webnovel

The Fangirl (Published under Dreame)

Serenader 3: JAMESON FAULKERSON With: LANCE JEROLD KIM

AriadneWP · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
99 Chs

Chapter 2

[RAFAELA'S POV]

"Please welcome, ang iniidolo nating lahat. The one and only Jameson Faulkerson." sabi ng MC.

"KYAAAAAAAAAAAAAAAA!" tilian naming mga Jamesonatics.

Mas lalo pang lumakas ang tilian nang lumabas mula sa backstage ang lalaking inaabangan namin kanina pa.

Sa wakas ay nakita ko na rin siya sa personal.

Biglang nag-slow mo ang buong paligid. Nakangiting nakatingin ako sa kanya habang siya naman ay naglalakad na parang isang model.

Grabe! Ang pogi niya talaga lalo na ngayon sa personal. Tapos may kumikinang pa sa paligid niya na bumabagay sa kanyang awra ngayon. Napaka-perfect niya talaga.

I was surprised nang tumingin siya sa 'kin at kinindatan niya ako.

Omo.

Yung puso ko...

Waaaaa! Kinikilig ako.

Biglang nawala ang slow mo at naging normal na ang lahat.

"Good evening Jamesonatics. Thank you for coming to my 5th fan meeting tonight. I dedicate this first performance to all of you." sabi niya at nag-fingerheart pa siya.

"KYAAAAAAAAAAAAAA!" tilian lang namin.

At nag-play ang isang instrumental music na kakantahin niya.

***

[Jameson Faulkerson sings I'll Be by Edwin McCain]

The strands in your eyes that color them wonderful

Stop me, and steal my breath

And emeralds from mountains, the thrust towards the sky

Never revealing their depth

***

Sinabayan namin siya sa pagkanta habang kinakaway namin ang aming mga kamay. Kahit hindi siya gaano ka-professional pagdating sa singing ay nakukuha pa rin niya ang puso namin.

***

And tell me that we belong together

Dress it up with the trappings of love

I'll be captivated, I'll hang from your lips

Instead of the gallows of heartache that hang from above

***

Napatingin naman sa akin si Jameson.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at inilahad niya ang isa niyang kamay para samahan ko siya sa stage.

Ako naman ay hindi makapaniwala. Ako ba talaga ang tinutukoy niya? Waaaaaaaa!

Agad ko naman itong tinanggap at umakyat sa stage para samahan siya. Yung kilig na naramdaman ko kanina ay mas lalo pang nadagdagan. Waaa! I can't believe it. Nahawakan ko na rin ang kamay niya. Ang lambot.

Pinagpatuloy niya ang pagkanta niya ang habang nakatingin siya sa akin.

***

And I'll be your cryin' shoulder

I'll be love's suicide

And I'll be better when I'm older

I'll be the greatest fan of your life

***

Narinig ko ang tilian ng mga Jamesonatics.

Hinawakan naman ni Jameson ang magkabilang pisngi ko.

OMG! Palapit nang palapit ang mukha niya sa akin. Is he going to kiss me?

Nakita kong pumikit siya habang palapit nang palapit ang labi niya sa akin.

Ako naman ay napapikit at hinintay ang pagdampi ng labi niya sa akin.

Hanggang sa maramdaman ko na ito sa labi ko.

.

.

.

.

.

And my daydreaming ends.

Yung first kiss ko sanang mapupunta sa kanya ay mapupunta lang sa iba. Waaa! This is so unacceptable.

Huhuhu! Now I realized na napaka-imposible talagang mahalikan ang isang Jameson Faulkerson. Fan lang niya ako at siya naman artista siya. Kumbaga langit siya, lupa ako. Hindi pwedeng magtagpo ang landas namin. Hanggang daydreaming lang ako.

Mangiyak-ngiyak akong naglakad papuntang room ng first subject ko. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang aksidenteng paghalik ko sa 'di ko kilalang lalaki kanina. Siguro nga sa isang nobody lang talaga mapupunta ang first kiss ko.

Nang makarating ako sa room ay sinalubong ako ng Professor ko.

"You're five minutes late Miss Montebello." bungad sa 'kin ni Prof. "At bakit ganyan ang mukha mo?"

"Sorry po Prof kung na-late ako. Traffic po kasi." pagdadahilan ko naman na hindi eepektibo sa kanya. Strict yan eh.

"Kahit anong dahilan pa yan ay wala akong pakialam Miss Montebello. You know the rule kung ano ang magiging punishment mo kapag ma-late ka." - Prof

"Yes po Prof. Mag-per-perform po ako sa harap ng classmates ko." sabi ko.

"Good. You can start now." - Prof

Pumunta ako sa harap ng classmates ko.

"Please welcome, our first late comer for today. Miss Rafaela Montebello." introduction sa 'kin ni Prof.

"Wooaahhhh!" hiyawan ng mga classmates ko.

"Go Rafaela!" narinig kong sabi ng bestfriend kong si Lucas. Alam kong nang-aasar siya dahil sa sitwasyon ko ngayon. Akala niya siguro hahayaan ko siyang mapahiya ako.

Huminga muna ako nang malalim bago mag-perform.

***

[Rafaela performs Crazy Over You by BLACKPINK]

***

And I started to sing and dance when my Prof played the music.

***

I been known to kiss and tell

Send girls to wishing wells

If you're my man, I want you to myself

I know I'll have enemies

Long as you're into me

But I don't care 'cause I got what I need

***

Sinabayan naman ako ng mga classmates ko.

***

I went crazy over you (ah, ah)

Over you, only you (ah, ah)

I went crazy over you

Like e-e-e-e, e-e-e-e, e-e-e-e

***

Pagkatapos kong mag-perform ay nagpalakpakan naman ang mga classmates ko.

"W-wow! I didn't know that you are a good performer Rafaela. You may put your bag on your chair and get ready for your report." sabi sa 'kin ni Prof na may amazed pa rin sa kanyang mukha.

Syempre future p-pop idol kaya 'to. Isa kasi akong trainee sa isang unknown agency. Tuwing weekend ay nag-vo-voice lessons ako at the same time ay dance lessons na rin. Mga four months na rin akong trainee. Kahit mahirap ay laban lang para sa pangarap. Dream ko talagang maging isang idol balang araw. I love dancing and singing kasi at gusto kong mas lalo pang humasa ang talent na binigay sa 'kin ng Diyos. Suportado naman ang parents ko sa pangarap ko as long as hindi ko napapabayaan ang pag-aaral ko.

Haaay! Sana matupad ang pangarap kong yun.

[LANCE'S POV]

*kriiiinnngggggg!*

"Fuck!" I cussed when I heard my phone ringing.

*kriiiinnnnggggg!*

"Argh!" I angrily said and get the phone on my bedside table.

My manager is calling me in this early morning and I hate it. I only have three hours of sleeping because of my tight schedule yesterday. Is he really going to kill me?

I answered the phone.

("Hello Lance. Are you still sleeping?") my manager asked.

"You really wanna die huh?" I angrily said to him.

("Grabe ka naman. Sorry kung na-istorbo kita. Ano ba kasi 'tong kumakalat na issue that you're dating Kisses Alonte? Is this true? Of all female celebrities, bakit siya pa na outdated na? Why not Elisa Vermunte?") - Manager

Inistorbo niya ang pagtulog ko para lang diyan?

"Wala ka nang pakialam do'n. Just fix the issue like usual." bored kong sabi sa kanya.

("But I...") - Manager

Pinatay ko agad ang tawag. Alam kong magdadahilan na naman yan para ako ang umayos sa issue.

I need some rest right now.

***

Nagising ako nang makaramdam ako ng gutom.

By the way, let me introduce myself first. I am Lance Jerold Kim. A famous actor here in the Philippines. I am pure Korean pero dito ako lumaki sa Pilipinas. That's all as of now.

Pagkatapos kong kumain ay ginawa ko ang morning routines ko like usual and wear my Outfit for the Day. Kailangan kong puntahan si Kisses about sa issue na kumakalat ngayon tungkol sa amin.

I texted her first para malaman ko kung saan kami magkikita ngayon. After that ay pupunta sana ako sa garage nang ma-realize kong inaayos pa pala ang kotse ko. I almost forgot about that.

Bumalik ako muli sa kwarto ko to get a cup and shades to hide my face. I will take a bus para mapuntahan ang location kung saan kami magkikita ngayon ni Kisses.

- FAST FORWARD -

Habang umaandar ang bus ay nakatingin lang ako sa bintana to know if I am there.

Ilang saglit pa ay tumigil ang bus. Mukhang may bagong sasakay.

Napatingin ako sa may entrance/exit ng bus and I saw a girl student na pumasok. Nakita kong naghahanap yata siya ng vacant seat.

Umandar muli yung bus.

Napatingin naman ako sa may vacant seat sa tabi ko at may bag do'n na nakapatong. I don't know kung kanino 'to but it gives me an idea para hindi siya dito umupo. Mahirap na dahil baka makilala niya ako.

I pretend to sleep and I saw her na lumalapit sa may vacant seat sa tabi ko. Nang makalapit siya ay nagdalawang-isip pa siya kung kukunin ba niya yung bag na nakapatong.

Akmang kukunin niya sana ito nang pinigilan ko siya.

"Are you trying to steal my bag?" tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya dahil do'n.

"H-hindi ah." nauutal niyang sabi. She looks nervous. Don't tell that she recognized me.

"I know what you're doing Miss. You're trying to steal my bag to know my personal information. I know that you recognize me. Should I call a police now?" I scared her para hindi siya magsalita kung sino ako.

Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?" nagtatakang tanong niya sa 'kin.

Woah! She's good in pretending that she didn't know me. She can passed as an actress.

"Don't deny that you don't know me, Miss Stalker." sagot ko sa kanya.

Napatigil naman siya dahil do'n. Akala niya siguro maloloko niya ako.

"Hahahahahahaha!" bigla na lang siya natawa na ipinagtaka ko naman.

Wait! What's funny?

"Why are you laughing? Did I say something funny?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hahahaha! Ako? Stalker mo? May hangin ba yang utak mo? Sino ka ba sa inaakala mo? Ikaw ba si Jameson Faulkerson para i-stalk kita? Hahahaha!" natatawa niya sabi sa 'kin.

Bigla akong nakaramdam ng inis nang marinig ko ang pangalan na yun. Of all person, bakit yan pa ang binanggit niya? Is she a fan of him?

*screeettcchh*

Nagulat ako nang biglang tumigil ang bus. Nawalan ng balanse yung babae kaya ang ending...

Bumagsak siya sa akin at...

.

.

.

.

.

...biglang naglapat ang aming mga labi.

Nagulat ako sa nangyari. Mukhang siya rin ay nagulat.

*dug dug dug dug dug*

My heart suddenly beats fast and I don't know why.

Biglang lumayo sa akin ang babae at tumakbo siya palabas ng bus.

Napahawak naman ako sa labi ko.

Bakit parang may kakaiba?

Napailing na lang ako and forget about what happened.