webnovel

The Fangirl (Published under Dreame)

Serenader 3: JAMESON FAULKERSON With: LANCE JEROLD KIM

AriadneWP · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
99 Chs

Chapter 6

[RAFAELA'S POV]

Nakita kong binigay ng Lance na 'yon ang hawak niyang mga bulaklak kay Kisses. Magkakilala nga sila. *shock*

Narinig ko naman ang bulungan ng mga co-trainees ko.

"Look! Binigyan ni Fafa Lance ng bulaklak si Kisses."

"OMG! Totoo kaya ang issue na may relasyon sila?"

"Kaya ba nag-quit si Kisses sa pag-arte dahil sa relationship nila?"

"Waaa! I can't believe it."

"Sana all."

Iyon ang mga narinig kong mga bulungan nila na rinig na rinig naman.

"Congratulations for your new journey, Kisses." sabi ng lalaking 'yon kay Kisses.

"T-teka, paano mo nalamang nandito ako?" nagtatakang tanong ni Kisses.

"Syempre, I have my own source kaya nahanap kita." sabay kindat ng lalaking 'yon kay Kisses.

"Hay naku Lance. Kahit saan ako magpunta ay nahahanap mo pa rin ako. " - Kisses to Lance

"Eh sa ikaw lang ang close friend ko sa showbiz. Namimiss na nga kita kahit tatlong araw pa lang tayong hindi nagkikita." - Lance to Kisses

Mukhang close na close talaga silang dalawa. Para kasi silang may sariling mundo eh. Hello! May nanonood kaya sa inyo rito.

"Ikaw talaga Lance. Pero salamat sa pagpunta at pati na rin sa pa-flowers mo. Akala ko ay matatagalan pa ang muling pagkikita natin." - Kisses to Lance

"Eh sa hindi ko kayang hindi ka makita. Hinanap talaga kita." - Lance to Kisses

Kami right now: Zzzzzzzzzzzzzz...

"By the way, I want you to meet my co-trainees. Hindi ko na ipapakilala isa-isa dahil hindi ko pa kabisado ang mga pangalan nila." - Kisses to Lance

"Hi Lance." bati ng mga co-trainees ko sa lalaking 'to maliban lang sa akin. Halata ngang may kilig eh dahil kilos pabebe sila.

"Hello rin sa inyo." bati rin ni Lance sa kanila. Isa-isa niya kaming tinignan hanggang sa tumigil ito sa gawi ko. Naningkit pa nga ang mga mata niya sa akin. Tumitig rin ito at bigla na lang nanlaki ang mga mata niya. Napakunot naman ang noo ko dahil do'n.

"Ayos ka lang ba Lance? Parang nakakita ka yata ng multo." tanong ni Kisses sa kanya.

"Ah y-yeah. I'm fine." sagot niya habang nakatingin pa rin ito sa akin. Ano ba ang meron sa akin at ganyan siya makatingin?

Bumalik na kaming lahat sa practice room kasama ang lalaking 'to. Mukha nga siyang feeling welcome dahil pumasok siya sa loob na walang permission.

"Paano mo ba talaga ako nahanap Lance? Give me specific answer." - Kisses to Lance

"Well actually, ang founder kasi ng agency na 'to ay friend ko. Alam niyang close tayong dalawa dahil lagi kitang kinukuwento sa kanya. Nakilala ka niya agad nang una kayong magkita at sinabi niya sa akin ang balak mong maging idol." - Lance to Kisses

"Teka, parang ang dami mo yatang friends and connections. Parang palagi 'tong nangyayari eh." - Kisses to Lance

"Syempre, sa gwapong kong 'to ay maraming gusto na maging friends ako." sabay pogi sign pa niya. Yabang. Gwapo nga siya pero mas gwapo pa rin si Jameson my loves at talented pa. Walang-wala siyang panama kay Jameson.

"But by the way, kumusta naman ang first half day mo as idol trainee?" - Lance to Kisses

"Carry naman kahit medyo nakakapagod." - Kisses to Lance

"Hindi ka naman nila siguro inaaway." - Lance to Kisses

"Hindi naman. May ka-close na nga akong isang co-trainee." - Kisses to Lance

Bigla namang lumapit si Kisses sa akin at inakbayan niya ako.

"Siya nga pala si Rafaela. My new friend." pagpapakilala sa akin ni Kisses sa lalaking 'to. "Siya lang kasi ang pamilyar sa akin in terms of names. Yung iba ay hindi ko na matandaan ang pangalan nila. At saka siya rin ang pumukaw sa atensyon ko. Parang na-fi-feel kong magiging close kaming dalawa. And I can feel also that she has a good heart."

Hindi ko naman mapigilang ma-touch sa sinabi sa akin ni Kisses. Mukhang magkakasundo rin kaming dalawa neto. She's so genuine and also have a good heart too. Kabaligtaran sa mga sinasabi sa kanya ng mga bashers niya sa social media. Nalungkot tuloy ako sa sitwasyon niya. Hindi niya deserve ang mga masasakit na salita at death threats na nababasa ko online.

"So you're Rafaela." narinig kong sabi ni Lance at tinitigan niya ako. "It's nice to see you again."

"Ha?" nagtatakang sabi ko. Hindi ko kasi ma-gets ang sinabi niya.

"Nothing. It's nice to meet you." sabay lahad ng isa niyang kamay sa akin para makipag-shakehands.

Pero inirapan ko lang siya. No way, ayokong hawakan ang kamay niya. Ayokong magkasala ulit kay Jameson my loves. Nakuha na nga ng iba ang first kiss ko eh. Tapos ito pang lalaking 'to ang mauunang hawakan ako kaysa kay Jameson my loves.

"Pasensiya ka na kay Rafaela ha. Nahihiya lang 'yan." sabi ni Kisses sa lalaking 'yon dahil sa inakto ko. Sino ba siya para kahiyaan ko?

"Mukha nga." sabi niya na parang galit. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pag-irap ko sa kanya kanina.

Tinuon ko na lang ang tingin ko sa lunch ko. Bahala sila diyang mag-usap.

[LANCE'S POV]

Hindi ko nagustuhan ang inakto sa akin ng Rafaela na 'yon. Mukha nga siyang mataray eh. Parang ayaw niya sa akin. Pero akalain mo 'yon. Nagkita ulit kaming dalawa rito. Ang liit nga naman ng mundo. Pero hindi ba niya ako natatandaan? Alam kong kilala niya ako bilang artista. Pero yung sa bus, hindi niya ba talaga ako namukhaan dati? Kung sabagay, naka-cap at shades ako that time kaya hindi niya ako nakilala.

Napatingin ako sa direksyon niya at nakita ko siyang kumakain. Hindi ko mapigilang mapatingin sa lips niya. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang aksidenteng paghalik niya sa akin dati sa bus. May epekto kasi ito sa akin lalo na't first real life kiss ko siya. First real life kiss dahil yung first kiss ko kasi ay sa work ko lang nangyari as an actor, at sa isang lalaki pa. Once lang nangyari 'yon dahil ang iba ko pang naging kissing scenes on-screen ay edited na. Never pa ako nagkaroon ng real life kiss hanggang sa kinuha na nga ito ng babaeng 'yon.

"Lance, kanina pa ako nagsasalita rito."

Bumalik naman ako sa huwisyo nang tinawag ako ni Kisses.

"P-pasensiya na. Ano nga ulit ang sinabi mo?" tanong ko sa kanya.

Nakita ko namang ngumiti siya. "Kalimutan mo na ang sinabi ko. Parang napapansin ko kasing kanina ka pa nakatitig kay Rafaela. Na-love at first sight ka siguro sa kanya no." sabi niya na may halong pang-aasar.

"H-ha? O-of course not. Anong pinagsasabi mo diyan?"

Ba't ako nauutal?

"You're blushing Lance. Hindi mo ako maloloko. Gusto mo ilakad kita sa kanya?" - Kisses

"Hindi ko siya gusto." pagtanggi ko sa kanya.

Am I really blushing? What the fuck is happening to me?