@ International_Pen
((( SENA )))
Pagkagising ko kinabukasan… wala na si Sean sa tabi ko. Uhaw na uhaw yun sa trabaho dahil nga tungkol kahapon. Pabigat pa talaga ako sa kanya. Hay naku Sena… wala na nga ata talaga tayong ginawang tama. Tao ka pa ba talaga?... Wala na ngang oras yung tao… Actually sarili ko, di naman ako nagdemand ng oras kay Sean… sadyang siya itong nagbigay ng oras niya sa akin.
Kasi pinapakita mo na kailangan mo siya. Maging matapang ka, wag na wag kang maging kahinaan ni Sean. Make him proud.
Alam ko.
Napaunat na ako ng kamay hindi dahil nakalimutan ko kaagad na nalugmok ako sa kalungkutan kahapon. Kundi lumalaban ako para kay Sean. Wag magmumukmok… at bugbugin ang sarili ng kalungkutan. Wag pabebe Sena. Very bad yun.
Mag exercise… isa pa sa advise ng Doctor…
Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com