((( SEAN )))
"Sean, ang pinangalan mo sa sarili mo diba? How wonderful you are… dalawang pangalan ang pinalampas mo."
"Have a seat Sean." Yaya bigla sa akin ng babaing katabi niya.
"I decline."
Una kong bangit na salita sa harapan ng aking ama… na pareho kaming di inaalis ang paningin namin sa isa't-isa.
"Never mind, I didn't offer, slap her."
Utos niya sa tauhan niya… at nagulat na lamang ako na malakas na sinampal ng tauhan niya ang babaing katabi…
Naiyukom ko ang kamao ko.
Ngunit walang reklamo na tinagap ito ng babae na napahiya na nga sa harapan ko… ilang ulit na sinampal… maririnig sa silid ang malakas na sampal… at naiiyak na ito… na di parin natitigil ang tauhan niya sa kakasampal dito. Napapikit na lamang ako.. dahil si Elaine ngayon, pinipigilan nang mga tauhan niya… at tinakpan na ang bibig.
"Sean, my son… my only sole son. How are you? Mind to tell me some story? Marami din ang naririnig ko tungkol sayo."
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com