webnovel

The Billionaire's Step Sister

Matalino, maganda. Yan ang katangiang maipagmamalaki ni Issay, kahit lumaking walang ina. Kuntento na siya sa kung anong meron siya at wala nang hahanapin pa. Ngunit isang malagim na insedente ang nagpabago ng mundo niya, nakapatay siya, na siyang dahilan para lisanin niya ang lugar na kinalakhan. Sa Maynila nakilala niya ang arogante at mapang asar na si Louie. Pero isang nakaw na halik sa una nilang pagkikita ang kumiliti sa kanyang inosenteng puso. Ngunit maipaglalaban ba ang nararamdaman kung kalauna'y nalaman niyang anak pala ito ng kanyang lumayong ina? Maipagpapatuloy kaya ang nararamdaman kung sa mata ng lahat ay isa itong mabigat na kasalanan? Susundin kaya ang tibok ng puso kung pareho ng nasasaktan?

itsmonzuki · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
25 Chs

Chapter Twenty

"Hm… I'm sorry, Elyssa. Pero 'di ako papayag na matapos na sa atin ang lahat. I will make you mine no matter what. Now that my heart is thumping so loud in your sight, I will not give up on you." Louie chuckles when he finds himself talking alone like crazy.

Nakasunod ang tingin ni Louie sa nakasaradong pintuan na siyang nilabasan ni Elyssa, ang babaeng nakadikit na sa isip niya. Ilang segundo pa lang itong nawala sa paningin niya ay sabik na agad siyang makita itong muli. Ang mainit nitong labi ay nakaukit sa isip ni Louie. Pero hindi lang sa dahil masarap ang halik nito kaya siya nahumaling sa dalaga. There is something within that woman that captured Louie's attention, but the problem is, he doesn't know what it is. Maybe liking someone need no reason at all. You just need to let your heart and mind synchronized and pushed for that person.

Bumangon mula sa pagkakahiga sa kama si Louie saka hinayaan ang katawan na walang ibang takip kundi boxers. Kinuha niya ang cellphone niyang nakapatong sa mesita sa tabi ng kama upang tawagan ang kaibigan na si Minho. Nais niyang tanungin kung pabalik na ito ng Maynila dahil nais niyang makisabay. Ang sabi nito kahapon ay papasundo ito sa kaibigan nitong si Matthew gamit ang chopper ni Minho. Ilang beses pa lang nakita ni Louie si Matthew kaya hindi niya ito masiyadong kilala pero alam niyang katrabaho ito ni Minho sa sekreto nitong trabaho.

Habang nagri-ring ang numero ng kaibigan sa kabilang linya ay naglakad si Louie patungo sa teresa ng hotel. This was one of the best hotel in Baguio. Kitang-kita ang naggagandahang tourist spot ng lugar. At masaya ang binata na dito niya dinala si Elyssa. Gusto pa sana niya itong yayaing gumala ngunit alam niyang kailangan na nitong makabalik ng Maynila dahil may pasok pa ito sa factory. Napangiti na napapailing ang binata sa pinag-iisip. Hindi niya akalaing ganito kalakas ang tama niya sa babaeng ilang beses pa lang niyang nakita.

Dalawang ring pa lang sa numero ni Minho ay kaagad na siyang sinagot ng kaibigan.

"Get the hell out of there if you are still with your woman!" Iyon ang kaagad na bungad sa kanya ni Minho nang sagutin nito ang tawag niya.

"Wala man lang kumusta at hindi man lang magtatanong kung ayos lang ba ako?" pagbibiro ni Louie. Inilagay niya sa loudspeaker ang cellphone saka nag-inat ng braso dahil nangalay iyon. Elyssa slept on it for the whole night. Snuggling at him, giving him a boner and making him sleepless for the entire night.

"Shut up, Fuentebella! Ano ka, bata? A grown-up man like you doesn't need greetings! Wala akong pakialam kung lasing ka pa rin o hindi na basta alisin mo na ang babae mo diyan."

Naudlot ang pag-inat na ginagawa ni Louie dahil sa boses ni Minho. Magkasalubong ang kilay na kinuha niya ang cellphone saka humakbang pabalik sa loob ng kuwartong inuupahan. Tuluyan nang nakalimutan ang pagpapahangin at ang naninigas na pagkalalak* dahil sa naiwang alaala ng halik ni Elyssa.

"Why are you so concern ? What if she is still here with me, what it is to you ?" hindi niya mapigilang tanong. Bigla kasing napantig ang tinig niya sa concern na naririnig niya sa boses ni Minho.

"Oh, shut up, Louie. I know what you're thinking. Fyi. Tracy is on her way in that hotel, any moment." Kung nasa tabi lang niya ang kaibigan ay nabatukan na niya ito dahil sa pagro-roll eyes nito. Minho always do that. "If anything happens to Ms. Castillo, my girlfriend will break-up with me. Kaya kung ayaw mong ikaw ang mapagbuntunan ko ng sama ng loob, siguraduhin mong walang mangyayaring masama kay Ms. Castillo."

What's this f*cker saying right now?

"Fine. Ms. Castillo is not here anymore. Tracy will—" naputol ang iba pang sasabihin ni Louie nang biglang bumukas ang pintuan ng hotel.

Hindi na niya kailangang lumingon upang alamin kung sino iyon. It was the woman he was talking about with Minho, Tracy. Louie did not need to know how this woman climbed up to his hotel room. She can barge inside without hesitation with her connection and bratty attitude. At sigurado siyang iyon ang ginawa ng dating kasintahan kaya ito nakapasok sa unit niya.

"Where is that woman?" kaagad na tanong nito nang makapasok. Her hands waving furiously as she scans the room looking for Elyssa. Walking around like a mad woman. But yes, Tracy was diagnosed as one. Naipagamot lang ito ng mayamang pamilya nito kaya umayos ang lagay nito. Ngunit minsan ay lumalabas pa rin ang sakit nito.

Tracy went to the bathroom when she found no trace of Elyssa in the receiving area of the hotel room, still not minding Louie. Hindi na lang pinansin ni Louie ang dating kasintahan at umupo siya sa sofa saka pinadalhan ng mensahe si Minho. Asking him to pick him up, ASAP.

Marahil napagtanto ni Tracy na wala nga siyang ibang kasama sa loob ng kuwarto kaya ito bumalik sa kanya at siya ang pinagbuntunan ng galit.

"Nasaan ang babae mo, Louie? Nasaan siya?" naghihisteryang tanong nito. Her poise shows no respects as woman with high dignity.

Hindi siya sumagot at hinayaan ito sa mga paratang nito. Nagpatuloy siya sa pagta-type ng mensahe para kay Minho. Kilala niya si Tracy. Kahit anong rason pa ang sasabihin niya ay ii-insist pa rin nito na ito ang tama at ito lang ang dapat pakinggan. Kaya kahit sumagot pa siya ay wala na iyong katuturan dahil hindi rin iyon papakinggan ni Tracy.

"Sino siya, ha? Sino siya, Louie?"

Tumayo ang binata upang tumungo sa banyo ngunit agad siyang pinigilan ni Tracy sa braso.

"Saan ka pupunta? Bakit hindi ka sumasagot? Sino ang babae mo?" pilit siya nitong pinaharap. "Ako lang ang dapat na sa'yo, Louie. Walang ibang maaring pumalit sa'kin. Wala!"

"Let go, Tracy!" sa wakas ay nagawang magsalita ni Louie. "We are done. D.O.N.E. Done! Walang tayo kaya tigilan mo na ang pagsunod sa'kin. Tanggapin mo na lang na wala na tayo, okay?!" Louie snapped. Alam niyang masasaktan si Tracy sa sinabi niya pero kailangan niya iyong gawin dahil ayaw niya itong paasahin at wala na rin naman ito talagang pag-asa sa kanya.

"No!" matigas na tanggi ni Tracy. "Hindi ako makapapayag na mapunta ka sa iba. Kapag malaman kong may babae ka, sisiguraduhin kong hindi kayo magtatagal. I will make that woman cripple and ugly to make sure you will not be together!" walang pakundangang pagbabanta pa ni Tracy.

Nagpantig ang tainga ni Louie sa narinig. Dumilim ang mukha niya at tinapunan ng malamig na tingin ang dalaga. "Don't you dare, Tracy. Ako ang makakalaban mo!"

"Yes, I dare, Louie. Sa oras na malaman ko na may babae ka, sisirain ko ang pagmumukha niya!"

Tinabig ng dalaga ang braso niya na hawak nito saka nagmamartsang iniwan siya at padabog na isinara ang pinto nang makalabas ito. Siya naman ay nakatayo lang sa gitna ng kuwarto at walang buhay na sinundan ito ng tingin.

Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Louie. Ngayon pa lang ay nakikinita na niyang hindi magiging madali ang pakikipaglapit niya kay Elyssa.

Humakbang siya patungo sa banyo at itinuloy ang naudlot na balak na pagligo. Habang lumalagaslas ang tubig sa kanyang katawan ay muling sumagi sa isip niya si Elyssa. Her soft lips and her sweet smile. Her sad eyes that was swollen with tears. Hindi mapigilan ni Louie ang pagsikdo ng puso. Tuluyan na nga siyang nahulog sa babae. It may not be that deep, but Louie knows that it is not a simple fascination.

Tumingala siya at hinayaan ang tubig na tumama sa mukha saka nagpakawala ng suwabeng ngiti. Ahh! Miss Castillo, I can't wait to see you!

Wala naman talagang nangyari sa kanila ng babae. Ayaw niyang pagsamantalahan ang kahinaan nito lalo na at alam niyang may pinagdadaanan ito. Mabuti na lang at malakas ang pagpigil ni Louie sa sarili. Ngunit kanina ay natukso na naman siya kaya niya ito nahalikan. Causing him to have a massive boner. Kaya naman agad siyang kumalas dito bago pa may mangyaring anuman. Napabuntong-hininga siya ng maisip ang tagpo kanina.

Hay, ang sarap talagang asarin.. Well, see you soon Elyssa, honey…

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

itsmonzukicreators' thoughts