webnovel

CHAPTER 8 Kiss Behind The Lies

What are you doing when you encounter the disaster that can hurt you? How did find the truth and lies to be answered? Oh diba nakakalito, parang ka lang roller coaster na pinaikot ikot lang sa mga tanong na di mo masagot. This is so pitiful.

"Ano may gusto ka ba sa kanya? Bat di ka makasagot"sabi niya ulit kaya naman sinipa ko na siya dahil nakakahiya na ang mga sinasabi niya.

"Haha huwag muna siyang pansinin, binobola ka lan-" di ko natapos ang sasabihin ko nang sinagot niya ang tanong ni Philip.

"Kung sasabihin kung oo, maniniwala ka?" Sabi niya na ikatigil ko at hindi naman napatinag si Philip sa sagot ni Vuitton. Halos magtagpo na ang dalawang kilay niya sa labis na pagtitig niya kay Vuitton.

Nagbuntong hininga nalang ako at napapikit sa di maipaliwanag na dahilan kung bakit nila ito ginagawa sa akin. Hayst

"Tumigil na nga kayo, ano bang nangyayari sa inyo, pinapahiya niyo ba ako?" Sabi ko sa kanila. Halos sa amin na ang mga mata ng mga taong nandito. Ang iba nag rerecord sa kanilang CP, yung iba naman nag go gossip sa nakita nila sa amin.

"Mahiya naman kayo, talagang dito pa sa maraming tao, ilugar niyo naman niyong joke niyo di nakakatuwa" sabi ko sa kanila at nag walk out na ako.

Iniwan ko sila doon sa cafeteria at agad na pumaroon sa tambayanan ko kung saan sa may bench ng malapit sa puno at mga bulaklak.

"Sander teka lang" habol sa akin ni Philip kaso di ko siya pinansin kaya patuloy pa rin siyang humabol sa akin habang tinatawag ang pangalan ko pero sa huli ay naabotan niya ako.

"Sander sorry na, nadala lang ako sa emosyon ko" sabi niya kaya naman hinarap ko siya na tila parang lion na kakainin siya ng buo.

"Ano bang problema mo, walang ginawang masama yung tao bat ka ba ganyan, akala ko ba tahimik ka bat nag iba ka" sabi ko sa kanya kaya naman nag paliwanag pa rin siya.

"Hindi mo ba napapansin yung kilos niya, parang may binabalak siya sayo. Iniingatan lang kita" sabi niya na ika bigla ko pero di ko yun pinahalata sa kanya.

"Iniingatan? Ano bang pake mo sa sarili ko di mo naman buhay to, kung maka desisyon ka  daig pa sa may ari. Nahihibang kana ba o talagang ganyan talaga ugali mo?" Tanong ko sa kanya kaya naman lumapit siya sa akin ng kaunti habang sinagot niya ang tanong ko.

"Oo nahihibang ako, kase gusto talaga kita. Inaamin ko din na nagseselos ako dun pero di mo ba nahahalata na may balak siya sayo. Wala ka namang sense of humor" sabi niya na ikabigla ko talagang diniin niya talaga ang sense of humor aba talaga hinahamon ako nito ahh.

"Hoi ibahin mo ko, at tsaka humanap ka nalang ng gusto mo di ako interesado sa feelings mo yung may sense of humor naman" sabi ko sa kanya tsaka iniwan ko na siya dun. Sinusubukan niya talaga ako ang sarap sapakin grr.. nanggigil talaga ako dun sa gonggong na yun.

Bumalik nalang ako sa kasama ko hanggang hapon na kaya kailangan na naming umuwi.

Habang nag pupunas ako nakita ko si Vuitton sa kalayuan habang ngumiti sa akin kaya nag wave ako sa kanya at ganun din ang ginawa niya.

Di nagtagal ay lumapit na siya sa akin nang wala nang masyadong tao sa covert court. Medyo naiilang pa ako sa kanya dahil sa nangyari kanina, nahihiya talaga ako sa ginawa ni Philip.

"Ahm, sorry talaga sa ginawa ng kaklase ko kanina sana di mo na pinansin iyon, may pinagdadaanan lang siguro yon hehe" pilit na ngiti ko na parang nahihibang.

"Ok lang, sanay naman ako kaya di na big deal sa akin yun" sabi niya kaya nakahingal naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Mabuti marunong siyang makisama ng ibang tao.

"Bat ka pala nandito, may hinihintay ka pa ba sa university?" Tanong ko sa kanya kaya naman tumango naman siya.

"Sino kaibigan mo?" Tanong ko habang tumi tingin sa paligid ng covert court tsaka bigla siyang natawa kaya naman nagulat ako sa tawa niya pero tumawa nalang din ako.

"Ikaw yung hinihintay ko kaya nga nandito ako diba" sabi niya kaya naman tumango naman ako.

"Ah ganun ba akala ko may kaibigan ka na nag pa practice dito sa covert court kanina. Bakit may sasabihin ka sa akin?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya kaya tinanong ko naman kung ano ito.

" Yung sinabi ko kanina sa cafeteria it was true, kaya di ko na hahayaan to Sander" sabi niya na tila seryoso siya sa sinabi niya kaya napatitig naman ako sa kanya at bigla rin akong tumawa sa di ko mapigilan ito.

"Hahaha sorry, i mean nakakatawa kasi yung joke mo pareho talaga kayo ni Philip ng joke kaso nagagalit lang ako sa kanya kasi parang nang aasar" sabi ko sa kanya kaso wala man lang siyang expression halata na di siya nag jojoke kaya naman napatigil ako sa pagtawa tsaka sumeryoso na din ako.

"Seryoso ka? Bakla ka ba?" Tanong ko sa kanya kaya naman ngumiti siya na parang ngayon ko lang nakikita na ginawa niya yun parang demonyo.

"I'm BI, hindi bakla, magkaiba yun. Alam mo naman ibig sabihin nun diba?" Sabi niya kaya naman napatigil ako sa sinabi niya habang di makapaniwala sa sinabi niya.

"I like you matagal na since, the day i see you in the hallway and i spend my umbrella to you" dagdag niya pa kaya naman medyo napa atras ako ng kaunti kaya naman mas lumapit siya sa akin.

"Pre, tigilan mo yan di nakakatuwa" sabi ko sa kanya kaso mas lumapit siya sa akin kaya naman di ako naka pagpigil kundi naitulak ko siya nang malakas na dahil na napa atras siya ng malakas.

"Sinabi ko diba na tigilan mo yang ginagawa mo, di ko intensyon na gawin yun sayo, pasensya na" sabi ko sa kanya kaya naman tumingin siya sa akin na tila nakakaawa.

"May pag asa pa naman ako sayo diba Sander?"  sabi niya kaya naman  tila nauutal ako sa tanong niya pero tinatag ko yung loob ko para di niya halata na naapektuhan ako sa tanong niya.

"Di ko naman pinipigil ang feelings mo sa akin Vuitton pero di ko mapapangako na magkagusto ako sa isang katulad mo, straight kase ako pasensya na talaga" sabi ko sa kanya kaya naman nag uumpisa nang namula ang mukha at mata niya na tila isang batang iiyak na.

"Sge alis muna ako may gagawin pa kasi ako sa bahay" sabi ko sa kanya at akmang aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko kaya nagulat naman ako at agad napatingin sa kanya.

"Nakikiusap ako sayo Sander, kahit ito lang pagbigyan mo naman ako" sabi niya sa akin at tila unti unti nang lumuluha ang mga mata niya.

"Please I'm begging you" dagdag niya kaya naman hihiwalay na sana ako sa kanya ng may humawak sa kamay naming dalawa at pinaghiwalay niya ito tsaka tinulak niya agad si Vuitton papalayo sa akin kaya naman wala akong masabi sa nangyayari ngayon na speechless ako.

"Ok ka lang ba? Anong ginawa niya sayo?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako kay philip na talagang nag alala siya sa akin kaso di parin ako makapagsalita sa nangyari ngayon.

"Diba sabi ko sayo may balak siyang gawin sayo? Ano bat di ka nagsasalita anong ginawa niya sayo" sabi niya kaya naman pumikit muna ako at tsaka kinalma ang sarili ko sa dalawang baliw na ito.

"Uuwi na ako, pagod ako ngayon tigilan niyo na yang kahibangan niyo utang na loob" sabi ko at agad na umalis iniwan ko silang dalawa doon sa covert court at mabilis na pumunta ng parking lot.

Pagdating ko palang don ay napahawak ako sa dibdib ko na tila mabilis ito tumitibok at kailangan ng maraming hangin.

Napabuga nalang ako ng malalim na tila binangungot ako ngayong araw na to. Tinawag ako ni philip kaso di ako tumingin kaya lumapit siya sa akin.

"Ano ok ka lang ba? Bat ganyan yung mukha mo may masakit ba sayo" sabi niya sa akin kaya di ko mapigilan ang sarili ko na bigla ko siyang hinalikan ng ikinagulat niya ito. Di ko alam kung bat ako nagkakaganito.

Basta ang alam ko nais nang puso ko na halikan ko siya at pinipilit na magdampi ang labi namin na di maipaliwanag na dahilan. What happened to me? Is this a lie again in my life?

Dear,Diary:

"Tempted kiss behind the lies that we need to detect with passionate feelings"

*****************************************

                           X-TRA CHAPTER

                             VUITTON POV

"Ano bang kailangan mo sa kanya huh?" Tanong niya kaya naman ngumisi ako na tila inaasar siya.

"May gusto ako sa kanya, diba sinagot na kita kanina. Nagka amnesia kaba?" Sabi ko sa kanya kaya naman unti unti nang nanggigil ang kamay niya

"Wala naman siyang gusto sayo, bat ka nag fefeeling boyfriend sa kanya? Sa totoo lng di bagay sayo" dagdag ko kaya hinwakan niya ako sa kwelyo ng mahigpit tsaka galit na tumingin sa akin.

"Wala kanang pake. Sa susunod huwag mo siyang lalapitan dahil ako ang makakaharap mo itatak mo yan sa utak mong bulok" sabi niya tsaka mabilis na umalis sa harapan ko.

Napasigaw ako sa galit ko tsaka tila ngumisi ako na isang baliw.

"Walang gustong na hindi mapapasakin kaya kung ikaw ang dahilan ng mga iyon, magsisisi ka sa binabangga mo, I can make your life miserable like hell that where you belong at" sabi ko sa kanya at agad  na akong bumalik sa kotse ko.