@ International_Pen
((( SENA )))
Nang makatulog si Sean... ngunit nanginginig siya… dahil may lagnat nga. Kaya kinuha ko yung kumot namin, kinumutan ko siya. Nagtataka ako kung bakit wala pang dumarating na katulong o doctor… kaya lumabas ako ng silid namin. At halos napasinghap ako… dahil yung narinig ko kaninang malakas na bumagsak ay… ang … may dumaan bang ipo-ipo dito? Abala maglinis sila Butler Nazi… at bakit may dugo? Kagagawan na naman ba ito ni Sean na lagi na lang kapag mainit ang ulo may dumadanak na dugo. Tsss…
"Anong nangyari?"
"Miss Sena…" bago pa sila makasagot napabow sila. Napalingon ako… Si Sean… para na namang demonyo ang aura niya. Naglakad ito papunta sa akin. Bago pa man niya mahablot ang kamay ko… iniiwas ko na.
"Sean, anong nangyayari sayo?"
Nang humalakhak ito. Natuluyan na nga siyang demonyo. Hangang sa pahina… saka ipinakita sa akin ang mga mata niyang matatalim. Napaurong ako.
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com