webnovel

Chapter 14

Zelle's POV

"Jaiho!"

"Jai!"

"Jai~ho~!"

"You f*ckin dumbass! Where the h*ck are you?!"

Puro sigaw ang maririnig na nagmumula sa aming apat. Hindi muna kami lumayo sa cave dahil baka malapit lang si Jaiho sa kinalalagyan namin.

Hindi ko maiwasang katuban na baka may nangyaring masama sa kaniya. Kahit anong pilit kong iwaksi ang idea na baka may kumuha na naman sa kaniya habang mahimbing ang kaniyang tulog ay 'di ko magawa, pilit na nagfa-flash sa isipan ko ang ideyang iyon.

Kinakabahan ako at alam kong gano'n rin ang nararamdaman ng tatlo ko pang kagrupo, syempre kabilang do'n si Khael na kahit kalmado ang mukha ay mahahalata mo pa ring kinakabahan siya sa posibleng nangyari kay Jaiho.

"Maybe he's awake, tapos syempre hindi niya alam ang nangyari, right? So, baka hinanap ka ni Jaiho sa pag-aakalang hawak ka pa rin no'ng limang kumuha sa inyo," saad ni Felice habang nakaharap sa akin.

"That's a possibility," sabat naman ni Khael na lumapit sa aming dalawa.

"Yes, yes. So, let's stay cool and think of a way, para mahanap agad natin siya," ani Jairus na lumapit rin sa amin, sabay ubo at masasabi kong nanunuyo na ang lalamunan niya. Well, ako rin naman.

Nag-abot si Khael ng tig-iisang bottled water sa amin. Pagkakuha ko ng akin ay agad ko iyong nilagok at huminga ng malalim.

Yeah, mataas ang possibility na gising na siya at hinahanap ako. Yes, yes, 'yon nga siguro ang nangyari.

Siguro….

"So, what's the plan?" tanong ko kay Jairus, tutal siya naman ang nag suggest na mag 'stay cool' kami at mag-isip ng paraan para mahanap ang walang hiyang lalaking 'yon, na walang ginawa kundi pakabahin at pag-alalahanin kami.

Talagang masasabunutan ko ang lalaking 'yon 'pag nahanap namin.

Aish! Kainis ka kahit kailan, Jaiho!

"Hmm, for now, relax muna tayo okay? Then, lahat tayo ay mag-isip ng plano tapos mag-voting tayo sa best plan na gagawin natin," sagot niya.

I can't help but scoff because of his response. Napatingin ako sa kaniya ng masama na ikinagulat niya naman. "Relax? Can you hear yourself, Jairus? How can we possibly relax in this situation? One of our comrades are missing and we don't have any f*ckin idea where and how is he!"

"Zelle..calm down," saad ni Felice at akmang aaluhin niya ako ng bigla kong hampasin palayo ang kamay niya.

Here I go again. Hindi ko na naman makontrol ang sarili ko. I just can't help it, kung ano anong nonsense ang sinasabi nila. Like, relax and calm down? Putangina! Pa'no nilang maaatim na gawin 'yon, kung isa sa amin ay nawawala? And hindi lang basta nawawala, injured siya and nabagok ang ulo. Paano kung may ibang effect pala 'yon sa kaniya? Pano kung na-amnesia siya?

Pa'no kung…

'Di talaga siya nagising at basta nalang may nanguha sa kaniya?

Paano?!

Paano nila maatim na mag relax at kumalma?!

"Dont. Touch. Me." banta ko kay Felice at binigyan siya ng matalim na tingin. Bahagya siyang napaatras dahil sa tinuran ko. Liningon ko si Jairus na halatang hindi nagugustuhan ang nangyayari. Gano'n rin ako, hindi ko gusto ang nangyayari!

"Tell me Jairus, sa'n ka humuhugot ng lakas ng loob para sabihing 'relax muna tayo'?" baling ko sa kaniya. Nakataas ang kaliwang kilay ko habang hinihintay ang kaniyang sagot. Ngunit lumipas ang ilang segundo na nakatitig lang siya sa lupa at hindi sumasagot. "ANSWER ME!"

"Zelle! Shut up, will you!?" sigaw ni Khael, halatang naubusan na siya ng pasensya.

Hindi lang siya ang ubos na ang pasensya ngayon. Hindi lang siya. Ang pasensya ko, mababaw lang, at dahil sa mga nangyayari ngayon, ubos na ubos na ang katiting na pasensya ko.

"What? I'm at fault...again?" inis kong tanong sa kaniya. Pero tulad ko, inis na rin siya, actually mukhang sasabog na siya anytime soon.

"Did I say that you're at fault? I didn't right? What I want is for you to shut the f*ck up!" sigaw niya. For the nth time, I scoffed again.

"And why should I? Hindi ako tatahimik hangga't hindi ko nakukuha 'yong sagot kung paano niyo naaatim na mag-relax lang!"

"Hey! Put your hands up!" mas malakas na sigaw ang nangibabaw mula sa likuran ko. Napatingin ako sa tatlo kong kasama na nakaharap sa pinanggalingan ng boses, at halata sa mukha nila ang gulat.

Dahan-dahan akong lumingon suot ang pamatay kong mga tingin at kalmadong mukha.

And there they are, another group of 5 people approaching us. Each of them were holding rifles, ready to shoot us. 3 girls and 2 boys.

Kinuha ko ang aking pana na nakasukbit sa aking braso at kumuha rin ng palaso, itinutok ko 'yon sa kanila kaya naalarma sila.

"Zelle, put that down!" Khael hissed but I just rolled my eyes and stayed calm. Dapat sa mga ganitong sitwasyon sila maging kalmado, hindi 'yong kung kailan nawawala na ang kasama namin ay saka nila maiisipang maging kalmado.

"Hep hep hep! Hindi kami nandito para makipaglaban. We're here because we're looking for someone," saad ng isang babae na ibinaba pa sa damuhan ang rifle na hawak niya. Sinenyasan niya ang iba niyang kasama na agad naman siyang sinunod. Nakababa na sa lupa ang armas nilang lahat, ngunit hindi ko pa rin ibinababa ang aking pana.

"Zelle," saway sa akin ni Khael, hindi ko siya pinansin ngunit bigla niyang inagaw sa akin ang pana at palaso.

"What the hell?" inis kong tanong sa kaniya.

"They're harmless," saad niya.

"Sinong hinahanap niyo?" malumanay na tanong ni Felice na nakakunot ang noo. Napansin kong panay lingon at ikot ng paningin sa paligid ang isang babaeng mukhang mahiyain at 'yong babaeng nagsenyas sa mga kasamahan niya kanina.

"Where is he?" rinig kong bulong ng babaeng mukhang lider nila sa babaeng mahiyain. Nagkibit-balikat ito at napatingin sa device na hawak niya. Ipinakita niya ito sa babaeng nagtanong na naging dahilan para makunot ang noo nito. "He's just here, but where is he?"

"Who are you and who are looking for?" ako na ang nagtanong dahil hindi nila pinansin ang tanong ni Felice.

"Oh, sorry for being rude. I am Jhanah, and they are my groupmates," sagot niya. "This is Zehiah," turo niya sa babaeng may hawak ng device at mukhang mahiyain.

"Jahred, here!" masiglang saad ng isang lalaking magulo ang buhok.

"Nikkiel," saad naman no'ng isang babae na nagpakita ng tipid na ngiti.

"I'm Mickey," pakilala naman ng isa pang lalaki na kasama nila.

"So, who are you looking for?" ulit ni Khael sa tanong dahil mukhang nakalimutan nilang sagutin ang tanong ko kanina lang.

"Oh yeah, we're actually looking for Jaiho. Jaiho Martel, where is he?" nakangiting tanong no'ng babaeng Jhanah ang pangalan.

Nagkatinginan kami ni Felice at nangunot ang aming mga noo.

"Bakit niyo siya hinahanap?" si Jairus naman ang nagtanong ngayon. Bakas sa boses niya ang pagtataka sa kung bakit hinahanap nila ang kagrupo naming nawawala.

Are they friends? Or, they're enemies and they're here to kill him? If that's the case, then, kami muna ang mahaharap nila kahit na wala dito si Jaiho at walang nakakaalam kung nasaan siya.

"Ah, me and Zehiah are friends of Jaiho. Gusto lang sana siyang makausap and yayain na pag-isahin ang grupo namin," sagot ulit no'ng Jhanah. "You're his teammates, right?"

"Yes, unfortunately, he is...missing," sagot ni Felice. Binigyan ko siya ng makahulugang tingin at kumunot ang noo niya. Lumapit ako sa kaniya at bumulong.

"Why did you tell them? What if they're here to kill him and just pretending to be friends with him?" pabulong kong tanong dito.

"I don't think so, they're harmless."

"How are you so—"

"Don't worry, kaibigan talaga namin siya at wala kaming balak na masama," putol nung Jhanah sa sinasabi ko. Siguro ay narinig niya ang bulungan namin o kaya nama'y natunugan niya lang na wala akong tiwala sa kanila.

Which is, totoo naman. Wala akong tiwala sa kanila. Baka nagkukunware lang sila.

"And, you said missing?" kunot-noong tanong nito. Muli siyang tumingin do'n sa device na hawak nung Zehiah bago muling ibinalik sa amin ang tingin.

Ano ba kase 'yang device na 'yan? Is it some kind of a tracker or what?

"Yes, kanina pa namin siya hinahanap, kaya nga nagkakagulo kaming apat kanina bago kayo dumating," sagot naman ni Jairus.

"Eh? Then how come na nandito siya sa lugar na ito base sa tracker namin?" tanong niya saka kinuha ang device kay Zehiah at lumapit sa amin. "Look."

Si Khael na ang may hawak ng device ngayon, makiki usyuso palang ako ng bigla siyang tumakbo paloob ng cave. Nagtataka man kaming tatlo nila Jairus at Zehiah ay hindi nalang kami kumibo at hinintay nalang na lumabas siya.

After almost 5 minutes, muli siyang lumabas. May hawak hawak siyang tela na agad nakapukaw ng tingin namin.

"What's that?" tanong ko sabay lapit sa kaniya.

"Part of Jaiho's coat, where the tracking device is located," sagot nito. Ibinalik niya ang device kay Jhanah at ibinigay rin dito ang punit na tela na may tracking device, na pagmamay-ari ni Jaiho.

Mas lalo akong kinutuban na may masamang nangyayari. May masamang nangyari kay Jaiho, at ang lakas ng kutob ko. Kase kung nagising lang siya at hinanap ako, then bakit kailangan niya pang punitin ang kinalalagyan ng tracking device?

Unless,

'di talaga siya nagising at may kumuha sa kaniyang grupo na nakakaalam na may tracker dito sa battlefield kaya nila tinanggal iyon upang hindi namin siya mahanap.

Pero may something wrong talaga eh.

Kahit gano'n nga ang nangyari, paanong nalaman ng grupong kumuha sa kaniya ang tungkol sa tracker? Or, is it possible na may tracker rin ang grupong kumuha sa kaniya? Pero bakit siya pa ang napagdiskitahang i-track?

"How can you track someone using that tracker?" biglang tanong ko kay Jhanah. Napahinto siya at halatang nag-alangan kung bakit itinanong ko iyon, ngunit sinagot niya pa rin ang aking katanungan.

"Just input the code, then viola! Lalabas na 'yong location niya," sagot niya. "But, that's not our concern now, right? We need to find him as soon as possible."

"We?" tanong ni Khael.

"Yah, we. As I said, Jaiho is our friend. Now that I found out about him missing, I can't just sit and do nothing. Kailangan natin siyang mahanap dahil baka kung ano na ang nangyari."

"Pero paano siya nawala? Hindi niyo man lang napansin or what? Tumakbo ba siya? Or, inatake kayo?" tanong nong babaeng Nikkiel ang pangalan. Sumang-ayon naman yung iba niyang kasama sa tanong niya.

"It's a long story," sagot ni Jairus.

"Tell us the story, para magkaroon kami ng idea kung anong possible na nangyari at kung saan possibleng naroroon siya," sabat naman nong Mickey.

Kahit nagdadalawang-isip ay ikinuwento nila Felice at Jairus ang nangyari. Tahimik na nakikinig ang lima, pati si Khael, at ako naman ay hindi mapakali sa kaiisip.

So, gano'n pala 'yon. Kailangan mo munang malaman ang code ng isang examinee bago mo siya ma track.

Then, kung ang hinala ko na ang kumuhang grupo sa kaniya ay may tracker, mataas ang possibility na kakilala ni Jaiho ang kumuha sa kaniya.

"Then, nabagok 'yong ul—"

"Wait, how'd you know what Jaiho's code is?" biglang tanong ko sa gitna ng kwento nila. Napatingin silang lahat sa akin, bahagyang napaisip si Felice at narinig ko bahagya niyang pag- gasp. Siguro ay naisip niya ang naiisip ko.

"Kaya nga naman, pa'no niyo nalaman ang code ni Jai, eh kami mismo na teammates niya ay 'di namin alam?" tanong niya rin.

"Oh, Zehiah was the one who input the code," sagot ni Jhanah bago bumaling kay Zehiah. "How'd you know his code?"

Hindi sumagot si Zehiah bagkus ay inilibot ang paningin sa paligid na animo'y may hinahanap na kung ano. Napakunot noo ako habang pinagmanasdan siya. Biglang nagliwanag ang mukha niya at parang nahanap niya na ang hinahanap niya.

"What the f*ck?" hindi ko napigilang iusal ng stick lang pala ang hinahanap niya. Kinuha niya ito at bumalik sa harap namin. Ginamit niya ang stick upang magsulat sa lupa.

What the h*ck is this girl doing? Hindi ba pwedeng sabihin niya nalang ang gusto niyang sabihin? Hindi 'yong nagsasayang pa siya ng oras para sa walang kabuluhan?

Together in Lost City.

'Yan ang nakasulat sa lupa. Tinitigan namin 'yon at napakunot ang noo naming apat, ako si Khael, Felice at Jairus. Sabay sabay na nailipat ang tingin namin sa mga kagrupo ni Zehiah.

"Ang ibig niyang sabihin ay, nalaman niya ang code ni Jaiho dahil magkasama sila sa Lost City," wika ni Mickey. Napa- ahh 'yong mga kasama ko. Ako naman ay napatango lang.

Okay, that makes sense. Pero diba dapat alam namin na kagrupo niya ang kaniyang code, kase nga kagrupo niya kami. Pero nevermind, ang mahalaga ngayon, tulad nga ng sabi ni Jhanah, ay kailangan na namin siyang mahanap as soon as possible.

"Do you have any plans how to find Jai?" tanong ni Felice kay Jhanah. Bahagya siyang napa isip bago ibinalik ang tingin kay Zehiah.

"You were also with Jaihanna way back in the Lost City, right? Jaiho told me before."

Tumango naman ang kaharap niya. Ibinigay ni Jhanah ang tracker dito at muling nagsalita. "I think we need her help to look for her brother."

"Brother?!" gulat at sabay na tanong nila Felice at Jairus. Maski ako ay nagulat sa sinabi ni Jhanah, napatingin ako kay Khael at gano'n din siya. Hindi maitago sa reaksyon naming apat ang pagkagulat.

"Yes, hindi niyo alam?" nagtatakang tanong ni Jhanah sa amin. Duh, magugulat ba kami ng ganito kung alam namin?

Umiling ng sabay sila Felice at Jairus, samantalang kami ni Khael ay nanatiling tahimik at nakatingin lang sa kanila.

"Ganito kase 'yan, Jaiho has a sister— twin sister, actually. Her name is Jaihanna, way back sa camp, she's very popular kahit na first day palang," paliwanag ni Jhanah. "Are you somehow familiar with ALite?"

"Yes," sabay ulit na sagot ng dalawa naming kagrupo. Naririnig ko 'yang pangalan na ALite do'n nga sa camp, and they said na magaling daw siya. Parang ace player kumbaga, kaya tinawag nilang ALite dahil hindi daw pangkaraniwan ang galing niya...sa video game.

Nakakapagtaka lang, very famous siya at binansagang ace player kase magaling siyang maglaro ng nga video games. Pero sapat na bang basehan 'yon para matawag siyang ace player? Paano kung sa gaming lang pala siya magaling, pero pagdating naman sa real life physical fighting skills eh kulelat naman pala?

"That ALite is actually Jaihanna, Jaiho's sister."

"Holy cow!"

"Oh my gosh!"

Parehas gulat sila Jairus at Felice, napatakip pa nga ng bunganga si Felice dahil sa pagka amaze at pagkagulat. Medyo nagulat rin ako pero hindi kasing gulat nila.

"So, what now?" inip kong tanong. Hindi ko magets kung anong gustong iparating nitong si Jhanah, kung bakit bigla nalang niya in-open ang topic about sa twin sis ni Jaiho.

He does have a sister, huh? I didn't even expect him to have one.

"Back to the topic, Zehiah, do you know Jaihanna's code?" tanong ni Jhanah kay Zehiah. Ngumiti ito at tumango, in-input niya kaagad ang code ng sister ni Jaiho tsaka ito ibinigay kay Jhanah.

"Good news, almost 3 kilometers lang ang layo ng location niya sa atin. Siguro bago mag lunch ay narating na natin sila."

"Lead, lagpas lunch na kanina pa," rinig naming bulong ni Mickey saka itinuro ang kalangitan. What? Lagpas lunch na?

"Just how many hours did we stay here?" pabulong kong tanong sa katabi ko, which is si Khael.

"Dunno," malamig niyang sagot.

"Ahy, HAHAHA silly me. I mean, maybe before sunset, if we're lucky, mari-reach na agad natin sila," natatawang saad ni Jhanah. Ngunit sumeryoso rin agad ang mukha at humarap sa amin ng diretso, gano'n din ang mga kasamahan niya na bahagya naming ikinagulat.

Ano na namang pasabog ng babaeng 'to?

"Magkaroon muna tayo ng alliance, hanggang sa mahanap si Jaiho," ma-awtoridad niyang saad.

Wow, sino naman siya para sundin namin. She may be a friend of our comrade, but that doesn't mean that I trust them. Who knows, they're just pretending to be kind and worried but the real thing is, they have their own reasons. Malay mo, 'yon pala ang main mission nila, ang patayin si Jaiho.

Nanlaki ang mata ko at agad na inagaw ang rifle ni Felice na nakatayo sa may kaliwa ko at itinutok 'yon kay Jhanah, na agad naman niyang ikinabigla at ng mga kasama niya. Akmang pupulutin ng kagrupo niya ang mga baril nila sa lupa ng bigla silang sawayin ni Jhanah.

"Zelle, what are you doing!?" inis na tanong ni Khael sa akin ngunit hindi ko siya pinansin.

"Tell me, what's your mission?" malamig kong tanong, kasabay ng pagbigay ko sa kaniya ng matalim na tingin. Bahagya siyang napahinto at hindi agad nakasagot, gano'n rin ang mga kasamahan niya.

"Cat got your tongue?" dagdag ko pa sabay scoff. "Bakit 'di kayo makasagot?"

"Okay okay, we surrender. You got us," natatawang saad ni Jhanah at itinaas ang dalawang kamay sa ere, na agad namang sinunod ng apat niya pang kasama. Sabi na nga ba eh, may hindi pa sila sinasabi sa amin.

"What's the meaning of this?" malamig ngunit bakas ang inis na tanong ni Khael kila Jhanah.

"What's your mission?" tanong ko.

"Is it to...kill Jai?" kinakabahang tanong ni Felice, na sinundan ng bahagya niyang pag-atras.

"What?! No!" agad na sagot ni Jhanah kasabay ng pag-iling. Nagsi- no rin ang nga kasama niya, maliban kay Zehiah na hindi ko alam kung pipi ba o trip niya lang 'wag magsalita.

"Then, what's your mission?" tanong ni Jairus. Napabuntong hininga na lang si Jhanah bago sinagot ang tanong.

"Our mission is to have an alliance," sagot niya.

"Don't fool us. Sa tingin mo maniniwala kami ng gano'n gano'n lang?" masungit kong sagot. Muli ay napabuntong hininga ulit siya bago ibinaba ang kamay at may dinukot sa bulsa. Itinutok ko sa kaniya ang rifle upang malaman niya na isang maling galaw ay sabog ang bungo niya, which is hindi naman talaga mangyayari dahil walang bala ang rifle ni Felice.

"Easy, hayst. Ang hirap naman ma-gain ang tiwala niyo," saad niya sabay irap. Inilabas niya ng tuluyan ang dinukot niya sa kaniyang bulsa at ihinagis iyon sa direksyon namin, na nasalo naman ni Khael. "That's the proof."

Binuksan ni Khael ang maliit na green envelope na ihinagis ni Jhanah, ng mabasa niya ang nasa loob ay ibinigay niya ito sa akin.

Mission List:

Kill 20 people  ✓

Travel 15 kilometers  ✓

Make an alliance with 3 groups

Iniabot ko naman kila Felice ang papel at halatang nagulat sila sa nabasa.

"Uhmmm... we're...really sorry...for not t-trusting you guys," nahihiyang paumanhin ni Felice. Ibinalik ko na sa kaniya ang rifle dahil maski ako ay nakaramdam ng hiya, and I felt sorry for doubting them, pero syempre 'di ko 'yon aaminin sa kanila.

"It's fine, mahirap naman talagang magtiwala sa panahon ngayon, lalo na sa ganitong sitwasyon," sagot nong Mickey.

"Yeah, no need to be sorry," sabat naman ni Jahred. Nagpakawala lang ng tipid na ngiti sila Nikkiel at Zehiah. At si Jhanah naman ay pasimpleng napailing.

"Bakit pala walang check mark 'yong 3rd mission niyo?" tanong ni Jairus ng maibalik niya kay Jhanah ang green envelope na naglalaman ng missions nila.

"Because...hindi pa namin natatapos 'yan. Actually, kapag pumayag kayo sa alliance, then kayo ang 1st group," sagot nito. "Kaya rin gusto kong puntahan si Jaihanna ay para kumbinsihin din siyang makipag alyansa, at hanapin si Jaiho. Hitting 2 birds with 1 stone, ika nga."

"So~~ payag ba kayo sa alliance?" tanong ni Nikkiel. "Tutal, win-win situation ang mangyayari. Makakakuha kami ng 1 group for alliance, then mas tataas ang percentage para mahanap niyo ang kagrupo niyo,"

"The more the merrier, sabi nga nila," sabat naman ni Jahred. "But, in our situation, it's the more, the easier and the faster."

"Give us a minute," sagot ni Khael. Hinawakan niya ako sa braso at hinila palayo sa kanila. Agad ko namang hinila ang braso ko pabalik at tiningnan siya ng masama.

"Don't you dare touch me again," banta ko sa kaniya. Napa irap nalang siya at napa iling.

Abah! How dare he roll his eyes in front of me?! And, he can roll his eyes?!

"Anong plano?" tanong ni Jairus.

"Do you even need a plan?" takang tanong naman ni Felice. "We just need to accept or reject their offer right? So, we don't need any plan anymore."

"Here's the plan," sabat ni Khael, mahina lang ang boses niya na halos pabulong kaya mas lumapit kami. Pilit naming 'wag ipahalata na may pinaplano kami upang hindi sila makapag-isip ng masama na gagawin nila laban sa amin.

"We will use their mission as our advantage," dagdag ni Khael.

"And how exactly?" tanong ko naman.

"Once na mahanap natin si Jaiho, we will directly proceed sa Amusement Park para malaman ang last word for our mission."

"How if, bigla silang kumalas sa alyansa pagnahanap na si Jaiho?" batong tanong ni Jairus.

"Yeah, 'yan din sana itatanong ko," ani Felice.

"That's why, as much as possible kailangan nating makuha ang loob nila upang mapilitan silang tulungan tayo sa amusement park. We need to be friendly, I mean, both of you," sabay turo kila Jairus at Felice.

"What about us?" sabay naman nilang tanong.

"Both of you needs you be friendly sa kanila, because if me and Zelle tries to be friendly, they will start doubting us. As you see, they already knew that Zelle here is very cautious around them. So, she can't just go and befriend them," saad ni Khael, which I agree...for the first time. "Only the two of you can befriend them, without getting any suspicions."

"Okay, so paano naman kung...tangkain nilang patayin tayo kahit may alliance pa tayo sa kanila?" sunod na tanong ni Jairus.

"That is why we need to be cautious all the time, but, hindi natin pwedeng ipahatala na cautious tayong lahat sa kanila. Because, if they notice it, we're done," sagot ni Khael. "And, we need to sharpen our senses, kapag pakiramdam natin ay may balak na silang masama sa atin, unahan na natin sila."

"Are you not yet done discussing?" tanong ni Jhanah. Nagsipag lingon kami sa kanila, nakangiti silang nakatingin sa amin habang hinihintay ang aming desisyon.

"We're done," sagot ni Khael. Muli niya kaming hinarap for the last time. "Act normal," pagkasabi niya no'n ay sabay sabay na kaming bumalik sa pwesto namin kanina, kaharap na naming muli ang grupo nila.

"We accept the offer," saad ni Khael na mas nagpalawak sa ngiti nila.

"Yes! Thank you, thank you!" masayang wika ni Jhanah. "Ang hirap kayang maghanap ng ka-alyansa. Meron 'yong kahapon na nakipag alyansa sa amin, but then, they tried to kill us…"

"So we killed them...all," biglang nagbago ang aura niya pagkasabi niya ng huling mga salita. Narinig kong napalunok si Felice at awkward na napatawa.

Nailipat ang tingin namin kay Jahred ng bigla siyang tumawa. "Don't worry, we won't kill you. Unless, you try to kill us, which I doubt na gagawin niyo," nakangiti niyang saad, pero bigla akong kinabahan sa 'di malamang dahilan.

Are they trying to say...one wrong move, and we die?

Narinig ba nila ang usapan namin kaya biglang gano'n nalang ang sinabi nila pagka accept namin ng offer of alliance, or sadyang malakas lang panramdam nila na may iba kaming habol kaya namin tinanggap ang offer.

"Of course, we won't harm you," saad ni Khael at nag smirk.

"Unless, of course, you try to harm us," dugtong ko, may halong pagbabanta at pagbababala ang tono ng boses ko. It's my way to hide my nervousness.

May hindi ako magandang nararamdaman tungkol sa alyansang ito. Para bang, may mangyayaring hindi kaaya-aya.

"HAHAH okay enough. Nakakatakot 'yong tensyon, so let's stop our discussion at magsimula ng puntahan ang location ni Jaihanna," putol ni Jhanah sa namumuong tensyon sa pagitan ng grupo namin at grupo nila.

"Sure, lead the way," wika ni Jairus.

Pinagpupulot na nila ang kanilang mga rifles at nagsimula ng maglakad patungong kanluran. Bago kami sumunod ay nagkapalitan muna kami ng mga tingin ng tatlo kong kasama.

"Act normal, pinagsususpetsyahan na nila tayo," kalmadong saad ni Khael at nauna ng sumunod sa kanila. Tumango ang dalawa ko pang kasama bago sumunod na rin kila Khael. Naiwan muna akong mag-isa.

Lumingon ako sa huling pagkakataon sa cave na naging temporary base namin ng makababa kami ng bundok kaninang madaling araw.

Sana pala may iniwan man lang kaming isang kagrupo namin para bantayan siya, ng sa gayon ay hindi kami namomroblema kung saan siya hahagilapin. Edi sana, wala ring nangyayaring alyansa ngayon, at ilang oras lang mamaya ay another grupo na naman para sa isa pang alyansa.

Kung bakit kase naisipan niya pang manlaban at subukang tumakas kahapon eh, edi sana wala ng maraming kaguluhan ngayon. Mukhang wala naman talagang balak 'yong limang 'yon na patayin kami, in fact ang sabi nila sa akin no'ng nabagok si Jaiho ay...sorry.

~~Flashback~~

"Boss! Nabagok ang ulo nong lalaki!" sigaw nong babaeng Nicka ang pangalan na sumama kay Jaiho ng magrason itong 'tinatawag siya ng kalikasan'.

"What?!" sabay naming sigaw nong boss nila. Agad na napatayo ang boss nila at lumapit kay Nicka. May mga tinanong siya dito ngunit hindi ko binigyang pansin dahil kinakabahan ako at napangunahan ng galit ang nararamdaman ko.

"JAIHO!" malakas kong sigaw at sinusubukang makawala sa pagkakatali sa akin. "Untie me, right f*ckin now!" sigaw kong muli kaya nabaling ang tingin sa akin nong boss nila at lumapit.

"Sorry for what happened," saad nito sa sincere na tono. Napatigil ako sa pagwawalang ginagawa ko at kunot-noong napatingin sa kaniya.

"Its our mission to abdu—"

"Fuck you b*tches!" nabaling ang tingin naming lahat sa sumigaw, which is si Jairus saka walang pagdadalawang isip na pinagsasaksak ang boss nila.

"Boss!" sabay sabay na sigaw ng apat nitong kagrupo at sumugod sa direksyon ni Jairus. Agad namang dumating si Khael at hinarangan ang dadaanan ng apat.

Agad tumayo si Jairus at tinanggal ang pagkakatali sa akin. Binigyan niya ako ng isang dagger at sinamahan ko silang harapin ang apat pa.

"Mga g*go kayo!" sigaw nong isang lalaki na pinagpiyestahan ako ng tingin kanina ng buhusan ako ng malamig na tubig ng kanilang boss.

Kahit mission lang nila ang ginawa nila ay wala akong pakialam. Bakit sa dami ng examinee ay kami pa talaga ang napagtripan nila.

I used all my remaining strength and energy to help my two teammates, and in less than 10 minutes, we manages to kill them. Though, I received lots of injuries because of being half naked.

Humahangos na agad naming pinuntahan ang kinaroroonan ni Jaiho, nakita ko nalang doon si Felice na umiiyak at nasa lap niya ang ulo ng duguang si Jaiho.

~~End of Flashback~~

Napapaisip nalang tuloy ako kung ano kayang kalagayan namin ngayon kung hindi sinubukan ni Jaiho na tumakas at hinayaan nalang ang limang 'yon upang dalhin kami sa kung saan man nila nainisin na dalhin kami.

Mas better kaya ang kalagayan namin kung nagkataon? O, mas worse pa kesa sa kalagayan namin ngayon?

Dahil sa dami ng nangyari ay 'di ko na alam kung ilang araw na kami dito sa battlefield, at kung ilang araw pa ang kailangan naming tiisin bago matapos ang 1 week test na ito.

Ilang challenges pa kaya ang haharapin namin? At ilang buhay pa kaya ang mawawala bago tuluyang matapos ang exam na ito.

Wala pa ngang game twist na nagaganap pero ramdam ko na ang twists sa mga kaganapan ngayon. Twisted reality nga na matatawag.

"Zelle!" sigaw ni Felice kaya napalingon ako. Ilang metro na ang layo nila mula sa akin at hindi ko namalayan na kanina pa pala nila ako tinatawag at hinihintay.

Agad akong tumakbo upang makahabol sa kanila.

"Bakit ka nakatunganga do'n?" biglang tanong nong Mickey.

"None of your business," malamig na sagot ko.

"Wala naman kase talaga akong negosyo," pabalang niyang sagot at nagtawanan nila. Napa tss nalang ako at napa-irap. As if naman nakakatawa 'yong sinabi niya.

"Nga pala, alam niyo na pangalan namin pero 'di namin alam ang inyo," saad ulit ni Mickey. Sumang-ayon naman ang mga kasama niya kaya nagsimulang magpakilala si Jairus.

"I'm Jairus."

"Felice, here. Felice Abrero."

"Khael."

"..."

Hindi na ako nagsalita dahil nakatingin lang ako sa kawalan. Nang mapansin kong natahimik silang lahat at lumingon ako sa harapan at saka lang napansin na nakatitig silang lahat sa akin.

"What?" masungit kong tanong habang nakataas ang kaliwang kilay.

"Your name?" sambit ni Jahred. Napa-irap nalang ako.

"Imposibleng 'di niyo pa alam pangalan ko, eh kanina pa nila pinagsisigawan, diba? Tsk," masungit kong sagot. Iniwas ko nalang ulit ang tingin ko ng marinig ko ang mahina nilang pagtawa.

"Then, pleasure to meet you all. Sana maging maganda ang flow ng alyansang ito," wika ng isang boses babae. Kahit hindi ko na tingnan ay medyo nakabisado ko na ang mga boses nila syempre maliban pa rin doon sa Zehiah. Si Jhanah ang nagsabi no'n.

"By the way, is Zehiah mute?" tanong ni Felice.

"Nope, she's not," sagot naman ni Jhanah.

"Akala nga rin namin no'ng una ay pipi sya, kase ngiti lang ng ngiti," ani Mickey.

"Seryoso, she's not mute daw sabi ni Jhanah," rinig ko namang saad ni Nikkiel.

"Then why is she not speaking?" tanong ni Jairus.

"It's because…" pasuspense na saad ni Jahred.

"Because, she don't fully trust us," pagdugtong ni Jhanah sa sinasabi ni Jahred. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka kaya napatingin ako sa harap.

"Huh?" sabay na tanong nila Jairus at Felice.

"Ganito kase 'yan, kay Jaiho ko lang siya nakikitang nagsasalita, and maybe kay Jaihanna minsan. Tapos kahit na kanino na ay 'di siya nakikipag-usap," saad ni Jhanah. "I asked her before kung bakit gano'n, then nagsulat siya sa papel ng talk and trust. So sa tingin ko, saka lang siya makikipag usap ng tuluyan sa isang tao 'pag nakuha na ng taong 'yon ang tiwala niya."

"Wow, that's cool. Paano niya naman malalaman kung talaga bang mapagkakatiwalaan ang isang tao?" tanong ni Jairus.

"Dunno, maybe pinapakiramdaman niya lang," kibit-balikat na sagot ni Jhanah. "Si Jaiho kase, talagang mapagkakatiwalaan 'yong lalaking 'yon. No'ng first time ko pa nga lang siyang makita is, malakas na agad kutob ko na mapagkakatiwalaan siya, and hindi naman siguro ako nagkamali."

"He's the nerdy type pero friend-magnet siya. 'Yong tipong kahit ayaw niyang makipag- kaibigan ay kusang lalapit ang tao para kaibiganin siya, gano'n si Jaiho eh. I don't know how he managed to, pero naging acquaintance niya sila Zhaile at Kelvin no—"

"Zhaile at Kelvin?!" hindi makapaniwalang tanong ni Jairus at Nikkiel. Bakas rin ang gulat sa tatlo pang kagrupo ni Jhanah, siguro ay 'di rin nila alam.

"Z-zhaile? Diba siya 'yong code 01?" tanong ni Jahred, na nanlalaki ang mga mata.

"Yes, siya ang pinakamagaling na examinee, base sa mga narinig ko," sabat ni Nikkiel.

"Wow, just wow. How did Jaiho managed to be Zhaile's acquaintance?" tanong ni Felice na hindi rin makapaniwala.

"I don't know but…" napahinto sa paglalakad si Jhanah at lumingon sa amin. "...how about, we also track his location?"