@International_Pen
((( SENA )))
Nang mahimasmasan ako… sa kakaiyak… na nanatiling nasa tabi ko si Sean, kahit marami pa siyang dapat bigyan ng pansin…
Nanatili kaming tahimik.
Nang may kumatok sa pinto namin.
Walang balak si Sean na pagbuksan ito ng pinto, at may inis sa mukha niya.
Nakakatulala nga itong balita Sean… dalawa kaming buntis ngayon.
Huminga ako ng malalim… at tumayo…
Para buksan ang pinto…
Si Cecile.
"Miss Sena… di sana ako aakyat ngunit… nasa ibaba po ang Ina ni … Miss Espiloy."
Palaisipan pa sa akin… si Rymalene. Ina ni Rymalene.
At narinig ko ngang biglang may nabasag sa ibaba.
Saka nga tumayo bigla si Sean ng lumingon ako sa kanya.
"Sino ang nagpapasok sa kanya dito?!"
Na tanging yun ang tanong niya kay Cecile… saka nga kaming bumaba ni Sean.
"WHAT ARE YOU DOING HERE?!" agad na bulyaw ni Sean.. na halos nagpatalon ng puso ko. Napahawak ako ng mahigpit sa braso niya.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com