webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

|34| Vacation

Faith's Point of View

Muntik ko nang maibuga ang tubig sa nasabi ni Stay. Kakatapos lang namin kumain at naglalaro kami, Drinking Challenge. Paramihan ng mainom na tubig. Duh, we're having a healthy goals. Baka kung ano pang mangyari kapag alak ang ininom namin.

"One week. I'm going to introduce you to my parents."

O-one week? Sa US?! Oh God, he must be kidding.

Since sembreak na naman, napagpasyahan n'yang isama ako sa America. He's my nature guru, since elementary lagi n'ya akong sinasama kung saan sila pupunta ng parents n'ya. There, I started to become an outgoing girl. Gala sa labas ng probinsya pero hindi ko pa nagagawang makalabas ng bansa. Napaniwala n'ya na rin ako sa isang motto.

Travel around the world until you can. You can do it whenever you want, but as you grow older you won't have strength and time.

"Hindi kaya sila mabigla?"

"Psh. You look nervous. That's why I'll introduce you to them, right?"

"Uh-- okay… Kailan naman?"

"Tomorrow." He shows two tickets. "So we should prepare this night." Then he winks before drinking his last shot. "I won. 10 glasses."

Tinignan ko ang mga basong nainuman ko na. They're obviously eight glasses. Napangiwi na lang ako nang makaramdam ng kung ano sa pantog ko. I quickly went to the comfort room.

"Hina!" Pahabol na sabi ni Stay. Hindi ko na s'ya pinansin, and start to feel nervous, at the same time, excited too.  I am looking forward to this vacation!

Kinabukasan...

"Faith, kumpleto na ba 'tong dala mo?" He asks. "Did you put a scarf here?" Turo n'ya sa maleta.

Nasa loob na ako ng kotse, sa tabi ng driver's seat. Si Stay naman ay nasa passenger seat, doon nakalagay ang mga gamit namin dahil hindi iyon gaano karami. I just nod. Pero nabigla ako nang halungkatin n'ya ang maleta at iabot ang black scarf ko.

"Isuot mo na yan pagkalabas ng airport. Malamig," Stay says. He's wearing a Gray Basic Tees and a Denim Jacket. Pumasok na s'ya ng Driver's seat at nagsimula nang mag drive.

Napadungaw ako sa bintana. I'm really curious about what he put on his suitcase. Really? Hindi ko maintindihan. Bakit n'ya dinala ang mga linsensya n'ya? I stay silent. Malapit lang naman ang airport rito kaya hindi hassle. My hand starts to cool when we're about to go on the airplane.

Hinawakan ni Stay ang kamay ko nang papaakyat sa eroplano. He softly chuckle when he feel my hands frozing. "You're really nervous, ah?" Magkatabi kaming umupo.

Inaalalayan kami ng mga flight attendant, tinuruan rin kung paano ang gagawin kapag emergency. Ang isang matangkad at mukhang may lahing babae ay nagsimulang maglibot para magserve ng makakain. I can't help but to be captivated to her, she's tall and has a fair white skin like snow. She also have this curvy body and blonde hair, in a clean bun.

"What's with the stare?" Stay asks. Kanina pa pala s'ya nakatingin sa'kin habang pinapanood ko kung paano makipagusap ang babae sa mga pasahero. She's so calm and respectful.

"She's good," maikling sabi ko, hindi pa rin mailayo ang tingin sa stewardess. "Soon, I will be like her in the future."

"And I will be the Captain." He smiles as I look at him. His smile is the most pure I've ever seen. "Don't stare at me like that, baka mag viral tayo dahil hindi mo napigilang halikan ako."

I automatically roll my eyes. "Assuming." At dahil ako ang malapit sa bintana, doon muna ako bumaling. Hindi ko na rin namalayan na dinalaw na ako ng antok at napasandal na lang sa balikat ni Stay.

---

ding dong

"Stay! Oh God, we didn't expect you're going to have a vacation here." His mom says gladly. Stay tighten his hand holding mine, as if he's saying that I shouldn't be nervous. "Pasok," malambing na sabi ng Mama n'ya.

"Ma, si Papa?" Stay asks as we get inside. Inilagay namin ang mga maleta sa gilid ng living room at hinubad ko ang scarf.

Tumingin muna sa'kin ang Mama n'ya, as far as I remember, she's Tita Stella. Hindi n'ya na siguro ako kilala. Halata sa kan'yang tumanda na, may mga gray highlight sa buhok at nagsisimula nang magkaroon ng wrinkles. Ngumiti ako bago n'ya ilipat ang tingin sa anak.

Pinagbuksan n'ya kami ng pinto, si Tito Santiago ang bumungad samin. Nakahiga sa malawak at malambot na kama, habang may nakakabit na dextrose at nakalagay na oxygen sa gilid. He looks fine, he didn't change... Strikto pa rin at masungit ang mukha. Hindi ko akalain na may sakit pala ang papa ni Stay. Bakit… hindi n'ya sinabi?

"He has acute kidney failure, but he didn't know about that. May sakit rin s'ya sa puso," sabi ni Tita Stella. Kasulukuyang kumakain si Tito Santi, pero nang makita n'ya kami ay bigla s'yang napatigil. "Hon, here's your son. He's here for a vacation. Come on son, talk to him." Inalis ni Tita ang nakapatong na tray sa kama ni Tito at lumabas ng kwarto.

"Pa," maikling sambit ni Stay. Kahit ganon ay pinilit n'yang hwag mabasag ang boses, napalunok s'ya at lumapit kami.

Tinignan ni Tito Santi ang kamay naming magkahawak, sunod ay tinignan ako at si Stay. "Why are you here?" Strikto ang boses nito at matigas. I feel nervous. "Hindi ba sinabi ko huwag ka ng babalik dito?"

Stay faces the floor.

"Wala kang kwenta." Tumawa ito ng nang-uuyam. "Because of you, everything will be gone."

Umangat ng tingin si Stay. "Pa... We shouldn't talk about that here--"

"At nakuha mo pang mag girlfriend?" Seryosong sabi ni Tito Santi. Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay ni Stay dahil sa narinig. Pang iinsulto ba iyon? Napalunok na lang ako at hindi maiwasang masaktan sa sinabi.

"Hon!" sita ni Tita Stella. Kakapasok n'ya pa lang ng kwarto, hinawakan n'ya ako sa braso dahilan para tanggalin ko ang pagkakahawak kay Stay.  "Let's go, hija. They should talk privately."

Bago lumabas, tumingin muna ako kay Stay. Pero hindi n'ya ako tinignan pabalik. Ramdam kong nasasaktan s'ya dahil sa pakikitungo ng papa n'ya. Hindi ko akalaing ganito ang pinagdadaanan ni Stay, sa likod ng masasayang tawa at parang walang problema. Lahat ng pinagdadaanan ko sa buhay, alam n'ya. Pero ako, wala.

"Here, tea." Magkaharap kami ni Tita Stella na nakaupo sa dining table. "Wait, you look familiar."

"Tita… Ako ito, si Faith."

She looks so shock. "Oh my God! After all this years! Sinasabi ko na nga ba at ikaw rin ang makakatuluyan ng anak ko. I'm glad to hear that!"

Hindi ko inaasahan ang sinabi n'ya kaya hindi rin maipaliwanag ang reaksyon ng mukha ko. Pilit akong tumawa. Siguro nga matutuwa s'ya, ako ang laging kasama ni Stay noong elementary hanggang high school.

"Ate Faith?!"

Lumingon ako sa likuran ko. Si Stacey. Ang sister ni Stay. Lumaki na rin s'ya at pumuti, ang dating maikling buhok ay ngayong humaba na. "Stacey! Gumanda ka ah!" We treat each others like a close friends. 10 years old ako noon, and she's seven. Surely, she's now 17.

Tumakbo s'ya palapit sa'kin at yumakap ng mahigpit. "Sabi na eh!" Hinampas hampas n'ya ako. "You're going to be his girl! OMG, gaano na kayo katagal?" So, she still know how to speak Filipino? Narinig kong tumawa si Tita.

"Two months…" nahihiya kong sagot.

Napatakip na lang ng bibig si Stacey, bakas ang saya sa mukha n'ya at umupo sa tabi ko. "OMG! You're his first girl, ah. Don't lose him! I'll kill you!" Then she glares at me. "Kidding!" Tumawa pa ulit s'ya bigla.

"Baliw ka talaga."

"Hays. I missed you, ah. When will be the wedding?"

"H-ha?" I gulp. "Ah, we still have plans..." Bigla akong nailang.

"Stacey! Calm down, they're too young for that," Tita says. Napa pout na lang si Stacey.

"Y-yes," pilit akong tumawa ng naiilang. "U-uhm, may I go to the cr?" 

"Oh, yes. There, go directly then turn left," turo ni Stacey kung saan kami pumunta ni Stay sa kwarto. Tumango lang ako.

Agad akong dumiretso ng comfort room. Masasabi kong napakaganda nito, malinis at makintab. May bath tub at mukhang ginto ang halaga ng bawat gamit, kahit pinakamaliit na detalye rito ay nakakatakot mahawakan. Tumitig ako sa salamin.

Hindi ko akalaing ganito ang kakalabasan ng bakasyon namin dito.

Paglabas ng cr, malalagpasan ang kwarto ni Tito Santi at hindi ko naiwasang marinig ang pinaguusapan nila.

"What will I do to your nonsense license? Are you proud of that?" Ang mga linsensyang dinala ni Stay… ngayon alam ko na kung bakit. Bigla akong naawa, pareho lang pala kami ng pinagdadaanan.

High expectations.

Pero magkaiba kami ng ginawa.

He did his passion. At ako? Nagbulagbulagan ako sa ibinubulong ng pamilya.

And even none of his family supports him, he never lost his faith. Unbelievable right? A man that has the same situation with mine, taught me how to have faith. All along, I was blind. It's like as if he's here to put an ointment whenever I fall.

"I'm sorry…" I whisper, standing in front of the door.

Nang makabalik na sa dining table, wala na si Stacey. Si Tita ay nandoon pa rin at nainom na ng tea. Umupo ako sa dating puwesto.

"Tanggap na naming mamamatay si Santiago," she says out of the blue. "Siguro naman kaya n'yong magkalayo?" Then Tita looks at me. "Marami ng problema, and we're glad Stay came back. Matutulungan n'ya kaming makaahon."

Hindi ko maintindihan. My reaction is still unexplainable, but I stay calm. "What do you mean…"

"We're bankrupt." She's still serious. Alam na ba ito ni Stay? "So, you can do the Long Distance Relationship, right?"

Hindi ako nakasagot. Tumitig lamang ako sa kan'ya, at kitang kita kong nananatili s'yang malakas at matatag. Nakaramdam ako ng awa sa mga malulungkot n'yang mata. Awa rin para sa mga anak n'ya, sigurado akong ganito rin ang naramdaman ni nanay nang mawala si tatay.

My phone rings out of the blue, breaking the reigning silence. And as I open the screen, the familiar name registered on it.

Speaking of her.

"Nanay…"