webnovel

The Destined Heiress Of Rabana

Mula sa pagkakaaksidente sa motor kasama ang nobyo ay nagising si Shine sa katauhan ng isang Liwayway na nagpanggap na lalaki sa makalumang mundo, malayo sa mundong kanyang nakagisnan, ang panahon kung saan wala pang mga gadgets, ang kapuluan sa karagatang Pasipiko, ang kapuluang tinatawag na Rabana. Sa katauhan ng isang prinsesang napilitang itago ang tunay na katauhan para lang matakasan ang mortal na kalaban na siyang nagnakaw sa kaharian ng kanyang mga magulang, napilitan si Shine na panindigan ang pagiging si Liwayway sa payo ng kanyang bodyguard na si Agila at hinanap sa mundong iyon ang kanyang nobyong si Miko subalit wala sa kanyang hinagap na magiging kanang kamay ito ni Prinsipe Adonis, ang antipatikong anak ng kanyang mortal na kalaban. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay mahuhulog ang kanyang loob sa prinsipe subalit paano kung malaman ng binatang ang hinanap ng ama nitong tagapagmana sa kaharian ng Rabana ay walang iba kung hindi siya sa katauhan ni Liwayway? Ano ang gagawin niya upang bumalik ang alaala ng kanyang nobyong si Miko at tulungan siyang makagawa ng paraan para makabalik sila sa kasalukuyang panahon? Makakaya ba niyang bumalik kung ang lalaking kanyang minamahal ay naroon sa panahong iyon? Handa ba siyang ipagtanggol ni Prinsipe Adonis mula sa ama nito o tuluyan siyang tatalikuran ng binata kapag nalamang mortal silang magkaaway? Subaybayan ang pakikipagsapalaran ni Shine bilang si Liwayway sa makalumang mundo.

Dearly_Beloved_9088 · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
34 Chs

Ang Mabulaklak na Dila

Kahit ano'ng pilit na ipikit ni Shine ang mga mata, hindi pa rin siya makatulog, gising na gising ang kanyang diwa, iisa lang ang mukhang nakarehistro doon, ang lalaking dalawang beses nang nagligtas sa kanya.

Sino 'yon? Bakit sa tuwing nanganganib ang kanyang buhay ay naroon ito para iligtas siya? Hindi kaya iyon ang kanyang guardian angel?

Hanggang nang mga sandaling iyon, parang naririnig pa niya ang boses nito, ramdam pa nga niya ang kiliting hatid ng ginawa nitong pagbulong sa kanyang tenga kanina. At dama pa ng kanyang beywang ang malapad na kamay nitong mahigpit na nakakapit doon.

Napabalikwas siya nang bangon at sinabunutan ang sarili sa inis pagkuwa'y muling nahiga't pumikit pero mukha pa rin ng lalaking iyon ang kanyang nakikita sa balintataw, nakangisi habang tinutudyo siya.

Hanggang sa mag-umaga na'y hindi man lang siya nakaidlip kahit isang minuto lang kaya't napilitan siyang bumangon.

Wala na si Mayumi sa higaan nito. Nang lumabas siya sa kubo, tulad kahapon, ang ginang lang ang kanyang nakita, wala si Agila maging si Makisig.

Ano na kaya'ng nangyari sa una? Mabuti na lang at tila naawa 'yong naka-hood na lalaki kagabi at parang sinadyang tapusin nang wala sa oras ang paligsahan upang makapagpahinga si Agila. Sino kaya 'yon, bakit isang salita lang nito'y tila batas na sa mga may kapangyarihan doon?

"Aking bunso, ano't napaaga ang iyong gising?" tawag ni Mayumi nang makita siya.

Nagwawalis ito sa bakuran, napahinto lang pagkakita sa kanya.

"Ako'y maliligo sa batis, Ina," sagot niya, pasimpleng inikot ng tingin ang buong paligid.

"Nasaan po sina Agila at Makisig?" 'di nakatiis at nagtanong na rin.

Sa halip na sumagot ay tumalikod ito't itinuloy ang ginagawa.

Siya nama'y nagpaalam na uling pupunta sa batis, himalang hindi na ito tumutol, hinayaan lang siyang makaalis sa kabila ng kaalamang mahigpit na ipinag-utos ni Agila na 'wag siyang palalabasin ng bahay.

Nalaman kaya ni Mayumi na umalis siya kagabi?

Ah, bahala na. Ang mahalaga'y hindi siya nito pinigilan.

Pero hindi siya sa batis nagpunta. Gusto niyang ikutin ang buong kagubatan at alamin kung saan iyon naroroon.

Ang hula niya, ito ang lumang Cavite noon, isang kagubatan. Aalamin niya kung saan siya natagpuan ni Makisig. Marahil iyon ang lugar kung saan sila nadisgrasya ni Miko. Kailangan niya iyong mahanap, baka 'pag nakita niya ang lugar ay malaman niya ang kasagutan sa madaming tanong sa utak.

Nagtataka man kung bakit sa araw ay hindi niya mahagilap si Makisig, hindi 'yon mahalaga ngayon. Kaya niyang maglakad mag-isa. Malay niya, kapag nanganib uli siya, magpakita na naman 'yong engkantong lalaki at iligtas na uli siya.

Hindi niya maiwasang mapangiti sa naisip, ngunit napairap din pagkatapos. Para nga iyong engkanto, nariyan kapag nasa kapahamakan siya, naglalaho naman bigla pagkatapos.

Inihilig niya ang ulo habang naglalakad, bakit ba napunta sa hambog na 'yon ang isip niya. Para na siya nitong tinu-torture, hindi na nga siya pinatulog kagabi pagkauwi niya, hindi pa rin siya patatahimikin ngayong araw.

Binilisan niya ang paglalakad at itinuon ang pansin sa daang tinatahak habang tinatandaan sa isip ang bawat punong makikita, hindi nagkasya't nilagyan niya ng mga palatandaan ang katawan ng mga iyon hanggang sa mapahinto siya sa tuktok ng bundok.

Mula roon ay kita ang buong pulo ng Dumagit, naririnig pa nga niya ang tila sigawan ng mga naninirahan doon.

"Woww! What a scenery!" bulalas niya sa pagkamangha, napapalakpak na sa tuwa.

Nasa baybayin pala ng dagat ang Dumagit. Mula roon ay kita niya sa kulay bughaw na tubig ng dagat at ang tila mga laruang bangka na nagpakahilira sa dalampasigan habang ang ilan ay naroon sa gitna ng dagat.

Mula sa kinatatayuan ay kita rin niya ang mga kabahayan ng barangay, gawa sa anahaw at nipa ang karamihan, tulad marahil sa kanilang kubo ay nakaangat ang kawayang sahig mula sa lupa upang doon iimbak ang mga pagkain at kagamitan, merun din marahil hagdanan ang mga iyon paakyat sa loob ng bahay.

"Bakit tila yata pinagtatagpo tayo ng tadhana sa pook na ito?"

Biglang nabulabog ang tahimik niyang isip sa narinig na boses, awang ang mga labing lilingon sana siya sa nagsalita subalit hindi siya binigyan ng pagkakataon.

"Nakapagtatakang kung saan ako naroon ay naroon ka rin. Bakit yaong damit ko'y madalas mong gawing panakip sa iyong katawan?"

Napalunok siya bigla kasabay ng pagpulupot ng kamay ng lalaki sa kanyang beywang at ang mukha'y dumikit sa kanyang ulo.

Ilang segundo siyang hindi nakaimik, pilit ini-aabsorb sa utak kung kaninong boses ang kanyang naririnig, 'di naman niya maigalaw ang katawan at yakap na siya nito, wala man lang pasabing iyon ang gagawin ng lapastangang lalaking iyon.

Sa tapang ng hiya ng lalaki, sa baritonong boses na taglay nito at sa lapad at tigas ng palad na humapit sa kanyang tyan, iisang kamay lang ang alam niyang sanay gumawa no'n.

Bahagyang kumunot ang kanyang noo. Ibig bang sabihin, alam ng lalaking ito na siya rin ang iniligtas nito noong nakaraang araw? Alam nitong babae talaga siya?

"Shine, kasinliwanag ng araw ang iyong pangalan, kasing halimuyak ng mga ligaw na bulaklak ang iyong bango, subalit ang iyong tinig ay kasing lamig ng simoy ng hanging dumadampi sa aking pisngi sa tuwing ako'y napaparito,"

Lalo siyang natigilan sa tila patula nitong wika habang tila humahalik sa kanyang ulo, dama ng kanyang katawan ang mainit na hininga nito habang nagsasalita.

"Ano'ng dahilan at ikaw'y 'di mawaglit sa aking isipan kahit na isang saglit? Ang dala mo ba'y kasing ganda ng tanawing aking napagmamasdan ngayon, o panganib na kasing lalim ng bangin sa aking harapan?" dugtong nito.

Tila siya naputulan ng dila't hindi makasagot. Ang nagsi-sink in lang sa kanyang utak ay ang tila tambol na pagkabog ng kanyang dibdib at ang kiliting hatid ng patula nitong binigbigkas, hindi alam kung pinupuri siya o hinahamak sa tono ng salita nito subalit hindi niya kayang itanggi sa isip ang tuwang nadarama nang mga sandaling iyon habang nakayakap sa kanya ang misteryosong lalaki na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan.

Bila, sa tulirong isip ay lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Miko dahilan upang pumiglas siya sa pagkakayakap nito sa kanyang likuran.

"Bastos! Bitawan mo ako!" palag niya sa ginagawa nito subalit lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakayapos sa kanyang likuran, ramdam nga niya ang pagsilay ng isang ngisi sa labi nito kahit hindi siya nakatingin sa mukha ng lalaki.

Napapitlag pa siya nang bumulong ito sa kanyang tenga, pakiramdam niya tuloy, lalong lumakas ang pintig ng kanyang puso, iyong sinasabi ng mga kaibigan niyang butterflies in one's stomach sa nerbyos ba o kilig ay ramdam niya ngayon.

"Shine, hindi ba't ikaw'y magiging kabiyak ng dibdib ng anak ng datu ng Dumagit?" usisa nito.

"Hindi ah!" bigla niyang bawi.

Narinig niya ang mahina nitong pagtawa at naramdaman ang pagluwang ng yakap sa kanya saka ipinatong ang baba sa kanyang balikat.

"Magaling kung gayon," paanas nitong sambit saka umayos nang tayo, kumawala ang isang kamay sa kanyang beywang at lumapat sa kanyang balikat habang ang isa'y humawak sa nanlalamig niyang kamay sa nerbyos.

Ewan, sa piling ng lalaking ito, lagi niyang nakakalimutan ang lahat ng gustong gawing pagpalag. Ngayon nga'y hindi niya ito magawang itulak, hindi niya magawang murahin sa galit. Ano ba'ng merun sa lalaking ito na lagi siyang nai-intimadate sa tuwing magkasama sila?

"Saksi ang araw sa kalawakan at ang pulo ng Dumagit sa aking paanan na ikaw'y akin nang pag-aari," maangas nitong sambit.

"Ano? Ang kapal naman ng mukha mo!" singhal niya sa pagkagulat sa narinig, noon lang nagawang pumiglas sabay harap bigla dito at ang isang kamay ay awtomatikong tumaas para bigyan ito ng sampal subalit nahuli ng huli ang kamay na iyon, mahigpit na hinawakan at marahang idinampi sa makinis nitong pisngi kasabay ang pagkawala ng isang mapanuksong ngiti.

Natigilan siya hindi dahil sa takot o galit kundi dahil sa nakikitang kagwapuhan nito, ito na yata ang pinakagwapong lalaking nakita niya mula nang siya'y isilang.

Hindi niya maunawaan ang sarili. Crush niya noon pa man si Miko pero bakit hindi niya maramdaman sa binata ang mabilis na tibok ng kanyang puso tulad ng nararamdaman niya ngayon.

"Bitiwan mo ako!" singhal na uli niya, pilit na nilalabanan ang nararamdaman.

Tumitig ito sa kanyang mukha, nagtagal doon habang unti-unting kumukunot ang noo.

"Para kayong pinagbiak na bunga. Katiyakang panganib ang iyong dala," nakakunut-noong sambit.

Naguluhan siya. Ano'ng ibig nitong sabihin?

Ngunit nawala rin iyon nang muli na namang sumilay ang isang nakakalokong ngisi sa mga labi nito, saka sinulyapan ang hawak niyang kamay, napagaya tuloy siya at muli na namang natameme nang makita mula sa may pulso ang nakalagay na roong bracelet. Gawa sa nephrite jade, kulay berde iyon! Merun na din palang jade sa panahong iyon? Ang alam niya mas mahal pa ang jade sa ginto.

Bumukas ang kanyang bibig sa magkahalong pagkamangha at pagtataka kung sino ang lalaking ito. Bakit pakiramdam niya'y isa ito sa mamayamang tao ng Dumagit.

"Iya'y patunay na ikaw'y akin nang pag-aari," sambit nito sa malamyos na tinig saka hinalikan ang likod ng kanyang palad habang hindi inaaalis ang lagkit ng tingin sa kanya.

"Dayang Liwayway! Dayang!"

Kapwa sila napabaling sa pinagmulan ng sigaw ni Makisig na umaalingawngaw sa lugar na iyon.

Kapwa din balik na nagkatinginan pagkuwan.

"Ano'ng pangalan mo?" sa wakas ay naitanong niya habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki, ito nama'y hawak pa rin ang kanyang kamay.

Dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya hanggang sa isang pulgada na lang ata ang layo niyon sa kanyang mukha.

Bago pa siya nakapalag ay nahalikan na nito ang kanyang pisngi.

Natameme na uli siya, natulala sa ginawa nito, ni hindi siya nakapagsalita nang tumalikod ang lalaki't mabilis na tumakbo palayo bago pa man siya makita ni Makisig.