Naniniwala ba kayo sa kasabihang "Fate has no regrets"? Di mo mapipigilan ang bawat takbo ng tadhana when it comes to discover the right fate that you want.
"I'm sorry pre, di ko sinasadya" sabi niya kaya tumango nalang ako at lumakad nalang din ako. Pero napahinto ako sa kalagitnaan sa paglalakad ko ng pumasok bigla sa isipan ko ang boses nang lalaki yun kaya tumingin ako sa gawi ko banda sa Cr na kung saan pumasok yung lalaking yun.
Ang boses na yun ay katulad ng nag abot sa akin ng payong kahapon kaya naman binalikan ko siya sa Cr.
Pero huli na nang bumalik ako dun dahil wala nang tao at siguro kakaalis na niya kaya naman wala na akong choice kundi bumalik sa room ko.
Pagdating ko palang sa room ay nandoon na din si Philip habang nagbabasa ito ng libro pero halata sa mukha niya na may inis pa rin ito at talagang bad mood ang araw niya ngayon.
Umupo na lang din ako at maya maya ay dumating na ang subject teacher namin at nag umpisa na siyang nagturo.
"SOMEONE POV"
"Nandito kana pala saan ka galing bat nawala ka bigla?"
"Galing Cr, bakit?"
"Wala naman, ano tara na baka nandoon na din yung teacher natin"
Nagsimula na kaming naglakad papunta sa aming room tsaka may pahabol akong tanong sa kanya.
" Fred, kilala mo ba masyado yung si Sander ba yun?"
"Sander? Hmm sa pagiging heartrob niya dito sa campus yun lng ang alam ko sa kanya"
"Bakit ka ba tanong ng tanong tungkol sa kanya ano bang nais mong malaman sa kanya bat sobrang big deal na malaman mo yun?"
Hindi ko nalang sinagot ang tanong niya, binilisan ko nalang ang lakad ko kaya napahabol si Fred sa akin.
"Aba hoi, hintayin moko ang bilis mo ahhhh"
Ngayon lng ako nakaramdam ng ganito in my life, parang nagkakaroon na ako ng feelings sa kanya. I need to see him again.
"SANDER POV"
Habang naglalakad ako ay may nakita akong babaeng umiiyak sa may gilid ng hallway na umuupo sa may banda na kung saan ako umuupo sa may malapit na flower garden.
Lumapit ako sa kanya tsaka kinuha ko yung panyo na nasa bulsa ko tsaka pinaabot ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng may katagalan tsaka niya kinuha ang panyo ko.
"Thanks for this" sabi lng niya kaya naman tumabi nalang din ako tsaka tumingin sa kanya.
"Di sa nakiki marites ako, pero ikaw yung babae kanina na pumasok sa room namin at hinanap mo si Philip" sabi ko sa kanya kaya tumingin siya sa akin tsaka tumikhim Saglit bago siya nagsalita.
"He's my Boyfriend, I..i mean Ex-boyfriend. I did not broke him, I'm just left him with reason behind" salita pa niya kaya naman pinatahan ko nalang siya kasi nagsimula naman siyang umiyak.
"I'm sorry, I can't stop this emotional that I got. Sorry for disturbing you maybe you're busy you can go now I'm ok." Sabi niya kaya tumingin naman ako sa relo ko at siguro hinihintay na ako ng mga friends ko doon sa cafeteria kaya naman tumayo na ako. Nakailang hakbang palang ako ng nagsalita siya ulit.
"Thank you" she just thank me habang itinaas niya ang panyo na ibinigat ko sa kanya kaya ngumiti nalang ako tsaka umalis na rin ako.
Pagdating ko sa cafeteria ay wala na sila kaya naman kumain lang akong mag isa.
Umorder nalang ako ng sandwich tsaka juice dahil di naman ako masyadong gutom.
"Ahmm pwede bang pa picture sa iyo kahit saglit?" Sabi nang babae kaya tumango nalang ako kaya nagsimula na siyang kumuha ng litrato kasama ako at kinilig naman siyang umalis papalayo sa cafeteria.
"Bat naman ang boring ng araw ko ngayon nakakatamad ahh"
Habang kumakain ako nang may tumabi sa akin kaya naman tumingin ako sa kanya at si Philip lang pala.
"Nasan ba mga kaibigan mo? Bat ikaw lng mag isa?" Tanong niya sa akin kaya ngumuya muna ako bago ko sinagot ang tanong niya.
"Tapos na siguro silang kumain nandoon na yata sa room nila." Sagot ko kaya tumango naman siya. Ang emotionless niya talaga di halata na may pinagdadaanan.
"Ahmm kumain ka na ba? Sabayan mo na ako" medyo naiilang na sabi ko kaya naman ngumiti siya tsaka tumango nalang siya bago umorder ng pagkain niya. Bat ang awkward naman ng kilos ko, magkaklase lang naman kami. Bat di ko feel na kaibigan na kami.
Pagkatapos niyang mag order ay bumalik na siya sa upuan niya at nagsimula na ding kumain. Naging tahimik ang mga kilos namin, tanging mga kinain lng namin ang naging ingay dito sa table na ito.
Maya maya ay agad naman kaming bumalik sa room namin at sakto ay kararating pa lang ng subject teacher namin kaya naka abot pa kami.
"Ok class before i start our lesson, I want to announce first the incoming foundation day of Ateneo this third week of month. We need to participate or attend it, most of all the sports, cheering dance and so on."
Di naman ika ilang na sasabak na naman kami sa napakalaking event ng Ateneo lalong lalo na dito ini held ang mga ibat- ibang sports bawat school ng syudad dahil ito ang pinakamalaking university.
"And also, please inform your classmates na wala dito na they need to attend this event because your grades is depends on this kaya kailangan niyo talaga uma attend, kahit ano ang sasalihan niyo its ok as long nag participate kayo. Understood?" Sabi ni sir kaya sumang ayon naman kami.
"So, get your notebook and copy this lesson dahil due day natin kasi magsimula na bukas ang practice niyo kaya galingan niyo sa sasalihan niyo" sabi ni sir at nagsimula na kaming nagsulat.
Kumuha na agad ako ng notebook at ballpen upang magsimula na akong magsulat ng nagsalita si Philip.
"Anong sasalihan mo?" Tanong niya kaya tiningnan ko siya.
"Volleyball yun kasi paborito kong laro. Anong sayo naman, may sasalihan ka ba?" Tanong ko din sa kanya kaya ngumiti siya bigla.
"Chess, yun kasi favorite game ko since I'm 8" sabi niya kaya naman napatitig ako sa kanya. May kagwapuhan naman pala siya kapag ngumingiti siya bat niya ipinapakita, pantay din ang mga ngipin niya tsaka ang puti.
"Hoi, sander may dumi ba ako sa mukha" bumalik ako sa reyalidad ng bigla siyang nagsalita kaya naman nag fucos nalang ako sa lesson na isusulat. Parang timang, anong ginagawa mo sander nakakahiya ka.
Mas lalo siyang ngumiti tsaka nag simula na din siyang magsulat ng lesson.
Nang mag uwian na ay sinimulan ko nang ligpitin ang mga gamit ko at tinext ko ang ate ko na maghintay siya sa parking lot ng university.
Aalis na sana ako nang makita ko ang pa yung na dinala ko kanina na inilagay ko sa likuran banda malapit kay Philip kaya muntik ko nang nakalimutan kaya kinuha ko ito at dinala ko na rin ito baka makita pa ito ng may ari.
Tiningnan ko ulit yung VL na naka ukit sa may bandang hawakan ng payung at iniisip kung ano talaga ibig Sabihin non kasi sa pag kaka alam ko wala namang brand na VL na payong, siguro nickname ng may ari nito baka matandaan niya kung makita niya ito kaya dadalhin ko nalang ito lagi hanggang sa kunin ng may ari.
Habang naglalakad ako sa Hallway na nandoon pa pala si Philip kasama yung babaeng kausap niya kanina. Kaya di ko nalang sila pinansin at lumihis nalang ako ibang daan upang hindi sila magula sa pag uusap nila.
"Sander, come here for a while" biglang sigaw ni Philip kaya naman napatigil ako tsaka tumingin sa kanya seryoso ang mga mukha nila kaya sinisigurado ko naman kung ako ang tinawag niya kaya tinuro ko pa ang sarili ko at tumango siya kaya no choice kundi lumapit. Ano na naman kaya problema nito.
"Oh ano may sasabihin ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya kaya bigla niya akong hinatak papalapit sa kanya kaya nabigla ako tsaka nagulat din ang mukha ng kausap niya.
"This is my boyfriend, Sander Mecardo" sabi niya kaya naman gulat akong napatingin sa kanya. Halos nabilog ang mata nang babae habang palipat lipat ng tingin sa aming dalawa.
Dear, Diary
"This was a ridiculous happened in my life pero bakit di man lang ako nagkaroon ng reaction, This is so insane."
*****************************************
X-TRA CHAPTER
SOMEONE POV
Habang naglalakad ako, nakita ko ulit siya, dala pa rin niya yung payong ko kaya naman may pagkakataon na akong magpakilala sa kanya in personal.
"Sander, come here for a while" biglang sigaw nung lalaking banda sa hallway
Napatigil ako at tiningnan sila.
"This is my boyfriend, Sander Mecardo"
Naka ilang segundo akong nakatayo at nakatulala habang nakatuon ang mukha sa kanila.
Tumalikod na din ako papalayo sa kanila having my eyes started to cry with unreasonable.