webnovel

The Faith's Failure (Filipino)

Faith Santimoza is a hardworking graduating student who failed her midterm. She thought that was the end of her journey not until she met Kaiden Agoncillo who is naturally kind to help making Faith fall for him. However, her childhood friend, Stay Montemayor, a student pilot finds out what happened and decided to help and live with her. Will they stay as friends or they'll develop a deeper relationship? This is The Faith's Failure.

Zanicolette · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

|26| Asleep

Kunurap kurap ako ng ilang beses hanggang sa ma-realize kong hindi ito isang panaginip. Mahigpit ang hawak n'ya sa magkabila kong braso habang mariin ang tingin sa'kin.

Nakita ko kung paano lumipat ang tingin ni Stay sa labi ko. Lumunok ako sa sariling laway nang maamoy ang mabango n'yang hininga.

Maya-maya pa ay humiwalay s'ya sa pagkakapatong at iniwan akong mag isa sa salas.

All I can do is to breath deeply. Para akong nalunod sa mga mata n'ya. Napakahawak ako sa dibdib kong malakas ang pagtibok, parang aatakihin na yata ako.

Baliw ba s'ya? Bakit n'ya ako iniwan magisa?

Tumitig ako sa kisame, hanggang sa unti unting nag replay sa isipan ko ang buong nangyari.

Nang mahawakan ko ang dibdib n'ya kanina, pareho iyon sa nangyayari sa puso ko ngayon. Tumayo ko sa sofa at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

Grabe, ang hot n'ya.

Natampal ko ang sariling bibig. Ano ba 'tong iniisip ko? Did I found him attractive at the same time?

Agh, no. Kadiri!

Dahil sa nangyari kanina, hanggang sa maging kahapon, isang araw, isang linggo. I felt loneliness as Stay always went home at night. I often cook for dinner and leave it as if he's gonna notice it.

He never ate those.

Ganoon na ba s'ya kabusy? Studyante pa ba s'ya?

Sabagay, busy rin naman ako.

Bukas na kasi ang Foundation Day ng De Somila University. Papunta ako ngayon sa Faculty ni Sharina — ang coordinator ng Event.

I knocked at her door thrice. "Sino 'yan?" ani Sharina at pinagbuksan ako ng pinto.

Kita sa mata n'yang nakasalamin ang eyebags at stress. Ngumiti na lamang ako at itinaas ang kamay. "Count me in."

Her eyes widened. "OMG! Thank you! Pagod na talaga ako mag hanap ng contestant para bukas, buti napag isipan mo! Thanks!" Niyakap n'ya ako kaya't yumakap rin ako pabalik at tinapik ang likod n'ya.

"Welcome!"

"Thank you ha, good luck sayo! Fighting!" aniya at ngumiti. Kumaway s'ya hanggang sa makalayo na ako sa Faculty.

Saktong nakita ko si Coleen kaya't sabay kaming pumasok sa room namin for next subject. We greeted "good morning" and then she announced for the new project.

"So, I grouped you into four right? Mag usap na lang kayo about sa layout and plans, submit me those then you can get started," Coleen said.

Naglapit lapit kami ni Lara, Soni, at Martin. Si Soni ang leader kaya may naisip na agad s'yang idea about sa project.

"Ako na ang bahala sa print," ani Lara habang kampanteng naka dikwatro.

We glared at her. At the same time natatawa na rin dahil sa ugali n'ya. She's always been like that, medyo tamad rin kasi s'ya magaral. Pero magaling s'ya pagdating sa make up at pagstalk sa crush n'yang writer.

"Tumahimik ka nga. Ikaw, Faith. Anong suggestion mo?" tanong ni Martin na bahala na raw sa design ng output.

"I'll go with Soni's idea," sabi ko nang makita ko si Coleen.

Masaya s'yang nagsusulat sa isang papel habang nakaupo sa desk. At pagkatapos no'n ay nilabas n'ya ang isang libro. She put the note in the middle part of the book.

She even kissed it before putting it into the paper bag of the famous book store. Kasunod no'n ang pag tunog ng phone ko, agad ko 'yong nilabas at binasa ang isang text message.

Stay Montemor

I'll fetch you later.

I don't know but I automatically smiled. Matagal n'ya na akong hindi sinusundo kaya ngayon ko lang s'ya makikita. Lagi kaming nagkakasalisihan sa bahay, not even giving a single note on the refrigerator.

After what he did last week? Gosh.

Pagkatapos ng buong araw, nakikita ko na ang iba't ibang booth at decorations sa bawat sulok ng DMU. Sumilip rin ako sa Gym kung saan gaganapin ang mga contest. Marami ng upuan at mukhang ready na para bukas.

Habang palabas ng Gym, naabutan ko si Samuel. He's talking to a Professor so I hide at the near accaccia. Samuel looks sad and frustrated while listening to the Prof.

Kaya nang makaalis na ang Prof, nilapitan ko s'ya at sinabayan maglakad. "Hey, what happened?" I asked.

Matagal tagal na rin kaming hindi nagkita since noong nag date kami. Maybe he don't like to date me anymore but we're still friends.

"Nothing," he answered.

"Really? C'mon, smile!" I cheered him up. I pinch his cheeks and tried to make Samuel smile. "Ang pangit mo kapag hindi ngumingiti, smile ka na!"

I remained chuckling but it faded when I heard what he said, "Nahihiya ako sa'yo."

Tumigil ako sa paglalakad dahilan para lumingon s'ya sa'kin at lumapit.

"Bakit ka mahihiya? I know anyone would be shocked after hearing it, I understand."

He smiled a bit. Pero ako, tanggap ko na. Sa edad kong 'to? Imposibleng makipag date pa sa'kin ang isang freshman na wala pa sa tamang edad.

Pinanganak na ako noong mag nobya pa lamang ang mga magulang n'ya.

I won't cry for it. Matagal tagal ko na s'yang kilala at napagtanto kong tinuturing ko s'ya bilang kapatid. I'll just be here next to him as an older sister.

Nakakatuwa lang dahil hindi pala halata sa itsura ko ang edad.

"Smile," ngiti kong sabi at kinurot pa uli ang pisngi n'ya.

Samuel pulled me and gave a hug. "I'm sorry, I'm just in a state of shock that time..." He said in a low tone.

Tinapik ko ang likuran n'ya. "I said, I understand, we'll be better as friends," I said as we pulled out from each other.

He frowned. "Friends?"

I raised my brows. "Yes, I know you can't ——"

"I will still date you."

"W-what?"

He smirked and glanced at my back. "I'll go, your brother is already here." Kaya lumingon ako sa likuran at ngumiti nang makita si Stay na nag aabang.

"Okay!" We waved at each other as he walked again.

Abot tenga ang ngiti ko nang malamang interesado pa pala s'ya sa'kin. I can't help but to pursed my lips before turning back to Stay.

Pero nang makalapit na 'ko sa kan'ya, iba na ang itsura n'ya. He's in a serious mode, gusto ko na sanang pumasok sa kotse at magkunwaring tulog. I know he dislike Samuel from what he did.

Pero ako itong tanga, marupok.

Hindi naman sa gusto ko s'ya, pero na overwhelmed lang ako sa ginawa n'ya. May asim pa talaga ako!

Pumasok na ako ng kotse, pero si Stay ay nanatili sa labas. Nakita ko si Coleen na lumapit sa kan'ya at ngiting ngiting inabot ang isang paper bag.

Teka-- Iyon yung dala n'ya kanina sa room. Bakit n'ya binibigay kay Stay 'yan? P-para ba kay Stay yung sulat na ginawa n'ya kanina?

I remained watching them. And a part of me is hurt and at the same time, disappointed. Nakita ko kung gaano katamis ang tinginan nila sa isa't isa.

But Stay is always been saying Coleen is a friend.

And it can go further without limits... Right?

Nang makauwi kami sa bahay, dumiretso s'ya sa kwarto habang dala ang paper bag. Minadali ko ang pagluluto dahil ihahanda ko pa ang Tshirt at Jeans na susuutin bukas.

Inisip ko na rin ang kakantahin bukas, at habang ginagawa ang in-assign ni Soni sa'kin kanina via laptop ay kumakanta ako. It's how I practice before going to singing contest.

At habang palalim ng palalim ang gabi, lalo akong kinakabahan. 3 pm pa ang schedule ng Singing Contest pero heto ako, kinakagat ang daliri dahil sa anxiety.

Paano kung pumiyok ako?

Tapos pagtatawanan nila ako...

Then they'll bash me,

"Sumali sali pa di naman marunong."

I sighed. Bakit ba ganito ka toxic ang mga tao? Ang dami dami kong gagawin tapos nakatulala lang ako sa kisame. Avoid negativity, Faith!

Habang nakatutok sa laptop, bumigat na ang mga mata ko. I give my self a rest on the sofa while thinking about what will happen tomorrow.

Not until I heard a footsteps.

Suddenly, I felt a hand onto my forehead. Hinawi n'ya ang buhok papuntang gilid.

"How can you be so happy without me? Damn, I'm always here, but I can't make you feel the same way..."