webnovel

Chapter 6

Malamig ang hangin na sinasalubong ng aming katawan. Kahit puro pagsabog at putukan ang maririnig sa paligid, hindi no'n napalitan ang lamig ng hangin. Malalim na ang gabi ngunit sa ingay ng paligid, aakalain mong ala - sais o ala - siete pa lang ng gabi.

"Dito," wika ni Kelvin, sinenyasan niya akong manatiling nakayuko habang mabilis ngunit tahimik naming binabaybay ang masikip na daan patungong sentro ng putukan.

Matapos ng pangyayari kanina sa pagitan ni Hanna at Smiley, niyaya ako ni Kelvin na maiwan muna namin silang dalawa upang mabigyan ng time.

Kaya kami, eto, sasabak muna sa labanan. Sinabi kong hindi ko kaya dahil bali ang kaliwang kamay ko. Ngunit iginiit ni Kelvin na kaya ko na daw, buti nga daw at may kanang kamay pa akong magagamit ko panlaban.

Hawak-hawak ko sa kanang kamay ang cyan blue nona core katana na bigay kanina ni Hanna. Kaparehas iyon ng sa kaniya na ibinigay ko noong pagkalapag namin dito sa Lost City, kulay lang ang pinagkaiba. Nona Core Katana rin ang gamit na weapon ni Kelvin, kulay black ngunit walang ibang kulay na humalo dito.

BANGGGGGGGGG

Malakas na pagsabog ang nagpabalik sa akin sa reyalidad. Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa sentro ng labanan. Nag-aapoy ang kapaligiran. Maraming examinee na tulad namin, may kanya kaniya rin silang weapons. Napakarami ring cryopus sa lahat ng dako, iba't ibang kulay.

"Jaiho! Mag-focus ka!" sigaw ni Kelvin sa akin mula sa 'di kalayuan. Nakikipag laban na siya sa mga cryopus na madaanan niya.

"Copy!"

In-draw ko na ang espada at iwinasiwas sa mga cryopus na daanan ng espada. Buti nalang at nasa gilid ng sapatos ko ang tacet dagger upang madali kong makuha ang points.

Sa bawat wasiwas ko ng espada ay isinusunod ko agad ang pag wasiwas ng tacet dagger.

Mga red, green, at yellow cryopus lang muna ang kinakalaban ko. Tuwing may malapit na blue cryopus ay iniiwasan ko upang iwas disgrasya.

Mula sa 'di kalayuan, ay may nagpapaulan ng palaso. Panigurado ay bow user ang may pakana no'n upang mas mapadali ang hunt niya at maparami agad ng points.

"Ahhh! Tulong!" isang matinis na boses ang sumigaw mula sa 'di kalayuan. Lumingon ako sa paligid upang hanapin ang pinanggalingan ng sigaw. Sa aking likuran, mga ilang hakbang lang ang layo sa'kin, may babaeng paulit-ulit na sumisigaw dahil hila-hila ng isang green cryopus ang dalawa niyang paa. Hinihila siya nito papuntang apoy.

The h*ck!

Tumakbo ako patungo roon ngunit hindi pa ako umaabot ng biglang may matigas na bagay ang dumamba sa akin kaya napatalsik ako, at tumama ang aking likuran sa sunog na wall.

"Aray!"

Nang tingnan ko kung ano ang dumamba sa akin, nakakita ako ng blue cryopus na katulad ng kinalaban namin ni Smiley na naging dahilan ng pagkabali ng kaliwa kong braso. Half crab, half lion.

"Kung minamalas ka nga naman," nasabi ko na lang sa sarili ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa espada upang hindi ko mabitawan.

"Tulong!" ulit na sigaw ng babae na malapit na sa apoy. May mga lumingon sa kinaroroonan niya ngunit 'di nila siya tinulungan, ipinagpatuloy lang nila ang ginagawang pakikipag laban sa mga cryopus.

Ang cryopus naman na kaharap ko ngayon ay biglang nagtake charge papunta sa direksyon ko. Tumakbo ako patungo roon sa green cryopus na humihila sa babae, nakatalikod ito sa akin kaya 'di niya ako nakita. Pinugutan ko siya ng ulo at nagpatuloy lang sa pagtakbo dahil nakabuntot sa akin ang blue cryopus.

Dumiretso ako sa isang building, sa pamamagitan ng dingding sa harapan ko ay humakbang ako ng dalawang beses sa wall at nag tumbling patalikod, kaya napunta ako sa likuran ng cryopus na humahabol sa akin. Ginawa kong parang sibat ang espada at itinapon 'yon papunta sa cryopus, tumama iyon sa leeg nya.

GRAWWWRR

Humarap ito sa akin at muling sumugod, ngunit hindi na siya umabot sa akin dahil tacet dagger ko na ang sunod na tumama sa kaniyang leeg. Naging abo ito. Pinulot ko ang tacet dagger ko at ang espada na nahulog sa sahig.

Nilingon ko ang babaeng kinakaladkad kanina ngunit wala na siya sa huling lugar na nakitaan ko sa kaniya, hindi ko na siya hinanap at bagkus ay itinuloy rin ang pakikipag laban sa iba pang cryopus na naiwan sa sentro.

~•~

"Bakit ka tumatawa?" nagtataka kong tanong kay Kelvin habang naglalakad kami pabalik kila Hanna. Napaupo siya at napahawak sa tiyan niyang siguradong masakit na dahil sa walang tigil niyang kakatawa.

"HAHAHA ngayon ko lang kasi napantanto 'yang itsura mo. Ang elegante mo no'ng nagkita pa tayo tapos, ngayon mukha ka ng taong grasa. HAHAHA para ka na ngang taga dito sa Lost City dahil diyan sa itsura mo," sagot niya habang tumatawa.

Tiningnan ko ang sarili ko, gutay gutay ang coat ko, ang pants ko naman 'di na nagmumukhang pantalon, parang shorts na gutay gutay. Tapos nangingitim ang ibang balat ko dahil nasunog. Then...puro dugo at sugat ang makikita sa ibang parte ng katawan ko. Mukha nga akong grasa sa lagay kong ito.

"Hinahabol ako ng kamalasan eh," naisagot ko na lang. "Wala rin namang extra uniform sa mga drop chests na nahahanap namin kaya ganito ang itsura ko hanggang matapos ang exam na 'to," dagdag ko pa.

Tumayo na siya at muli naming ipinagpatuloy ang paglalakad. Kakaubos lang ng mga cryopus sa sentro ng putukan kanina, kaya nagka hiwa-hiwalay na ulit ang mga examinee. Kaniya kaniyang punta sa mga temporary base nila, ang iba siguro ay naghanap pa ng mga cryopus.

Marami kami kanina sa sentro, pero ng maubos na ang mga cryopus at magsi alisan na ang iba sa amin at saka lang namin nakita ni Kelvin ang mga bangkay ng ibang examinee na hindi pinalad. Nando'n sa sentro nagkalat ang maraming bangkay. Nalungkot ako pero wala naman akong magagawa, hindi naman namin maibabalik ang buhay nila. Ang magagawa lang namin ay, magdasal na sana 'wag kaming matulad sa kanila.

"HAHAHA he's so cool. Everything about him is amazing, especially his fur and his little wings," masayang saad ni Hanna. Naabutan namin silang pinag uusapan si Heleus Blue na nakahandusay sa sahig at hinahayaan niyang laruin ng dalawang babaeng kasama niya ang kaniyang asul na balahibo.

Nagkatinginan kami ni Kelvin. "Bati na ata sila," bulong sa akin ni Kelvin.

"Siguro nga," bulong ko pabalik.

"Yo!" magkasabay na wika namin ni Kelvin ng makalapit na sa kanilang dalawa.

"Welcome back, how's your hunt?" bungad na tanong sa amin ni Hanna. Tumayo siya at inispeksyon kami ni Kelvin. "No food?"

"Food agad hanap mo? We went there to hunt cryopus, not food-hunting." Sagot ko.

"Hi Smiley, hi Heleus"

"Hi." Bati ni Smiley sa'kin na nakangiti. Nakaupo siya sa tabi ni Heleus at tuloy pa rin siya sa paghaplos sa balahibo nito. Nag kneel down ako at hinaplos ko rin ang balahibo ni Heleus.

"GRAWWR!" bati naman sa'kin ni Heleus.

"Hey Bro-thic, so you mean, we're not eating anything today?" reklamong tanong ni Hanna. Nakatayo siya sa tabi ko.

"I think, may natira pang 2 boxes of cereals dito. Wait, kunin ko," sagot ko. Tumayo ako at lumapit sa mesang nakabaliktad at inabot ang dalawang box ng cereals sa likod no'n. Pati na rin ang mga natirang biscuits at cup noodles ay kinuha ko na.

"Here, eat" wika ko.

Nagsikuha na kaming apat ng makakain namin at naup sa kaniya-kaniya naming puwesto para doon na kumain.

Wala na kaming natirang pagkain kaya kailangan naming maghanap ng drops ni Kelvin bukas ng madaling araw kung gusto naming tumagal pa dito. Baka hindi kami sa cryopus mamatay kundi dahil sa gutom. Kung nasa gubat lang sana kami, mas madaling makahanap ng pagkain. Pero wala eh, nasa isang deserted city kami kaya walang mahahanap na pagkain dito, except nalang sa drop chests.

Pagkatapos naming magsikain ay nagsitulog na kami. Meron naman si Heleus na bantay namin kaya 'di na namin kailangang isakripisyo ang tulog namin para lang mag night watch.

~•~

"Psst pre, gising. Tara na, kanina pa dumaan 'yong dropship," pabulong na bigkas ni Kelvin. Kinusot-kusot ko ang mata ko habang tumatayo. Nakita ko na tulog pa sila Hanna at Smiley, ginawa nilang unan ang katawan ni Heleus Blue na nasarap rin ang tulog.

Inayos ko ang pagkakasuot ng Visor Glass at kinuha ko na rin ang katana na nasa sahig. Sinenyasan kong tahimik lang sa paglakad si Kelvin.

Tinahak namin ang daan pakaliwa dahil doon ang direksyon ng dropship no'ng dumaan ito kaninang alas quatro kaya malaki ang posibilidad na ang mga drops ay nasa kaliwang banda ng Lost City.

Tahimik ang paligid. Kung gaano kaingay kagabi ay kabaliktaran naman ng ngayon. Pati yabag ng mga paa namin ay rinig na rinig kaya malalaman agad namin kung may malapit ba sa aming cryopus or examinee.

"Saan pala kayo nagpunta ni Hanna no'ng nagkahiwa-hiwalay tayong apat?" open ko ng topic dahil gusto ko rin malaman kung saan sila pumunta no'n at anong ginawa nila.

"Buti at natanong mo. Alam mo, ang sakit sa ulo niyang kapatid mo...grabe! Alam mo 'yong wala naman akong sakit sa puso, pero parang aatakihin ako dahil sa kaniya." Wika niya.

Hindi ko alam kung nagagalit ba siya, naiinis or natatawa? Pero nakangiti siya na 'di ko ma explain.

"Ganto kasi, hinanap namin kayong dalawa. Babalik pa sana kami sa pinagtulugan niyo noong unang gabi, kaso nakalimutan niya ang daan. Kaya 'yon, kung saan saan kami napunta. Marami rin kaming nakalaban na cryopus, pero bilib ako sa kapatid mo. Kahit babae siya, ang tapang niya at ang galing makipaglaban. Pero...tsk tsk tsk, pre ang masakit lang talaga sa bunbunan ay minu-minuto siyang naghahanap ng pagkain. Pero, walang segundo na 'di ka niya inisip. Laging nag-aalala 'yon sayo, tapos umiyak pa siya noong kinagabihan na 'di pa rin namin kayo nahahanap."

'Di agad ako nakasagot dahil sa kinuwento niyang iyon. May kakaibang pakiramdam ako na naramdaman. Nakaramdam ako ng kakaibang saya na 'di ko maintindihan. 'Yong saya na hindi ko pa naramdaman dati.

"Kelvin, salamat sa pag protekta sa kapatid ko ha. Salamat kase inalagaan, binantayan at ginabayan mo siya. Maraming salamat talaga," seryosong wika ko habang naglalakad kami. Nakita ko sa peripherals ko ang panandaliang paglingon sa akin ni Kelvin.

"HAHAHA walang anuman pre. Pero sasabihin ko sayo, hindi ko siya nagawang protektahan dahil kayang kaya niyang protektahan ang sarili niya," tugon niya.

"Salamat pa ri-"

"Shhh pre, do'n," pabulong niyang saad. May itinuro siya sa bandang kanan na daan. Isang makipot na daan 'yon ngunit sa dulo no'n ay may dalawang kulay ang makikita. Magkasamang ginto at asul na kulay na liwanag ang makikita.

Parehas naming inilabas ang sari-sariling espada at dahan-dahan kaming naglakad papunta sa direksyon na itinuro ng kasama ko. Nagpaumuna si Kelvin sa paglalakad, ako naman sa likuran na nakasunod lamang sa kaniya.

Nang makarating kami sa dulo ng daan, imbes na umamba ng atake si Kelvin sa kung anong nilalang ang nandoon ay ibinalik niya ang espada sa casing nito.

"Bakit? Anong meron?" nagtataka kong tanong dahil nasa likuran niya pa rin ako. Sinusubukan kong silipin kung ano ang naroon ngunit 'di ko makita.

"Na hit natin ang jackpot pre," sagot niya, sa masayang tono ng pananalita. Tumabi siya upang makita ko rin ang nakikita niya, sa harapan naming dalawa ay isang malaking drop chest na kulay ginto ang labas. At may linings ito na kulay asul.

Nagkatinginan kami at alam kong bakas sa mukha ko ang pagkamangha. Sinubukang itaas ni Kelvin ang takip ng chest ngunit masyadong mabigat.

"Uyy patulong dito pre."

"In the count of three. One..."

"Two..."

"Three." Pagkasabi ko ng three ay sabay naming buong lakas na hinila pataas ang takip. Ngunit hindi pa rin kaya, dahil na rin siguro ay kanang kamay lang ang gamit ko.

"Isa pang try. Go!" sa ikalawang pagkakataon na pag try naming itaas ang takip ay sabay kaming nakarinig ng SKREEEEEKKK sound mula sa likuran namin.

Sabay kaming napatingin sa likuran at nakitang may tumatakbong red cryopus papunta sa amin, tumalon ito at ilang segundo lang ay siguradong sa amin babagsak. Ang espada naming dalawa ni Kelvin ay limang hakbang pa ang layo sa amin.

"Puto!" sigaw na lang ni Kelvin. Napapikit nalang ako at hinintay ang mangyayari.

Isang mabilis at malamig na hangin ang biglang bumulusok patungo sa kinaroroonan namin. Kasabay no'n ang tunog ng isang bagay na sumabay sa hanging mabilis ang pagbulusok. Ilang segundo lang ang lumipas ay nakarinig kami ng thud sa harapan namin.

Iminulat ko ang mata ko, ang red cryopus na sumugod sa amin kanina ay nasa harapan na namin ngayon. Patay na at walang buhay, ang katawan nito'y may nakatusok na mahabang patalim.

Cyan blue ang kulay nito na may black linings, dalawang pulgada ang haba nito. Kasing lapad ito ng 2 daliri sa kamay. Mana Spear...

Maya-maya pa ay nakarinig kami ng mga yabag na nanggagaling sa kabilang dulo ng makipot na daan. Isang anino rin ang lumitaw, matangkad ito at naglalakad patungo sa aming kinaroroonan. Nagkatinginan kami ni Kelvin at naghintay na makalapit ang naglalakad.

Paniguradong siya ang bumato ng spear sa red cryopus.

"Hey you two, what are you doing here?" biglang tanong nito sa amin ng makalapit. Tumayo kami ng maayos ni Kelvin at hinarap ang lalaking nagtanong.

Matangkad, matipuno, maputi, matangos ang ilong at mapungay ang mata. Mukhang masungit, at may vibes siya na kaparehas ng vibe na naramdaman ko kay Xhianne. Hindi ko alam, pero parang boy version ito ni Xhianne.

"Huwag mo kaming ma 'what are you, are you' ah. Ikaw ang dapat naming tanungin niyan. Anong ginagawa mo dito?" maangas na tanong pabalik ni Kelvin. Tiningnan muna ng lalaki si Kelvin mula ulo hanggang paa, at ibinalik ang tingin sa mukha.

"I saved your life, isn't obvious?" kalmado nitong tugon. Tumingin ito sa akin at pinagmasdan din ako mula ulo hanggang paa, kaya medyo 'di komportable para sa side ko.

Ikaw ba naman tingnan mula ulo hanggang paa, tapos mukha ka pang grasa, ano kayang mararamdaman mo?

"I'll just ask you. What were you two doing here?" tanong niya sa akin. Kalmado ang boses niya at mapungay ang matang nakatingin sa akin habang naghihintay ng sagot.

"Uhmm we're lookin for drops. And we found one here. We can't open it though," sagot ko. "By the way, thank you for saving our lives. Can I ask you a favor?"

"Sure. Just make it quick coz I need to keep going. I'm looking for someone," sagot niya. Hindi ko alam kung talaga bang okay lang sa kaniya, hindi kasi nagbago ang itsura niya. Poker face pa rin.

"Can you help us open this? We can't open it," saad ko. Tumango siya at lumapit sa chest. Pumwesto na kaming tatlo. "Ready...go!"

Sabay-sabay naming hinila pataas ang takip ng chest, sa wakas ay nabuksan rin namin. Nagulat ako ng biglang harangan ni Kelvin ang drops.

"Oop oop oop, sa'min lang 'to ni Jaiho ah. Di ka kasali, kami nakahanap nito," paalala niya sa lalaking tumulong sa'min. Napailing na lang ako dahil sa tinuran niya.

"I'm not interested in these," malamig na sagot ng isa at naglakad patalikod. Hinila niya ang spear niya at tinusok ng tacet dagger ang katawan ng cryopus na napatay niya.

Lumingon ito sa akin -yep, sa akin-.

"I'll get going," saad nito at tumalikod na, nagsimula ng maglakad palayo.

"Thank you for your help! Ahh, By the way, what's your name?" pahabol kong tanong. Hindi ito lumingon pero sumagot pa rin siya.

"Zhaile" sagot niya.

"Im Ja-" napahinto ako sa pagsasalita ng may mapagtanto.

Zhaile? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yon lately lang ah. Zhaile...saan ko ba 'yon narinig?

"Xhianne. Her name's Xhianne Garcia. Zhaile's friend"

Smiley!

"Hey wait! Are you somehow looking for someone, named Zehiah Fortez?" tanong ko, medyo pasigaw para marinig niya. Nakalayo na kasi siya sa'min.

Naaninag kong huminto siya at naglakad pabalik.

"Sinong Zehiah?" nagtatakang tanong ni Kelvin sa akin.

"Si Smiley, siya si Zehiah," sagot ko.

"You said the name Zehiah Fortez, didn't you? Do you know her?" tanong niya ng makabalik sa kinaroroonan namin.

"Yeah, she's with us. You can come with us, if you'd like to," sagot ko. Naupo siya sa gilid at pinagmasdan ang spear niya.

"Finish what you're doing, and lead me the way," tugon niya. Nagkatinginan kami ni Kelvin at nagtanguan. Hinarap na naming dalawa ang drop chest na nabuksan na.

"Wow puro pagkain 'to ah!" manghang saad ko. Napakaraming biscuits, tinapay, may mga prutas rin, boxes of cereals, fresh milks, soda na naka can, junkfoods at chocolates. Bawat pulot namin sa mga pagkain ay agad namin iyong pinapasok sa inventory ng gauntlet ko. Sa pinaka ilalim ng chest ay may dalawang box ng sapatos.

RUBY - AZURE

Yan ang nakatatak sa box ng dalawang box ng sapatos. Ang Ruby ang pinulot ko at Azure naman kay Kelvin. Sabay naming binuksan 'yon, isang pares ng sapatos na kulay apoy ang itsura ang nakuha ko. Mukhang normal lang na sapatos 'yon ngunit may bilog na butas sa talampakan nito. Gano'n rin ang sa sapatos na nakuha ni Kelvin.

"Bakit may butas? Panira naman ng itsura sa sapatos oh," dismayadong wika ni Kelvin. "Pero okay lang, 'di naman nila titignan ang ilalim ng sapatos eh."

"This is amazing!" saad ko naman. Tinanggal ko ang suot kong sapatos na sira na at isinuot ang bagong sapatos. Nag try akong mag jogging in place para mapakiramdaman.

"Woah! Ang gaan sa paa. Tapos very comfortable siya," saad ko.

"Nakks pre, ang swerte natin," masayang saad ni Kelvin na abot hanggang tenga ang ngiti. Itinapon niya sa loob ng chest ang dating sapatos na suot niya, do'n ko na rin binasura ang akin tutal wala ng laman ang chest.

"You done?" tanong ni Zhaile na pinagmamasdan kami sa ginagawang pagtalon-talon at pag jogging-in-place.

"Yep, let's get going," sagot ko. Pinulot ko na ang espada ko at nagpaumuna ng naglakad. Sumunod si Zhaile at nasa hulihan si Kelvin na walang tigil sa pagtalon habang naglalakad kami pabalik kila Hanna.

~•~

"Oh my gosh! Kyaaaa! Are you an angel?" parang sinapian ng kung sinong maligno si Hanna ng makita si Zhaile. Kyaaa dito kyaaa doon, puro kyaaa ang maririnig sa building dahil kay Hanna. Gusto ko sanang bumaba nalang ng building pero wag na, itinuon ko nalang ang atensyon ko sa sapatos na suot ko habang nakikinig sa kanila. Si Kelvin naman, nasa labas ng building at inaalam kung para saan ang butas sa ilalim ng sapatos.

"I'm not an angel, but do I look like one?" tanong ni Zhaile.

"Kyaaaaa! Yes. You look like an angel unlike my brother who looks like an unknown species, what's your skin care?" sunod na tanong ni Hanna, na may kasamang panlalait sa akin.

'How dare you? Nananahimik ako dito tapos bigla mo kong isasali sa usapan niyo, buseet ka'

"I'm not using any skin care. And, can you please move. I wanna talk to Zehiah not you," prangkang tugon ni Zhaile.

"Pfffft! Sorry sorry," hindi ko napigilan ang sarili kong matawa dahil sa sinagot ni Zhaile. Nanlilisik ang matang tumingin sa akin si Hanna kaya tumayo ako at pasimpleng bumaba at lumabas ng building. Lalapit sana ako kay Kelvin dahil nakita ko siyang nakaupo sa 'di kalayuan pero isang sipa sa tagiliran ang natamo ko mula kay Hanna, na hinabol pala ako hanggang dito sa labas.

"Why were you laughing?"

"HAHAHAHA because it's funny. Paano ulit 'yon. Uhmm - Can you please move, I wanna talk to Zehiah not you - HAHAHA BOOM! BURN~~~" pang-aasar ko kay Hanna.

Pinaikot niya ang mata niya habang nag 'nyenyenyenyenye' siya. Hayyst, mga pikon nga naman. Napa iling nalang ako at lumapit na lang kay Kelvin. Nanatili akong nakatayo.

"Nalaman mo na kung anong gamit ng butas?" tanong ko. Umiling siya ng may halong pagkadismaya.

"Hindi pa. Baka design lang talaga ito, kaya 'wag na natin intindihin," sagot niya.

"That's not just a design. Watch me," sabat ni Hanna. Makasabat akala mo naman ay may sapatos rin siya ng tulad sa'min. Inilipat namin ang atensyon namin sa kaniya. Nakayuko siya at may pinindot sa likod ng sapatos niyang kulay black. Maya maya ay bigla siyang lumutang katulad no'ng sumundo sa amin sa Baguio.

Napanganga ako, namangha at nagulat pero 'di na kasing gulat no'ng una na hinimatay ako. Napatayo si Kelvin at sinubukan niya rin ang ginawa ni Hanna na may pinindot sa likod ng sapatos, tulad ni Hanna ay lumutang din siya.

"Uyyy pre WAHAHAHAHA try mo 'to. Ang astig!" bulalas niya habang nakalutang at pa isa-isang hakbang ang ginagawa.

"Bro-thic, try it. It's amazing," nakangiting tugon rin ni Hanna. Hinanap ko rin ang button na pinindot nila sa likod ng sapatos, at tulad rin nila ay lumutang rin ako. Pero nawalan ako ng balanse kaya natumba ako sa sahig at una ang pwet.

"Fuc*!"

Nagtawanan ang dalawa kong kasama dahil sa kalampaan ko. Tumayo ako at sinubukang mag balance pero hindi ko talaga kaya. Muli na naman akong natumba sa sahig ngunit naisangga ko na ang kamay ko upang hindi tumama ang aking pwetan.

"HAHHAHA you're really pathetic!" pang-aasar ni Hanna sa akin. Lumapit siya at in offer ang kamay niya, inabot ko 'yon at hinawakan. Nang makatayo ako ay hindi pa rin pinakawalan ni Hanna ang pagkakahawak sa kamay ko, dahan dahan siyang naglakad sa ere kaya humakbang rin ako.

Muntik na naman akong matumba, mabuti nalang at magkahawak kamay kami kaya 'di natuloy ang pagtumba ko sa sahig.

"Just relax. Balance your body. Just think na naglalakad ka lang sa lupa," wika ni Hanna.

"Kaya nga naman pre. At ilang inch lang ang taas natin oh, kaya mo 'yan," segunda naman ni Kelvin.

Magkahawak kamay pa rin kami ni Hanna habang dahan-dahang naglalakad. Hanggang sa ang dahan-dahan ay bumilis ng bumilis hanggang sa naging takbo na. Pakiramdam ko ay kaya ko ng i-balance ang sarili ko mag-isa, kaya bumitaw na ako kay Hanna at naglakad mag-isa.

"See? We told yah, kaya mo," masayang sambit ni Hanna.

"Yeah, thanks," tugon ko.

Nagtakbuhan lang kaming tatlo paikot sa lugar habang nag uusap sa 3rd floor sila Smiley at Zhaile. Nang mapagod kami sa kakatakbo ay naupo na kami at muling pinindot ang button sa likod ng sapatos namin upang mahinto ang paglutang namin sa ere.

"That was amazing!" bulalas ni Hanna.

"Buti nalang talaga at nag enroll ako sa ANU HAHAHAHA!" Saad naman ni Kelvin na pawisan.

"By the way Hanna, where did you got that shoes?" tanong ko.

"I felt hungry a while ago, so I explored and end up finding a shoe box. The name was OBSIDIAN. I took it with me, and changed my shoes just before you guys came," sagot niya. Napatango-tango lang ako.

"Wait guys, parang may mali," wika ni Kelvin habang palipat lipat ang tingin sa sapatos naming tatlo. Nangunot noo ako at nagtatakang tumingin sa sapatos namin, gano'n din si Hanna.

"What's wrong?" tanong ni Hanna.

"Oo nga, wala namang mali ah," segunda ko naman.

"Hindi kase, diba blue ang mga gamit na nakuha mo doon sa suit case na ibinigay sa tent Jaiho?" tanong niya sa'kin. Tumango ako. "Yep. Ano namang connect nun sa sapatos?"

"Wait lang. Tapos red naman ang mga nakuha ni Jaihanna. At black equipments naman ang nakuha ko. 'Yong mga sapatos natin, parang nagkabaliktad. Dapat itong blue ang sayo Jai, tapos 'yang red kay Jaihanna at iyang black sa'kin. Diba? Gets nyo?" explain niya.

May point nga naman siya. Parang color coding ang gusto niyang sabihin.

"You're right. Bro-thic, akin dapat 'yan," wika ni Hanna. Siya na ang unang nagtanggal ng sapatos at ibinigay kay Kelvin. Tinanggal ko na rin ang akin at ibinigay kay Hanna, kinuha ang dating suot ni Kelvin at iyon ang sinuot.

"Iyan, ngayon color coding na," saad ni Kelvin. Para kaming power rangers dahil sa color coding na ito, 'yong suot na lang naming uniform ang kulang.

"Ano? Balik na tayo? Baka tapos ng mag-usap yung dalawa," tanong ko sa kanila.

"Later na. They're not yet done, Im sure. Mayang tanghali na tayo balik para diretso kain," tugon ni Hanna.

"Iyan ka na naman sa pagkain. Jeez, whatever happens food is life talaga para sayo eh noh?"

"Of course Bro-thic. I can live without you, but without food? That's a different story."

"HAHAHAHA aray naman, ang sakit no'n," natatawang wika ni Kelvin. 'Di ko alam kung matatawa ba ko sa sinabi niya.

"Ahh kaya mong mabuhay ng wala ako, pero 'di mo kaya pag walang pagkain? Gano'n pala ah," saad ko. "Kelvin" inilapit ko ang gauntlet ko sa kaniya, pinindot niya ang 2nd button at pinili ang isa sa mga chips na nakuha namin sa chest. Kumuha rin siya na dalawang can ng soda bago muling pinindot ang button.

Ibinigay ko kay Kelvin ang isang soda at binuksan niya ang malaking bag ng Piattos at kinain 'yon.

"Manigas ka dyan ngayon Alien," painggit ko kay Hanna.

"Hey! Unfair! Give me some!" pagmamaktol niya habang pilit na kumukuha ng chips, pero inilalayo namin ang pagkain sa kaniya.

"Tss, bahala ka diyan," saad ko.

"HAHAHA bigyan na natin pre, kawawa naman," saad ni Kelvin na panay tawa at subo.

"Pabayaan mo siyang manigas diyan," tugon ko. Nagpout si Hanna habang pinagmamasdan kaming kumakain.

"Fine! I can't live without you po my beloved brother. Please give me food," pagmamakaawa niya. Nang tingnan ko siya ay pinakitaan niya ako ng puppy eyes.

D*mn, those eyes!

"Aishhh! Here," pagsuko ko. Inilapit ko sa kaniya ang gauntlet ko at bahala na siyang namili. Nag thanks siya ng makakuha ng pagkain. Para tuloy akong humanoid vending machine or humanoid na sari-sari store dahil sa gauntlet na suot ko. Pero it's okay, ang cool naman kaya okay lang.

~•~

Nagpalipas pa kami ng dalawang oras sa labas ng building, puro kain at paglalakad-lakad lang ang ginawa namin, bago namin napag desisyunan na bumalik sa kinaroroonan nila Zhaile at Smiley. Siguro naman ay sapat na 'yong lagpas 2 hours para makapag usap sila ng masinsinan.

Pagdating namin ng 3rd floor ay tahimik silang dalawa. Tapos na silang mag-usap, nakaharap lang sila kay Heleus na nakahiga, at parehas lang nilang hinahaplos ang balahibo nito. Ang weird nilang dalawa, magkaharap sila pero 'di sila nagtitinginan at 'di nag uusap. Basta haplos lang kay Heleus ang ginagawa nila.

"Congrats to the both of you, you found another weirdo," bulong ni Hanna sa aming dalawa ni Kelvin. "Hey what's up? Let's eat?" malakas niyang tanong para mabasag ang katahimikang namayani dito sa 3rd floor.

Luh, eat na naman? Eh, kakagaling lang namin sa labas na puro kain lang ang ginawa, tapos eat na naman ang bukambibig niya?

"Ibang klase," bulong ni Kelvin habang umiiling.

"Alien na baboy 'yan, walang kabusugan," bulong ko pabalik. Lumapit na rin ako sa dalawang naiwan dito kanina na mukhang naghihintay ng ibibigay na pagkain. Inilapit ko ang gauntlet ko kay Hanna, upang siya na ang kumuha ng kakainin namin.

Kumuha siya ng limang soda at isang pack ng biscuit, bago niya pinindot ulit ang button. Nakisabay na sa'min si Zhaile dahil wala rin siyang dalang pagkain. Tahimik na kaming nagsikain, dahil wala namang mai-topic.

Nang matapos kumain ay nagsi kaniya-kaniyang upo lang at titig sa kung saan-saan. Naupo ako sa gilid ng sabog na dingding. Hinayaan kong lumaylay ang paa ko paibaba. Tumingin lang ako sa malayo, kung hanggang saan ang tanaw ng mata ko.

Ano kayang meron do'n? Panigurado maraming examinee at cryopus ang naroroon Nasaan na rin kaya 'yong lapastangan na nanguha ng compound bow na dapat sa akin? Parang wala siyang eksaktong pwesto eh, parang palipat lipat siya ng lugar.

Ilan nalang kaya kaming examinees na natitira. Pang 3 days na namin ngayon, 4th night namin mamayang gabi. Hayystt, parang napakatagal ng araw. 4 days pa bago matapos ang examination na ito.

Ano kayang mangyayari sa mga araw na 'yon? Sama-sama pa rin kaya kaming lima- including Zhaile? May dadagdag kaya sa amin? Sa pagtatapos ng examination, papasa kaya kaming lima? Kung makapasa kami, anong klaseng mundo ang sasalubong sa amin? Ie-explain na rin kaya sa amin kung bakit ganito ang school na na-enrollan namin? Paano naman kung 'di kami pumasa? Papauwiin kaya kami? O ikukulong kami dito upang hindi namin ipagkalat sa totoong mundo ang tungkol sa paaralang ito?

Masasagot na rin kaya ang tanong ko na...

NASA PILIPINAS PA RIN BA KAMI?

Isang batok ang natamo ko na nakapag pabalik sa aking ulirat. Lumingon ako sa aking likuran at nakita sa Hanna. Naupo siya sa tabi ko at malayo ang tingin.

"You're in deep thoughts just a while ago. What were you thinking?" tanong niya.

"What do you care about my thoughts?"

"Im asking here seriously."

"Paano 'yong seriously?" mapang-asar kong tanong. Matalim siyang tumingin sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa malayong parte ng Lost City.

"You really are serious. I'm thinking about.... everything. All the things that are happening until now, I'm thinking about those things," sagot ko habang nakatingin sa paa kong nakalaylay sa labas ng dingding.

"HAHAHA yeah. I can't help but think about those things too. Like the heck, what is the connection of architecture to these things? Architecture 'yong course na kinuha ko pero ba't ganito?" Tanong niya sa hangin. "These things, these events... they're interesting, but we just want to live our lives the normal way. Not everyone likes this. I like this, really inside out, but there's still this space in my heart that wants a normal life."

Nanatili lang akong nakikinig sa kaniya. Hindi ako sumabat dahil first time niyang mag sabi ng totoong nararamdaman niya about sa nangyayari sa'min ngayon.

"I'm happy in playing video games that involves futuristic things, but now that I'm in this situation...my emotions were mixed. I loved it but at the same time, I hate it. I just can't understand. I can't understand anything about this kind of world. I wished many times, that this is just a dream. But everytime I wake up, I'm still in this world. Aish, kung pwede lang ibalik ang oras!" Bulalas niya. Nahiga siya at hinayaang lumaylay ang paa niya sa labas ng dingding. Ipinikit niya ang kaniyang mata at mukhang natulog.

Akala ko, wala siyang pagsisisi na nag enroll sa ANU. Akala ko, napakasaya niya dahil parang nakapasok na rin siya sa laro dahil sa mga pangyayaring ito. Akala ko, binuo ng pangyayaring ito ang pagkatao niya. Pero lahat ng 'yon ay akala ko lang pala.

Maski siya ay nagsisising nag enroll sa ANU. Maski siya ay nagtataka kung ba't kami napasok sa ganitong sitwasyon. Maski siya ay nagtataka kung ano ang koneksyon ng kinuha niyang kurso sa nangyayari ngayon.

Akala ko ako lang, ngunit maski pala siya ay gusto ng bumalik sa normal naming buhay.

Kung sana lang ay pwede talagang ibalik ang oras, kung sana lang talaga...