webnovel

The Bond of Magic

Isang babaeng ninakawan ng karapatan mabuhay ng maayos sa mundong kanyang ginagalawan. Isang babaeng ni minsan hindi naranasan ang pagkaitan ng mundo. Hindi lahat ng malapit sayo ay habang buhay mong dapat pagkatiwalaan. Luck? It's a powerful thing. Pwede ka niyang dalhin sa lugar kung saan hindi mo inaasahang makakarating ka. Apoy laban sa tubig, hanggang saan ka ba dadalhin ng nagbabaga mong damdamin at ang mala tubig mong isip tila ikaw ay isang kalmadong bagay na hindi kayang talunin ng apoy.

Kylaleighyanes · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
48 Chs

Chapter 13

Huwag ko na lang masyadong gamitin ang aking mahika dahil sinabi ko noon kay mama na gagawin ko lang ang dapat para makuha ang kwintas kaso si Rose hindi ko naman mapakalma kung hindi ko gagamitan ng mahika ko.

"Alice!" nandito ako sa bench ng garden at nagpapahangin. Biglang lumitaw si Nadia sa likod ko na para bang excited sa ibabalita sa akin.

"sama ka?" huh? Anong meron?

"saan? Bakit?" umupo siya sa tabi ko at pumalakpak pa dahil sa excitement.

"may party tayo! At kailangan mo akong samahan mamili ng dress, at syempre ikaw din. Bongga!" may pa gesture pa siya na parang may fireworks pagkasabi ng bongga. Natawa na lamang ako, hindi ko alam kung sino mas matanda sa kanila ni Jacob pero mukhang bunso si Nadia.

"hindi ako makakaattend." sumimangot naman ang mukha ni Nadia sa sinabi ko.

"no way! Kailangan mo umattend at sa ayaw mo sasama ka sa akin mamaya para din ma insecure sayo si Rose." umirap na lang ako sa sinabi ni Nadia dahil para bang lagi niyang gusto na mayroong gulong nangyayari.

Dumaan sa harap namin si Jacob at ang kaibigan netong lalaki, napansin ko namang natahimik si Nadia noong tinignan siya nang lalaki. May something ba sa kanila?

Dinaanan lang kami ng dalawa at mabuti na lang dahil wala ako sa mood makipag usap sa kanya. Hindi ko talaga alam kung anong ibig sabihin ng pakikitungo niya sa akin kagabi.

Parehas kaming nagkatinginan ni Nadia at parehas ding parang kinakabahan. Binalik namin ang sarili namin sa kanya kanyang wisyo dahil para kaming bigla na lang natulala.

Nagpaalam na kami sa isa't isa ni Nadia at bumalik na ako sa kwarto ko. Pinilit niya talaga akong samahan siya sa bayan para bumili ng damit, ang sabi ko hindi ako aattend pero makulit talaga siya i guess i don't have any choice.

Tanghali pa lang naman at ang usapan ay mamayang alas kwatro ng hapon. Napagpasyahan kong puntahan si president Leonora para makausap siya tungkol sa kwintas. Imposibleng wala siyang alam dahil makikita naman sa kanyang mukha na parang alam niya ang mga nangyayari dito sa academy.

Kumatok ako sa opisina niya at ito ay nakabukas kaya pumasok agad ako, nakita kong nagbabasa siya ng dyaryo. noong napansin niyang may tao sa loob agad niyang ibinaba ang dyaryo at dumako ang tingin niya sa akin.

"oh Alice, ikaw pala yan." umupo ako sa pinaka malapit na upuan sa kanyang lamesa.

"may itatanong lang po ako president." sa pagkakasabi kong iyon, para bang alam na niya ang ipinunta ko dito.

"go on, ano yun?" pinagdikit niya ang kanyang mga palad sa lamesa at sumeryeso ito.

"yung tungkol sa kwintas, alam niyo po bang ninakaw ni Rose yung sakin?" kung kanina ay nakalapag ang mga kamay niya, ngayon ay nakasandal na siya sa sandalan ng upuan niya at pinagkrus ang mga braso sa kanyang dibdib.

"yes, anong meron?" seryoso lang netong sabi sa akin.

"saan ko po iyon pwede makuha dahil sa akin naman iyon," huminga ng malalim si president Leonora bago magsalita.

"hindi madali makuha ulit ang kwintas, ayusin niyo muna ang gusot niyo." mukhang wala naman akong makukuhang sagot dito kaya nagpaalam na ako dahil nagsasayang lang ako nang oras dito.

Pagkalabas ko ng opisina niya naisip ko agad na mayroon siyang kinalaman sa kwintas kaya dapat hindi ako makapante sa taong nakapaligid sa akin. Baka yung akala mong kakampi mo, kalaban mo palang sisira sayo.

Inaantay ko si Nadia dito sa gate ng academy nang biglang lumapit si Jacob.

"saan kayo pupunta?" nakapamulsa siya habang kinakausap ako.

"sa bayan, mamimili ng dress." nakita ko ang pag ngisi niya na para bang may naisip siya.

"see you," umalis na siya at tumakbo palayo.

Dumating na si Nadia makalipas limang minuto mula nang umalis si Jacob.

"let's go!" hinawakan na ni Nadia ang braso ko upang pumunta na sa bayan.

Pumasok kami sa isang shoppe na punong puno ng mga long dresses. Ang sabi ko wala akong pera para dito at akala ko paraan ko na yun para hindi makaattend pero nagkamali ako. Libre niya daw iyon para may kasama siya sa party din at makaattend ako.

Umupo ako sa couch habang inaantay si Nadia, 30 minutes din siyang nagsukat. Seriously? 30 minutes for just one dress? Hindi ako magaaksaya ng oras para sa party. Kung ano ang makita ko basta komportable okay na ko.

"Alice ikaw naman, sukat mo tong limang to para makapamili ako since mukhang wala kang hilig sa fashion.. Ako na lang mamimili." tinulak na ako ni Nads para makapagsukat mukhang matatagalan din ako dahil kailangan ko sukatin to lahat at dapat makapasa sa panglasa ni Nadia.

Isa isa kong sinukat ang dress at apat na ang nasukat ko wala pa din siyang nagustuhan, pagod na ako kaka labas pasok hindi ako sanay sa ganito. Tinitigan ko ang huling dress, pinagdasal ko na sana ayos na ito sa kanya.

Nanlaki ang mata ko noong sinukat ko ito dahil sa masyadong kita ang balat ko. Cleavage ko, at backless pa siya na may slit. Mukhang di bagay sa akin at di magugustuhan ni Nadia kaya lumabas ako para ipakita.

Hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ni Nadia, nagustuhan niya ito at pumalakpak. Tinawag niya ang sales lady upang bilhin ito.

"Nads! Masyadong kita ang katawan ko!" inalis niya ang kamay kong nakakapit sa kanya.

"shh, alam ko kung ano ang bagay sayo. Maganda pala ang katawan mo." sabay kiliti sa gilid ko.

"ayaw..." pigil ko dito pero pursigido siya kaya wala na ko naging choice noong inabot na sa amin.

"ako na magaayos sayo later!" pumalakpak nanaman siya dahil sa excitement.

Alas otso nang gabi ng napagdesisyunan ni Nadia na ayusan ako, ako daw muna aayusan niya bago siya dahil alam na niya gagawin niya sa kanyang mukha. 30 minutes din niya ko inayusan, nakapusod ang buhok ko na may kakaunting nakalugay sa gilid na pakulot na buhok. Tinignan ko sa salamin ang sarili ko at hindi ko ata kayang lumabas ng ganito.

10 pm ang party, 9:50 kami pupunta sa hall ni Nadia. Tinanong ko kung saan ba tong party na ito. Birthday pala ngayon ni president Leonora kaya nagpaparty siya.

Papunta na kami sa hall, at kakaunti ang mga tao dito. Marahil nasa loob na sila. Pagkapasok na pagkapasok namin sa hall ramdam ko ang maiinit na titig sa amin... Hindi... Sa akin pala. Sabi ko na nga ba e.

"Nadia! Tignan mo pinagtitinginan ako kasi ang pangit ko." napangiti siya at napahawak sa pisngi ko.

"trust me, napatingin sila dahil napaka ganda mo. Ayan na pala si Jacob." nakapamulsa siyang lumapit sa amin at nilapit niya ang kanyang braso sa akin para dito ako kumapit. Kumapit ako upang maibsan ang pagkahiya dahil sa titig ng mga tao.

"you look wonderful tonight" nakiliti ang aking tainga dahil sa sinabi ni Jacob at ramdam ko ang kanyang hininga dito. What's wrong with me?

Pagkatapos naming kumain nagpahinga kami saglit at ipinatong ni Jacob ang coat niya sa aking binti ramdam din niya siguro ang pagkailang ko. Nahagip ng aking mata si Rose na nagaapoy na sa galit habang nakatitig sa akin pero nakita kong kinausap siya ni president Leonora na parang nagbanta kaya wala siyang nagawa kundi ang kumalma.

"let's dance?" inilahad ni Jacob ang kanyang kamay at kinuha ang coat niya upang maisuot ito sa akin. Mabuti na lang dahil ayokong masyadong nakikita katawan ko.

Inabot ko sa kanya ang kamay ko at dinala niya ako sa gitna na marami ding nagsasayaw. Hinawakan ni Jacob ang aking bewang upang mapalapit sa kanya at napahawak ako sa kanyang balikat.

"relax, I'm here." naramdaman ko nanaman ang kiliti pero sa aking batok na dahil sa kanyang hininga.

Sumayaw kaming dalawa na para bang kami lang ang tao doon, at hindi ko malaman sa anong dahilan bakit napakasaya neto sa puso ko.