webnovel

The Billionaire's Step Sister

Matalino, maganda. Yan ang katangiang maipagmamalaki ni Issay, kahit lumaking walang ina. Kuntento na siya sa kung anong meron siya at wala nang hahanapin pa. Ngunit isang malagim na insedente ang nagpabago ng mundo niya, nakapatay siya, na siyang dahilan para lisanin niya ang lugar na kinalakhan. Sa Maynila nakilala niya ang arogante at mapang asar na si Louie. Pero isang nakaw na halik sa una nilang pagkikita ang kumiliti sa kanyang inosenteng puso. Ngunit maipaglalaban ba ang nararamdaman kung kalauna'y nalaman niyang anak pala ito ng kanyang lumayong ina? Maipagpapatuloy kaya ang nararamdaman kung sa mata ng lahat ay isa itong mabigat na kasalanan? Susundin kaya ang tibok ng puso kung pareho ng nasasaktan?

itsmonzuki · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
25 Chs

Chapter 24

"Thank you so much, Marra. Malaking tulong itong ginagawa mo sa'kin." Nakangiting inabot ng ginang kay Marra ang isang makapal na sobre na naglalaman ng malaking halaga.

Gumanti ng ngiti si Marra bilang pagsang-ayon sa kaharap. Nasa mansiyon siya ng ginang, na siyang ginagawa niya buwan-buwan upang tanggapin ang alawans niya bilang bayad sa pagbabantay niya kay Elyssa. Bilang kapalit ng impormasyon tungkol sa pinsan ay tinanggap ni Marra ang alok ng ginang, kahit pa noong una ay ayaw niya. Dahil alam niyang magagalit sa kanya si Elyssa kapag ginawa niya iyon. Pero mapilit ang ginang kaya wala siyang nagawa kundi tanggapin ang alok nito kahit labag iyon sa kalooban niya. Bagama't nitong mga nakaraang buwan ay unti-unti na niyang tanggap itong sideline job niya.

Natatakot siyang matuklasan ng pinsan ang ginagawa niya kaya't hindi siya nag-o-online transaksiyon sa bangko. Marra will go at the mansion every month to receive the cash and to avoid the conflict her boyfriend will deposit it for her. Dahil hindi biro ang malaking halaga na tinatanggap niya.

"Walang anuman po 'yon," sagot niya habang tinatanggap ang sobreng inaabot nito. "Basta para po kay Issay. Gagawin ko po ang lahat, masigurado lang na maayos ang lagay niya. Hindi po ako makakapayag na malagay sa alanganin ang buhay ng pinsan kong iyon," dagdag pa niya.

Noong umuwi siya ng Antique upang asikasohin ang ama ni Issay, na tiyuhin niya, ay hindi niya pinaalam sa pinsan ang tunay na pakay sa probinsiya. Iyon ang kabilin-bilinan sa kanya ng ginang. Dahil sa sinasabi ni Issay na baka nakapatay ito upang depensahan ang sarili at 'di magahasa, nag-imbestiga si Marra kasama ang boyfriend niya na si Minho. Nalaman nila na buhay pa pala ang lalaking muntikang gumahasa kay Elyssa. The guy was the son of their town's mayor. Kaya hindi agad nila masaling-saling. But with enough evidence, and with Minho's capability they finally settle the case. At ang lalaking sumaboltahe pa ang nabigyan ng kaso at makukulong ng ilang taon. Pero lahat ng iyon ay hindi pinaalam ni Marra kay Elyssa, bagama't sinabi niya sa ama ng pinsan upang hindi ito mag-aalala.

"Alam ko 'yan, iha. Kaya nga sa'yo ko siya pinagkakatiwala dahil alam kong hindi mo pababayaan ang pinsan mo."

Ngumiti muli si Marra. Hanggang ngayon ay medyo nai-intimidate pa rin siya sa ginang dahil sa pangmayamang awra nito. Pero mabait ito at hindi mapangmata.

"Sige po, aalis na po ako at may pasok pa ho ako sa factory. I will bring Issay out sometimes para masilayan niyo siya." Tumayo si Marra matapos magpaalam.

"Sige, iha."

Malapad ang ngiting lumabas si Marra sa malawak na mansiyon saka sumakay sa nag-aabang na kotse ng kasintahan sa labas ng gate. Masaya siya sa pagtulong kay Elyssa ngunit natatakot siya sa maaring mangyari kapag nalaman nito ang totoo.

Ilang araw na ang nakakalipas magmula nang magtagpo ang landas nina Elyssa at Louie sa factory. Pagkatapos ng insidenteng 'yon ay napagtanto ni Elyssa na kailangan niya itong iwasan dahil ayaw na niyang magkaroon sila ng kung anumang ugnayan. Hindi na dapat maulit ang halikan nila ng boss niya. Nasasaktan pa rin siya dahil alam niyang hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si Jevy. Masakit man ang ginawa nito sa kanya, mahirap pa ring limutin ang isang katulad nito. Lalo na at ito ang naging una niyang kasintahan.

Day-off ngayon ni Elyssa sa trabaho at naisipan niyang tumambay lang siya sa bahay. Gusto niyang bumawi ng tulog dahil straight duty siya bukas nang halos bente-kuwatro oras. Magtse-change shift na kasi sila at magiging pang-umaga na ang pasok niya.

"Hey, Issay!" Narinig ni Elyssa na tawag sa kanya ng pinsan ngunit sandali lang niya itong tinapunan ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa. Kakauwi lang ng pinsan mula sa date kasama ang boyfriend nito.

"Cousin, I have a good news for you!" excited na balita kaagad sa kanya ni Marra sabay upo sa tabi niya.

"What is it, Cous?" tanong niya na hindi man lang ito binalingan. Abala kasi siya. Abala sa pag-i-stalk sa profile ni Jevy sa social media.

"Hhm… 'Di ba gusto mo mag-aral para sa masters degree mo?" nagniningning ang mata sa galak na tanong ng pinsan.

Natigilan si Elyssa sa ginagawa at itinigil ang pagse-cellphone. Nakakunot ang noong nilingon niya si Marra. "Yup, why?"

"Ahm." Tumikhim muna ito bago siya sinagot. "Kasi puwede ka na makapag-enroll ngayong pasukan, kaso night shift nga lang."

Ang kaninang kawalan niya ng interes ay biglang naglaho at napalitan iyon ng tuwa. Magandang balita ang hinatid sa kanya ng pinsan. Dati pa man ay gusto na niyang kumuha ng masters degree sa kursong accountancy. Hindi nga lang siya nabigyan ng pagkakataon. Kaya ngayong may opurtuninad na lumapit sa kanya, hindi niya iyon pakakawalan pa. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng pinsan at lampas-taingang ngumiti rito.

"Talaga, cous?" Tuwang-tuwang sabi niya. "But how? Paano ako maka-enroll at saan?" may pag-aalala sa boses niya bigla.

Hinaplos ni Marra ang palad niyang nakahawak dito saka bahagya iyong pinisil upang tanggalin ang alalahanin niya, bago ito nagsalita.

"May kausap kasi ako kaninang professor sa UP, asawa ng isang supervisor sa factory. Nalaman kong may scholarship silang inaalok para sa gustong magpatuloy sa pag-aaral habang nagtatrabaho."

Elyssa stilled her trembling hands in excitement before asking her cousin again. "Pero, paano ako mag-e-enroll? What if kung busisihin nila ang records ko? Paano kung malaman nilang mamamatay—"

"Stop it, Issay. Alam mong inosente ka. Don't worry about it, ako nang bahala 'ron. And besides nakausap ko na din ang head ng HR para sa schedule mo. Naayos ko na ang lahat. All you need is to pack up your courage and step further into this journey of your life. Alam kong matagal mo nang pinapangarap 'to. Since naumpisahan ko na rin naman ang pagtulong sa'yo, why not finish it, 'di ba?"

Napapaluhang niyakap ni Elyssa ang pinsan. Sobrang pasasalamat ng dalaga dahil may taong tumutulong at nagsisilbing kanyang ina sa oras ng pangangailangan niya. Hindi naman ganoon kalayo ang agwat ng edad nila ni Marra ngunit mas matured itong mag-isip. Daig pa ang isang proffesional na ina. Marahil ay naimpluwensiyahan ng boyfriend nito. Ang balita niya ay isang guwapo at mayaman ang boyfriend ng pinsan ngunit kailanman ay hindi pa sila nito nagkita. Ayaw naman niyang usisain ang pinsan tungkol sa lovelife nito dahil pagdating doon ay masiyadong pribado ang pinsan.

"Thank you so much, cous. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko. Malaking bagay 'tong tulong mo sa akin sa pagbuo ng pangarap ko. Ikaw ang pumuwang sa espasyo at responsibilidad na iniwan ng aking walang kuwentang ina."

Bahagyang natigilan si Marra dahil sa sinabi niya at biglang namutla ang mukha nito. Hindi agad ito nakasagot sa sinabi niya kaya ang akala ni Elyssa ay masiyado itong na-overwhelmed sa sinabi niya.

"Huwag ka nang mahiya, cous. Parang ina na rin naman talaga ang turing ko sa'yo, eh. Hindi kapatid." Tumawa si Elyssa sa sinabi saka binigyan ng isang mahigpit na yakap ang pinsan. "Salamat, cous. Thank you for always being there for me."

Tumikhim si Marra bago sumagot at binalik ang kanyag mahigpit na yakap habang marahang hinahaplos ang likod niya. "Wala 'yon, Issay. Trabaho ko ang asikasuhin ka."

Biglang kumalas sa pagkakayakap sa pinsan si Elyssa nang marinig ang sinabi nito. Nakataas ang isang kilay na tiningnan niya ito. "Anong trabaho?" takang tanong niya.