webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
48 Chs

Chapter 25

Sa kalagitnaan ng gubat at madilim na kalangitan, si Jacob ang kasama ko ngayon dito at tanging hininga at yapak ng paa namin ang akin lamang na naririnig.

Sa paglalakad namin ay nakarinig ako ng mga bagay na maihahalintulad mo sa tunog ng ahas. Dahil dito parehas kaming napatigil ni Jacob.

"Alice umalis na tayo," walang pagaatubili kong sinunod ang sinabi ni Jacob, hawak ang kanyang kamay ngayon ay pabalik na kami sa academy. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa akin upang maibsan ang takot na nararamdaman ko. Sobrang tigas ng ulo ko.

"aray!" napaupo ako sa sakit nang aking binti at dinaluhan agad ako ni Jacob. Kinuha niya ang flashlight na hawak ko at nakita kong puno ng dugo ang binti ko.

Hindi ko na maitago ang kirot na nararamdaman ko.

Napatingin si Jacob sa paligid at itinapat ang flashlight dito. Laking gulat ko sa aking nakita at bumuntong hininga na lang si Jacob. Mga ahas ang nasa paligid namin ngayon at alam ko na kung saan ko nakuha itong sugat na ito. Kaya pala nagdudugo ito at mahapdi ay tinuklaw nang ahas ang binti ko.

Pinilit kong tumayo para malabanan ang nasa paligid ko. Nagsimula akong paligiran ito nang mga yelo ngunit ang iba ay malakas pa rin na nakalusot dito, kung kaya't matutuklaw pa rin kaming dalawa.

Nagulat ako sa mabilis na paghawak ni Jacob sa mga ahas at kumuha siya ng kawayan na patusok at itinusok niya ito sa ulo ng ahas dahilan upang mamamatay ito. Ganoon ang sumunod na nangyari, sa bilis nyang gumalaw.. Ang iilang ahas ay namatay dahil sa paghuli ni Jacob dito upang tusukin ang ulo.

May ahas sa likod ni Jacob na tutuklaw sa kanyang ulo, ngunit agad kong nilapatan ito ng mahika kong yelo na hugis pabilog dahilan upang ito ay mamatay.

Napalingon naman si Jacob sa kanyang likuran, bago muling bumalik sa akin ang kanyang tingin.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sumakto ang paglipat ng mahika kong yelo sa ahas na muntik na siya tuklawin sa likod nang kanyang leeg.

"Alice, kaya mo pa ba?" konti na lang parang bibigay na ako sa hapdi ng binti ko.

"kaya pa Jacob, ang importante makaalis tayo ng buhay."

Pagkasabi ko noon ay nagpatuloy na siya sa pagpatay ng mga ahas. Nawala ang mga ito ngunit napalitan nang malalaki. Ngayon ay tila parang lumilipad ito papunta sa amin. Nanlaki ang mata ko, ordinaryong ahas pa ba to?

Binuhos ko ang lahat ng lakas na natitira sa akin para mailabas ang mahika ko. Itinapat ko to sa mga ahas na papalapit sa amin. Nakita ko ang mga ahas na puno ng dugo dahil sa yelong inilabas ko na natusok sa kanila.

Tiningnan ko ang paligid kung mayroon pa bang mga ahas na balak kaming tuklawin pero noong napansin kong wala na ay naisip ko na pwede na kami bumalik sa academy.

"Jacob halika na, mukhang wala nang mga ahas.." pilit kong itinatayo nag aking sarili kahit ang totoo ay pagod na ako.

"Alice.." napalingon ako sa tinuro ni Jacob. Lumiwanag ito, laking gulat ko na nandito na pala kami sa tapat ng bahay nang matandang nakatira dito sa gubat.

Agad akong nabalutan ng takot at pangamba, hindi ko na alam ang susunod kong gagawin nang may napansin akong nakatitig sa akin sa bintana, hindi ko makita ng malinaw basta sigurado akong isa itong tao o hindi ko malamang bagay na nakatitig sa akin.

"halika na Jacob!" hinila ko siya papalayo kahit alam kong bibigay na ako sa puntong ito.

Nilingon ko si Jacob at halo halo ang kanyang emosyon na tila ba nagtataka sa inakto ko. Hindi ba niya yun napansin? O dahil ba sa akin lang ito naka focus?

Nagulat ako sa biglaang pagtigil ni Jacob at binuhat ako tsaka ako nilipad para tuluyan nang makaalis dito ng gubat.

Sa hindi ko malamang dahilan, nakaramdam ako ng paggaan sa aking nararamdaman na ngayon ay nasa kawalan na kami at lumilipad pabalik sa aming tahanan. Ang magic academy.

Naramdaman ko na lang ang pagod, kirot na kanina ko pa iniinda at ngayon ay hindi ko na kaya at tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.

Jacob pov

Bigla na lang nawalan ng malay si Alice habang pabalik kami sa academy, kung hindi ko siya sinundan baka kung ano na nangyari sa kanya. Hindi ko makakaya kapag ang nagiisang impotante sa buhay ko ay mawala.

Kumirot ang puso ko sa pagiisip ko kung ganoon nga ang mangyayari. Hindi ko na hahayaan muli na mawala ang isang taong malapit sa akin dahil sa mga magic stealer lalo na't si Alice pa ito.

Tiningnan ko ang mukha niyang napaka inosente. Ang mukhang nanaisin mong alagaan dahil para lang siyang isang bata na kailangan mo alagaan.

"Mahal na mahal kita poprotektahan kita sa lahat ng masasamang bagay sa mundo. Iingatan kita at mamahalin. Ngiti mo'y nagdadala ng lubos na kaligayahan sa aking puso't damdamin," nasambit ko na lang bigla ito sa kawalan.

Nakita ko ang mukhang nagaalala na si Nadia, at pagkababa ko ay nakita niya agad si Alice na walang malay.

"Alice!" nagulat naman ako sa biglaang pagyugyog neto sa kaibigan. Dumapo ang kanyang tingin sa mga binti neto.

"ano nangyari?" tanong niya.

"natuklaw siya ng ahas sa gubat, sa gabi pa pupunta nang gubat ayan tuloy," hindi ko na kailangan ikwento ang nangyari talaga sa gubat, na hindi lang iisang ahas kundi napakarami pa neto.

"dalhin na natin siya sa clinic," dumiretso kami sa clinic at naabutan ang doctor. Mabuti na lang nandito siya ngayon.

"gamutin mo siya," wika kong walang emosyon.

"anong nangyari sa kanya?" tanong neto pabalik.

"natuklaw siya nang ahas sa gubat, gamutin mo na agad.." nakapamulsa akong tinitingnan si Alice. Napasulyap sa akin si Divine ang doctor dito sa magic academy.

May pagtatanong ang kanyang emosyon sa mukha ngunit ito'y pinagpaliban na lang niya.

"may nangyari ba sayo Jacob?" pagkatapos niyang gamutin si Alice ito ay lumapit sa akin.

"wala," simpleng sagot ko.

"ma okay na ba si Alice? Magigising na ba siya?" singit ni Nadia sa aming gitna.

"okay na siya anak," si Divine ang ina namin ni Nadia, ang dahilan din kung bakit nawala ang aming ama.

Kung hindi lang siya naging makasarili noon baka buhay pa rin hanggang ngayon si papa. Hindi ko siya mapatawad dahil sa nangyari, mas pinili pa ang iba kaysa sa sariling asawa. Mahirap pa rin sa akin ang makipag usap sa kanya. Kung hindi lang talaga nangyari 'to kay Alice, wala naman talaga kami ngayon dito.

Ang mahika niya ay kayang gamutin ang mga may sugat kahit napakalalim neto. Sa lagay ni Alice ngayon, mukhang gigising na siya anytime marahil ito ay nagulat pa din sa nangyari sa gubat.

Nang makaalis na si Nadia at si Divine, nilapitan ko ito at pinagmasdan ang tahimik at mapayapa niyang mukha na natutulog.

Hindi ko maiwasan hawakan ang pisngi neto, kay lambot at napaka kinis nang balat niya.

"hindi kita papabayaan Alice," wika ko kahit hindi niya naman ako naririnig.

"I will give you the world, if possible. Hindi kita papabayaan," sabay halik ko sa malambot niyang pisngi.