webnovel

The Devilish CEO

There is a tale that a Devil Young Man, who owns a Candy Truck, processed the human flesh into Candies. Whenever and Whoever the Truck passed by, they were snatch and surprised nowhere to find, and who may know this person forgotten by all. This story was attached to the richest person in this world Where his named scared most of the children... SEAN HERALD... the devil Young Man. No one control him, no one dare to provoke him. Then at the young age, he control things that doesn't anticipated by others. He is the man behind the 72% owner of the business monopoly of the World. @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much

International_Pen · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
1032 Chs

Chapter 49 Father and Son

((( SEAN )))

"Manong, ang ganda dito sa probinsya! Matagal na ba kayo ditto?"

"Maganda talaga dito saka isang dekada na ata ako dito, teka, baka hinahanap ka na sa inyo…"

"Hehehe. Parang ganun na nga, kakarating pa nga lang namin kanina."

"Ay bakit ngayon mo lang sinabi."

"Gusto ko po sana munang gumala."

"Ay, daan na tayo ng barangay hall. Baka andun na mga kasama mo."

Kaya naman nag-U-turn kami pabalik sa dinaanan naming Barangay Hall kanina. Palakaibigan an gang matandang 'to, kaya nga itinatago ko ang pagkatao ko para di manganib ang matandang 'to.

Nang bigla kong mapansin may sumusunod sa amin… Pagkatapos namin mag U-turn, nag U-turn din siya…

Sa side mirror ng motor… sa laki ng katawan nito… Si Hint. Nagulat ako ng ilabas nito ang baril… hindi kaya dahil naka black Tag itong babae… ay papatayin niya mismo sa harapan ng aking Ama.

"Teka lang." bigla kong sabi sa aking Ama na nawiwilly masyado magpatakbo ng klaseng sasakyan na ito.

"O bakit?"

"Itigil mo ang sasakyan na ito."

"Na jijingle ka na ba?"

"Tay!"

Tapos tumawa pa. Itinigil nga niya.

May nakita akong kainan…

"Gusto ko kumain dyan."

"Ay sus mariyosep, sa bahay na lang."

"Gutom na yung babaeng yan."

Kanina pa kasing tumutunog ang tiyan. Tsk. Nakita kong, tumigil din si Hint.

((( SENA )))

"Hehehe, manong naman."

Habang nasa counter kami at namimili ng pagkain, wala ako pera, kaya treat nila ako… at ipinagyabang sa akin ni Manong ang anak niyang halata naman na pinaglihi sa ampalaya at kasungitan ni Miss Minchin.

"Di mo ba alam abroud nagtatrabaho yang anak ko. Kaya lang iha, wala pang girlfriend? Alam mo ba kung ilang taon na yon?"

Wala kasi yung anak niya, lumabas saglit kaya pinagchichismisan sa akin ng Masayahing Matanda na ito.

Teka? Talaga bang mag-ama sila?

Hmmm… sa hitsura ng anak niya… kanina ng makita ko sa liwanag yung mukha niya… parang familiar sa akin… ngunit… hahahaha…. Layo naman… since anak siya ni Tatang… eh, ano gagawin nun sa Probinsya?

Gwapo… at lalong gumandang lalaki dahil sa attitude niya na di mabiro. Saka mabangong lalaki… ahehehe… matangos na ilong, mapupulang labi, mahahabang pilikmata… Yung kilay niya na nagcompliment sa mukha niya at ang mga mata niya… napaka malungkot. At parang nakita ko na yun kahit paano? Di ko lang maalala kung saan, pero impossible diba? Hindi talaga siya yun… promise. Bad Guy yun… Kaya impossible.

" 26?"

"Hahaha. Dyan ka nagkakamali. 30 na yun."

" Di halata ah manong… ako ba manong sa tingin mo ilang taon na ako?"

"32."

"Manong naman eh. 24 pa lang ako. Kahit di pa ako graduate, malapit na din gagraduate. Hay naku naman."

Sagad akong inaasar ng matandang to.

"May boyfriend ka na ba?"

"Ay manong masyado ka ng matanda para sa akin."

"Ay naku iha 63 na ako. Hindi kita type."

Saka ako tumawa, aba naman sinakyan yung biro ko. Magkakasundo talaga kami ng matandang to.

Pumunta na kami doon sa malapit na terrace at naupo .

"Yayain mo ng date anak ko."

"Hahaha. Ako? Dun sa masungit niyong anak? Hahaha… No way."

"Mabait yun. Sabagay di ka naman ata nun papatulan."

Asaan ako ngayon. Pinagmumukha ba ako nitong pangit.

"Order nos. 23 po Mam, Sir."

Ay wow… Seafoods… Yummy gutom na nga ako, ok lang pala na ako yung idahilan ng mokong na yun kahit alam ko siya itong gutom.

Takam na takam na ako. Native Style yung Restaurant pero halatang elegante. Kaya nga nung mag-order si Manong di ko alam kung alin sakin kasi wala namang price na nakalagay. Kapag ganun daw… siguraduhin mo ng busog muna ang wallet mo bago ka magtangka pumasok sa Restaurant na ganito.

"Favorite yan ng anak ko."

Aba naman puro Seafoods, bakit parang pareho kami ng favorite. Basta Seafood di ko yan inaatrasan.

"Manong Anong pangalan ng anak niyo?"

"Samuel Aaron Del --------."

"Don't ever dare tell her my name."

Sa boses na yun, ang boses na grabe ang angas… na saksakan ng yabang!

"Ampangit kaya ng pangalan mo! Samuel Aaron … old fashion masyado!"

Tumawa yung tatay niya. Kasi parang hahampasin ako ng upuan nung marinig niya ang reklamo ko sa pangalan niya. Di kagayo ko… Simple but Cute…

Napaupo ito, at napaismid. Senenyasan niya yung waiter na lumapit.

Hay naku, siya na yung mukhang bata pero 30 years old na. Ampangit nga lang ng pangalan.

"Tay ano ba itong mga order niyo. Magpapakamatay na ba kayo?"

"Eh sa favorite mo yan. Saka ikaw magbabayad."

Pero ang cute naman ng mag-amang to… Sana buhay pa yung tatay ko na mapagbiro din, kaya siguro nagkakasundo kami. Mapagbiro kasi ang tatang na ito… pero wag niyo na nilalang lang… ang galing magmaneho ng motor.

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts