webnovel

THE DIFFERENT WORLD AND DIFFERENT TIME

"One Day, I open my eyes and I'm trapped in my own NOVEL.."- Lenzy Pacheco Lenzy a famous writer and famous fine'art artist.. She discovered herself inside the world of the story she wrote. She met all the characters she named. She experience all the scene she imagined. She heard all the lines she created. Lenzy, loves tragic's love story.. She never fond of happy ending or happy story.. Until she met THYLANDIER THIRD VALDEZ.. THYLANDIER THIRD VALDEZ - A high ranking politics and soldier who used to love the female protagonist. Paano gagawa ng paraan ang isang manunulat kung nasa loob sya ng gawa nyang kwento? Paano pa nya babaguhin ang lahat ng mangyayari kung nasa loob parin sya ng kwentong binuo nya.. Paano nya pipigilan ang mangyayari kung unti unti nyang marerealized na nagsisimula na syang mahulog kay THYLANDIER THIRD VALDEZ ang antagonist ng novel na gawa nito..

Pica_gurl · Lịch sử
Không đủ số lượng người đọc
38 Chs
avataravatar

KABANATA 35

Nanatiling mulat ang mga mata tila hindi ako makatulog dahil sa matandang parin sa simbahan na kumausap sa akin. Naguguluhan ako sa sinabi nito mas lalo pa akong naguguluhan at mas lalong tumindi ang kaba sa dibdib ko ng mabasa ko ang liham ni inay ising at esperanza para sa akin.

**__**

Pagkarating namin ng simbahan ay pumasok naman kami ni thylandier habang ang ibang pinamili namin ay inilagay sa kalesa habang binabantayan ni mang pipo ang mga ito.

Umupo ako sa pahabang upuan habang si thylandier ay lumuhod habang nakapikit ang mga mata nito..

ANO KAYANG IPINAGDARASAL NITO?

Habang nakapikit ito ay tinitigan ko sya baka heto na ang huling araw ko na masilayan pa sya ng malapitan..

Hinihiling ko na sana ay mabago ko ang tadhana nya.. Hinihiling ko na sana mahanap nya ang kaligayahan at kapayapaan sa puso nya.

"Ano ang ipinagdasal mo?"

Napaiwas ako ng bahagyang tumingin ito sa akin.

ANO NGA BA ANG DAPAT KONG IPAGDASAL NGAYON??

"Ikaw anong ipinagdasal mo?"

"Sasagutin ko lamang ang tanung na iyan kung sasagutin mo ang tanung ko.. Anong ipinagdasal mo?"

Sandaling natahimik na para bang nagiisip ng isasagot.

"Ipagdarasal ko na sana m-mabuhay ka sa nobelang ito.. N-nais kong hilingin na sana mabuhay ka ng matagal sa nobelang ito kahit na wala ako sa tabi mo.. Nais kong mahanap mo ang kaligayan at kapayapaan sa puso mo, thylandier."

Unti unti akong tumingin kay thylandier ng hindi ito kumibo nanatili lang syang nakatitig sa akin hanggang sa magsalita na ito.

"Nais mo din bang malaman ang ipinagdasal ko para sa iyo?"

Nakangiti akong tumango bilang pag sang ayon sa kanya.

ANO ANG IPINAGDASAL MO KUNG GAYON?

Tumahimik ito ng panandalian bago tumitig sa akin kasabay ng titig na iyon ang malakas na kabog ng puso ko na kaming dalawa lang ang makakarinig sa isa't isa.

"Ipinagdasal kong manatili ka sa tabi ko hanggang sa huli ng hininga ko.. Mas nanaisin kong mawala dito sa nobela na kasama ka keysa mabuhay ako na wala ka sa tabi ko.. Hihilingin ko sa iyo na manatili ka na lamang sa aking tabi.."

Napalingon kami ni thylandier ng marinig namin ang pagtikhim ng taong nasa gilid naming dalawa.. Hindi namin napansin ang presensya ng pari na nakatitig ngayon sa amin at lalo akong nakaramdam ng kaba ng lingunin naman ako nito.

"Hindi ka taga rito.."

Hindi ko alam pero napahawak na lamang ako sa suot kong sa'ya dahil sa kakaibang tingin nito sa akin..

"Piliin mo ang magpapayapa at magpapasaya sa iyong puso, ija."

Bakit ba lagi nilang sinasabi sa akin ang dapat kong piliin..

"Padre lino.. Akala ko'y inilipat kana sa maynila?"

Halos maimulat ko ang aking mga mata at napatitig na lang sa dalawa.. MAGKAKILALA SILA?

"Heto na ba ang iyong kasintahan?"

Nakangiting tanung nito kay thylandier na halos lumaki ang ngiti sa labi.

"Sya nga po pala si lenzy.. Ang aking —— Asawa."

Halos malunok ko ang sarili kong laway dahil sa isinagot nito sa paring nasa harapan namin ngayon.

"N-nagkakamali ho kayo.. M-magkaibigan lamang kaming dalawa.."

BAKIT BA LAGI NYANG SINASABI NA MAG- ASAWA KAMI?

Napangiti naman ito bago sumilay ang kakaibang aura ng mukha nito sabay nilingon ang kamay namin ni thylandier na magkahawak ngayon.

Napabitaw agad ako dahil sa pagkakangiti nito sa akin.. BAKIT BA NAPAHAWAK NA LANG AKO SA KAMAY NG KUMAG NA ITO?

"Magkaibigan lang kayo.."

Nakangiting patango tango si father lino sa amin.

"Maari ko bang mahiram ang iyong asawa, ija."

Sabing hindi ko sya ASAWA!!

Nanatili akong nakaupo ng akayin ni thylandier si father lino palayo sa akin.

Napahawak ako sa loob ng sa'ya ko ng maalala ang liham na bigay ni thylandier sa akin.

..*__* LIHAM *__*..

Mahal kong anak:

Nais kong sabihin sa iyo na mag-iingat ka sapagkat nabalitaan kong pinapahanap ka ni Senior Patricio...

Nalaman ko ding magkasama kayo ni heneral thylandier nais kong malaman mo na kahit anong mangyari piliin mong maging masaya.

Kaligayahan nyo ni heneral thylandier ang nais kong maranasan at maramdaman mo.. H'wag mo na akong isipin pa sapagkat kaya ko ang aking sarili.

Nagmamahal ang iyong ina

- Ising -

Halos napahawak ako sa aking dibdib dahil sa nabasa kong liham na galing kay inay ising.

Muli kong kinuha sa loob ng aking sa'ya ang isa pang liham.

..*__* LIHAM *__*..

Mahal kong Ate Isabel:

Ako ito si esperanza.. Nais kong sabihin sa iyo na nagtungo si senior patricio sa bahay- panuluyan ...  Buti na lamang at nakaalis agad ako kung kaya't nagtungo ako kay Senior Dairus upang humingi ng saklolo dahil nakita ko kung paano piliting isama ni Senior Patricio ang iyong ina ipinipilit nito na itinatago ka ni manang ising kung kaya't pinahihirapan ng mga tauhan ni Senior Patricio si manang ising.. H'wag kang mag-alala sapagkat gagawa ng paraan si Senior dairus upang saklolohan si manang ising.

Sana ay bumalik ka na dito.. Ngunit kung nais mong makasama si heneral thylandier ay hindi na ako magpipilit na sana ay bumalik na kayong pareho dito.. Galit na galit ang ama ni nathalia sapagkat nais ng makawala ni heneral thylandier sa kasal nila ng kanyang kababata.

H'wag kang magalala sasaklolohan ni Senior Dairus ang iyong ina.. Ngunit nais kong sabihin sa iyo na naghihinala na sina Senior patricio, seniorita nathalia at senior dairus na maaaring magkasama kayo.

H'wag na h'wag kang mabahala sa aming kaligtasan ang nais namin ni manang ising ay ang iyong kaligayan kasama ang lalaking tunay mong iniibig.. Maari bang tugunan mo ang liham na ito upang malaman ko kung ika'y nasa mabuting kalagayan kasama ang iyong sinisinta.

Nagmamahal ang iyong kaibigan:

- ESPERANZA -

Mabilis kong isinantabi ang mga liham sa loob ng aking sa'ya ng makita ang paglapit ni thylandier at ni father lino.

"Sana ay tama ang inyong naging pasya .."

Pambungad ni father lino habang tahimik lang akong nakikinig sa kanila.

"Thylandier nais kong sabihin sa iyo na pagingatan mo ang iyong sarili.."

Tanging tango lang ang isinagot ni thylandier kay father lino.

"At ikaw naman, ija."

Nakatitig lang kami ni father lino sa isa't isa.

"Sana'y mapagtagumpayan mo ang iyong tungkulin bilang may akda.. Nais kong sabihin sa iyo na nagtitiwala ako sa iyo na Mapagtatagumpayan mo ang lahat."

Nakangiti nitong turan sabay may inilabas itong libro sa aking harapan.. Napatayo ako dahil sa nakita kong libro.

"Hindi ba't ikaw ang may akda ng nobelang ito?"

( ANG DAUGHTER OF GOVERNOR AND THE LEADER OF REVOLUTION PART I )

Halos manginig ang mga kamay kong inabot ang librong hawak nito.. PAANONG NAPUNTA ITO SA KANYA?

"Ibinigay ko ang libro kay father lino, lenzy. Nais kong tulungan kang makalabas dito at hindi na madamay pa.."

Unti unti akong napalingon at napatitig kay thylandier dahil sa sinabi nito sa akin.

"Makakalabas ka lamang dito kung magwawakas na ang nobela.. Ngunit iyong pakatatandahan na ang buhay mo ang nakasalalay sa magiging wakas nito."

"A-anong ibig nyong sabihin?"

Tumahimik sandali bago sya nagbaba ng tingin sa hawak kong libro.

"Kailangan mong mahanap ang tunay na makapapatay sa bida.."

"Bida?? Ngunit sina dairus at nathalia ang bida sa nobelang ito.."

Napansin ko ang pag angat sa gilid ng labi ni father lino.

"Hindi sila ang tinutukoy kong bida sa iyong nobela.. Simula ng makapasok ka dito sa loob nagbago na ang lahat. Hindi na sina nathalia at dairus ang bida sa ngayon.."

Napaisip na lamang ako dahil sa itinuran ni father lino sa akin.

"Ano po bang ibig nyong sabihin father??"

Nanginginig at nangingilid na ang luha sa aking mga mata.

"Ikaw ang bidang babae sa nobelang ito, lenzy. At si thylandier ang bidang lalaki ngunit maglalaho sya kung mapapatay sya ng bagong papalit na antagonist."

BAGONG PAPALIT NA ANTAGONIST?? IBIG SABIHIN MAY BAGONG PAPALIT NA KONTRABIDA?

"Ija, ang tinutukoy ko ay malapit sa inyong dalawa.."

Halos maguluhan ako sa sinabi nito.

"Kung nais mong malaman ang kasagutan buklatin mo ang libro sa huling kabanata ng unang parte ng iyong nobela.. Bubuklatin mo lamang ito kung nakahanda ka na sa trahedyang mangyayari sa inyong pagmamahalan.. Kung handa ka na nga bang wakasin ang paghihirap ng mga tauhang narito sa loob ng nobela na ikaw din ang may gawa."

Nakangiti nitong inalis ang kanyang kamay sa libro bago kami talikuran.

"Nawa'y hindi kayo kaligtan ng ating mahal na ama sa kaitaas taasan.."

Tahimik akong nagpaalalay kay thylandier ng makalabas kami ng simbahan.

Handa na ba ako sa trahedya?? Handa na ba akong wakasin ang lahat? Handa na nga ba akong iwanan ang mga narito at handa na ba akong iwanang nagiisa si thylandier..

**__**

Maaga pa lang ay tumayo na ako sa pagkakahiga habang pinagmamasdan ang payapang mukha ni thylandier.

"Nais kong mabuhay ka ng matagal sa nobelang ito, thylandier."

Naglakad ako sa harap ng bintana at binuksan ito.. Naramdaman ko pa ang kakaibang lamig ng hanging dumampi sa akin..

Makulimlim pa ang langit dahil madaling araw pa lang naman.. Napaaga ata ang gising ko ngayon!! Hindi naman ako nakatulog ng maaga kagabi.

Napabuntong hininga na lamang akong tumitig sa langit na may mga bituin pa naman ng kaunti at hindi pa tinatakpan ang buwan na sobrang bilog.. FULL MOON

(ARAW NG PISTA)

"Nais mo bang maglibot?"

Nakangiting tanung ni thylandier sa akin..

"Nais kong magtungo sa simbahan bago tayo maglibot.."

Nakangiti kong sagot habang nandito kami sa balkoni ng bahay-panuluyan..

Ilang sandali pa ay natahimik kaming dalawa habang nakadungaw sa bintana sa pangalawang palapag ng bahay-panuluyan pinagmamasdan ang mga taong naglalakad at nagaayos para sa pista.

"Magandang umaga sa inyo.. Nais nyo bang sumabay sa paglilibot?"

Napalingon kami ni thylandier sa tatlong babae na nakausap namin nung una naming punta dito.. Lumayo kaagad sa akin ang babaeng nagsabi sa akin ng kerida at mangkukulam kama'kailan lang.. Sigurado akong ikatlong linggo na namin dito ni thylandier.

Tumingin naman agad si thylandier sa akin na para bang hinihintay nito ang isasagot ko sa kanya.

"Oo.. S-sasabay na lamang kami."

Iiling iling kong sagot dahil napansin ko na hinihintay nila ang sagot ko. Ngumiti naman sa akin ang dalawang babae maliban sa isa.

"T-tara na..."

Nakangiti kong hinila si thylandier palapit sa akin ng mapansin kong didikitan sana siya nung babaeng sinabihan akong kerida at mangkukulam.

Pansin ko naman ang pagtataka sa mukha ni thylandier dahil sa ginawa kong panghihila sa kanya.

"May ibibigay nga pala ako sa iyo.."

Narinig kong bulong nito habang sinusundan namin ang tatlo sa paglalakad.

Kahit na narinig ko ang bulong nito nagpanggap lang akong tumitingin tingin sa mga taong patuloy na nag aayos para sa magaganap na pista ngayong araw na ito.

Ganito pala ka busy ang mga taong naglalakad at nag aayos para sa darating na kapistahan at kasiyahan.

"Ano iyon?"

Nakangiti kong turo sa mga nagsasayawan sa bandang kaliwa namin.

"Ang tawag po diyan ay 'sayaw sinta'.. Ibig sabihin po ay pananampalataya ng dalawang magkatipan.."

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa paglapit ng babaeng may kaiklian ang buhok.

"Bakit naman kailangan nilang manampalataya?"

"Dahil gusto ng dalawang magkatipan ang magtagal at mas lalong lumalim ang pagmamahal nila sa isa't isa.."

Para lalong lumalim ang pagmamahalan nila sa isa't isa?

"Bakit hindi nyo po subukan.."

Para akong naistatwa dahil sa tanung nila sa akin.

" Hindi ba't mag'asawa na kayo.. Maari nyong subukan ang 'sayaw sinta'. "

Tatanggi sana kami ni thylandier ng hilain ako ng babaeng may kaiklian ang buhok samantalang ang isa pang babae kasama si juancha ay itinulak nila palapit sa akin si thylandier.

Hindi naman kase kami magkatipan,eh!

Magsasalita pa sana ako ngunit nagsalita na si juancha na ikinabigla ko..

"Nawa'y mas lalong lumalim ang pagmamahalan nyong dalawa senior.."

Hindi ko alam pero nangiti na lang ako na tumingin kay juancha.. Biglang naglaho yung inis ko sa kanya.

"Bagay ho kayo, seniorita. Sana'y kayo hanggang dulo.."

Makahulugan nitong sambit.. Ngayon ko lang narealized na ganito pala kasaya kapag wala kang inis na nararamdaman sa iba.

"Salamat!!"

Napalingon naman ako kay thylandier ng magsalita ito.. Mas lalo akong natitigilan ng makita ko ang dalawang biloy sa pisnge nito kahit ang mata nya ay naningkit na mas ikinagwapo nito.

Itinapat ni thylandier ang palad nya sa harap ko habang hindi nawawala ang pagkakangiti nito sa akin. Hindi ko alam pero sobra sobra na ang sayang nararamdaman ko para sa kanya.

"Nais kong isuot mo ito."

Mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ko ng makita ang hawak nito.. Full Moon Bracelet!!

"H-heto yung ibinibigay ni manong sa akin.. P-paano mo nakuha ito?"

Nakatitig ako ngayon sa 'Full Moon Bracelet' na inilagay na nya sa kamay ko.

"Binili ko iyan para sa iyo.. Nakita ko ang tuwa at saya sa mga mata mo ng makita at mahawakan mo ang bagay na ito kung kaya't binili ko na para makita kong muli ang kakaibang tuwa at saya sa iyong mga mata."

"Salamat!!!"

Nakangiti kong iniabot ang kamay ko sa kanya.. Nakangiti kaming pareho habang sumasabay sa galaw at sayaw ng mga magkatipan na nagsasayaw ng romantic dance..

Pintig ng puso ko ang tangi kong naririnig.. Huni ng mga ibon ang naging musika ko at ang hangin na dumadampi sa amin ang nagbibigay sa akin ng saya habang nakatitig sa mga mata ni thylandier.

"Ang bagay na iyan ang magpapaalala sa iyo na nakilala natin ang isa't isa."

Kumunot ang noo ko dahil sa itinuran nito sa akin na siyang nagpaiba ng nararamdaman ko..

"Ang bagay na iyan ang magtuturo sa iyo kung ano ako sa buhay mo.. Nais kong itago mo ang bagay na iyan para maalala mo ako kung sakaling magwakas na ang nobela at magwakas na ang aking buhay."

"Hindi ko hahangarin na magwakas lang sa trahedya ang nobela na ito.. Ako ang masusunod.. Ako ang gumawa nito kaya tatapusin ko ang nobela ng walang nasasaktan at namamatay."

Hindi ko alam pero naramdaman ko na lang ang biglaang pag'bagsak ng luha sa aking mga mata..

"Magiging masaya ang lahat.. Gagawin kong happy ending ang nobela na ito, thylandier."

Nahinto ako sa pag'galaw at dahan dahan na idinampi ang palad ko sa pisnge nito.. HINDI KO NA KAYANG ITAGO PA ANG NAGLILIYAB KONG DAMDAMIN SA HARAP NG LALAKING NAGBIGAY SA AKIN NG KAHULUGAN NG PAG-IBIG AT KASIYAHAN..

"Gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang sa nobelang ito.. Gagawin ko ang lahat para sa iyo kahit kapalit nun ay ang kamatayan ko dito sa loob ng nobelang ito."

Panay lang ang pagtulo ng luha ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi nito sa labi ko.. NGAYON MAY RASON NA AKO PARA GUMAWA NG HAPPY ENDING..

"Ikaw ang rason kung bakit gagawa na ako ng magagandang kwento na ang wakas ay may kasiyahan at walang trahedyang magaganap.. Ikaw na ang magiging magandang rason at ala-ala na babaunin ko kapag nakabalik na ako sa mundo ko.."

At kung sakaling maalala kita gagawa ako ng paraan para mahanap ang itinitibok ng puso ko.. AT IKAW YUN THYLANDIER!!

Lumipas pa ang ilang oras magkasama parin kami ni thylandier sa paglilibot kahit ang pamimili ng magagandang panyeta (ipit ng buhok) ay inatupag din naming dalawa.

Halos hindi din mawala'wala ang ngiti naming pareho habang magkahawak ang kamay.. Natitigilan pa ako ng makita ang mga kababaihan na nagaayos ay napapatingin kay thylandier samantalang ito ay nanatiling nakatitig sa akin minsan naman ay nawawala ang tingin sa akin kapag may kumakausap sa kanya..

Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag kasama mo yung taong nagpapasaya sa iyo.

"Nais mo bang kumain sa banda doon.."

Nakangiti nitong itinuro ang helerang kainan ng isaw at iba't ibang pagkain pang 'street food'..

"Oo naman!! Nagugutom na din ako.."

Inalalayan naman ako nito hanggang sa marating namin ang helerang kainan ng iba't ibang putahe at pang street food..

Heto na marahil ang perfect date ko kasama si thylandier..

"Tikman mo ang isaw heto ang paborito kong kainin.."

Nakangiti kong iniabot sa kanya ang dalawang piraso ng isaw.. Naalala ko tuloy si dairus!! Sya ang kauna unahang tauhang nakasama ko na kumain ng ganitong pagkain.

"Bakit parang walang lasa ang pagkaing ito?"

Natawa naman ako ng mapansin na isinubo agad nya ang isaw na binigay ko hindi man lang nya isinawsaw sa suka.

"Paanong magkakalasa ang isaw kung hindi mo ibinabad sa suka.."

Natatawa ko paring sambit kaya pati heto ay Natawa din dahil nahawa sa akin.

Napangiti na naman ako dahil nakakailan na ito sa isaw at hindi pa nya ginagalaw ang siomai na nasa harap nito.

Nakangiti kong kinuha ang siomai at nilagyan ito ng toyo at durog na sili pinatakan ko na din ng kalamansi bago ko iniharap sa kanya.

"Heto naman ang tikman mo.."

Iniaabot ko sa kanya ang siomai na nilagyan ko ng toyo, durog na sili at kalamansi.

"Sige na!! Masarap ito."

Wala syang nagawa kundi isubo ang isa hanggang sa makita ko ang ngiti nya..

"M-masarap nga.."

Tinuhog nya ang isa pa at nginuya ito.. Natawa ako ng natalsikan pa sya ng kaunti dahil sa panggigigil nito sa siomai.

"Woi!! Dahan dahan naman.."

Natatawa kong idinampi ang daliri ko sa gilid ng labi nito..

Minsan pa syang natigilan pero napangiti na din ito sa akin.

Matapos naming kumain muli kaming naglibot hanggang sa hilain nya ako papunta sa isang Stage kung saan may nagaganap na dula.

"Napakasaya ng pista nila.."

Nakangiti nitong bulong sa akin habang nasa stage ang paningin ko..

At napakasaya ko din na nakasama ka sa pistang ito, thylandier.

"Masaya akong makasama ka, lenzy."

May kakaibang kilabot nung marinig ko na namang binanggit nya ang tunay kong pangalan kahit na hindi ito ang kauna unahang tinawag nya ako sa tunay kong pangalan.

"Masaya din ako.."

Sabay kaming lumingon sa stage at sabay naming inenjoy ang dula ng isang babae na galing sa tunay na mundo at ang lalaking galing naman sa loob ng nobela.

PARANG AKO..

—— Dula ng isang babaeng may akda at lalaking sa libro lang nabubuhay.. ——

"Hindi ko akalaing makakapasok ako sa loob ng nobela na ito.."

Nakaluhod na turan ng babae habang nakatingala sa kalangitan..

"Sino ka?? Bakit ganyan ang iyong kasuotan?"

Maya't maya ay tanung ng lalaki habang nakatitig silang dalawa sa isa't isa.

"I-ikaw ba si manuel?? Ikaw ba ang ginawa kong kontrabida sa nobelang ito?"

Hindi makapaniwalang tanung ni Quinnie habang nakatitig din kay Manuel..

Mabilis na inalalayan ni manuel si quinnie na tumayo sa pagkakadapa nito.. Tumindi ang kakaibang kuryente sa kanilang katawan ng magdikit silang dalawa.

—— Unang Part ng dula ——

Halos mapahawak na ako sa dibdib ko ng maalalang gaya ng nasa dula ay may kakaibang kuryente din akong naramdaman ng magdikit ang palad namin ni thylandier.

"Tila may gumugulo sa iyong isipan..?"

Marami ng gumugulo sa isipan ko since nung makapasok ako sa nobelang ito.. Since nung makilala kita at mahalin ka ng sobrang bilis.

"W-wala naman.."

Muli na naman naming itinuon sa harap ang atensyon namin ni thylandier.

—— Dula ——

Nagulat si quinine ng umamin sa kanya ang antagonist ng nobela nya at ganun din kabilis ang nararamdaman nya para kay manuel pareho silang umamin sa isa't isa. Pareho nilang minahal ang isa't isa.

"Saan mo nais magtungo?"

Nakangiting tanung ni manuel ngunit natigilan sila ng dumating si Juan ang bida sa gawang nobela ni quinnie.

"Saan kayo papatungo?? Hindi kayo maaaring magsama dahil nakatakda ng ikasal si manuel kay lita samantalang ikaw ay nakatakda na ding ikasal sa akin, quinnie."

Dali daling nilapitan ni Juan si Quinnie at pilit na isinasama ito sa kanya.

"J-juan nagmamakaawa ako sa iyo.. Hindi ikaw ang mahal ko."

Napaluhod na lamang si quinnie habang nagmamakaawa sa harap ni juan pero hindi sya pinakinggan ito bagkus naglabas sya ng baril at itinutok kay manuel.

"Papatayin ko ang lalaking iyan kung hindi ka sasama sa akin."

Mas lalong napahagulhol si Quinnie habang hinawakan ang kamay ni Juan na ngayon ay may hawak ng baril at ikinasa pa nito.

"H'wag mo syang sasaktan... H-h'wag mo syang papatayin, Juan."

"Kung gayon ay sumama ka sa akin hindi ko sya sasaktan at papatayin.."

Tumayo si Quinnie at nilingon si manuel na nakatitig sa kanya kitang kita sa mga mata nila ang lungkot at pagkasawi para sa pag ibig nila para sa isa't isa.

"P-patawad mahal ko.."

Huling salita ni Quinnie kay Manuel na pilit syang inaagaw kay Juan pero masyadong mapwersa ang mga tauhan nito kung kaya't wala ng nagawa pa si manuel kundi ang titigan ang kalesang sinasakyan ng babaeng pinakamamahal nito.

— 2nd part ng dula —

Hindi ko namalayan ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata dahil sa nasaksihan ko sa dalawang bida sa dula.. Pakiramdam ko'y maaaring mangyari ang napapanuod ko sa kalagayan namin ni thylandier.. Pareho kaming nakatakda ng ikasal sa mga taong hindi naman namin mahal at hindi namin kayang mahalin.

"H'wag kang lumuha, lenzy.. Hindi mangyayari ang bagay na iyan sa ating dalawa."

Out of nowhere napangiti na lang akong tumango sa kanya.

— Dula —

"Totoo bang ikakasal na ngayon si Senior Manuel sa kanyang kababata?? Ako'y nasisiyahan sa mangyayari sa dalawa.. Siguradong mapapalawig ng kanilang mga pamilya ang ating bayan."

Nais na puntahan ni Quinnie ang simbahan kung saan magpapakasal si manuel ngunit hindi sya makaalis alis sa kanyang silid dahil nakasarado ito ng husto.

"Juan buksan mo ang pinto.."

Pagmamakaawa ni Quinnie kay Juan na panay lang ang inom sa sala kasama ang kaibigan nito at ang dalawang babaeng bayaran.

"Nagmamakaawa ako sa iyo... Buksan mo ang pintong ito.. N-nais kong makita si manuel."

Muling inuga ni Quinnie ang saradura ng pinto pero walang nagbalak na tulungan ang dalaga.

"Nais kong makita si manuel.."

Napasalampak na lamang ito at dun na ibinuhos ang mga luha na naguunahan sa kanyang mga mata.

"MANUEL MAHAL KO!!"

Napasigaw na lang si Quinnie at panay ang paghagulhol nito hanggang sa unti unti ng lumilipas ang oras mas lalong nawawalan ng pag asa ang dalaga.

Ipinipikit ni Quinnie ang kanyang mga mata habang hinahayaan nito ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.

"Quinnie, Mahal ko."

Halos mapatayo si Quinnie ng marinig nya ang sigaw ni Manuel na nagmumula sa labas ng mansion ni Juan.

"Manuel.."

Banggit nito sa pangalan ng binata.. Pinilit nyang hilain ang saradura ng pinto hanggang sa masira na nya ito .. Natigilan pa ito ng makarinig sya ng putok ng baril na nagmumula sa labas.

"Seniorita si Senior manuel, ho."

Halos talunin na ni Quinnie ang ilang hakbang ng hagdan At nagmamadaling makababa galing sa pangalawang palapag ng mansion.

Halos manghina ang buong katawan ni Quinnie ng makitang nakabulagta sa damuhan si manuel at naliligo na sa sarili nitong dugo.

"M-MANUEL..."

Patakbong dumapa sa naghihingalong manuel si Quinnie.

"M-mahal na mahal kita.. Nawa'y magkita tayong muli, mahal ko."

Unti unting nabitawan ni Quinnie ang kamay ni manuel ng lagutan na ito ng hininga.

'HINDI KA NA MAKAKALABAS SA NOBELANG ITO..'

Kahit nanghihina si Quinnie naglakad ito palapit kay Juan at walang pahintulot niyang inagaw ang baril at ipinutok sa kanyang dibdib.

"Mas gugustuhin kong mamatay na kasama ka keysa mabuhay ng wala ka sa aking tabi."

Ipinikit na ni Quinnie ang kanyang mga mata habang may luhang dumadaloy sa mga mata nito.

Napasigaw na lang sa galit si Juan at napaluhod sa harap ni Quinnie at Manuel na wala ng buhay.

— End of part —

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko pero may kaunting kirot sa puso ko dahil sa tragic end nito.

Pareho silang namatay!! At hindi sila binigyan ng pagkakataon lalong lalo na si Quinnie, hindi sya binigyan ng pagkakataong bumalik sa totoong mundo nya dahil sa trahedyang nangyari sa kanya dahil sa maling pag ibig na pinagdaraanan ko .. Pinagdaraanan namin ngayon ni thylandier.

"Nawa'y bigyan mo ako ng pahintulot na gawin ang bagay na nais ko uling gawin sa iyo."

Nakangiti nitong turan para agawin ang atensyon ko kaya naman napalingon ako sa kanya gulat pa ako ng makita ang paningin nito ay nasa labi ko na ngayon.

"Nais ko ulit mahalikan ang iyong labi.. Nawa'y pahintulutan mo ako. At sana ay h'wag mo itong kalilimutan."

Kasabay ng malakas na palakpakan ang pagdampi ng labi nito sa aking labi kasabay din ng pagbugso ng damdamin ko ay isang putok ng baril ang biglang nagpagulat sa aming lahat.

"P-PATRICIO..."

Napalingon ako kay thylandier ng hilain nya ako patayo at nakisalamuha kami sa maraming tao na nagtatakbuhan na din.

"Itago mo ang iyong mukha.."

Inilagay ni thylandier ang suot nyang coat sa ulunan ko habang magkahawak kamay kaming tumatakbo kasabay ang ibang tao na nagsisitakbuhan na din dahil sa takot na maputukan.

"SENIOR THYLANDIER, SENIORITA ISABEL DITO HO.."

Nahinto kami ni thylandier ng may magtawag sa amin.. Kunot noo naming inaninag ang mukha ng dalawang babae na tumatakbo sa gawi naming dalawa..

ESPERANZA

SONYA

"Anong ginagawa nyo dito??"

"Mahabang salaysayin, Senior."

Sagot ni sonya sa kanyang senior na kanyang pinagkakatiwalaan.

"Buti na lamang at natagpuan na namin kayo.."

"Nais kong sabihin na kikilitisin sa susunod na linggo si manang ising.. P-pinagbintangan syang isang tulisan."

Biglang bumukas ang simbahan ng 'San Pablo, Bulakan'

"Pumasok kayo.."

Mahihimigan sa kanyang boses ang takot at pag-aalala.

"Nais kitang makausap, ija."

Nagkatinginan muna kami ni thylandier bago kami pumasok sa loob ng simbahan.

"Mas makabubuti kung bumalik na lamang kayo sa 'San Manuel'.. Harapin nyo ang inyong suliranin."

Makahulugang turan ni father lino sa amin.. Tumingin muna ito kay thylandier bago naman ako nito lingunin.

"Tanggapin mo ang magiging wakas ng nobelang ito, ija."

Ano ba ang magiging wakas nito?? Paano ko mapapanatiling buhay si thylandier.

"Sa susunod na kabilugan ng buwan (Full Moon) kailangan mo ng makabalik ng tuluyan sa iyong mundo.. Kung hindi ka makakabalik lahat ng ala-ala ng mga taong nagmamahal sa iyo ay maglalaho kasabay nun ang paglaho ni thylandier sa loob ng nobelang ito."

"K-kung gayon ho.. A-anong kailangan kong gawin? Ano ho dapat ang kailangan kong gawin para manatiling buhay si thylandier sa nobelang ito?"

Kailangan ko ng gumawa ng plano!! Kailangan ko ng malaman kung sino ang pumalit na kontrabida sa nobelang ito.

"Kung hindi si patricio ang makakapatay kay thylandier ibig sabihin lang nun ay nagmamanman ang totoong kontrabida? Yun ho ba ang gusto nyong sabihin sa akin noong narito kami ni thylandier?"

Hindi kaya si dairus ang tinutukoy ni father lino na malapit sa aming dalawa ni thylandier? Pero, nangako sya na hindi sya maghihiganti kay thylandier.

Maaari kayang si dairus ang lalaking nakasuot ng itim na salakot sa panaginip ko??

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at nilingon si father lino.

"A-ano po ang kailangan kong gawin kung sakaling malaman ko kung sino ang bagong pumalit na antagonist (kontrabida) sa loob ng nobela na ito?"

Nakatitig lang si father lino sa akin kaya ganoon din ako sa kanya.. Kailangan kong malaman kung ano ba ang dapat kong gawin.

"Kung sakali man na makita mo sya sa araw ng kabilugan ng buwan kailangan mo syang mapigilan.. Kailangan mong saluhin ang bala na para kay thylandier. Sa ganung paraan ay maililigtas mo si thylandier sa kamatayan at muling magbabago ang takbo ng nobela na ginawa mo, ija."

Muling umalingaw'ngaw ang tunog ng baril sa loob ng simbahan hanggang makita ko si thylandier na tumatakbo palapit sa amin ni father lino.

"Tumakbo kana, lenzy."

Isang malakas na tunog ng kampana ang nagpabagal ng kilos ng mga tauhan sa loob ng nobela tanging ako lang ang nakakagalaw ng bahagya at parang hinihila ako palayo kay thylandier na may tama ng bala sa kanyang balikat.. Nakatitig lamang kaming dalawa sa isa't isa habang nararamdaman ko ang paglayo ko sa kanila.

Hindi!! Hindi ako maaaring lumabas sa nobelang ito ng hindi ko naisasagawa ang dapat.

"Pinapangako ko babalik ako, thylandier."

"Lenzy nais kong hilingin na h'wag ka ng bumalik sa magulo at ma'trahedyang mundong ito.. H-hindi ka nababagay sa lugar na ito."

***   ***

"Lenzy are you okay??"

Naimulat ko ang mga mata ko ng marinig ang tinig ni erika.

"Hoy!! Bakit bigla ka na lang tumakbo??"

Tanung ni noime sa akin.. Naguguluhan akong tumingin sa kanila ng sulyapan nila ang kabuuan ko. ANO NA NAMAN ANG NANGYARI SA AKIN??

"Bakit ganyan ang suot mo?? Okay ka lang, ba? Gusto mo bang idala ka namin sa hospital?"

Hindi ako makapagsalita.. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako kanina.. Ang pagkakatanda ko ay naglalakad kami sa gubat papunta sa museum at hanggang doon lang ang natatandaan ko.

"A-anong nangyari?"

Naguguluhan kong tanung kina beatrix, erika at noime na nakatitig sa akin ngayon..

"Tinakbuhan mo kami kanina.. Ilang oras kaming umikot dito para habulin ka."

Naguguluhang turan ni noime sa akin. Wala talaga akong matandaan!!

"Bakit ba sa tuwing nawawala ka sa sarili lagi kang nakasuot ng lumang sa'ya at lagi kang nakabakya.. Para kang galing sa ibang panahon."

Natatawang habol ni beatrix sa akin habang inaalalayan ako ni noime at erika na panay din ang pagtanung at naguguluhan sa nangyayari sa akin.. Pati tuloy ako ay naguguluhan na din sa sarili ko!

"Ano tutuloy paba tayo sa museum ngayong natagpuan na natin ang bruhildang to."

Inis na itinuro ako ni beatrix.. Hala!! Hindi pa pala kami nakapasok sa museum.

"Nasaan ba tayo?"

"Nandito pa rin tayo sa gubat kaso nga lang napalayo tayo.. Ikaw kase, eh. May patakbo takbo ka pang nalalaman."

Naglakad na kami papunta sa museum kaso pinagtitinginan ako ng mga tao na nasasalubong at nakakasabay namin.

"Magbihis kana muna.. Meron akong extra shirl at maiksing short dito sa bag ko.."

"Samahan kona muna syang magbihis.."

Napapakamot na lang ako habang pilit na inaalala ang nangyari sa akin kanina.

"Magpalit kana wala namang tao dito tayong dalawa lang.."

Natatawang turan ni erika sa akin .. Luminga linga muna ako bago ko hinubad ang sa'ya na suot ko bago ako nagdahil ng t-shirt na may naka drawing na Mickey Mouse at nag short ng sobrang ikli.. ANO BA TO!!

"Tara na.."

Hinila na ako ni erika habang hawak hawak ko parin ang sa'ya ko..

"Welcome to 'San Manuel Museum' .."

Nakangiting bati ng babae sa amin itinuro pa nito ang tamang entrance ng museum bago kami nginitian at talikuran.

Patuloy kami sa paglalakad ng may lalaking nakangiti na itinour kami sa loob ng museum.. Naroon ang iba't ibang luma na ginagamit panlaban ng mga tulisan. Meron pang mga family pictures na iba't ibang pamilya na nakilala nung panahon ng Spanish Era.

"Heto ang pinakamagandang painting.."

Nakangiti namang itinuro ng lalaki ang isang magandang babae na nasa harap namin..

"Isa sa mga babaeng nagpakabayani para sa kapayapaan ng lugar na ito."

"Anong ibig nyo pong sabihin?"

Nagtatakang tanung ko.. Paano kase sinabi nya yung Girl na nasa painting ay isa sa mga babaeng nagpakabayani para sa kapayapaan..

"May mga kwento kwento na isang magaling na manunulat ang babaeng ito.."

Panimula nito habang sumasabay kaming apat sa kanya sa paglalakad.

"Mahilig syang magsulat ng nobela na walang magandang ending kundi trahedya lang.."

"Anong nangyari sa kanya?"

Curious na tanung ni beatrix sabay nilingon pa ako.

"Namatay sya habang ipinaglalaban ang kapayapaan at pag-ibig nya sa kanyang nobela.. Marami ang haka-haka na nakapasok daw ang babaeng ito sa loob ng kanyang nobela."

Nakapasok sa loob ng nobela??

Halos mapalunok ako habang nakikinig sa mga sinasabi nito sa amin.

"Pinatay nya ang mga kalaban gamit ang nalalaman nyang ideya kahit nasa loob pa sya ng nobela.. Ang sabi pa ay nakakaalala sya kahit sa labas ng nobela na gawa nito."

Ipinakita naman nya sa amin ang isang libro na nasa museum..

"Sobrang tagal ng nobelang ito.. Ilang taon na siguro ito pero hindi parin sya nasisira hindi gaya ng ibang libro ay madaling masira. Ngunit heto sobrang tibay."

Nakangiti nyang itinuro ang libro sabay lipat naman kami sa isang baro't sa'ya at bakya na kagaya sa hawak hawak ko na ngayon.

"Ang sa'ya at bakyang ito ang nagpapatunay na totoo ngang narating ng babae ang loob ng nobela.."

Interesting!! Pero bakit ang bigat sa pakiramdam?

"Anong nangyari sa nobela?"

Curious na tanung ni beatrix..

"Marami ang haka-haka na patuloy parin na tumatakbo ang daloy ng nobela dahil hindi ito nalagas at nasira.."

"Huh!! Marami namang libro ang hindi nalalagas at nasisira eh.."

Hindi makapaniwalang turan ni noime.. Gaya ko ay naguguluhan din sila.

"Tama naman po kayo.. Pero ilang taon na ang lumipas.. Hetong libro na to ay nagsimula pa noong panahon ng kastila pero tignan nyo buong buo parin kahit luma na ito."

Tinitigan kong mabuti ang libro.. Tama nga sya!! Lumang luma na nga ang libro pero matibay parin.

Napahawak ako sa tiyan ko ng maramdaman na naiihi na ako kaya naman dali dali akong nagpaalam kina beatrix, noime at erika na nageenjoy sa sinasabi ng kasama naming naglilibot ipinahawak ko na din kay noime ang hawak kong sa'ya.

"Excuse me saan po ang Cr dito?"

Tanung ko sa babaeng humarang sa amin kanina.

"Pagkalabas nyo po ay may makikita kayong simbahan sa di kalayuan tapos magtanung na lamang po kayo doon kung nasaan ang Cr .."

SIMBAHAN??

"May simbahan dito??"

"Opo!! Heto po kase ang tinatawag nilang 'San Manuel Museum'.."

San Manuel Museum?? Kaparehong kapareho nga nito ang nasa nobela ko..

Tumango na lamang ako at sumunod na lang sa sinabi nito.

Halos mangunot ang noo ko ng unti unti kong natatanaw ang simbahan na itinuro sa akin ng babae..

Habang natatanaw ko naman ang simbahan unti unti namang nagiiba ang paningin ko.. ANO NA NAMAN ANG NANGYAYARI SA AKIN?

Napahawak pa ako sa magkabilaang tenga ko ng marinig ang malakas na kalampag ng kampana na nanggagaling sa simbahan.

"Ngayon na ang kasal ni heneral thylandier at seniorita nathalia.."

"Ako'y nagagalak na makita ang ayos ng seniorita.."

Halos mangunot ang noo ko ng marinig ang tinig ng dalawang babae na lumampas sa akin napatitig pa ako sa mga suot nila..

Bakit nakasuot sila ng sa'ya??

Patuloy ako sa paglalakad papalapit sa simbahan habang ang mga taong nakikita ko ay pinagtitinginan ako.. Nagtataka naman ako kung bakit nakasuot halos lahat ng kababaihan ng magagarbong Sa'ya ..

Napakamot pa ako sa noo ko at nilapitan ang isang ale..

"Excuse me po nasaan po ang cr dito??"

Tinignan lang ako nito mula ulo hanggang paa..

"Ija tila naliligaw ka..."

"Hindi po!! Nandito po ako sa San Manuel Museum.."

Kumunot ang noo nito at pinatitigan pa ako ng mabuti..

"Pasensya kana ija.. Ako'y aalis na sapagkat nalalapit na ang oras ng kasal ni heneral thylandier at seniorita nathalia.."

Iiling iling nya akong nilingon bago sya tuluyang umalis sa harap ko. ANO BANG PROBLEMA NUN??

Nathalia at Thylandier?? Parehong pareho sa pangalan ng tauhan ko sa nobela..

Bumuntong hininga muna ako bago ako nagpalinga linga nagbabakasakaling makakita na ng Cr.. Ihing ihi na talaga ako!!

"Seniorita Isabel..."

Nangunot naman ang noo ko ng lapitan ako ng isang babae at may kasama pa itong isang lalaki..

"Hindi ho Isabel ang pangalan ko.."

Nangunot ang noo ko at naipikit ang aking mga mata habang naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa gilid ng mga mata ko..

"Isabel ikakasal na si heneral thylandier.."