webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
48 Chs

Chapter 19

Nasa magic class kami ngayon ni Nadia pero nakahiwalay na kami ngayon kina Leon at Jacob. Si Rose ang kasama nila Jacob ngayon at kita ko sa mga mata ni Nadia ang pagiirap kay Rose.

"Ang kati kati talaga ni Rose ano?" nagulat ako sa sinabi ni Nadia dahil hindi mo maipagkakaila na inis siya kay Rose.

"kalma Nads sayang ang beauty," pabiro ko dito para hindi na siya mastress kay Rose.

"last meeting, si Jacob ay nagpakita ng kanyang mahika na lumilipad siya at pinag partner ko kayo para sa activity. Ieexplain ko lang na si Jacob ay isa sa mga dalubhasa na sa paggamit ng mahika kahit saan magpunta kahit pa sa mundo ng tao yan. Yung nakapartner ni Jacob maswerte ka dahil nailipad ka niya, pwede rin ito maging dahilan para sa paglakas ng mahika mo dahil nakakapag relax ka." ang naka partner ni Jacob ay walang iba kundi ako, pero bakit parang hindi ako masaya sa mga nalaman ko?

Nakita kong nakangisi sa akin si Rose at hindi ko alam ang dahilan kung bakit.

Nagsimula kaming magensayo sa magic class, hindi ko alam kung bakit parang wala ako sa mood ngayon.

"Alice focus, masusunog yung ginagawa natin.." ka grupo ko si Nadia sa group activity, may tatlo pa kaming kasamang hindi ko alam ang pangalan.

Gumagawa kami ngayon nang poison, ito ay pwedeng gawing lason sa ibang tao kung may magtatangkang magnakaw sa lugar niyo. Kapag ito ay binasag mo at nawala maari kayong mawalan ng malay parehas.

Nauna ang grupo namin matapos sa activity kaya nagkaroon kami ng 100 points sa activity na ito.

Natapos ang klase, sabay kaming kumain ni Nadia sa canteen. Parehas kaming umorder ng rice and chicken with softdrinks tapos french fries, sobrang gutom kami ngayon dahil sa activity.

Maliligo kami mamaya doon sa ilog sa gubat ni Nadia para makapag pahinga, nakakapagod din ang klase ngayong araw samahan mo pa nang itsura ni Rose kanina.

"Alice kita na lang tayo doon sa gubat, may pupuntahan lang ako."

Dali daling umalis palayo si Nadia at nakita ko agad kung sino ang nagaabang sa kanya. Si Leon.

"Akala mo may ibig sabihin yung ginawa ni Jacob sayo noong magic class?" wika ni Rose na nakahilig ngayon sa gilid ng aking kwarto.

Hindi ko alam pero noong narinig ko ang pangalan ni Jacob naginit agad ang ulo ko, dumagdag pa itong si Rose.

"umalis ka na dito," tulak ko sa kanyang braso at natawa lamang ito dahil sa ginawa ko.

"don't tell me nasasaktan ka ngayon? Sabi sayo 'wag kang feeling espesyal," tiningnan ko siya nang masama bago pumasok sa kwarto.

Mamaya pa namang alas kwatro ang usapan namin ni Nadia, magpapahinga lang ako dito muna sa kwarto pero bakit lalo akong nakaramdam nang inis?

Dapat hindi ako naaapektuhan sa ginawa naming yun ni Jacob pero bakit ang laki ng impact neto sa akin.

Ano bang ginagawa mo sa akin Jacob?

Alas kwatro pasado nang pumunta ako sa gubat at namataan ko si Nadia na parang badtrip na badtrip.

"ang tagal mo," reklamo neto. Alam ko na kung bakit siya badtrip, napailing na lamang ako.

"sorry halika na," hila ko sa kanya papuntang ilog.

Naka short at puting shirt lang ako ganoon din si Nadia, hapon naman at wala nang pupunta dito para tumambay maliban na lang kung maliligo din sila. Ang sabi naman sa akin ni Nadia na kapag ganitong oras at byernes wala naman masyadong nagpupunta dito. Sa part naman kami nang ilog na tago maliligo, at nagdala ako nang pants pamalit pagkatapos.

"Alice, anong tingin mo kay kuya?" nagulat naman ako sa biglaang pagtanong ni Nadia tungkol kay Jacob. Naliligo na kami ngayon at masarap sa pakiramdam ang tubig dahil malamig.

"anong ibig mong sabihin?" huminga siya ng malalim at lumapit sa akin, bahagya naman akong napalayo.

"babae ako Alice, sabihin mo na.." nagtataka ko siyang tinignan.

"Nads pwede ba, wala akong ibang pagtingin sa kapatid mo. He's not even my type," kibit balikat ko at taas noo kong sabi sa kanya pero bakit para may kumikirot banda dito sa puso ko pagkatapos kong sabihin iyon?

"okay, then.." may pasipol sipol pang nalalaman si Nadia at nagsasabon na nang kanyang katawan.

Baliw talaga ang isang to.

Alas singko na kami natapos maligo ni Nadia at sinamahan ko din siya mag ensayo ng kanyang mahika.

Naaliw din ako dahil sa pagbago nang kulay ng aking buhok at damit para akong isang laruan dahil sa ginawa ni Nadia.

Tiningnan ko ang langit at parang nagbabadya nang pag-ulan. Sana naman 'wag umulan, dapat tuwing may magic class na lang umuulan. Hindi ko alam kung bakit pero gustong gusto ko ang tunog nang patak ng ulan, nakakakalma ako dahil dito.

Pinauna ko na si Nadia bumalik sa dormitoryo dahil gusto ko munang malibang ang sarili habang inaantay dumilim ang paligid.

Bigla ko nanaman naalala si Jacob..

"Gabi na bakit hindi ka pa bumalik?" napalingon ako sa kung sino ang nasa likod ko, si Leon.

"wala na dito si Nadia, bumalik na siya.." wika ko.

"Alice, 'wag ka mabahala pagdating sa kanya dahil seryoso yun," nagtataka ako sa sinabi niya at umalis na siya pabalik sa dormitoryo.

Ang kinaganda lang dito ay walang curfew sa pagpasok sa dormitoryo. Ang mahigpit lang na ipinagbabawal dito sa school ay yung paglabas ng ganitong oras sa magic academy at tulad sa ginawa ko.. Ang paggamit nang mahika sa mundo ng mga tao.

"Alice.. Anak.. Halika dito," napalingon ako sa paligid, narinig ko ang boses ni mama.

"ma?" hindi ko alam pero wala sa aking isip napatayo ako at 'di ko namalayan na sinusundan ko na ang lugar na pinanggalingan ng boses ni mama.

"anak.." nasaan ka ma? Nandito ka ba?

Sumakit ang tainga ko dahil sa boses ni mama, inikot ko ang paningin ko dito sa gubat subalit wala akong nakita. Napatingin ako sa langit at padilim na ang lugar, bakit naririnig ko ang boses mo ma? Nasaan ka?

"Alice bakit ka nandito? Kanina pa kita hinahanap," si Jacob ay nasa harapan ko ngayon. Bumalik ako sa wisyo at nakaramdam ako bigla ng pagkairita.

"bakit ka nanaman nandito?" bahagya siyang nagulat sa inakto ko, naglalakad na ako pabalik sa dormitoryo at rinig ko na nakasunod siya sa akin.

"hinanap kita kanina kay Nadia kaso nandito ka pa din daw sa gubat," pakealam mo?

"and?" hindi ko na namalayan na natatarayan ko na siya. Alice, wake up bakit ka ba ganyan?

"Alice may problema ba?" napairap na lang ako sa tanong niya.

"problema? Napalingon ako sa kanya na tila ba hindi makapaniwala. Hindi ko rin alam kung bakit nagkakaganito ako.

"Alice may nagawa ba ko?" para ko siyang kasintahan kung makapagtanong kung may problema ba. Napailing na lang ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya sa harapan ko, napakamot siya sa kanyang ulo na para bang naiinis sa nangyayari.

"Jacob umalis ka na, bakit ka ba nandito? Baka hanapin ka ni Rose, baka pagselosan nanaman ako at bakit? Bakit mo ko hinahanap? Baka magalit lang sayo girlfriend mo!" tulala ngayon si Jacob sa harapan ko, at napapikit na lang ako nang mapagtanto ko ang mga sinasabi ko ngayon.

"Alice.." inilayo ko ang kamay kong hawak hawak niya ngayon at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Naramdaman ko ang paghablot niya sa palapulsuhan ko at mariin niya akong iniharap sa kanya.

Agad niyang inilipat ang kanyang labi sa labi ko ng marahas, nanlaki ang mata ko at tinulak ko siya sa kanyang dibdib ngunit hindi siya nagpatinag.

Naramdaman ko ang lambot ng labi niyang nakalapat ngayon sa labi ko at hinahalikan ako tila ba pinapakalma ako.. Ang halik niyang dahan dahan na para bang pinapakalma ako ay napalitan ng diin at pagkasabik na nararamdaman.

I snaked my arms around his nape to encourage his kisses, naramdaman ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi nang maramdaman niya ang ginawa ko at binalik ulit ang paghalik sa akin na may kasamang pagka sabik.

Naramdaman ko ang pagkahiya ko nang ibinaba niya ang halik niya sa aking panga at sa tainga.

"baby... please don't be jealous," he whispered.