webnovel

The Boy Behind The Red Door (Tagalog Version)

R-18 (MATURE CONTENT) Romance/Mystery/Sci-fi Ang alam ni Lesley ay janitress ang tinanggap niyang trabaho sa Maridona Nobles Asylum, kaya laking gulat niya nang sabihing magiging tagapangalaga siya ng isa sa pinaka-agresibong pasyente sa mental hospital na iyon. They called him V-03. He was the most dangerous, violent, and deadly patient in the hospital. Akala niya ay katapusan na niya. To her surprise, V-03 was one of the sweetest people she ever met, but only to her. He was also handsome as hell. Mukhang mag-e-enjoy siyang alagaan ito. They are starting to develop a deeper relationship with each other until one day...she found out he wasn't human anymore... What more hellish secrets does this hospital hold? And what is her connection to all of this? She will do everything to find out, and save the love of her life.

BenitaBoo · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
39 Chs

Confession

Halos kinakaladkad na ni Lesley ang mga paa habang naglalakad palabas ng lobby ng MNA. Pagod na pagod na ang katawan, utak at puso niya sa sobrang daming nangyari sa kaniya ngayong araw. Paulit-ulit pang naglalaro sa isipan niya ang nakakainis na halakhak ni Shane nang sabihin niya ang dahilan kung bakit hinalikan siya ni Bangs. Parang nagsisisi tuloy siyang sinabi niya iyon.

Bangs have feelings for her. Iyon ang ibinigay niyang dahilan. As crazy as it sounds, that is the truth. She expected Shane to mock her. But what can she do? Iyon naman talaga ang totoo.

Nakayuko siyang naglalakad habang malalim ang iniisip nang mabunggo siya sa dibdib ng kung sino. Muntik na siyang matumba. Buti na lang ay nasalo siya sa bewang ng lalaking nabunggo niya. Nagulat siya nang tingalain kung sino ito.

"Kuya?"

Sa gulo ng isip niya muntik pa niyang makalimutang susunduin nga pala siya nito ngayong gabi. Walang emosyon ang mukha nitong nakatingin sa kaniya.

"Ang lalim ng iniisip mo a?" anito tapos ay inalalayan siyang makatayo ng maayos.

Bumuntong-hininga siya. Namimiss na niya ang pagiging masayahin nito at pilyo.

"Pagod lang ako," sagot niya na may pilit na ngiti.

"Tara na baka wala na tayong masakyan," anyaya nito.

Tumango siya tapos ay nag-umpisa na silang maglakad. Nakabibingi ang katahimikan sa pagitan nila habang naglalakad sila. Hindi siya sanay na ganito silang magkapatid. Hindi niya ito matiis.

"Kanina ka pa ba naghihintay?" basag niya sa katahimikan.

"Hindi naman," walang emosyon nitong sagot tapos ay tinitigan ang mukha niya na parang may binabasa. "Wala ka pa rin bang planong mag-open up sa'kin?"

Kagat-labi siyang yumuko at matamlay na umiling. "Sorry," malungkot niyang sabi tapos ay tiningala niya ito. "Pero hindi naman ibig sabihin nun wala na akong tiwala sa'yo. Hindi lang talaga pwede. Sana maintindihan mo."

Bumuntong-hininga ito tapos ay dismayadong dumiretso ng tingin sa linalakaran nila.

"Hindi ko talaga ma-gets bakit hindi pwede," umiiling nitong sabi.

Binilisan niya ang lakad para mauna ng kaunti rito at parang nanunuyong tinignan ito sa mukha.

"Hindi ba nga sabi ko sa'yo na may pinirmahan akong kontrata sa ospital na 'yon kaya hindi ko pwedeng i-disclose sa'yo? H'wag ka na magtampo d'yan. Please? Miss ko na yung kakulitan mo kahit napipikon ako sa'yo minsan."

Tumingin din ito sa kaniya. "May nang-bu-bully ba sa'yo doon kaya nagkakaganyan ka? Kasi kung meron sabihin mo sa'kin nang makita nila ang hinahanap nila."

Pumasok kaagad sa isipan niya si Shane at si Mrs. Dapit. Sana nga pwedeng ipabugbog ang mga iyon. Mga halang ang kaluluwa at walang puso. Nangingiti siyang napa-iling.

"Wala! Basta medyo nahihirapan lang ako. Ang masasabi ko lang, nakaka-stress sa ospital na 'yon!"

Sabay silang napatigil sa paglalakad nang makarating na sila sa waiting shed kung saan sila maghihintay ng masasakyan.

"Alam mo bang sobrang nainis talaga ako sa'yo? Akala ko close tayo tapos hindi ka naman nagsasabi ng mga problema mo sa'kin," biglang sabi nito habang nakapamewang pa sa kaniya.

"Sinabi ko na sa'yo 'diba? Kahit gustuhin ko hindi pwede," nakanguso niyang sagot.

"Oo pero na-badtrip pa rin talaga ako."

Nagpapaawa siyang pinapungay ang mga mata rito. "Sorry na. Matitiis mo ba 'ko?"

Tinirik nito ang mga mata habang umiiling-iling at hindi siya sinagot. Sinimangutan lang niya ito tapos ay sabay silang umupo sa bakal na upuan sa waiting shed. Ilang minutong namayani ang katahimikan bago ito muling nagsalita.

"Ang liblib naman dito. Ang dami pang sulok na walang ilaw," komento nito na palinga-linga sa paligid. Pinalibot din niya ang tingin sa buong lugar. "Kung alam ko lang na ganito rito hinatid sundo na sana kita noong una pa lang. Hindi ka ba natatakot umuwi mag-isa?"

"Noong una natatakot. Pero nasanay na ako. Wala namang nangyayari sa akin. Isa pa, puno ng cctv ang palibot ng MNA. Kahit siguro 'tong waiting shed binabantayan nila."

"Ha?" Kunot ang noo nitong humarap sa kaniya. "Ang layo na nito sa kanila a?"

"Hanggang dito pagmamay-ari pa rin nila at bantay-sarado lahat ng sulok."

"Bakit? May tinatago ba sila na hindi pwedeng malaman ng ibang tao?"

Natikom niya ang bibig. Masyado na yata siyang madaldal.

"Wala. Ganoon talaga sila kung magpahalaga sa kaligtasan ng mga staff nila," palusot niya. Sana nga iyon na lang ang katotohanan.

"Okay. Sabi mo e."

Nakahinga siya ng maluwag. She should avoid talking about MNA. Baka madulas pa ang dila niya at may masabing hindi dapat.

"Hindi ka na nagtatampo sa'kin?" pag-i-iba niya ng usapan.

Umiling ito. "Hindi naman kita kayang tiisin ng ganoon katagal. Saka in-explain mo naman kung bakit hindi mo masabi," sagot nito kahit halata pa rin ang kaunting tampo sa mukha at boses nito.

Matamis siyang napangiti. "Mabuti naman. Hindi ako sanay na gan'yan ka sa'kin."

"Oo na."

Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita niyang ngumiti na rin ito sa wakas. Hindi na rin niya napigilang mapangiti rin. Bati na sila.

Tahimik silang magkatabi habang ninamnam ang kapayapaan ng paligid. Napakasarap para sa kaniyang tenga ang huni ng mga insekto sa gabi. Naaaliw siyang pinapanood ang ilang alitaptap sa puno hindi kalayuan sa kanila habang pinapakiramdaman ng kaniyang balat ang malamig na simoy ng hangin. Tila nabawasan ang pagod niya.

"Les?" mahinang sambit ni Patrick sa pangalan niya habang nakatanaw sila pareho sa malayo.

"Hmm?" tugon niya rito.

"Mahal kita."

Napakurap-kurap siya rito. "Ano?" Baka nagkamali lang siya ng dinig.

Humarap na rin ito sa kaniya at mariing pinakatitigan siya sa mata.

"Mahal kita."

Nawala ang ngiti niya at nag-iwas ng tingin. Sandali siyang natahimik pero agad din naman niyang ibinalik ang ngiti niya kanina.

"Ma-mahal din kita Kuya kahit sobrang mapang-asar mong kapatid," paglilihis niya ng sinabi nito.

"Les, alam mong hindi ganoong klaseng pagmamahal ang tinutukoy ko. Hindi ka manhid. Alam kong nararamdaman mo 'yon."

Kumabog bigla ng malakas ang dibdib niya. Alam niya ang ibig nitong sabihin at totoong napapansin din niya ang kakaibang pagtingin nito sa kaniya. Pero hindi niya iyon iniisip o binibigyan ng halaga. Iniiwasan niya iyon dahil wala naman silang patutunguhan. Hanggang sa kapatid lang ang kaya niyang ibigay na turing dito.

"Matagal ko nang gustong sabihin sa'yo 'to pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Hindi ko alam pero pakiramdam ko kapag pinatagal ko pa maaagaw ka na ng iba. Ang ganda mo pa naman. Imposibleng walang pumorma sa'yo sa trabaho. Sa school kaya pa kitang ibakuran pero dito sa MNA mahirap kang bantayan."

Kumuyon ang mga kamao niya. Ngayon alam na niya kung bakit walang nanliligaw sa kaniya sa eskwelahan. Kilalang gangster at siga ang kuya niya. Tinatakot siguro nito ang mga kalalakahin sa paligid niya. Nawala na ng tuluyan ang ngiti niya at salubong ang kilay na humarap ulit dito.

"Magkapatid tayo. Hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo?"

Seryosong-seryoso ang mukha nitong hindi natinag sa sinabi niya.

"Una sa lahat, hindi tayo tunay na magkapatid. At naiinis ako sa tuwing tinatawag mo akong kuya."

"Kahit na! Magkapatid tayo sa mata ng lahat ng tao!"

Suminghal ito. "Wala naman akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao!"

Nagtagis ang bagang niya at galit na tumayo.

"Pwes ako meron!" hindi niya napigilang sigaw dito. "Tama na! Ayoko na 'tong pag-usapan! Hindi ito tama!"

Tumayo rin ito at nagmamakaawa ang mga matang pinagpantay ang tingin nila.

"Wala ka bang nararamdaman para sa'kin? Kahit kaunti?" saad nito habang nakapatong ang isang kamay sa dibdib.

Humakbang siya ng isa palayo rito at umiling.

"Kung meron man, dahil 'yon sa kapatid kita."

Tumiim ang panga nito at galit na nag-iwas ng tingin.

"Sorry, Patrick," she added.

"Hindi mo ba pwedeng subukan?" he said then he looked at her again. "Buksan mo ang puso mo sa'kin Lesley. Hindi naman ako mahirap mahalin e."

Kunot ang noo niyang nag-iwas ng tingin. "Sorry talaga. Kahit siguro buksan ko ang puso ko sa'yo, hindi ka pa rin makakapasok. Itigil mo na 'to! Ayoko ng gantong usapan."

"Bakit? May laman na bang iba?!"

Kinagat niya ang ibabang labi tapos ay tumango. "Meron na. Kaya h'wag na natin 'tong pag-usapan. Mali 'to."

She feels sorry for rejecting Patrick's feelings but this is the right thing to do for him. Ayaw niya itong paasahin.

"Sino? Ano pangalan? Saan kayo nagkakilala? Kilala ko ba s'ya?" sunud-sunod nitong tanong.

She can see pain and anger in his eyes and it makes her even more guilty.

"Hindi mo s'ya kilala at hindi ko pa rin s'ya ganoon kakilala."

Pagak itong tumawa at hindi makapaniwalang tinaasan siya ng dalawang kilay.

"So mas pinipili mo yung taong kakakilala mo pa lang kaysa sa'kin na buong buhay mo nang kasama?!"

Yinakap niya ang sarili at kunot ang noong yumuko.

"Si-sinagot na kita. Let's change topic."

Nakakaramdam na siya ng takot sa pagsigaw nito. She have never seen him this angry.

"H'wag mong iwasan ang mga tanong ko! Sino ba s'ya? Saka bakit s'ya? Alam ba n'ya ang paborito mong pagkain? Kulay? Lugar? Kasi ako alam ko lahat ng gusto mo! Pati mga ayaw mo kabisado ko!"

"Patrick tama na!" balik niyang sigaw dito tapos ay nakipagtitigan din siya sa mga mata nitong nagpupuyos sa galit. "Ayoko ng ganitong topic. Please! Ayokong mailang sa'yo! Mahalaga ka sa'kin kasi mahal kita bilang kapatid! Ayokong may magbago doon! Hanggang kapatid lang talaga ang turing ko sa'yo!" Naluluha siyang yumuko at pumikit. "Sorry..."

Napaigtad siya nang malakas nitong sinipa ang bakal na upuan ng waiting shed tapos ay mabilis itong humakbang palayo at tumalikod sa kaniya. Sinundan naman iyon ng isang malakas at malutong na mura.

Galit na galit talaga ito pero hindi niya ito sinuyo o linapitan. Hinayaan niya lang itong ilabas ang galit sa kaniya. That is the least she can do in this situation. He has been rejected. Kahit sino ay sasama ang loob doon kaya naiintindihan niya ang galit nito. Umupo muna siya habang hinihintay itong kumalma. Pareho silang tahimik at malalim ang iniisip.

Minutes passed and Patrick seems to have calmed down a bit. Bumalik ito sa tabi niya pero kuyom pa rin ang mga kamao nito. Nakatingin ito sa malayo at nanlilisik ang mga mata. Siya naman ay nakikiramdam at pasulyap-sulyap sa mukha nito.

"Uhm, may paparating nang taxi," halos pabulong at kinakabahan niyang sabi.

Liningon nito ang paparating na sasakyan. Tumayo ito nang makitang malapit na ang taxi saka pinara iyon. She can see his jaw still clenching when he opened the door for her. Matalim din ang tingin nito sa kaniya.

Simula nang sumakay sila ay hindi na ito nagsalita. Nakaupo ito sa harap habang siya ay nasa likod. Madilim ang mukha nito at may hindi maitagong galit sa mga mata na tila sinusumpa ang lahat ng makita at madaanan nila.

Knowing Patrick's personality, she knows that this conversation is far from over. Napakabigat tuloy lalo ng kaniyang dibdib at parang sasabog na ang utak niya sa pag-iisip.

Nanlulumo siyang tumanaw din sa labas ng sasakyan. Kanina lang ang saya-saya niya dahil bati na sila tapos ngayon naman magkagalit na naman sila. May nadagdag na namang problema sa buhay niya ngayong araw. Patong-patong na ang suliranin niya sa buhay. Baka mabaliw na siya kung pag-uwi niya sa bahay ay may dadagdag pa.

Halos isang oras din ang naging byahe nila pauwi. Nang huminto na ang sinasakyan nilang taxi sa tapat ng kanilang bahay, naabutan nila ang ina na may kausap na matabang lalaki sa harap ng pinto. Nang makita sila nitong pababa ng taxi ay agad naman itong lumakad paalis.

"Ma, sino 'yon?" tanong ni Patrick kay Amanda nang makalapit na sila sa ina.

"Wala, naniningil lang ng utang."

Pagkatapos nilang magmano ay nauna nang pumasok sa loob ng kanilang bahay si Patrick. Susunod na rin sana siyang pumasok nang tila may narinig siyang tumawag sa kaniya. Like someone whispered in her mind.

She looked at the man who is now starting his motorcycle. Nahigit niya ang hininga nang tumingin din ito sa kaniya at nagtama ang mga mata nila. The man's eyes are glowing red. Then she felt the same heavy feeling when she was standing at DE01's ward and when she first met Bangs.

Umawang ang labi niya at nanlaki ang mga mata. Nang kumurap siya ay naging itim na muli ang mga mata nito. The man closed his helmet then drove away. Kumunot ang noo niya. Is her mind playing tricks on her?

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa nakaalis na ito. Pero hindi pa ito gaanong nakakalayo nang mapansin niya ang kakaibang disenyo sa likod ng leather jacket nito. Dalawang letrang 'C' ang pinapupuluputan ng matitinik na rosas na nagdurugo.

Ano ang sinisimbolo noon?

"Crimson Clan."

Narinig niyang bulong ni Amanda na nakasandal sa pinto. Mahina ang pagkakasabi nito pero narinig niya iyon.

Mabilis niya itong liningon. "Ano po?"

"Wala. Pumasok ka na. Kumain na kayo ni Patrick," anito tapos ay pumasok na rin sa loob.

She looked at the direction where the mysterious man went then she shook her head. Baka dala lang ito ng matinding pagod niya. Ayaw na niyang dagdagan pa ang iniisip niya. Tama na ang problema niya sa kasunduan nila ni Shane, ang paghalik ni Bangs sa kaniya at ang pag-amin ni Patrick ng nararamdaman nito. Nagkibit-balikat na lang siya at pumasok na rin sa loob ng kanilang bahay.