webnovel

The Billionaire's Step Sister

Matalino, maganda. Yan ang katangiang maipagmamalaki ni Issay, kahit lumaking walang ina. Kuntento na siya sa kung anong meron siya at wala nang hahanapin pa. Ngunit isang malagim na insedente ang nagpabago ng mundo niya, nakapatay siya, na siyang dahilan para lisanin niya ang lugar na kinalakhan. Sa Maynila nakilala niya ang arogante at mapang asar na si Louie. Pero isang nakaw na halik sa una nilang pagkikita ang kumiliti sa kanyang inosenteng puso. Ngunit maipaglalaban ba ang nararamdaman kung kalauna'y nalaman niyang anak pala ito ng kanyang lumayong ina? Maipagpapatuloy kaya ang nararamdaman kung sa mata ng lahat ay isa itong mabigat na kasalanan? Susundin kaya ang tibok ng puso kung pareho ng nasasaktan?

itsmonzuki · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
25 Chs

Chapter Seventeen

Napakunot-noo si Louie nang sa pagbalik niya sa bar counter na pinag-iwanan niya kay Elyssa ay wala na ang dalaga. Tanging backpack nito ang umuukupa sa inuupuan nito. Labis ang pagtataka niya at baka kung saan ito nagtungo. Imposibleng pupunta ito ng kung saan-saan o kahit sa banyo dahil hindi na nito kayang buhatin ang sarili sa sobrang kalasingan nito. Binilisan niya ang hakbang at kaagad na lumapit kay Minho.

"Hey, pare. Nakita mo si Elyssa?" puno ng pagtatakang tanong niya nang makalapit sa kaibigan. Abala ito sa paghahalo ng inumin nang madatnan niya.

Saglit nitong itinigil ang pagsasalin ng alak at kunot ang noong umangat ng tingin sa kanya.

"Huh? 'Di ba kasama mo siya?" hindi makapaniwalang tanong nito.

Parang nawala ang kalasingan ni Louie dahil sa sagot ng kaibigan. Marahas niyang naihilamos ang kamay sa mukha.

"Hindi, pare. Iniwanan ko siya saglit dito dahil pumunta ako ng banyo. I definitely know that she was drunk and passing out. Kaya imposibleng pupunta iyon kung saan-saan," paliwanag niya. Luminga-linga siya upang hanapin ang pigura ng dalaga sa loob ng bar. Ngunit kahit anong hanap niya ay wala siyang makita lalo pa at hindi naman gaanong maliwanag sa loob ng bar.

Hindi na niya hinintay na sumagot ang kaibigan. Mabilis siyang nagpaalam dito.

"Okay, hahanapin ko lang siya. She's drunk. Baka kung ano'ng nangyari sa kanya," natutulirong wika niya. "'Di ko kayang makitang may nangyaring masama sa kanya."

"Why are you so concern of her, Louie? She's not even your type, and besides ngayon mo lang siya nakilala!" Napapalantak na sagot ni Minho dahil sa pag-aalala niya.

"No, pare. You're mistaken. Ms. Castillo is the girl of my dreams. The girl that captured my heart the first time I laid my eyes on her!"

Napapailing na humakbang siya palayo rito at walang pakundangang iniwanan ito.

"Okay, fine. Go find the girl of your dreams!" pahabol na sigaw ni Minho na hindi na niya binigyang-pansin.

Lumabas siya ng bar at hinanap si Elyssa dahil hindi niya ito mahanap sa loob. Baka naisipan nitong magpahangin. Ngunit alam ni Louie na imposible iyon dahil nga sa lasing na ito. Hindi man niya aminin, kakaiba ang sayang hatid sa kanya ng babae. Lalo na noong magkayakap sila sa gitna ng dance floor kanina, kaya ngayong hindi niya ito mahanap ay labis ang pag-aalala niya.

If this is love, so be it! Napangiti si Louie dahil sa naisip. He doesn't care if this is fast. At kung ang nararamdaman niya talaga ay pagmamahal. He only knows that he cares so much about Ms. Castillo that he doesn't want her out of his sight.

Hindi akalain ni Louie na muling may magpapatibok sa puso niya at makaagaw ng atensyon niya pagkatapos ng past serious relationship niya. Biglang napawi ang ngiti niya nang maalala ang ex-fiancee. Arrange marriage sila noon ni Tracy, at sa katagalan ay nagka-develop-an at nangako na magpapakasal pagka-graduate ng kolehiyo.

Ngunit nagtaksil sa kanya si Tracy in a nonreasonable way na hindi niya maipaliwanag kung bakit. They called it quits but in the end, she came back and claim him again even until now. Sobrang sakit ng naramdaman niya noon dahil sa pangloloko nito. Lalo na itong nawalan ng pag-asa ngayon lalo na at may bago nang nais magmay-ari sa puso niya.

Napatigil sa pagmumuni-muni si Louie nang may masulyapan sa hindi kalayuan. May isang lalaking buhat-buhat si Elyssa ilang metro lang ang layo mula sa bar habang ang isa ay nag-aabang sa kotse upang pagbuksan ang mga ito ng pinto. Naiilawan ang kinaroroonan ng mga ito ng streetlight kaya malinaw sa kanya na si Elyssa nga ang buhat ng isa sa mga ito. Kaagad na namuhay ang kaba sa dibdib niya na may kasamang galit.

Kuyom ang kamaong tinakbo ni Louie ang kinaroroonan ng dalawang lalaki bago pa man ng mga ito maisakay sa kotse ang katawan ni Elyssa.

"Hey! Who the heck are you!?" nanlilitid ang ugat sa leeg na sigaw ni Louie nang makalapit sa dalawang lalaki. "What are you doing to her!?" May bahid ng awtoridad ang boses na dugtong niya.

Nagulat naman ang dalawa sa biglang pagsulpot niya. Sa tingin ni Louie ay mukhang mga estudyante pa ito sa kolehiyo na nagba-bar hopping dahil weekend. And Louie didn't want to fight with small wimps dahil ayaw niyang madungisan ang kamao niya. Hindi siya pumapatol sa bata.

"Sino ka ba?" bakas ang pagtataka sa mukha na tanong ng lalaking siyang may buhat kay Elyssa. Ipinasok na nito ang tulog na dalaga sa loob ng kotse. Ngunit dahil nga naroon pa siya ay hindi kaagad ang mga ito umalis.

"I am her boyfriend." Matigas ang pagkasagot ni Louie. His face darkened as he stared intensely at the two, whose faces were getting paled as they looked at Louie's angry face. "Let go of her before I lay my fist on your face!" asik niya rito.

Tinabig niya ang lalaking nakaharang sa pintuan ng kotse upang pasukin sa loob si Elyssa habang nakamata lang ang dalawang lalaki sa ginagawa niya. Pero bago pa man mahawakan ni Louie si Elyssa ay napako ang tingin niya sa mukha ng babaeng nakaupo sa passengers seat. Huh? Siya 'yong babaeng kausap ni Elyssa kanina ah? Tumaas ang kilay ni Louie at tumikwas ang labi. He seems to know what is happening now. The real culprit.

Bakas sa mukha ng babae ang gulat at takot nang magkatinginan sila nito. Akmang kukunin na ni Louie si Elyssa sa loob ng kotse nang nabigla siya dahil may biglang humablot sa kuwelyuhan niya.

The man who opened the door for the guy who carried Elyssa a moment ago.

"Umalis ka dito, pare. Huwag kang mangialam dito!"

Akma siya nitong susuntukin pero agad siyang yumuko kaya sa kotse napatama ang kamao nito. Napadaing naman ito sa sakit.

Louie twitched the corner of his mouth.

"Ops, sorry!" pang-aasar niya rito. Akmang susuntukin uli siya nito pero sa pagkakataong ito ay nasalag na niya ang kamao nito at bahagyang pinilipit ang braso. Para saan pa't nag-aral siyang magkarate kung 'di naman niya magagamit. Ayaw sana niyang patulan ang mga ito. But in order for him to save Elyssa, he needs to fight these two.

Then Louie pushes that man away after he twitched his arm before turning his body inside the car to get Elyssa. Ngunit mag-isa na lang roon ng dalaga at wala na ang kaibigan nito.

Hindi pa man niya naipasok ng buo ang katawan sa kotse ay muli na naman siyang nahablot, but this time...

"Aww!" siya naman ang malakas na napamura sabay sapo ang mukha.

Sa pagkakataong ito ay natamaan nga rin siya nang tuluyan. Nagpanting ang tainga ni Louie sa nangyaring 'yon kaya't agad niyang binalingan ang lalaking sumuntok sa kanya. Mabilis niya itong hinarap at binigyan ito ng malakas na flying kick na tumama sa leeg nito. Sapol ang lalaki at agad na nawalan ng malay dahil natumba ito at tumama ang ulo sa gilid ng kotse. Marahil ay marami-rami na rin ang nainom nito. Dala marahil ng alak na nainom kaya agad itong nawalan ng malay.

"Tsk tsk." Iling ni Louie saka tuluyang kinuha ang lasing na si Elyssa sa loob ng sasakyan at pinangko ito palabas at parang prinsesang binuhat ito pabalik ng club.

***

"Hoy John!" Ugoy ni Julie sa lalaking nakahandusay sa tabi ng kalsada. Nang makita niya kanina ang lalaking sumagip kay Issay, o kung tunay nga nito iyong boyfriend ay kaagad siyang bumaba ng kotse at iniwanan ang mga ito upang magtago sa 'di kalayuan.

Pupungas-pungas ang lalaking tinawag na John bago ito bumangon at sinapo ang ulo.

"What happened?" tanong nito.

Ang isang lalaking kasama nila ay kanina pa lumisan sa lugar na iyon at walang pakialam silang iniwan.

"Urgh! What happened?!" naiinis na palatak ni Julie. "You just ruined our plan, John. Para ano pa't nag-PMA ka, kung ni babae lang 'di mo man lang makuha!" nanlilitid ang ugat sa leeg na sigaw niya.

Yes. Julie executed the plan. Siya ang may nagbalak na ipadukot si Elyssa, pero iyon ay upang takutin lang ang dating kaibigan at para ipamukha rito na wala na itong pag-asa kay Jevy. Kaso nga lang may dumating at nangsira sa plano nila. Sino ba 'yong lintik na 'yon? Sigurado akong 'di siya boyfriend ni Issay. Pero bakit ito ang sabi nito kanina? Hindi puwede. Kailangan kong ipadama sa kanya ang sakit na inagawan ng lalaking minamahal! Pero teka, saan ko ba nakita ang mukha ng lalaking 'yon co'z he seems so familiar!

"Julie naman! Alam mo namang may nang-istorbo!" biglang saad ni John na pumukaw sa pag-iisip niya. "Sino ba kasi ang mokong na 'yon?"

"Hmp!" Irap niya rito saka ito tinalikuran. "Ewan. Make sure that Jevy would know nothing about this!" dugtong pa niya at tuluyang sumakay ng kotse.

"Know about what?" malamig at may bahid ng galit ang boses na sumagot kay Julie na kahit 'di niya lingunin ay kilalang-kilala niya.