webnovel

CHAPTER 15 The Final Chapter

"Ang ganda pala dito sa loob ng bahay niyo, ngayon lang ako naka pasok na ganito ka garbo" sabi ko sa kanya pagkapasok ko palang sa bahay nila.

Di ako makapaniwala na ganito pala kaganda ang loob nito, di kasi halata sa labas parang simple lang.

"Sadyang mahilig lang si manang na may decorations sa bahay hilig na niya noon pa sa una naming tinitirhan" ani niya kaya naman nakangiti lang ako sa paligid dahil di ko maiwasang maantig sa ganda ng pagkaka ayos sa sala.

"Sge maiwan muna kita diyan, punta mo na ako sa kwarto ko maliligo lang. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka" sabi niya kaya tumango naman ako sa kanya.

Habang hinihintay ko si Philip sa kanyang ginagawa ay nag lakad lakad muna ako dito sa loob ng mahagip ko ang mga litrato nila.

Ang kyut pala niya nung bata pa siya pati din yung kapatid niya.

Inisa isa ko itong tiningnan nang napahinto ako sa isang larawan na talagang pamilyar sa akin. Kinuha ko ito at tiningnan ng maigi nang napagtanto ko na may ganito din ako dati.. wait what? oo nga may ganito ako dati ibinigay ko nung...

10 Year's Backwards

"Wag mo tong iwala ahh, this is the sign of friendship natin. Kapag mawala yan you know what will happen"-sander

"What is this stuff? something like disgusting. And "S" what does it mean?"philip

"Anong disgusting, pinagawa ko pa kaya yang bracelet na yan. Meaning ng "S" yung first letter natin, "Sander and Silent Mood" oh see diba"

"That's is not my name tsk"

"Ayaw mo kasing sabihin yung real name mo? Ano ba talaga pangalan mo? Parang di tayo friend"

Sasabihin na niya sana ng bigla siyang tinawag ng mommy niya at agad nang umalis sa harapan ko and that's our last meet at hanggang ngayon di ko na alam kong san na siya nakatira.

End of flashback

Oo si Silent Mood siya nga, teka nga..

Kinuha ko agad ang cp ko kung nagbabakasali kong siya yung kaibigan kong nakikichat sa Facebook.

Chinat ko siya agad at sinend ko na. Maya maya ay may nag ring sa phone ni philip. Naiwan niya pala ang phone niya kaya naman di ko nalang pinansin iyon.

Nagchat ulit ako dahil di niya tiningnan ang chat ko baka di niya nakita kaya naman nag chat ulit ako.

Maya maya din ay tumunog naman ulit ang phone ni philip kaya naman bigla kong na realize na importante yun kaya naman tiningnan ko naman ito napahinto ako sa nakita ko.

Yung kaninang tunog na galing sa phone niya ay notification pala na galing sa akin kaya naman nabitawan ko agad ang cp niya.

Bigla siyang bumungad sa harapan ko na kakatapos lang niyang magbihis. Tinanong niya kung ano ang nangyari habang kinuha niya yung cp niya.

Napahinto rin siya nang makita niya yung notifications na galing mismo sa akin kaya naman natahimik siya bigla at tiningnan niya ako na parang naghihintay ng tiempo para magpaliwanag.

"Ahh ano I will explain to you"

"Of course you need to explain. Bakit di mo sinabi sa akin na ikaw pala yun, yung pinagkakatiwalaan kong kaibigan noon. I need your explanation philip at sana naman di na yan kasinumgalingan diba?" Tanong ko sa kanya at hinawakan niya bigla yung kamay ko.

"I'm sorry, na di ko sinabi sayo yung totoo. Yung tungkol sa atin and beside I want to restart again Sander, yung pano tayo dati kasaya, Yung wala tayong iniisip na problema at lungkot. I'm very sorry Sander"

"Ikaw talaga kung yan pala yung gusto mo sana sinabi mo na yan noon pa. Pero may kasalanan din ako kasi nakalimotan ko din yung nickname mo pero ok na yun past is past, pero wala ka namang tinatago sa akin diba?" Tanong ko sa kanya kaya lumingo siya kaya naman nag sigh lang ako sa kanya.

Bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit na talagang matagal na niyang gustong gawin noon pa lang.

Di naman ako masyadong nagtagal sa bahay nila dahil baka hanapin ako ng parents ko kaya naman maaga akong umuwi sa amin actually sa gilid lng pala yung bahay namin hahaha.

3 days after....

Pagdating ko palang sa room ay agad akong hinila ni Larance para kompirmahin na babalik si philip sa Ateneo kaya naman di pa ako tumango ay agad na pumasok si philip sa room namin at agad na umupo sa dati niyang upuan kaya naman bumalik nalang kami sa upuan namin ni Larance.

Maya maya ay agad na lumapit si Larance ni philip upang kumustahin at batiin sa pagbalik niya dito sa Ateneo. Di naman masyadong kahaba ang conversation nilang dalawa nang dumating agad yung prof namin.

"Class ilang weeks nalang you are now graduated at mag ka college na kayo. I hope all of you na malampasan niyo yung problema na haharapin niyo sa susunod na yugto ng buhay niyo" sabi ni prof kaya nakinig nalang kami sa mga speech niya.

"This weekdays are done to your classes and mag pra practice na kayo sa moving up niyo. So, see you in covert court 1pm" sabi ni prof at agad na umalis nagsilabasan naman yung mga kaklase ko hanggang kami nalang ni philip ang natira sa room.

"Di to kalang ba? Di ka kakain?" Tanong ko sa kanya kaso bigla siyang tumayo at lumapit sa akin nang bigla niya hinila ang baywang ko at bigla niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"I want to eat you, are you in?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman lumayo ako sa kanya ng kaunti at malakas kong tinapik ang balikat niya.

" Ano ka ba, baka may nakakita sa atin dito ang bastos mo" sabi ko sa kanya kaso ngumiti lang siya at lumapit sa ulit sa akin but this time seryosong mukha ang ipina pakita niya sa akin kaya naman di ako nakapalag at hahalikan na sana niya ako ng biglang dumating si Larance kaya naman na itakwil ko siya ng malakas dahilan na napa upo siya sa upuan.

"Oh anyari sa inyo? Bat ganyan ang mga mukha niyo parang nakakita ng multo" sabi niya kaya naman agad akong tumawa at lunapit sa kanya.

"Ito kasing si Philip kiniliti niya ako kaya na natulak ko siya bigla. Tara na nga gutom na ako ehh" agad kong hinatak palabas si Larance at iniwan ko dun si Philip. Narinig ko pa ang sigaw niya kaso di ko yun pinansin at dumiritso agad kami sa cafeteria. Bumili kami kung ano ang makakain namin at ganun din siya at si Philip.

Magkukuwento pa kami tungkol sa nangyayari dito habang wala si Philip sa Ateneo at mabuti nalang di niya sinabi kong anong nangyari nung nalaman ko na umalis bigla si Philip sa pilipinas kaya naka relief naman ako sa kadaldalan ng kaibigan kong ito.

Inubos namin lahat ang pagkain namin at agad kaming tumayo upang bumalik sa room namin. Biglang sumenyas si Philip dapat na sumunod ako sa kanya ng bigla siyang nag iba ng daan kaya naman tahimik akong umalis sa tabi ni Larance at bigla naman itong nagtama na kanina pa itong nagsalita na wala na palang nakikinig sa kanya kaya naman nagkamot nalang ito sa ulo niya at umalis nalang.

Pagdating ko sa garden kung saan nakatayo si Philip na nakatalikod ito sa akin kaya naman tumikhim muna ako para alam niya na nandito ako at agad naman siyang lumingon.

"Anong ginagawa natin dito? May sasabihin ka ba sa akin?" Tanong ko sa kanya kaya naman ngumiti siya sa akin na parang may naiisip na kalokohan kaya naman ngumiti nalang din ako.

"Pumikit ka muna may sorpresa ako sayo." Sabi niya kaya naman nagtataka naman ako kung ano kaya naman tinanong ko naman siya kung ano kaso ayaw niyang sabihin unless di ako susunod sa gusto niya kaya no choice pumikit nalang ako.

"Oh nakapikit na ako ano bang ibinigay m..." Bigla kong naputol ang sasabihin ko ng bigla niya akong hinalikan kaya bigla ako napadilat kaso huli na dahil kinuha na niya ang kahinaan ko at hinayaan ko nalang siya sa gusto niya. Pagkatapos niyang hinalikan ang labi ko ay agad siya humiwalay sa akin at dumistansya ng kaunti.

"Sander Mercardo, Will you be my Boyfriend?" Sabi niya sa akin na talagang ikinagulat ko habang inilahad niya yung ibinigay ko sa kanyang bracelet na may "S" sa gitna nito kaya naman napatango ako na wala sa sarili habang minamasdan siya inilahad ang bagay na sa akin mismo nanggaling kaya naman isinuot niya sa akin ang bracelet at agad niya akong niyakap.

"This bracelet is the proof of our relationship since Best friend and now a lover, I love you Sander" sabi niya sa akin habang nakayakap parin sa akin kaya humiwalay ako sa kanya at isinambit ang salitang kailanman paninindigan ko.

"No matter what happened, I will love you untill the end, I love you Philip" sabi ko sa kanya at agad ko siyang hinalikan ng madiin na parang uhaw sa pagmamahal and that is now we are.

Best friend, rival, neighbor and now a lover, because this is how our fate destined to each other.

Dear, Diary

"In the last page of our story, I don't want you to be a neighbor but instead a Boy Who loves Me"

#The End

THE BOY NEXT DOOR THE SERIES