189 VIP

"Anong ibig mong sabihin na status sa kumpanya? Ano! Kailangan ko bang bumili ng share ng kumpanyang may ari ng eroplano? Ganon!" Malakas na ng konte ang boses ni Alden dahil naiirita na ito. Mabuti na lang at wala ng tao sa VIP room na passenger. Mga empleyado na lang ang natitira at naglilinis.

"Hindi po sir, ang level one po ay para sa pamilya ng may-ari ng kumpanya. Kahit po bumili kayo ng share, hangang level-2 lang po!" Sagot ng attendant na naiirita na rin. "Sir, sasakay po ba kayo? Kung hindi po ay sasarado ko na po ang pintuan?" Sabay talikod ng attendant at nag handang pumasok sa tarmac papunta sa eroplano.

Mabilis na sumunod si Alden at nagmamadaling pumasok. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang narinig. "Pamilya lang ng may-ari ng kumpanya? Sino ang pamilya ng may-ari? Wait a minute... Wag mong sabihin na si Ashley... Nah!" Muttered Alden habang naglalakad siya papasok sa VIP section ng eroplano.

Chương bị khóa

Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com

avataravatar
Chương tiếp theo