webnovel

Chapter 10. “Unsure Feelings”

Chapter 10. "Unsure Feelings"

Laarni's POV

Kinabukasan.

"Oh Arni? Ayos ka lang ba? Mukhang puyat na puyat ka ah?" tanong agad sa akin ni Leicy pagpasok ko sa room.

"Hindi kasi ako nakatulog ng maayos…" matamlay kong sagot dito.

"Huh? Bakit naman?" tanong niya. Nagpalumbaba ako habang pipikit pikit ang mata dahil sa antok.

"Nakakainis kasi yung kulog at kidlat. Tapos may isang lalaki pang pinagalala ko ng lubos." Inihiga ko ang ulo ko sa desk ko. At napikit. Bigla namang tumunog ang cellphone ko. May nag-text kaya binasa ko muna. Baka si Mama na 'to.

From: Mama <3

Anak, mamayang hapon na ako uuwi. Ingat anak. I love you. :*

Nilapag ko na ang cellphone ko sa desk ko at natulog ulit.

"Ano? Lalaki? Wow! May boyfriend ka Arni?" masiglang tanong ni Leicy pero tinatamad akong magsalita. Antok na antok pa rin ako.

"Huh? Sinong may boyfriend?" bigla namang dating ni Lexter. Bigla akong napatingala.

"Guys, mamaya ko na sasabihin ang lahat. Inaantok talaga ako."

"Ah, okay."

Nagsimula na ang klase namin. Pero absent si Abrylle. Nagkasakit kaya siya dahil sa ulan kahapon? Hay nako. Hindi ko alam kung bakit ako nagaalala sa kanya. Kanina pa ako tingin ng tingin sa upuan niya.

Lunch break. Kasama ko ngayon si Leicy at Lexter sa table mukhang silang dalawa lang naman ang makakausap ko sa school na 'to. Ang iba kasing scholar lumalayo sa akin dahil daw connected ako kay Abrylle. And I don't get they're reason.

"Anon gang nangyari Arni? Sabihin mo na" pagngungulit ni Leicy. Kanina pa siya ganyan.

"Ang narinig ko lang kanina, ay boyfriend. WHAT? May boyfriend ka na Arni? Oww! It hurst! You're breaking my heart darling…" pagbibiro naman ni Lexter.

"Pinagsasabi niyo? Wala akong boyfriend 'no! Eh kasi kahapon, habang pauwi ako. Nakasalubong ko si Abrylle." Paguumpisa ko ng kwento. Mas nilapit pa nila ang mukha nila sa akin na tila interesadong interesado sa sasabihin ko.

"Tapos?" –Leicy.

"'Yon na nga. Malakas ang ulan kahapon at nasa labas siya. Basang-basa siya ng ulan."

"Ah, baka naman nagkasakit kaya di siya nakapasok." Pagkokonklusyon ni Lexter.

Napaisip ako kung sasabihin ko ba ang pagtuloy ni Abrylle sa bahay kahapon. Mas mabuti na sigurong, hindi na lang.

"Tapos?" tanong ni Leicy.

"Tapos na." sagot ko rito. Halata namang dismiyado siya sa pangbibitin ko at kumain na lang.

"Eh bakit para kang zombie kanina? At hihikab-hikab ka pa sa klase kanina." Napatingin naman ako kay Lexter na siyang nagtanong.

"Ah—eh, nanuod kasi ako ng Korean Drama kagabi. Tinapos ko kaya madaling araw na ako nakatulog. Hehehe" sorry Lord, for my little white lie.

"Eh sabi mo kanina dahil sa lalaking 'yon? Sino naman 'yon?" tanong naman ni Leicy sa akin.

"Yun ba? Si Kim Tan. Siya yung bidang lalaki sa pinanuod ko."

Note: She's referring for the Korean Drama entitled "The Heirs".

"Ah, maganda ba? Gusto ko rin manuod!" masayang sabi ni Leicy. Mabuti naman at naniwala siya.

"Psh, mga babae nga naman." Iiiling iling na sabi ni Lexter sabay kain. Napangiti na lang ako habang nakatingin sa kanila at kumain na rin.

Afternoon class.

"For you're upcoming finals. You're going to present a song to me." Sabi ng MAPEH teacher namin. "Magbubunutan tayo kung sino ang magiging partner niyo. Swerte kung magaling kumanta. At malas kung sintunado ang magiging partner niyo. Bukas tayo magbubunutan. Class dismiss!" Natatawang sabi nito at tsaka lumabas ng room namin.

Nagkaroon naman ng ingay sa mga kaklase ko. Nagsasabwatan kung sino ang magiging partner. Nagtatanungan kung magaling bang kumanta.

"Magaling ka bang kumanta Arni?" nabigla naman ako sa sumulpot sa harap ko.

"Ewan. Di ko pa na-try kumanta eh." Sagot ko kay Lexter.

"Hahahahahaha." Natawa naman 'to sa sinabi ko. Nagtaka naman ako sa ginawa niya. "Well, if that's your case, dapat ako ang maging partner mo." Mayabang na sabi nito.

"Ano? So? Magaling ka kumanta?" tanong ko rito. Bigla namang lumapit si Leicy sa amin.

"Magaling 'yan. Idol ko nga 'yan eh. Haha member si Lexter ng drama club." Paliwanag nito. Si Lexter naman ay nasa harap ko at ang yabang ng asta habang hinihipo pa ang kanyang baba.

"Ah ganun pala. Well, bunutan pa rin naman 'yan eh. Di ko masisigurado Lexter."

"Ano? Bunutan ba?" para namang natalo sa pustahan ang mukha ni Lexter.

"Hay, sana si Prince Abrylle maging partner ko."

"Oo nga, ang alam ko magaling siyang kumanta."

"Talaga? Narinig mo na?"

"Hindi pa. Yun lang yung balita sa fans club niya."

"Talaga? Wah! Gusto kong marinig."

"Pero sana ako ang partner niya!"

"In you wildest dream Haha."

Hindi ko naman sinasadyang makinig sa usapan nila. Sadyang malalakas lang sila magsalita. So magaling pala si Abrylle kumanta? Napapaisip ako kung ano ang hitsura niya habang may hawak na microphone at kumakanta. Parang magiging romantic ang lugar kapag kumanta siya ng lovesong. At parang ang cool niya kapag kumanta ng rock o pop.

"Uy, Arni! Tulala ka?" nabalik naman ang isip ko sa katotohanan ng kalabitin ako ni Lexter. "Hay nako, lumulipad ang isipan. Wag mo nga akong isipin habang narito ako. Ang awkward eh, baka mailto ka sa ilusyon mo at sa realidad. Hahaha." Ang yabang talaga.

Dismissal.

"Arni tara sabay na tayo." Yaya sa akin ni Leicy habang nag-aayos ng mga gamit ko. Kami na lang yata ang narito sa loob ng classroom.

"Sige, sandali lang." sagot ko rito. Nakatayo na ito sa gilid ko.

"Alam mo, excited ako dun sa gagawing presentation. Sino kaya ang magiging partner ko? Sana si Abrylle. Alam mo ang galing daw talaga kumanta non." Sabi naman nito.

Nag-aayos pa rin ako ng gamit ko ng sagutin ko siya. "Talaga? Narinig mo na ba siyang kumanta Leicy?" tanong ko rito. Tinignan ko siya matapos kong isara ang zipper ng bag ko.

"Uhm, hindi pa. Kaya nga excited ako eh. Hehehehe."

"Parang ako nga rin. Nae-excite na. Hehehe" biglang pumasok sa isip ko ang mga naging pag-uusap namin kagabi ni Abrylle. Kahit na sandali lang iyon. Narinig ko ang boses niya. At talaga namang, lalaking lalaki ang boses nito. Pero ang boses niyang 'yon. Tuwing naririnig ko. Parang may kung ano sa puso ko.

"Hoy!" nagulat naman ako sa biglang pagdating ni Courtney sa harap ko sabay hagis ng isang envelop sa desk ko. Napatingin ako rito at may kasama siyang isa pang babae.

"Oh? Ano na naman 'to?" sabi ko rito.

"Bakit hindi mo buksan ang kagagahan mo?" mataray na sabi nito sa akin. Kinuha ko ang envelop na hinagis niya sa desk ko at binuksan. Pagbukas ko nito at pagkakuha ng laman nito. Nanglaki ang mata ko sa nakita ko. "Oh? Bakit mukhang nagulat ka sa kagagahan mo? Alam mo, likas na rin pala sayo ang kalandian mo eh!" sigaw nito sa akin sabay tulak sa balikat ko. "Binalaan na kita na layuan mo si Abrylle! Pero hindi mo pa rin ako sinunod? Huh! Naghahanap ka ng sakit ng katawan?"

Tumayo ako. "Wag mo akong husgahan. Hindi mo alam kung ano ang totoong nangyari sa likod ng mga litratong 'yan." Sabi ko rito.

"Hindi alam? Mali ka. Simple lang naman ang sinasabi ng mga litratong 'yan. Malandi ka talaga, huh, no wonder kung bakit pobre ang mga tulad mo." Panghahamak nito at nilapit ang mukha niya sa akin.

"Si Berna na naman ba ang kumuha ng mga pictures na 'to?" mariin kong tanong rito.

"Oo, ako nga." Napalingon kami sa pinto sa biglang nagsalita. Naroon si Berna na nakatayo habang hawak ang camera na nakasabit sa leeg niya. "Actually, marami pa nga akong nakunan eh. Pero next time ko na ibubulgar. Hahahaha" naglakad na ito paalis.

"Huh? Anong sinasabi niyang marami pa siyang nakunan?" tanong naman sa akin ni Leicy. Napatingin ako dito pero di na ako napagsalita.

"Hoy ikaw, isang-isa na lang at punong puno na ako sayo. Kapag may nangyari pang ganito. Humanda ka na at bumalik sa bukid na pinanggalingan mo!" sigaw ni Courtney sa akin at tsaka padabog na naglakad palabas ng classroom.

"See you dear, you'll meet kamatayan soon." Maarteng sabi naman ng kasama niya at nag-flying kiss pa habang natatawa at sumunod na palabas kay Courtney.

Tsaka lang kami nakahinga ng maluwag ni Leicy paglabas nilang dalawa. Napaupo na lang ako dahil sa mga nangyari. Ang akala ko magiging maayos na ang lahat.

"Hay nako, kung nandito lang si Lexter hindi ka sana nagaganyan ni Courtney." Sabi naman ni Leicy sa tabi ko. Tumingin ako rito na puno ng pagaalala ang mukha.

"Bakit nasaan ba si Lexter?" tanong ko rito.

"Hindi mo alam? Tumutulong si Lexter sa hotel nila after class. Pinagaaralan na niya ang pagpapatakbo sa hotel nila ngayon pa lang." nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Talaga?"

"Yup! Sandali." Tumingin sa relo niya si Leicy. "Tama, maaga pa. Gusto mo pumunta tayo sa hotel nila?"

"Ano?"

Sa Monterverde Hotel.

"Wow, ang laki naman pala ng hotel na 'to. Ang taas." Manghang mangha ako sa nakita ko sa labas ng hotel nila Lexter.

"Oo nga, isa lang ito sa hotel nila Lexter." Napatingin ako rito.

"Talaga? So may iba pa silang hotel?" gulat na tanong ko rito.

"Oo, halos sa lahat ng region yata."

Grabe pala ang yaman nila Lexter. Hindi halata sa tulad niyang senior student pa lang sa high school.

Note: Senior students are usually 18 years of age in our new curriculum (K-12).

"Tara na, pasok tayo."

Pumasok kami sa loob. Pagpasok. Binati agad kami ng receptionist. Dumiretso naman kami sa reception.

"Yes Ma'am? What their concern?" tanong ng babae sa reception.

"Ah, we're looking for Mr. Lexter Monteverde. Friends niya po kami." Sabi naman ni Leicy. Napatingin na lang ako sa kanya habang kinakausap niya ang babae sa reception. Para kasing ang galing niyang makipagusap sa mga tao.

"Okay Ma'am. I'll inform Master Lexter. Please have a sit for a while."

"Thank you. Tara Arni, upo muna tayo."

Naupo kami sa waiting area. Ilang minuto pa. Dumating na si Lexter, napansin naming may kasama siyang lalaki.

"Wow! Arni you're here! Haha namiss mo ba ako kaagad?" naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Haha, ikaw talaga di na mabiro. Oh, by the way guys, this is my dad." Pinakilala niya ang lalaking kasama niya. Napatingin ako rito at nakita kong nakatingin rin ito sa akin. "Dad, this is Arni and you already knew Leicy naman na di ba? Hahaha"

"Nice meeting you hija." Sabi sa akin ng Daddy ni Lexter. Napansin kong masayang masaya siyang nakita ako base sa kanyang mga mata.

"Nice meeting you rin po Sir." Nakangiti kong bati rito. Napatingin naman it okay Leicy na nasa tabi ko.

"Leicy, sa sembreak niyo mag-work ka ulit dito. Namimiss ko ang pagiging madaldal mo." Masayang sabi nit okay Leicy.

"Sige po Sir. Salamat po." Nagtatrabaho pala si Leicy sa hotel nila.

"So guys, what's bring you here?" tanong ni Lexter.

Pumunta kaming tatlo sa isang café. Kanina pa ako palinga-linga sa loob ng café. Ngayon pa lang ako nakapasok sa ganitong lugar. Ang sosyal at ang ganda.

"Ang ganda naman dito…" humina ang pagsasalita ko nang pagtingin ko nakatingin sa akin ang dalawa. Naninigkit ang mata. "Bakit?" tanong ko.

"Hay, galing ka ngang bundok." Sabi ni Leicy.

"Grabe ka naman Leicy, hayaan mo na si Arni. Hahaha." Tatawa tawang sabi naman ni Lexter.

"Thank you sa pagtatanggol GINOO." Sarcastic kong sabi rito.

"'to naman, binibiro lang." he paused. " So? Anong ginagawa nito rito?"

"Wala lang, gusto ko lang ipakita kay Arni yung hotel niyo." Sagot ni Leicy kay Lexter na siya namang tinignan nito ng may paghihinala.

Umiwas naman si Leicy sa tingin ni Lexter at tsaka uminom ng drinks na inorder ni Lexter para sa amin. Napunta naman ang tingin ni Lexter sa akin, tulad kay Leicy, naghihinala rin ito.

"Arni?"

"Oh? Ano? Yun naman talaga ang dahilan ah." Sagot ko rito. "Nasabi kasi ni Arni na after class, tumutulong ka sa hotel niyo. I was just amaze to you then she asked if me I want to go here tapos ayun, sumama na ako sa kanya." Pagpapaliwanag ko rito. Pero mukha di pa rin siya naniniwala. Bumalik naman ang tingin nit okay Leicy.

"Uhm, kasi naman. Bigla kang nawala kanina. Alam mo ba ang ginawa ni Courtney kay Arni!" pinanglakihan ko si Leicy ng mata. "Ayun, inaway na naman siya. Nakakainis kasi wala akong magawa. Pero alam ko, kung ikaw 'yon. May magagawa ka para ipagtanggol siya. Yung Courtney na 'yon talaga. Naiinis ako sa kanya." Dirediretsong sabi ni Leicy kay Lexter.

Nagcross-arms naman si Lexter at sumandal sa upuan.

"So yun naman pala ang dahilan. Thank you Leicy for telling the truth." Tumingin naman sa akin si Lexter. "So? What do you want me to do?" ngumisi ito sa akin.

"I'm not asking for your help tho, at tsaka wala na akong payag na patulan pa si—" nahinto ako ng ipakita niya sa akin ang dalawang litrato.

-,- bakit ba ang hilig ng mga mayayaman na 'to ng gantiong scenario.

Natahimik ako dahil sa pinakita niya, iwas ang tingin habang mariing hawak ang panyong hawak ko.

"Good thing Arni. Tama yang sinabi mo. Pero tulad ng sinabi ko sayo. Layuan mo si Abrylle." Ngumuso naman 'to at naningkit ang mga mata. "At tigil-tigilan mo na yang pagpapantasya mo sa kanya. May pa-kiss kiss ka pa ta hug. Hahaha You can hug and kiss me instead." Tatawa tawa ito.

Napa-grin face na lang ako sa harap nito. Bigla namang nag-ring ang phone nito. Nahinto ito sa pagtawa niya at tinignan. "Excuse me guys, si Dad baka urgent." Tumayo ito at lumabas ng café.

Lexter's POV

"Yes Dad? What now?" bungad k okay Daddy nang sagutin ko ang tawag nito.

"Wala naman son, Hahaha" nabigla naman ako sa pagtawa nito sa kabilang linya.

"What's with that laugh of yours Mr. Monteverde?" nakangisi kong tanong rito.

"Wala, I was just happy, matapos kong makita si Laarni." Sagot nito.

"What? Anong meron kay Arni?" gulat kong tanong rito.

"Haha, nothing son. I just wanna ask you, do you like her?" nabigla ako sa tanong nito.

"Dad naman." Sagot ko rito. Tumawa naman ito.

"Son, I want her for you. Haha mas maiging magustuhan mo na agad siya anak. Osya, enjoy chitchatting with them. I will let you, just take a rest muna anak. Hahaha. Yayain mong mag-date."

"Dad!" saway ko rito pero pinutol na niya ang tawag. Ano naman kaya ang meron sa lalaking 'yon? Haha.