webnovel

The Cursed Demon

"From today, tomorrow and in the rest of your life, you are mine Amber Dela Fuente. Only mine" the demon said in a husky tone before he leaned in and kissed me.

ILoveHR · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
7 Chs

DEMON 3

Blue Eyes

Naramdaman ko ang mabigat na bagay na nakadagan sa akin at ang mainit na hininga sa aking leeg.

Agad akong napamulat at halos mapasigaw sa nakita.

Pulang mga mata at...p-pangil?

Nakaramdam ako ng takot lalong-lalo na nung ngumisi ang nilalang na ito sa'kin.

"Napakabango mo. Panigurado napakasarap rin ng dugo mo" utas nito habang nanatili pa ring nakadagan sa akin.

Dugo?!

"Pakawalan mo ko! Ipapapulis kitang baliw ka!" saka ko siya pilit tinutulak palayo sa akin.

Tumawa lamang ito at tila parang hindi naapektuhan sa pagtulak na ginawa ko dahil hindi man lang itong gumalaw sa pagkadagan sa akin.

"Magsumbong ka kung kaya mo" saka ito muling tumawa.

"Sa ngayon, titikman ko muna ang napakabango mong dugo" sabi nito habang dinilaan ang labi.

Unti-unti itong lumapit sa akin habang patuloy ako sa pagpupumiglas sa harap niya. Ramdam ko ang takot na palaki ng palaki sa aking dibdib.

Mabilis na kinuha ng halimaw ang dalawa kong kamay at inilagay iyon sa itaas ng aking ulo.

Kahit anong piglas ng kamay at paa ko ay di ako makawala sa demonyong nasa harapan ko.

"Bitawan mo ko! Tulong!" naramdaman ko ang sunod-sunod na paghulog ng mga luha ko.

"Sige lang, sumigaw ka babae. Nang mas lalo naman akong ganahan" nakakatakot na tawa nito sa aking tainga ng makalapit ito sa akin.

Naramdaman ko ang hininga nito sa aking leeg at mariin akong pumikit habang patuloy pa rin sa pagluha.

Is this my end?

Dinilaan ng halimaw ang aking leeg bago ko naramdaman ang pangil nitong bumaon sa aking balat.

Napasigaw ako sa sobrang sakit.

Nanghihina dahil sa takot. Nanglalabo ang aking mata nang idilat ko ito dahil sa mga luhang patuloy na lumalabas.

Nakita ko ang langit. Madilim na ito at puno ng napakaraming nagliliwanag na mga bituin.

Mommy...Daddy...

"Fuckin' vampire. Brave to be in my territory, huh?"

Naramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko sa boses na narinig.

Nawala ang matalim na pangil na nakabaon sa aking leeg. Ngunit nanatili pa ring nanghihina ang aking katawan.

Hindi ko makita ang nagsalita dahil nakadagan pa rin sa akin ang halimaw. Dumagdag pa na malabo pa rin ang aking mga mata.

"Greed..." rinig ko utas ng halimaw.

Mabilis ang mga pangyayari, nakita ko na lamang ang sarili na buhat-buhat ng nilalang na pumatay sa halimaw.

Hindi ko pa rin makita ang mukha nito ngunit kahit sa nanlalabong mata, kitang-kita ko ang asul na mga mata nito.

Blue eyes.

It seems familiar...but...

Naramdaman ko ang paghawak ng nilalang na iyon sa aking ulo bago ko naramdaman ang pagkawala ng kaunti kong lakas na natitira sa aking katawan at muli kong paghulog sa kadiliman.

---

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at tumambad sa akin ang puting kisame.

"Ate, gising na siya" dinig kong utas ng isang malamyos na boses.

Agad akong napalingon sa pinanggalingan nito. Tumambad sa akin ang nakayukong ulo ni Sheena. Tumaas ang isa kong kilay.

"Where the hell am I?" utas ko pagkaupo.

"You're in the hospital of Isla Hermosa, Amber" sagot ni Miranda ng makalapit sa'kin. "Sobra mo kaming pinag-alala! Akala namin ay napano ka na, mabuti na lang at nakita ka ni Sheena sa dulo ng resort na walang malay!"

"Walang malay?" Kunot-noo kong tanong habang inaalala ang mga nangyari.

But damn. Wala akong maalala na hinimatay ako. Ang huli ko lang naaalala ay no'ng nakaupo ako sa itaas ng mga bato at nakatingin sa dagat.

How did that happen?

"Yes. Kaya agad ka naming dinala dito" muling sagot ni Miranda saka ito napabuntong-hininga.

"From now on, habang nandidito pa tayo sa Isla, hindi na kita hahayaan pang maglibot ng mag-isa dito sa Isla. You will bring Sheena with you, Amber. Do you understand?" seryosong utas ni Miranda kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"I don't need chaperone Miranda! Huwag kang mag-alala hindi ko na hahayaang mangyari ulit 'to" naiinis kong sagot.

"Yes. Dahil isasama mo si Sheena kung sa'n ka man magpunta, Amber. And that's final" at saka lumapit si Miranda sa pinto ng may kumatok rito.

Inis kong tinignan si Sheena na ngayon ay nakatingin rin sa akin.

Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya ay kaagad na nanglaki ang mga mata niya at napayuko ang ulo.

Stupid girl.

"Amber, babe, I'm so glad na okay ka na" utas ng isang boses at naramdaman ko agad ang pagyakap ng isang tao sa akin.

Naamoy ko ang pamilyar na matapang na amoy ng pabango nito kaya agad ko itong tinulak.

"Don't touch me, Burnsworth! O ikaw ang ilalagay ko sa higaang 'to" sambit ko rito ngunit tanging ngisi lamang ang ibinigay ng hinayupak.

"Mabuti naman at gising ka na Amber. Ayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ni Direk ng makalapit sa'kin.

Tumango lamang ako rito bilang sagot.

Nakita kong may dala itong mga prutas at si William naman ay mga nakastyro na nangangamoy chicken.

Naramdaman ko ang pagkalam ng sikmura ko kaya napakagat ako ng labi.

Shit. Ilang oras ba kong walang malay?

Muling kumalam ang sikmura ko, at sa pagkakataong ito ay narinig na nila 'yon kaya agad silang nagsitawanan na sinamangutan ko naman.

Nag-umpisa na silang ilagay ang mga pagkaing dala nila sa lamesa na malapit sa sofa ng kwartong ito.

Lumapit naman sa'kin si Sheena at ibinigay ang pagkain na para sa'kin.

Hindi ko na lamang ito pinagtuunan ng pansin at agad na kinuha ang hawak niya upang kainin.

Pakiramdam ko para akong nagbuhat ng mabigat na bagay dahil sa nararamdaman kong sakit ng katawan ko.

Hindi ko lamang iyon ipinapahalata dahil ayoko ng may masabi na naman si Miranda. Ang ingay e.

"Siya nga pala, bukas bago magsimula ang shoot, kailangan niyong mameet ang may-ari ng Isla William, Amber. Nakausap ko na siya kanina at kayo na lamang ang hinihintay niya. Wag niyong kalimutang magpasalamat sa kanya dahil isasarado niya sa mga turista ang isang parte ng Isla para makapagshoot tayo do'n ng walang sagabal. Lalo ka na William. This is your music video so you should thank him"

Tumango-tango lamang si William at saka nangingiting kumakagat ng hita ng manok habang nakatingin sa akin.

Inirapan ko na lamang ito at pinagpatuloy ang pagkain.

Mabilis silang natapos kaya agad na rin silang nagpaalam upang makabalik na sa kani-kanilang ginagawa.

At mga ilang sandali rin ay nagpaalam na rin sa akin si Miranda at si Sheena na siyang tinanguan ko na lamang.

Pinatay ni Miranda ang ilaw ng isara niya ang pinto ng kwartong ito.

Mabuti na lamang at maliwanag ang buwan sa labas ng bintana kaya hindi ganoong madilim rito sa loob.

Napatingin ako sa aking gilid at nakita ko ang isang contact lens container at isang eye solution na nakalagay sa lamesa na malapit sa aking kinalalagyan.

Napabuntong-hininga ako at agad itong kinuha.

Dahan-dahan kong ibinaba ang mga paa ko at hinawakan ang dextrose upang maglakad papunta sa banyo.

Lumapit ako sa maliit na salamin at tinitigan ang aking mukha.

Inihinto ko ang tingin sa aking mga mata na kulay itim ngayon ang kulay.

Napailing ako at kinuha na sa mata ang itim na contact lens. Inilagay ko iyon sa container nito saka ako naglagay ng eye solution.

Tumambad sa akin ang kulay dilaw kong mga mata. Isang matang bihirang magkaroon ang isang tao. Isang matang gugustuhin magkaroon ng karamihan. Isang matang namana ko sa aking lola.

Ang mata ko ang simbolo na apo nga ako ni Mercedes Vergara. Ang babaeng may tanging dilaw na mata sa kanilang angkan.

Sabi sa akin ni lola, hindi sumpa ang pagkakaroon ng ganitong mga mata kahit na wala naman sa lahi niyo ang magkaroon ng dilaw na mga mata.

Blessing daw ito na dapat kong pahalagahan at ipagmalaki.

Ngumiti ako ng mapait.

Si lola ang nagpangalan sa akin. Amber daw kasi ang tawag sa kulay ng aking mga mata.

Simula bata pa lamang ako ay itinatago ko na ito sa kulay itim ng contact lense. Malabo kasi ang mga mata ko at ayaw ko namang magsalamin dahil mahirap gamitin.

Lumabas na ko ng banyo at dumiretso papunta sa bintana.

Nang makalapit, tumambad sa akin ang mapunong lugar sa ibaba. Tingin ko ay itong ang likod ng ospital.

Binuksan ko ang glass sliding door at agad na tumama sa mukha ko ang sariwang hangin.

Nilanghap ko ito at dinama.

Inilibot ko ang paningin sa mapunong lugar sa ibaba nang may biglang mahagip ang aking mga mata.

Dalawang maliwanag na kulay asul na bagay. Hindi ko matukoy kung ano ito dahil napakadilim sa kinaroroonan no'n.

Pinaliit ko ang mata upang mas lalo itong makita.

Nang makita kong bigla itong nawala at muling bumalik na tila para itong kumurap ay nakaramdam ako ng kaba.

What the fuck is that!?

Agad akong lumayo sa bintana at saka ito sinarado.

---

"Ang ganda talaga ng mga mata mo, Amber. Ewan ko ba sa'yong bata ka at nagcocontact lens ka pa ng itim kung pwede namang mag clear contacts ka na lang para kita pa rin ang kulay ng mga mata mo. Sayang e. Pwede mo rin yang pagkakitaan" utas ni Miranda habang nakaupo sa sofa.

Napairap na lamang ako sa sinabi nito.

"Oo na. Napagisip-isip ko na rin 'yan kagabi Miranda kaya tumigil ka na please. Ang sakit mo sa tainga!" inis kong hinawakan ang tenga ko at tinalikuran si Miranda.

Nakita ko naman si Sheena na inaayos ang hinigaan ko kaya muli akong napairap.

Bwisit naman. Wala bang mas maayos na lugar na hindi ko makikita ang mga taong 'to.

"Fine. So hindi ka magcocontacts ngayon?" pangungulit ni Miranda kaya sinamaan ko ito ng tingin.

Parang wala lamang sa kanya iyon dahil seryoso siyang nakatingin sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako at pasalampak na umupo katabi niya.

"Yeah. Hindi naman ganoon kalabo ang mata ko para hindi makita ang mga gagawin ko sa shoot mamaya, duh" at saka itanaas ang mga paa sa lamesang kaharap ng sofa.

Pinalo naman iyon ni Miranda kaya agad ko rin itong naibaba.

"Nga pala, diretso tayong Cristove Hotel. Do'n tayo pinapapunta ni Direk dahil naroroon daw yung may-ari ng Isla Hermosa" paliwanag ni Miranda kaya agad akong napatingin sa kanya ng nakataas ang isang kilay.

"At sa pagkakaalam ko gwapo daw ang may-ari ng Isla at single!" pagpapatuloy ni Miranda habang nakangisi na sa akin.

Nginiwian ko na lamang siya at nauna ng tumayo upang lumabas na ng kwartong 'yon.

Wala namang kwenta ang sinasabi ni Miranda.

Mabilis lumipas ang oras at kaagad na kaming naririto sa Cristove Hotel.

Nakaupo lamang ako sa isang napakagandang sofa na halatang mamahalin habang inoobserbahan ang paligid.

Pakiramdam ko ay nasa Rome, Italy ako habang tinitignan ko ang ayos ng opisina ng may-ari 'daw' ng Isla.

Mamahalin ang mga gamit niya rito at napakaluwag pa ng kanyang opisina.

May mga display rin na parang galing pa nga sa Renaissance Period. I don't know if it's fake or not. Ang alam ko lang ay napakaganda ng mga 'yon.

Naagaw ang atensyon ko ng magbukas ang malaking double door at pumasok ro'n ang hinayupak na William at ang manager nito.

Tumingin-tingin ito sa paligid at nang makita niya ako ay agad lumawak ang ngiti niya at nagsimulang maglakad papunta sa'kin.

Ngunit napatigil ito at nanlalaking tumingin sa akin. At alam ko na kung bakit.

"So it's really true? Dilaw talaga ang kulay ng mga mata mo?" tanong nito ng matauhan at tuluyan ng lumapit upang tumabi sa akin. "Bagay sa'yo. Mas lalo kang gumanda"

"Obviously" walang gana kong sagot.

Tumawa lamang ito at hindi ko na ito tinignan dahil muling nagbukas ang pinto at pumasok ang pinakamakisig na nilalang na nakita ko sa buong buhay ko.

Ang lalaking may asul na mga mata.