webnovel

Chapter 29. "You sweep off my feet"

Chapter 29. "You sweep off my feet"

Laarni's's POV

Maghapong nakapatay ang phone ko dahil sa kanya. Kahapon pa siya tawag ng tawag at text ng text. Nakakasawa na. Pagpasok ng room. Normal naman na ang reaksyon ng mga kaklase ko. Hindi na nila ako tinitignan ng masama. Malamang dahil wala na silang Prince Abrylle na titilian. May nanalo na sa pinaka-aasam nilang Prince Abrylle. Napatingin ako sa puwesto ni Courtney and I noticed that she's staring out of space. Ano namang drama ng isang 'to? At hindi nagtataray?

"Laarni, okay ka na ba?" sinalubong naman ako ni Leicy.

"Oo naman 'no, ano bang meron pa di ako maging okay? Hahaha." Sagot ko rito at naupo sa upuan ko.

"Okay, mukhang ayos ka na nga. Ay alam mo ba! Meron tayong camping!" masayang sabi nito.

"Talaga? Kailan daw? Teka, baka naman mahal 'yan ah!" sabi ko rito.

"Hep hep! Diyan ka nagkakamali. Dahil libre lang ang camping! Ang sabi ng teacher natin sa MAPEH, sagot dawn g Chairman para sa nalalapit na engagement ng anak niya, sponsored din ng Mommy ni Courtney at ng Daddy ni Lexter. So, free lang talaga 'to, tsaka para lang sa section natin."

"Talaga? Mukhang masaya nga 'yan!"

"Anong masaya?" napatingin naman kami sa nagsalit. Si Lexter.

"Ah, yung tungkol sa camping." Sagot ko rito.

"Ah, nasabi nga sa akin ni Dad, sasama ka Arni?" masayang tanong nito. "Hmm, you look good now ah! Hahaha"

"Hahah, oo naman sasama ako, tsaka anong you look good ka diyan, may good looking naman si Leicy 'no! Hahaha." Napatingin naman siya kay Leicy, si Leicy naman parang nahihiya at napayuko na lang.

"Alam ko." Sabi ni Lexter habang nakatingin kay Leicy. Natahimik naman kami ng biglang pumasok si Abrylle sa room. Lahat ng tingin nasa kanya. Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa akin kaya naman iniwas ko ang tingin sa kanya. "By the way guys, sa Friday na ang finals, do you want to review? Sa hotel tayo!" yaya ni Lexter. Napatingin naman ako kay Lexter.

"Okay lang ba?" masayang tanong ko.

"Oo! Akong bahala! Di ba Leicy?" tinapik naman niya ang balikat ni Leicy.

"Ah—eh, oo naman."

"Hahaha, so? Pack your things mamaya ah! Overnight tayo!" masayang sabi ni Lexter. Natawa na lang kami pareho ni Leicy. Tapos ay, napatingin ako kay Abrylle. Parang bumalik na naman ang dating Abrylle, ang malamig na Abrylle.

"So class, Friday will be your finals, mag-review para makasagot? Okay?"

"Yes Sir!"

"Class dismiss"

Paglabas ng teacher namin, lumapit agad sa akin si Lexter at Leicy.

"So? Daanan ko kayo mamaya ah? 6pm?" sabi ni Lexter.

"Sige sige," sagot ko at nginitian silang dalawa.

"Pupunta na lang ako kila Leicy, para 'don mo na kami sunduin." Sabi naman ni Leicy.

"Sige, pack your things ah? Overnight tayo!" lumabas na ng room si Lexter.

"Tara na Leicy." Yaya k okay Leicy. Tumayo na ako palabas ng room, kaso biglang may humawak sa braso ko. Pagtingin ko si Abrylle.

"Ano ba?" sigaw ko rito.

"Sumama ka saken." Hinila ako nito palabas ng room.

"Leicy, mauna ka na sa bahay ah." Sigaw ko habang papalayo kay Leicy, nakita ko naman ang gulat sa mukha nito.

Binitawan niya ako ng makarating kami sa rooftop. Favorite spot niya ang rooftop? At dito niya ako dinadala?

"What now?" I aksed in pissed.

"Don't go near him." Seryosong sabi nito. Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"With whom?"

"Kay Lexter! Wag kang sumama sa hotel nila para mag-review, bakit? Pwede naman sa bahay mo lang ikaw mag-review ah?" angal nito, and now he sounds like a jealous boyfriend.

"Paki mo ba? At tsaka group review 'yon! Maganda 'yon kasi makakapag-brainstorming pa kami." Sabi ko rito at inirapan siya. "Tsaka, wag mo nga akong pakialaman, paki mo ba?"

"I care, coz I like you." Mabilis na sagot nito.

"Well, pinagbabawal kong magustuhan mo ako at wala akong pake sa 'care' mo na 'yan."

"Okay, then I'll go with you." Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Ano? Di pwede! Kaming tatlo lang ang sinabihan ni Lexter. At tsaka bakit di mo yayain si Courtney?"

"Akong bahala sa kanya. Ayoko kay Courtney."

"Ano? Pero siya ang—"

"Don't ever say that." Naging mas seryoso pa ang tono ng boses nito, at ang talim ng tingin sa akin.

"Hay nako, bahala ka nga" naglakad na ako palabas ng rooftop.

Umuwi na ako sa bahay to pack up my things. Nakaupo na lang ako sa sofa ng mapansin ko ang phone na nasa center table. Patay pa ito mula kahapon. Kinuha ko 'to at binuksan.

Pagbukas ko, sunod-sunod na text ang nag-appear sa screen. It's 54 text messages at lahat galing kay Abrylle.

Binasa ko ang iba, pare-pareho lang ang nasa text. Pero ang isang text na nagpahinto ng oras ko ay.

From: Abrylle

Please forgive me Laarni, I love you. :'(

"Ano ba? Tigilan mo nga ako." Binato ko ang phone ko sa kabilang sofa. At napaisip dahil sa nabasa ko.

Mayamaya pa, dumating na si Leicy. Hinihintay na lang namin si Lexter, habang nanunuod ng TV.

Ilang minuto pa, may busina na kaming narinig sa labas. Inayos na naming ang sarili namin at lumabas ng bahay. Paglabas namin, laking gulat namin sa nakita naming. Si Lexter at si Abrylle, parehong nasa gate namin.

Pinuntahan namin ang dalawa. Ako naman agad na kinompronta si Abrylle.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray kong tanong.

"I said, I'll go with you." Kalmadong sabi nito.

"Hay nako, di nga pwede! Ano bang—"

"Arni hayaan mo na siya." Napatingin naman ako kay Lexter. "Siya ang nagbayad sa accommodation natin." Seryosong sabi nito. "And Dad let it happen, Hay, you know? Business?" ramdam ko ang inis at panghihinayang sa boses ni Lexter.

"Tara na, sa kotse." Yaya nito sa amin ni Leicy. Papasok na sana ako sa kotse ni Lexter ng hilain ako ni Abrylle at walang anumang inihagis sa loob ng kotse niya.

"Ano ba? Ang sakit ah!" sinara niya agad ang kotse at pumasok sa loob katabi ko.

"Alam mo epal ka." Sigaw ko rito, pero di man lang ako ininda. Bigla namang may kumatok sa window ng sasakyan. Binuksan ko 'to at nakita ko si Lexter.

"Okay ka lang ba Arni?" tanong niya.

"Ah, oo, kita na lang tayo sa hotel. May kolokoy kasing epal eh." Diniin ko ang pagbigkas sa salitang "epal" at tsaka siya tinignan. Ang kolokoy naman, nakatingin lang sa malayo.

"Ah, ganun ba, sige. Ja ne!" umalis na si Lexter. Napatingin naman ako kay Abrylle na ngayon ay nakamasid lang sa labas ng kotse.

"Ano bang balak mo?" tanong ko sa inis kong boses.

"Like what I've said, I'll go with you."

"Bakit mo naman gagawin 'yon?" this time, humarap siya sa akin.

"I just can't imagine na makakasama mo ang lalaking 'yon the whole night! Baka di lang ako makatulog!" singhal nito sa akin. Bakas naman sa mukha ko ang gulat at pagtataka dahil sa inasal niya. "Basta, ayaw kong kasama mo ang lalaking 'yon." Sabi nito at umayos ng upo.

"Sus, ayaw pa aminin." Bulong ko sa sarili ko at tumingin sa labas.

"Anong sabi mo?" tanong nito, parang naiinis na rin.

"Wala po. Master." Pang-aasar ko, di ko na siya pinansin at iniwas ang tingin sa kanya.

"Psh."

Buong byahe kaming walang kubuan sa loob ng sasakyan. Napapanis na nga ang laway ko eh, pero ano bang aasahan ko sa Mr. Cold ng campus? Kundi ang maging malamig sa lahat ng tao. No wonder may title nga siyang ganon.

Pagdating sa hotel. Pumunta kami agad sa room, kung saan kami mags-stay. Nagpa-alam na rin pala ako kay Mama dahil naman, about sa school ang gagawin ko. Pinayagan niya ako, at tsaka alam niya namang kasama kong si Leicy at Lexter. Pero may epal na biglang sumulpot. Asar.

Pagpasok namin sa room, mabuti naman at nandito na sila Lexter at Leicy. Gabi na rin ng makarating kami rito.

"Uhm, sige girls, ayusin niyo muna yung mga gagamitin niyo, well as you may see, isa lang ang room. Kayo na lang 'don tapos kami na lang dito sa sala. Pero dito tayo sa sala magre-review for brainstorming—" natigilan naman si Lexter sa pagsasalita ng biglang maglakad si Abrylle. Well, he just distract everyone because of his extistence. Pinagmasdan lang namin siya kung saan siya pupunta. At sa restroom naman pala siya pupunta. Baka naman kailangan lang mag-restroom.

"—so 'yon, uhm, wait lang natin yung dinner natin, Hahaha, specially 'yon! Wait punta lang ako sa kitchen para i-follow up." Lumabas muna si Lexter para sa dinner namin.

"Hay, ano kayang mangyayari?" napatingin naman ako kay Leicy.

"Bakit Leicy?" tanong ko, mukha namang nabigla siya sa tanong ko.

"Ay di mo pa pala alam. Alam mo bang kwinelyuhan ni Lexter si Abrylle kahapon? Nung pumunta lang clinic, Abrylle asked me if where did you go, pero di ako agad nagsalita, and Abrylle scolded me na kinagalit ni Lexter." Paliwanag ni Leicy. Natawa naman ako sa sinabi niya. "Oh? Ba't ka natawa diyan?"

"Haha, uy sorry, di ako natawa 'dun sa kwinelyuhan ni Lexter si Abrylle. Dun ako natawa sa reaction ni Lexter nung sinigawan ni Abrylle," sabi ko rito habang may pang-asar na ngiti sa labi. Naupo muna kami sa sofa. "So? Kilig ka 'te?"

"Ano ka ba Arni, hindi 'no!" nahihiyang sabi ni Leicy habang nagpipigil ng tawa. Nakita ko naman ang pamumula ng pisngi nito.

"Hahaha, sus kunwari ka pa. Gusto mo dalawa na lang kayo ni Lexter sa room? Hahaha."

"Salbahe ka Arni, Hahaha."

Mayamaya pa. Lumabas na si Abrylle sa restroom at pagtingin namin dito. Natulala na lang kami sa kanya. WETLOOK? Fresh from the bath. Di ko naman akalain na naligo pala siya. And now he's wearing a plain white sando kaya naman kitang kita ang mga braso nito. Basa pa ang buhok nito at kitang kita ang kaputian niya. Naka-pajama na rin siya. Pero all in all, he looks so seductive. Arf-arf!

Mga ilang minuto pa siguro kaming nakatingin sa kanya ng biglang dumating si Lexter kaya naman natigilan kami ni Leicy.

"'Yan na guys!" pagpasok ni Lexter may kasama siyang mga may dala ng foods namin. Ang dami naman nito? May fiesta?

Habang inaayos niya ang dinner namin. Naupo naman si Abrylle sa tapat namin sa kabilang sofa. Nagkatinginan kami ni Leicy at sabay na napangiti, isang ngiti ng kalandian.

Nasa dining area na kami at kumakain. Magkatabi kami ni Leicy at yung dalawa naman hiwalay. Ayaw nilang magtabi? Problema nila? Habang kumakain, nahalata kong panay ang tingin ni Abrylle sa akin, pero di ko nalang siya pinapansin.

"Uy, Arni, Leicy, sasama kayo sa camping ah? Sa August na 'yun!" umpisa ni Lexter ng usapan.

"Oo naman 'no! tsaka libre lang naman. Haha." Masayang sagot ni Leicy.

"Tama ka Leicy, tsaka bonding na 'rin 'yon." Dagdag ko pa. Nagtawanan naman kaming tatlo. Napahinto kami ng biglang kumuha si Abrylle ng food na nasa harap ni Lexter. He's trying to distract us, halatang halata ko naman.

"Hmmm, ano kayang una nating rereviehin." Tanong ni Lexter animoy nag-iisip.

"Buti hindi ka busy sa hotel?" tanong ko sabay kain.

"Hahaha, binigyan ako ni Dad ng leave, tsaka ganto naman talaga ang ginagawa ko pag-exam. First time ko nga lang na may kasamang mag-review, tsaka kahit naman na hindi ako magrevie, bibigyan naman ako ni Leicy ng reviewer eh. Hahaha." Napatingin ako kay Leicy.

"Ah, dati kasi tuwing busy si Lexter sa hotel minsan nakakalimutan niyang kumuha ng notes, kaya naman ako na ang gumagawa nun para sa kanya, and besides, trabaho ko na din 'yun since I'm working for his Dad." Leicy clarified.

"Ah, ang galing niyo naman." So matagal na pala may gusto si Leicy kay Lexter? Nakakatuwa naman.

Natapos na kaming mag-dinner. Umalis ulit si Lexter para ayusin ang mga pinagkainan namin, ang masama lang 'don. Sumama si Leicy, nang-aasar ang bruha at iniwan akong kasama ang isang 'to.

Ngayon, nakaupo kami sa sofa habang ako nagka-focus sa loptop para ayusin ang mga rereview-hin namin mamaya. Para sa projector na lang namin babasahin at makapag-brainstorming kami. Habang nasa harap ako ng loptop, alam kong pinapanuod lang ako ni Abrylle, siya naman nakaupo lang at nakatingin sa akin.

"Mag-review ka na." sabi ko rito kahit na nakatingin pa rin sa loptop.

"Ayaw ko, di ba sabay-sabay tayo?" sagot nito. Napatingin ako rito.

"Okay." Sagot ko tsaka siya inirapan.

"Galit ka pa ba sa akin?" tanong niya. Pero di ko siya pinansin. "Ano bang gagawin ko para mapatawad mo?" dagdag pa nito. Naririnig ko siya pero di ko makuhang magsalita. "Laarni. I love you."

Natigil ako sa pagta-type sa loptop. Humarap ako sa kanya at nagtama ang mga tingin namin. Nakikita kong seryoso siya sa mga sinabi niya. Ang mukha niyang seryoso, hindi ko alam pero napapahinto nito ang mundo. Pakiramdam ko, sa amin lang umiikot ang oras. Ang mga titig ng mga mata niya. Parang bang, nakokontrol nito ang isip at puso ko. Pero sa likod ng mga 'yon, nalilito pa rin ako. Ayaw kong munang magsalita ng hindi pa ako sigurado.

"Landi lang 'yan, lilipas din 'yan." Seryoso kong sagot dito. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa pagta-type. Habang nagta-type ako. Parang nanginginig ang mga daliri ko. At ang bigat ng paghinga ko.

Alam kong, may gusto akong sabihin o isagot sayo, pero hindi pa ako sigurado.