bumubulong na sasaksakin niya raw ng kuko niya si Kuya Mago.
"Wala, Kuya. Iniinis niyang si Kuya Mago itong dalawa." Bahagya akong natawa nang batukan ni Kuya ang huli.
Ramdam ko naman ang kilig nitong katabi ko. Knight in shining armor siguro ang tingin niya kay Kuya.
"Kuya, aalis kayo?" tanong ko bigla. Parang pati si Kuya ay nakaayos din.
"Oo. Sunduin lang namin sandali si Kyla, tapos magba-basketball kami r'yan sa hall," paliwanag ni Kuya habang papalabas sila ng pintuan. "Sabihin mo mamaya kay Sho, saka kay Akinse, sunod sila para marami kami," pahabol pa nito.
Nang magkapaalam na 'yong dalawa ay kaagad na tumayo si Ailyn at stress na stress na hinagod ang kaniyang nakalugay na buhok.
"Kyla pala ang pangalan ng babaeng umagaw na naman sa akin sa kuya mo, ha? Pangalan pa lang, wala nang panama sa Ailyn," buong pagmamalaki nitong sinabi na kalaunan ay bigla ring napasimangot. "At 'yang walang'yang Mago na 'yan! Ang aga-aga, ikinakalat ang kalandian niya! Kung 'di lang siya kaibigan ni Ihara, matagal ko na siyang nasaksak ng kuko ko!"
Hindi ko na lang pinansin ang panay dada na si Ailyn lalo pa nang tawagin ako ni Vanessa.
"Ano?" tanong ko.
"Sino si Akinse?" Sa tanong na iyon ako natigilan. Pati si Ailyn na rant nang rant ay napatigil din at tumuon ang atensyon sa akin.
"Oo nga! Sino pala si Akinse?" dagdag pang tanong nito. Ramdam kong bigla akong pinagpawisan.
"Wala 'yon. Bagong kakilala lang ni Kuya. New friend," kalmado kong sagot. Itinuon ko ang mga mata ko sa bawat letra ng binabasa ko para mailipat doon ang kaba ko.
"Talaga? Sana naman hindi katulad ni Mago 'yang bagong kaibigan ng kuya mo, Sania. Alam mo naman, medyo malas si Kuya Ihara pagdating sa ganiyan."
Napakamot na lang ako sa 'king kilay dahil sa tinuran ni Vanessa. Ba't parang galit na galit yata sila kay Kuya Mago?
Hindi namin pansin ang oras at isa-isang nagsidatingan ang iba, maaaga sila kung tutuusin.
"Si Dian at Lourdell daw, hindi makakarating. Magwawalwal yata ang mga babaeng 'yon," nakasimangot na pambungad ni Jhoma nang makapasok silang dalawa ni Isabelita sa pintuan.
"Kaya nga ako, maaga na rito para hindi na ako mahablot pa niyang si Dian, e," natatawang sabi ni Vanessa. Proud pa siya n'yan dahil nakaiwas siya sa toma na alam niyang hindi niyang matatanggihan 'pag nasa harapan n'ya na.
"'Yang Lourdell na 'yan, ang hina talaga sa tukso! Nako, nakapa-bad influence niyang si Dian, ha! Kung saan-saan niya dinadala ang pinsan niya!" pagra-rant na naman ni Ailyn. "E'di si Lyca na lang n'yan ang hinihintay natin?"
"Naka-online siya. Ch-in-at ko na. Para sure, i-text n'yo na rin. Wala akong load," anas ni Isabelita. Kaagad na inilabas ni Vanessa ang cellphone niya para mai-text 'yong isa.
Sa kahihintay namin, iba ang dumating. Nakita naming bumabalik sina Kuya Mago at ang kapatid ko na, surprisingly, ay nakasimangot nang lagpasan kami. Kaagad na hinarang ni Ailyn si Kuya Mago bago pa itong makalagpas gaya ni Kuya Ihara. Bigla akong nag-alala.
"Hoy, Mago! Anong nangyari kay Ihara?" tanong nitong babaeng 'to kay Kuya Mago.
"Let me pass, Maria Ailyn. I'm..." he sighed, "... broken-Awts! 'Tang'na naman, ba't kayo nambabatok?!" sigaw nito at nilingon si Vanessa na siyang nambatok sa kaniya. "Bella naman, e!"
"E, kasi, ang dami mo pang sinabi. Just tell us what happened, hindi iyong magda-drama ka pa!"
"Tsk!" Sumimangot si Kuya Mago. "Si Kyla kasi, e. Nakipag-break sa Kuya mo, Sania."
"Ano?! Sino ba 'yang Kyla na 'yan, ha?! Sobrang ganda niya ba, ha?!" sigaw ni Ailyn, hindi na namin siya napigilan nang tuloy-tuloy siya sa hagdanan at mula rito sa baba ay nakita naming tinungo niya ang gawi papunta sa kuwarto ni Kuya.
"Si Ailyn, 'di niyo ba pipigilan? 'Yong kuya mo, Sania," sabi ni Jhoma. Umiling lang ako.
"Let them be. Tingin ko, kailangan din ng kausap ni Kuya sa ngayon." Nilingon ko si Kuya Mago. "Salamat sa pagsama kay Kuya."
"Of course! Kaibigan ko 'yon, e."
Napangiti na lang ako.
Iyan din ang maganda kay Kuya Mago. Mabuti at maaasahan.
"I'm here!"
Tingin ko'y lahat kami, napatingin sa pintuan nang marinig namin ang nangingibabaw na boses ni Lyca. Malakas at masyadong agaw-atensyon.
"O! Ba't gan'yan kayo makatingin? Gandang-ganda na naman kayo sa 'kin?" nakangising tanong nito habang maarteng naglalakad patungo sa kinalalagyan namin.
"Ang pangit kasi ng entrance mo, e, wrong timing!" sabi ni Jhoma. "Saka late ka na, a! Kanina ka pa namin in-in-form na naatras 'yong oras ng group study natin."
"Duh. You know my motto? It's better to arrive late than to arrive ugly."
Now that she said that, doon ko lang napansin na balot na balot siya at may itinutupi pang payong.
At mula sa pagtutupi ng hawak niyang payong ay nag-angat siya ng tingin. I'm pretty sure na natigilan siya nang magkasalubong ang mga mata nila ni Kuya Mago.
Her eyes widened.
"Ha!" Kuya Mago exclaimed while pointing at her. "Kilala kita, a! Ikaw 'yong babaeng nangungulang-"
And before he could finish his sentence, his face was hit by the folded umbrella that Lyca throw to him.
Behind the scenes;
• A I L Y N
Ma-pride akong tao, subok na 'yon. Kaya nga no'ng tuloy-tuloy akong umakyat sa second floor ng bahay ng hipag kong si Sania at nahimasmasan ako mula sa galit na nararamdaman ko ay hindi na ako bumalik pa sa baba para lamang ipahiya ang sarili.
Anong sasabihin ko sa kanila? Sorry dahil nadala lang ako ng bugso ng damdamin? Excuse me lang, may isang salita ako. Kaya kahit tumunganga ako sa labas ng kuwarto ng love of my life kong si Ihara ay hinding-hindi ako baba ro'n kayla sa Sania para sabihing nagkamali lang ako ng lakad kaya napunta ako rito.
E, hindi ko naman kasi alam ang gagawin ko, pero gusto kong makatulong.
Nakita ko kung gaano kalungkot ang ekspresyon ni Ihara nang magdaan siya sa harapan namin kanina.
Gusto ko siyang puntahan, i-comfort, at sabihing ako na lang kasi ang mahalin niya... Mahahalin ko siya ng buong-puso't kaluluwa, pati lamang-loob ko't balat ay tapat sa kaniya. Iaalay ko pa sa kaniya pati ang bangs at kuko ko.
Hehe. Sungkitera, one o one.
Buwisit kasi 'yang Kyla na 'yan! Ang lakas ng loob na makipag-break sa Ihara ko, e, siya nga 'tong ka-break-break. I saw her a few times already, and mind me! Hindi siya pangit... Sobrang pangit lang.
No. Hindi ako marunong manlait. I'm pure.
Napatid ang pagmumuni-muni nang makita ko ang siwang sa pinto ng kuwarto ni Ihara.
Ay! Nakabukas naman pala 'yon, ang tagal kong nakatanga rito sa labas!
Gathering my whole strength and braveness, dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng kuwarto ni Ihara. Halos mabasag ang puso ko nang makita ko kung gaano kamiserable ang lagay niya.
Nakaupo siya sa dulo ng kaniyang kama, ang mga kamay niyang nakatuntong sa kaniyang mga hita ay nakasabunot sa buhok niya habang nakayuko siya.
Nagkakaganito siya dahil sa ex niyang 'yon?! Kung ako ang naging girlfriend niya, baka proud na proud ako!
May naapakan ako kaya bigla siyang napatingin sa direksyon ko. My eyes widened.
Namumula ang mga mata niya, parang galing sa pag-iyak. Pati ako, parang maiiyak na rin dahil ang sama ng tingin niya.
"Ailyn... Lumabas ka na," sabi nito. Nanatili akong nakatayo at hindi umaalis sa puwesto ko.
Pumikit si Ihara ng mariin. Namita ko ang paglunok niya at ang paggalaw ng kaniyang panga.
"I want to be alone, Ailyn... Please."
Matigas ang ulo ko.
"Ayoko." Muli akong naglakad palapit at nagawa kong makaupo sa tabi niya.
Matagal kaming tahimik lang. I'm internally fumbling with the situation. Parang ito yata ang unang beses na nagkasama kaming dalawa ng matagal.
Pero mamaya na 'ko kikiligin.
"Ano bang ginagawa mo rito?" bigla niyang tanong. Bahagya akong napakislot sa gulat.
"K-Kung kailangan mo ng makakausap, nandito ako..." Buwisit. "K-Kuya Ihara..."
Akala ko hindi na siya magre-react, pero bigla niya akong nilingon at maliit akong nginitian. Kinilig ang puso.
"Salamat, Ailyn. Salamat," sabi niya. Inabot niya ang ulo ko para mas guluhin ang magulo ko nang buhok.
Hindi mapuknat ang ngiti sa 'king labi.
"Ang sarap mo sigurong maging kapatid."
Ouch.