Tila balisa at may malalim na iniisip si Natasha nang makita siya ni Jacob. Nagtataka ang binatilyo dahil kadalasan kapag pumpasok siya ng eskwelahan ay masaya ito at palaging nakangiti. Pero sa pagkakataong iyon ay may kung anong awra ang hindi niya maintindihan sa dalagita. Nilapitan niya ito na kasalukuyang nakaupo sa kanyang upuan sa loob ng silid-aralan. Kaagad niyang tinapik ang balikat nito mula sa kanyang likuran ngunit napabalikwas sa gulat si Natasha.
"Ano ba Jacob?! Nakakagulat ka naman!"ani Natasha na tila namutla nang makita niya ang binatilyo. Gumuhit sa mukha nito ang hindi maipintang emosyon. Hindi iyon naunawaan ng binata.
"Relax, Nats! Para kang nakakita ng multo ah? May problema ba?"pakli nito sa dalaga na kanina pang kinukutingting ang daliri nito. Alam na alam ni Jacob kapag kinakabahan si Natasha. Isa sa pagkutingting ng kuko niya ang mannerism ng dalaga kapag ito ay kinakabahan o di kaya'y natatakot. Kaya ganun na lang ang pag-aalala ng binata rito.
"Wa—wala!"iwas tingin nitong tugon. Ngunit alam niyang hindi maniniwala si Jacob kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya.
"Nats, kilala kita."muling pangungulit ni Jacob.
"Ja-Jacob, wala 'to! Don't worry about me."pagsisinungaling ni Natasha.
"Let's go..."kaagad hinawakan ni Jacob ang kamay ng dalagita at kinuha ang bag nito. Walang nagawa si Natasha dahil sa lakas ng pagkakahatak ni Jacob.
"Jacob! Ano ba? Bakit mo ba ako dinala dito?"pagtataka ni Natasha nang hilahin siya ni Jacob papunta sa bakantenh lote sa eskwelahan. Dito sila madalas tumatambay kapag walang klase at dito rin sila nagsasabi ng mga problema.
"Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi yang problema mo?!"galit na wika ng binata.
"Ja-Jacob, kasi... a-ano..."
"Natasha! Speak it out!"nangingilid ang luha ni Jacob sa nakikitang sitwasyon ng dalaga.
"Baka kasi hindi ka maniwala kapag sinabi ko."wika naman ni Natasha na nakayuko at magkahawak sa kamay.
"I am your best friend since elementary. Ngayon ka pa ba magsisinungaling sa akin? Anong problema mo? Sabihin mo para may magawa ako. Hindi ako sanay na nagkakaganyan ka."hinawakan ni Jacob ang magkabilang pisngi ng dalaga at tinitigan ito sa magkabilang mata na may halong pag-aalala.
"Na-nagpakita siya sa panaginip ko."tugon ni Natasha.
"Nagpakita? Who? Anong ibig mong sabihin?"nagtatakang tanong ng binata.
"Remember yung kausap mo ako kahapon? Someone stared at me pero biglang nawala. Akala ko guni-guni ko lang pero nakita ko siya kagabi. And worst, nakakatakot ang hitsura niya! Jacob natatakot ako! Baka kung anong gawin niya sa akin..."nangilid ang luha ng dalaga hanggang sa mapahagulgol na ito sa pag-iyak. Niyakap ng binata si Natasha nang mahigpit para mapakalma. Ngunit hindi pa rin nawawala ang pag-aalala nito sa dalaga.
"Kailan pa nangyari 'to?"tanong ng binata.
"Hi-hindi ko alam. Ang alam ko lang simula nang mapunta sa akin yung diary bigla na lang siyang nagpakira sa akin."sagot ni Natasha.
"Hindi kaya..." kaagad na kinuha ang kanyang telepono at tinipa ito na ani mo'y may taong sinusuri. "Si ba ang lalaking nagpapakita sa iyo?"wika ni Jacob nang ipakita niya ang isang facebook account.
Matthew Montiveros
Ito ang pangalan ng may-ari ng facebook account na ipinakita ni Jacob at ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ni Natasha ng naging pamilyar sa kanya ang mukha ng nasa litrato.
"It's him! Jacob, it's him!"lalong nasindak si Natasha sa nakita. Naging malinaw sa kanya kung sino ang lalaking nakita niya at muling niyakap ng binata ang dalaga upang mahimasmasan ito.
"We need to bring back the diary to Sir Alex."wika ni Jacob. Alam niyang iyon ang naging dahilan ng takot ni Natasha kaya dapat gumawa siya ng paraan upang mawala ito. Hindi siya makakapayag na may masamang mangyari sa kaibigan lalo pa't ayaw na ayaw niyang nasasaktan ito. Espesyal ang tingin niya sa kaibigan niya kaya ganoon na lamang ang pag-aalala niya nang makita ang reaksyon nito kanina.
——————————————
"Sir, do you need something?"wika ng isang babae na lumapit sa mesa ni Alex dahil nakahalata ito na parang hindi mapakali at panay ang bukas ng mga drawer at patas ng mga papeles na tila may hinahanap.
"Ah... Dana, may nakita ka bang black notebook na parang journal? Mga ganito kalaki tapos medyo makapal?"tanong ni Alex sa sekretarya ng school habang pinapaliwanag kung ano ang hitsura ng bagay na hinahanap niya.
"Wa-wala naman po akong napansin Sir. Tulungan ko po kayong maghanap?"akmang bubuksan ni Dana anh isang drawer ngunit pinigilan iyon ni Alex.
"Never mind. Just make me a coffee please..."tugon nito.
"Okay Sir."kaagad itong lumabas upang ipagtimpla ng kape si Alex.
"Saan ko ba nailagay 'yun?"bulong ni Alex sa sarili habang patuloy pa rin sa paghahanap. Nang mapagod siya at napaupo na lang siya sa kanyang upuan at napaisip.
Hindi pwedeng mawala ang bagay na iyon. Hindi ako papayag na mawala 'yon.
Ito na lamang ang nasambit niya sa sarili kahit alam niyang napakahirap hanapin ng bagay na hinahanap niya.
—————————————————————
"Okay class, kindly pass your reaction papers."anunsyo ni Alex sa klase niya at isa-isang ipinasa ng mga estudyante niya ang mga ginawa nila. Ngunit laking gulat niya nang may magpatong sa mesa niya ng isang itim na kwaderno kasabay ng reaction paper nito. Napatunghay siya upang tingnan kung sino ang estudyanteng ito.
"Where did you get this Natasha?"tumalim ang mga mata ni Alex sa dalaga.
"Sir, nakita ko 'yan kahapon na nailaglag ninyo."paliwanag ng dalaga.
"Pero hindi mo man lang ibinalik sa akin kaagad gayung alam mong ako ang nakahulog?! Alam mo ba kung gaano kahalaga sa akin 'to?!"sigaw ni Alex sa nalaman.
"Sir, I was about to bring it back to you pero..."nangilid ang luha ni Natasha sa mga naririnig.
"Pero hindi mo ibinalik kaagad?! Did you read this?!"muling sigaw ni Alex.
"Sir..."
"Did you read this?"giit nito at nanginig na sa takot si Natasha dahil kitang-kita niya ang galit ni Alex sa kanya.
"Yes, Sir. Pero..."
"Get out of my class! Now!"wika ni Alex na siya namang ikinagulat ng buong klase.
"Sir hindi naman po yata tama 'yan? Ibinalik naman po ni Natasha sa inyo yung journal na yan aah."kaagad na tanggol ni Jacob sa dalaga.
"And who told you to say that! My rule is my rule! Now if you cannot follow my rules, pwede kang sumama sa kanya sa labas Mr. Esguerra."saad ni Alex.
Kaagad tumayo na tumayo sinAlex at kinuha ang gamit nilang dalawa ni Natasha. Matalim ang tingin ni Alex sa dalawa habang papalabas ang mga ito ng classroom.
"Now class, kung may gusto mang sumunod sa kanila sa labas you are free to get out of my class. Hindi ako nagtotolerate ng mga estudyanteng pakealamero."wika ni Alex sa klase niya ngunit ni isa ay walang naglakas-loob na sumagot.
Ngayong naibalik na ang diary kay Alex. Hindi na kaya guguluhin ng multo si Natasha o isang sekreto na naman ang mabubunyag?