((( George )))
Nang makita ko si Master Sean, may buhat itong babae ng bumaba sa sasakyan… at halos napaka dumi nito. Walang malay yung babae na agad niyang sinabi na ito ang bigyang pansin muna ni Dra.Bellen. At ang babaeng ito… ay di na ako magtataka kung siya na naman… Si Miss. Sontoria nga.
Napansin kong nagpapanik si Master Sean… alalang-alala ito… Kung isa lang itong patibong ni Master Luis, sa tingin ko… nanalo na sila.
Muli na naman siya tinapunan ng pang-aasar ni Master Limuel… ang kanyang Ama, na kampanteng nakangiting pinagmamasdan ng Ama habang nag-cha chaa… Ngayon ko lamang nakita si Master Sean na nagkakaganito sa isang babae.
Nagulat din ako ng madali siyang natapos maligo, dahil siya ang taong mahilig magbabad sa bathub ng matagal tagal… Agad niya akong tinanong tungkol sa babaeng yun… at bago pa man ako makasagot… pinuntahan na niya ang silid ni Miss Sena.
Naabutan namin si Dra. Bellen, na nilalagyan ito ng swero…
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com