webnovel

The Devilish CEO

There is a tale that a Devil Young Man, who owns a Candy Truck, processed the human flesh into Candies. Whenever and Whoever the Truck passed by, they were snatch and surprised nowhere to find, and who may know this person forgotten by all. This story was attached to the richest person in this world Where his named scared most of the children... SEAN HERALD... the devil Young Man. No one control him, no one dare to provoke him. Then at the young age, he control things that doesn't anticipated by others. He is the man behind the 72% owner of the business monopoly of the World. @International_Pen Hi there Readers, thank you once again for Patronizing my Novels TAGALOG NOVELS: 1. The Devilish CEO ( Completed ) 2. Your Stranger ( Completed ) 3. Your Lucky Charm (Completed ) 4. Doctor Alucard Treasure (Ongoing) ENGLISH NOVEL 1. Dearly Possessive Sweet Love ( Ongoing ) 2. The Devilish CEO ( English ) ( Upcoming ) Thank you so much

International_Pen · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
1032 Chs

Chapter 23 His Educational Background

"Uhmmm… kung nais niya sa klaseng yun… di ko alam kung … panu ba nito. Napaka weirdo kasi ng klaseng yan." Halatang ayaw nito sa klaseng yun.

"Wag kayong mag-alala sasabayan ko din naman si Master Sean."

At kung ako ang magsuot ng School uniform na ito… Magmumukha lang talaga ako na pinaka Senior.

Hindi lang ako ang nagsuot ng Uniforme pati yung pinagkakatiwalaan niyang bodyguard na halatang di studyante sa seryoso pa naman nito kung makatingin.

At yung ilan, umarte na pauwi na sina Master Sean, upang mawala ang kaguluhan sa School. Ang tanging nakaka alam lamang na naririto pa kami at sa pagkatao namin ay ang Presidente ng School na ito. Na pinagyabangan na napakaganda ng School Uniform nila. Okey lang, desente naman tignan.

Bumagay nga din naman kay Master Sean. Ang Putting Polo saka itim na Slack. Isinuot niya ang salamin… at nagmukha na talagang napakabata tignan.

Hinatid kami ng Presidente sa tinatawag nilang Animation Lab. Parang Computer Laboratory…

Walang pumansin sa amin, ngunit ng magsalita yung President, napalingon sila.

Tinignan ko ang boung room… pero wala yung babae, hindi kaya…

"Master Sean, negative."

"Tss."At di pa nga kami napapakilala, lumabas na siya ng laboratory. Sinundan naman namin siyang dalawa. Habang yung President parang naiwan sa ere sa klaseng yun. Tiyak napahiya yun sa klase.

May napansin ako kay Master Sean, parang gustong gusto niya ang uniformeng yun… Kung tatanungin niyo ako sa Academic Background niya…

Well, dati bago siya nilayasan ng magaling niyang ina, napaka normal ng pagkatao niya, Simula elementary hangang first year high School. Pero nung mangyari yun, tumigil muna siya para tumulong sa pagpapalago ng negosyo ng kanyang ama. Hangang sa lumago nga ito,

Kasabay nito, tutorial na ang education niya. Sa gulang na 22, nakapagtapos siya sa unang kurso, at sinundan pa ng Masteral at Doctoral sa pinaka malaking paaralan dito sa mundo. Napaka talino niya.

At sadyang stratehiya lang ang pera para agad makapagtapos.

Nakontrol niya ang pera na mismo ito ang kumilos para sa kanya. Dahil ang pera, ang nagpapa alipin sa mga tao. Ngayon, di alam ng lahat alipin niya ang mga ito.

Dahil tumigil na siya sa pagpapalago ng Kompanya na kahit wala siya, di ito babagsak.

Napansin ko, na parang gusto niya na maramdaman ang pagiging isang normal na tao. May mga

babae sa bench, at napatili ng makita si Master Sean. Sa akala kong nakilala siya…

"Sino ba yun Beb?"

"Transferee?"

"Anong course niya?"

Sabagay isang larawan lang ang lumabas na larawan niya. Kaya di siya gaano kakilala.

Bakit?

Sa ngayon ang kanyang ama na inspirasyon niya kung ano man ang naabot at narrating niya ngayon ay nakatira sa isang simpleng Rest house sa may probinsya. Walang nakaka alam na ang anak nito ay si Sean Herald na kilala sa boung mundo, dahil ang tunay niyang pangalan ay itinago namin.

Samuel Aaron Del Herald ang pangalan niya. Para sa kaligtasan ng kanyang ama na nais mamuhay ng mapayapa at tahimik, ginamit niya ang Sean bilang pangalan at Herald bilang apelyido.

Di rin alam ng kanyang ama na ang binata sa likod ng mayamang negosyante ay ang kanyang anak.

Na ang tanging alam nito isang Accountant Officer sa ibang Bansa.

Naglakad lakad lamang siya hangang…

"Put this school into an ashes after she graduated." Na ikinagulat ko na naman. Ibig sabihin niya sunugin yun. Siguro dahil di niya nagustuhan ang pamamalakad ng school na nahalata naman kaagad niya.

Di ko na tinanong kung anong rason niya, pero sa nakikita ko, nagagalit siya sa kanyang sarili at nakakaramdam ng ingit sa mga nakikita niya.

Umalis na kami at hinantay kami ng mga tauhan niya sa isang malapit na mall,

"I want to buy some staff for my Old man. Uuwi ako ng probinsya sa susunod na linggo."

Tumuloy nga kami sa Mall…

Dearest Readers,

Thank you so much!

Here what makes me happy and inspired to finished the story!

Plase Rate the Chapters for 5 Stars!

Comment, what you desire for the outcome of the next chapter... opinions or anything you want to share.

Vote Power Stone, for Ranking purposes, that makes me really happy talaga! Thank You! Have a swag!

For your kindness...

Arigato!

International_Pencreators' thoughts