webnovel

The Dieties Heiress

SecretAppreciator · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
31 Chs

Chapter 12: His Parents

Kevin's Pov

At dahil ako ang duwag na kaibigan ni Sam. Dito na talaga ako sa bahay niya natutulog. Akalain mo yun, okay lang sakanya matulog ng kasama niya ako sa iisang kama. Oh diba, walang malisya.

"Kevin! Bumaba ka diyan! Andito sila tito at tita!"tawag nito saakin. Wow! Naisip pa pala nila ako. Samantalang, ilang araw na akong nakikitulog sa bahay ni Sam tapos ngayon lang nila ako pinuntahan dito ha.

Dahan dahan akong naglakad pababa ng hagdan ng makita ko sila na nakaupo sa sofa.

Hindi ba sila kinikilabutan? Ang daming ahas ni Sam. Bukod pa doon, marami itong alaga na nakakatakot. Kakaiba talaga ang parents ko.

"Kevin, umuwi ka na."utos ng aking ina saakin na ngayon ay nakaharap na. Bakit ako nito pinapauwi? Eh mas mapanganib nga doon saamin pag nagkataon eh kasi hindi pa kilala yung killer ni Martin.

"Ma, umuwi nalang kayo."ani ko dito. Tinitigan ko naman si Papa at mukhang alam naman nito kung bakit andito ako kay Sam.

Wala ng pamilya si Sam. Ayoko naman na sa panahong ganito mag isa siya.

"Mahal."tawag ni mama kay papa saka ito lumapit at hinawakan ang balikat nito.

"Malaki na ang anak natin."wika pa nito. Nakita ko naman sa mata ni mama na mukhang naluluha na ito nang tumingin ito kay papa.

"Pero-"hindi na naituloy ni mama ang sasabihin niya nang takpan ni papa ang labi nito gamit ang kanyang daliri.

"Asa tamang pag iisip na siya."wika ni papa kay mama na naging dahilan ng pagluha nito. Niyakap ni papa si mama.

"Kaya hayaan na natin siya, mahal."sabi nito habang yakap yakap niya si mama at hinahaplos ang buhok nito.

Napakasweet nga naman ng tatay ko sa nanay ko. Sana all talaga. Hindi ko nga alam kung saan ko namana ang pagkababaero ko eh kasi hindi naman ganun si papa.

Nakita ko namang tumango tango si mama saka ito kumalas sa yakap ng aking ama at nagwalk out palabas. Pero ngayon alam ko na kung kanino ko namana ang walk out ko mode ko, sa nanay ko.

"Mag iingat ka dito, anak."ani ni papa saakin saka ako yinakap.

"Mag iingat kayo, iha."wika nito sa direksyon naman ni Sam. Tumango tango naman si Sam bilang tugon.

Agad rin namang nagpaalam si Papa saamin saka tuluyan ng lumabas ng bahay ni Sam.

Nagkatitigan kami ni Sam na tila ba hindi ko maintindihan ang sinasabi nito sa kanyang mga mata.

"Hoy! Bakit ka tolero diyan!?"tanong nito saakin saka lumapit.

Maganda din naman pala siya kapag malapitan. Ano ba tong iniisip mo Kevin. Natatanga ka na ata eh.

"Siya nga pala. Nag email na saakin yung Academy. Starting tomorrow, yung mga may importanteng gagawin sa Academy pwede nang pumasok."pagsisimula nito. Umupo ito sa sofa at kinuha ang pagkain na nakahain sa lamesa.

"Yaya! Pakikuha si Mel!"utos niya sa kasambahay niya. Nagbibiro ata talaga siya eh. Mel? Okay sana kung aso yang alaga niya, eh kaya lang ahas.

Maya maya pa ay iniabot nang kasambahay nito si Mel.

"So papasok na tayo bukas?"tanong ko dito habang sumusubo siya ng pagkain at hinahaplos ng kabilang kamay niya ang ahas niya na si Mel.

Ibinaba naman nito ang tinidor na hawak hawak niya sa plato na asa lamesa.

"Oo. Bakit? Naduduwag ka ba?"tanong nito saakin nang may pagtaas kilay. Ako? Duwag? No way. Matapang lahi ko nuh!

"Hindi. Tinatanong ko lang."ani ko dito. Tinitigan ko ito ng mata sa mata at laking gulat ko ng ihagis nito saakin si Mel na naging dahilan ng paghalakhak nito at pagbulyaw ko.

Puta talaga itong babaeng ito. Hindi ko alam kung siya magiging kamatayan ko eh. Nakakainis.

"Manang! Pakikuha po si Mel!"sigaw ko sa kasambahay nito. Agad namang kinuha ng kasambahay niya si Mel na nakapulupot saakin. Pilya talaga itong kaibigan kong ito.

"Anong kasalanan ko at bakit ganyan ka saakin?"tanong ko dito. She crossed her arms and stand up from the sofa while she's laughing.

"What's funny?!"pabulyaw kong sabi sakanya. Lumapit ito saakin. Sobrang lapit na para bang kapag itinulak siya ay agad niya akong mahahalikan.

Ano ba itong pinag iisip mo, Kevin? Nakakahiya ka.

"You're funny."bulong nito saakin saka ako sinuntok sa tiyan dahilan upang matumba ako sa sahig. Hindi ko alam kung babae ba talaga ito o hindi.

"Ang galing mong mambabae, ang hina mo naman saakin."pagmamataas nito saakin. Hinila ko ito dahilan upang magalaw ang purselas nito.

"Paano ka natumba diyan?"pagtataka nitong tanong saakin. Hindi siya si Sam. Heto, nanaman tayo. Weirdo na Sam nanaman. Inilahad nito ang kamay niya saakin senyales na gusto ako nitong tulungan.

Tinanggap ko ang tulong nito at muli kong nagalaw ang purselas nito.

"Yak!"sigaw nito saakin ng makita niyang hawak niya ang kamay ko. Agad nitong binitawan ang kamay ko at kumuha ng alcohol.

"Nakakadiri!"pagrereklamo nito sa harap ko.

"Sam. It's amazing how that bracelet turns you into a good one."pagbabasak ko sa kaartehan nito.

"What do you mean?"tanong nito saakin.

"Hindi mo naaalala? Naging mabait ka kanina kaya tinulungan mo akong tumayo."pagpapaliwanang ko dito.

"Huwag mo ng mabanggit banggit yan, Kevin."seryoso nitong sabi saakin saka muli ako nitong sinipa bago ito umakyat sa kwarto nito.

Hindi ko alam kung mas gugustuhin kong kasama ang Sam na mabait o ang Sam na nakasanayan ko na at kasama ko sa lahat ng kademonyohan ko.

Sam's Pov

Nakaharap ako sa salamin ng bigla siyang magpakita saakin.

"Shakira."ani nito saakin.

"Ano bang kailangan mo? Hindi ako si Shakira! Ivery Samantha Louise ang pangalan ko!"wika ko dito.

"Kailangan ka ng Damnivia."ani nito saakin. Damnivia? Hindi ko alam iyang mga pinagsasabi niya.

Maya maya pa ay ipinakita nito sa salamin ang kuwento sa likod ng mga sinasabi niya saakin.

Si Dianara at Fleariza ay kambal. Isa sa kanila ay may totoong katawan , ang isa ay nabubuhay dahil lamang sa kapangyarihan ng isang may lahing manlilikha. Hindi maaring mabuhay na parehas ang kambal sa mga sinaunang taga Damnivia kaya naman ng patayin si Fleariza ay agad sumaklolo ang dating Reyna kaya naman nabuhay ito.

Si Zerxes, asawa ni Dianara, mula sa angkan ng manlilikha. Nagkaroon sila ng kambal na anak, si Morioka at Shakira.

Hindi kilala ng lahat si Shakira kung kaya't kapag lumalabas ng palasyo si Shakira ay aakalaing ito ang Prinsesa Morioka.

Si Zerxes ay may anak din kay Fleariza, si Martha. Isang araw, sumugod si Fleariza sa kanyang kakambal at pinaslang ito at maging si Morioka.

Gamit ang kapangyarihan nang Reyna ay nakatakas si Shakira at naging ligtas. Inilagay ang kaluluwa ni Morioka sa katawan ni Shakira upang mapigil ang paglabas ng kapangyarihan nito. Kasama ni Shakira si Solomon nang mapunta ito sa mundo ng mga tao.

"Kung gayun ay ako si Shakira?"tanong ko dito. Tumango naman ito.

"Eh asaan yang Solomon na yan?"tanong ko dito ngunit umiling lang ito.

"Hindi ko alam kong asaan si Solomon o kung sino siya, mahal kong kapatid. Isa lang ang alam ko, ang taga pangalaga mong si Solomon ay nagkakaroon ng marka sa kamay na kulay asul. Hindi iyong pangkaraniwnag marka lamang. Yun na lamang ang iyong hanapin."sambit nito saakin bago ito nawala.

Ah! Paano ba ako napunta sa sitwasyong ganito kagulo. Nanahimik ang buhay ko sa mundo ng mga tapos ganito?

Prinsesa ako ng isang weird na mundo? Alam kong kapag biglang nagalaw ni Kevin yung purselas, yung mabait nanamang asungot na yun ang lalabas. Ewan ko ba kung anong pakinabang niya saakin sa mundong ito?

Hindi naman siya mapapatay kung hindi siya mahina.

Makasarili na kung makasarili pero AKIN LANG ITONG KATAWANG ITO!

Putang ina! Ayoko ng may kahati sa sarili kong katawan!

A/N: Kamusta po siya? Okay po ba? Pafeedback naman po. Thank you! Please do vote narin.