webnovel

The Fangirl (Published under Dreame)

Serenader 3: JAMESON FAULKERSON With: LANCE JEROLD KIM

AriadneWP · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
99 Chs

Chapter 5

[RAFAELA'S POV]

Hindi ko mapigilan ang aking kilig nang hawakan ni Jameson ang aking kamay habang naglalakad kaming dalawa. Waaa! Magka-holding hands kami ng my loves ko.

"Alam mo ba Rafaela, I'm so lucky that I've met you. Ikaw na siguro ang babaeng matagal nang hinahanap ng puso ko." - Jameson

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. " Ha? Anong ibig mong sabihin Jameson?"

Napatigil naman ako sa paglalakad nang tumigil siya. Tapos ay hinawakan niya ang ang isa ko pang kamay.

"Rafaela..." tawag niya sa akin.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"I think I love you." dagdag pa niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Tama ba 'tong narinig ko?

"Hindi ko alam kung paano nagsimula 'tong nararamdaman ko para sa 'yo. Basta hindi ko namalayang na-in love na pala ako sa 'yo Rafaela." - Jameson

Parang biglang may nag-party sa aking puso dahil sa mga sinabi niya. Ito na ba yun? Ito na ba ang simula ng love story namin ni Jameson?

"Jameson." tawag ko sa kanya.

"Bakit Rafaela? Basted ba ako?" biglang lumungkot ang mukha niya.

"Hindi naman sa gano'n. Ang totoo kasi niyan ay..."

"May iba ka nang gusto?" pagputol niya sa pagsasalita ko.

"Hindi. Ang totoo niyan..."

"Tomboy ka? Babae ang gusto mo?" pagputol ulit niya.

*sigh*

"Patapusin mo muna ako sa pagsasalita Jameson." sabi ko sa kanya. Sumisingit kasi siya kaya hindi ko tuloy maamin.

"Pasensiya na Rafaela. I love guessing games kasi. Ituloy mo na." - Jameson

Ngek! Ginawa niyang palaro ang pag-co-confess ko.

Huminga muna ako nang malalim bago magsalita.

"Ang totoo kasi niyan. Matagal na kitang gusto. Hindi lang basta fan ang nararamdaman ko sa 'yo Jameson. Love na rin yata." pag-amin ko.

Nakita ko naman ang tuwa sa kanyang mukha. "Really?"

Nakangiting tumango ako.

"Kung gano'n..." - Jameson

Biglang inilapit ni Jameson ang mukha niya sa mukha ko at siniil ako ng halik. Ang halik na matagal ko nang pinangarap na makuha mula sa kanya.

Ako naman ay pumikit at tumugon para damdamin pa lalo ang halik niya sa akin.

Habang naghahalikan kami ni Jameson ay parang nag-iba yung labi niya. Isang pamilyar na halik ang nararamdaman ko ngayon.

Inimulat ko ang aking mga mata.

*shock*

Naitulak ko bigla ang humahalik sa akin. Paanong...

Imbes kasi na si Jameson ang kaharap ko ngayon ay isang nakakatakot at misteryosong mukha ang nakikita ko.

Ang lalaki sa bus na nahalikan ko. Hindi ko makita ang kanyang mukha dahil sa suot na naman niyang cap at shades.

Lumapit ulit ang lalaki para halikan ulit ako.

.

.

.

.

.

"Ahhhhhhhhhhhh!"

Napasigaw ako bigla at napabangon sa kama. Napahawak naman ako sa aking dibdib. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

Akala ko ay totoo. Binangungot lang pala ako. Grabe, natakot ako do'n ha.

Kinuha ko ang phone ko para tingnan ang oras.

8:17AM : June 1

First day pala ng June ngayon. It means kaninang 7AM ay ni-release na ang Brand Reputation Ranking ng Top 100 Most Famous Actor.

I opened my FaceGram account and visit Brand Reputation Ranking profile to see the latest post. Hinanap ko agad ang rankings for Most Famous Actors.

***

Brand Reputation Ranking: Top 100 Most Famous Actors

1. Lance Jerold Kim - 15.9M points

2. Billy Williams - 12.4M points

3. Fredison Mirko - 10.3M points

4. Jameson Faulkerson - 9.4M points

5. James Charles - 9.1M points

***

Biglang naman akong nalungkot sa nakita ko. Bumaba ang ranking niya ng dalawang spots tapos bumagsak pa ang points niya which is 13.6M last month. As a Jamesonatics, hindi ko matanggap. Parang bumababa ang mga sumusuporta sa kanya. At ang nakakainis pa, top 1 na naman si Lance Jerold Kim at nadagdagan pa ng 1M ang points niya. Ano ba ang meron sa kanya at palagi siyang Top 1? I know that he is the visual actor in the Philippine showbiz pero mas talented pa si Jameson my loves compared sa kanya. Sumikat lang naman siya dahil sa mukha niya, hindi dahil sa talent niya. Mas lalo tuloy nadagdagan ang inis ko sa kanya. Feeling ko nga ay rigged 'tong ranking na 'to.

Agad kong pinatay ang phone ko and do my morning routines. Today is weekend, it means ay may training ako ngayon para sa dream kong maging idol which is naikuwento ko na 'yon sa inyo.

***

Nang makarating ako sa WP Entertainment ay sinalubong naman ako ng mga co-trainees ko.

"Good morning Rafaela."

"Hi Raffy."

"Always blooming ang morning ni Rafaela ha."

Iyon ang mga narinig ko mula sa kanila.

"Good morning din sa inyo." bati ko sa kanila.

Pumunta muna ako sa fitting room para magbihis for dance training. May sarili kaming locker room which is doon nakalagay ang mga gamit namin.

Pagkatapos kong magbihis ay bumalik na ako sa practice room. Saktong nandito na ang choreographer namin for dance training. Pero hindi siya nag-iisa, may kasama siyang isang napakapamilyar na babae.

Si Kisses Alonte. Former ka-loveteam ng my loves kong si Jameson.

"Good morning trainees." bati sa amin ng choreographer namin.

"Good morning Coach." bati naman namin sa kanya.

"Before we start our dance training. Let me introduce to you our new trainee. Let us all welcome, Kisses Alonte." pagpapakilala ng choreographer namin kay Kisses.

"Hello sa inyo. I'm Kisses Alonte. I hope maging friends ko kayong lahat." pagpapakilala ni Kisses sa sarili niya.

Narinig ko naman ang mga bulungan ng mga co-trainees ko.

"What is she doing here?"

"Teka, 'di ba siya yung actress na dating ka-loveteam ni Jameson Faulkerson?"

"Grabe, nakakagulat naman na nandito siya ngayon."

"Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit niya tinerminate ang kanyang kontrata?"

Kahit ako rin ay nagtataka kung bakit siya nandito ngayon. Ang alam ko lang ay nag-quit na siya bilang actress.

"Quiet guys. You should be nice to her." sabi sa amin ng choreographer namin. "Okay Kisses, you can sit beside Rafaela." sabay turo sa aking tabi na walang nakaupo.

Lumapit sa akin si Kisses at umupo na siya sa tabi ko. "Hi." bati niya sa 'kin nang makaupo siya.

"Hello." tugon ko naman sa kanya. "Ako nga pala si Rafaela." pagpapakilala ko sa sarili ko.

"Hello Rafaela. Nice to meet you." tugon niya sa 'kin.

Nagsimula na ang aming training. Nag-warm up exercise muna kami para maihanda ang katawan namin sa mas mahirap pang exercise.

"And now, I will check your flexibility. Kisses since your new here, you are first. Can I see how flexible you are." - Choreographer

May pinagawang flexibility tests ang choreographer namin kay Kisses at halos lahat naman ay nagagawa niya.

"Hmm! Okay 8/10. Not bad for a beginner." sabi ng choreographer namin kay Kisses.

Marami pang pinagawang tests sa amin ang Clchoreographer namin na sobrang nakakapagod.

***

Pagkatapos ng dance training namin ay nag-noon break muna kami. May vocal lessons pa kami mamaya.

Kinuha ko ang lunch box ko at nagsimula nang kumain.

"OMG! Kyaaaaaaa!"

Napatingin kaming lahat sa sumigaw. Yung isang co-trainee namin.

"Anong meron Kiki at sumisigaw ka diyan?" tanong sa kanya ni Riri.

"May artista sa labas. Nakita ko siyang nag-aabang do'n." sagot naman niya. Ha? Artista? Sinong artista naman kaya yan? Imposibleng namang si Jameson yan dahil busy siya ngayon. Alam ko ang mga schedules niya.

Narinig ko naman ang bulungan ng mga co-trainees ko.

"OMG! Totoo ba yung sinabi niya?"

"Tara tingnan natin."

Nagsitayuan naman ang mga co-trainees namin at lumabas para tingnan ang sinasabing artista kuno ni Kiki. Kami na lang ni Kisses ang natira rito habang kumakain ng lunch.

"May idea ka ba kung sino yung artista na dumating?" tanong sa 'kin ni Kisses.

"Actually wala. Parang first time yatang may bumisitang artista rito." sagot ko sa kanya.

"OMG Rafaela at Kisses! Nandito ngayon si Lance Jerold Kim. Kyaaaaaaaaa!" sabi sa amin ni Fifi nang makarating siya rito. Nagtitili pa talaga siya. Pero teka, Lance Jerold Kim?

Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Kisses. Ano kaya ang ginagawa ng lalaking iyon dito? Parang nakaramdam ako bigla ng inis.

Nagsipasukan naman ang mga co-trainees...

...with Lance Jerold Kim. Nandito nga siya at may hawak siyang bouquet of flowers. Hindi ako makapaniwalang mas nauna ko pa siyang nakita sa personal kaysa kay Jameson my loves. My eyes is hurt. Huhuhu!

Nakita ko namang lumapit ang Lance na iyon kay Kisses.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ni Kisses sa kanya.

Teka, magkakilala silang dalawa?

To be continued...

AriadneWPcreators' thoughts