webnovel

The Baklush Has Fallen

Madaldal at palabirong babae si Maundy Marice. Matalino rin ito at mas lalong nakadagdag sa ganda niya ang kulay ube nitong buhok. Pangarap niyang maging isang Certified Public Accountant (CPA), but she doesn't have enough money for the review and board exam, so she finds a job for the meantime. Fortunately, she found out that the A Company is looking for a new secretary. Hindi niya trip ang trabaho, pero nag-apply pa rin siya at ibang klaseng swerte nga naman ang taglay niya dahil siya ang napili. Isang magandang dilag-este, nagfifeeling dilag. Malaki man ang braso ay 'di nahihiyang mag-bestida. Lalaking-lalaki man ang itsura ay natatabunan pa rin ng kolorete kaya mas maganda pa siya sa dalaga. Chal Raed Alonzo Jr. Ang acting-CEO ng A Company, ang pinagsisilbihan ni Maundy. Hindi niya naisip na muli silang magtatagpo. Nagbiro pa siya na kapag nagkita silang muli ng Dalaga ay baka mapakasalanan niya na ito. Sino ba naman kasing mag-aakala na si Maundy ay hindi lamang action star kun'di kriminal din. Sa unang pagkikita pa lang nila ay nanakaw niya na ang puso ni Chal Raed. Ika nga niya, 'I'm gay, but my heart beats only for you, Lady.' Ngunit, hindi niya inamin ang katotohanan kay Maundy nang magkita sila ulit. Instead, he asked for someone's favor to do something. Ang inaakala niya kasi ay hindi siya matatanggap ni Maundy dahil sa pusong babae nito. Pero, bakit ba sa tuwing itotodo na ang kasiyahan ay may panganib na hahadlang? Magkaaroon pa kaya ng unusual relationship sina Maundy at Chal Raed kung may taong dadating bitbit ang isang masamang balita na magsasanga-sanga sa pagbubunyag ng iba pang mga katotohanan? Will fairytale still exist after the revelations happened? How about a happy ending and Gay x Girl? May posibilidad pa kayang mangyari 'yon kung mawawalan na sila ng oras para sa isa't isa?

eommamia · Tổng hợp
Không đủ số lượng người đọc
59 Chs

Chapter 52 : Phonecall

5 months had already passed since those challenges happened. Okay na ako, no more leukemia, pero andito pa rin ako sa Canada. Matapos kasi ng operasyon ay napagdesisyonan ng mga Powers na kilalanin muna ako, and they even prepared a party for me. Sinunod ko na muna ang mga gusto ng mga Powers dahil ilang taon din akong nawalay sa kanila, tsaka gusto ko rin silang makilala. Pero, until now, ang hirap pa rin isink-in na isa akong Powers, though welcome na welcome naman ako at parang close na close na kahit 16 years akong nawalay sa kanila, at masasabi ko talagang they're indeed a good family at masaya ako na nabigyan ako ng pagkakataong makilala sila.

Iyong mga kapatid ko, nagkakausap pa rin kami kahit sa screen lang. Kuya Mico's case is still under process, pero nasa kulungan na siya. Lagi siyang binibisita nina Kuya ro'n para iparamdam na hindi siya nag-iisa at kung pwede nga raw ay roon na lang titira ang tatlo, eh.

"A coffee for my Princess."

"Would you please stop that, Spade," inis ko kunyaring sabi at kinuha ang bitbit niyang kape.

"Wow! I'm really not used with your English, Mon," natatawang sabi niya.

"Tss, sino ba naman kasing 'di mahahawa sa'yo, ha? You've been here for two months at halos araw-araw kitang kausap."

"Didn't you like it? You can always see the handsome Spade."

"Daming dama."

"But, seriously, Monang," he sat beside me in the couch, "you're just here in your room for the whole day, labas ka naman 'pag may time," aniya.

Hindi na lang ako sumagot. Mas gusto kong andito lang ako at tinitingnan ang naggagandahang bulaklak sa labas. Oo nga pala, dalawang buwan na ngang andito si Spade, si Third naman ay bumibisita rin minsan at sinasama rin niya 'yong tatlo kaya super ingay ng bahay. Itong si Spade ay talagang gusto akong samahan, tsaka kasi broken hearted ang loko at gusto raw makalimot kaya rito muna siya. Ang Joy naman ayaw makipagbati, isa lang naman ang pinag-awayan nila—ba't daw 'di pa nag popropose itong si Spade—kaya ayan hiwalayan ang bagsak nila. Kaloka! Pero, alam kong magkakaayos din 'to, sa totoo nga ay pinapabantayan sa'kin 'to ni Joy, eh, mukha tuloy akong baby sitter na over sa ganda.

"Monang," tawag niya ulit sa'kin. "Kailan mo planong bumalik ng Pinas?" tanong niya.

"Siguro sasabay na lang ako kina, Daddy, uuwi na sila next month," sagot ko.

"Next month pa? Aren't you going to find Kuya?"

Napatahimik ako bigla. Speaking of him. It's been 5 months na walang nakakaalam kung asan siya, minsan sinasabi ng investigator nasa Pinas, tapos bukas naman nasa ibang bansa, hanggang sa tinigil na nila ang paghahanap nang mag text si Chal Raed at sinabing okay lang siya, and he just needs time to be alone. At grabe! Limang buwan na siyang nawawala, ganyan ba siya magdrama?! KAINIS!

Sabi nila binalak daw ni Chal Raed na puntahan ako rito bago 'yong operation ko, kaya lang pinigilan siya ng Mommy niya—nag stay kasi si Miss Chary sa bahay ng mga Alonzo kaya magkasama sila—kaya in the end wala siyang nagawa kun'di sundin ito. Sabi rin nila parang kinulong siya ng Mommy niya at tinaggalan ng karapatang makipagsalamuha sa mga kapatid ko—pati sa'kin—kaya ito umalis at hanggang ngayon ay 'di pa rin bumabalik.

Ano na kaya ang itsura niya? I am wondering kung sinong nag-aalaga sa kanya, o baka pagbalik niya may girlfriend na siya! HUHUHU! HINDI NAMAN KAMI NAG BREAK!! Kapag talaga bumalik siya at may girlfriend na puputulin ko 'yong talong niya, makikita niya!

"Monang, you're spacing out again," nagbalik ako sa katotohanan nang magsalita ulit si Spade. "I asked you, aren't you going to find Kuya?" muli niyang tanong.

"Gustuhin ko man, alam kong in the end it's no use. No one knows where he is. Kung gusto niyang magpakita, magpapakita siya," sagot ko.

"Hindi ka naman siguro galit kay Kuya, 'di ba?"

"I'm mad, of course, pero naiintindihan ko siya."

"That's nice," nakangiti niyang sabi. "Let's cut the drama. Let's go shopping," dagdag niya at parang batang hinila-hila ako.

"Ayoko nga! Nakakapagod maglakad," pagrereklamo ko naman.

"I'll carry you then."

"Hanggang sa mall?"

"Okay, let's stay here."

HAHAHAHA! Suko agad. "Oo na, tara! Iyang mukha mo nagpapakonsensya," natatawang sabi ko.

"It's just I have a charming and angelic face," sagot naman niya. Grabe talaga si Spade kapag ganyan 'yong sinasabi niya, you wouldn't notice the boastfulness, parang wala lang sa kanya. "Tsaka change your clothes first, nakapajama ka pa," dagdag pa niya at napangiwi na lang ako.

Pinuntahan ko nga si Chal Raed at kinompronta nang nakapajama at walang ligo, eh, sa harap pa ng matataas na klase ng tao—'di nga ako nahiya. Haaaay! Naalala ko na naman ang araw na 'yon. Miss na miss ko na siyaaaa!

***

"How about this color violet, or this royal blue dress, or let's just buy these two?" nakangiting tanong ni Spade.

Kanina pa niya ako binibilhan ng dress! Pang sampu na 'to kapag may napili na siya. Haaay! Makikigo na lang tayo. "Ba't ang galing mong pumili, Spade?" tanong ko habang tinitingnan ang mga dress na bitbit niya.

"I'm used with this, as well as Third. Kapag nag sho-shopping kami laging nagpapabili si Miss TS ng dresses and also, our unica hija that you had turned into a real man," sagot niya at natawa naman ako. Talagang iniispoil nila dati si Chal Raed.

"What if...bumili tayo ng para sa kanya?" suhestyon ko pa.

"Sige, para mawalan ka ng boyfriend."

"Ikaw na lang."

"Ang alin? Ang iboboyfriend mo?"

A-Ano raw?!

"Hoy! Hindi, baliw! Hindi kita jojowain, 'no. Sabi ko ikaw na lang, ikaw na lang ang magsuot niyang violet dress, akin 'tong royal blue—" bigla akong natahimik. Naalala ko 'yong araw na nagpunta kami ni Chal Raed sa bar, 'yong binigay niya sa'kin 'yong fave kong royal blue dress, na talaga palang para sa'kin akala ko sa kanya 'yon, eh. Nakakamiss 'yong araw na 'yon, pero mas nakakamiss siya!

"You okay?" biglang tanong ni Spade at tumango lang ako.

"Pero, 'yong mga babies ko sa tiyan hindi okay," sabi ko.

Ginulo niya 'yong buhok ko at agad akong hinila sa kalapit na resto. "Stay here, I'll order some food. Self service dito, eh," aniya at hinayaan ko lang siyang umalis. Alam na naman niyang kahit ano pa ang i-order niya kakainin ko, lalo na kapag gutom ako.

"I broke up with him."

"Why?"

"He was gone for a long month and he came back with a new born baby! Just what the hell was that!"

Napalingon ako sa dalawang foreigner na 'to na rito pa talaga nagdrama sa resto. Pero, paano kung ganyan din ang mangyari kay Chal Raed? Huhuhu! Hihiwalayan ko rin ba? Huta! Bakit parang ang hirap mag desisyon kapag sa'yo na 'yan nangyari? Huhuhu!

"H-Hey, why are you crying?" pinahid ko agad 'yong luha ko, hindi ko naman kasi alam na nagdrama na rin ako rito.

"Wala, naalala ko lang Kuya mo," sagot ko.

"Is he dead para iyakan mo?"

"Baliw ka, Spade! Kapag 'yan nagkatotoo, ililibing kita ng buhay."

"Hey, I was just pulling some joke, you're so serious, Monang."

Hindi ko na lang siya pinakinggan at kumain na lang nang kumain. After kumain muli kaming nag shopping at kung anu-ano pa ang ginawa namin, kaya pag-uwi ay super pagod ako!

"Super tired?" naupo siya sa may kama ko at bumangon naman ako agad.

"Yes, Dad, hindi ko naman inaakalang wagas mag shopping itong si Spade," sagot ko naman.

Ngumiti siya at bahagyang hinaplos ang buhok ko, "next time, tayo naman ang lumabas?" tanong niya at nakangiti akong tumango.

"Sure na sure, Dad," sabi ko. "Dad, I've been wanting to ask you about this..."

"What is it?" tanong niya.

"Paano nagsimula 'yong love story niyo ni Mommy?" ngumiti sa'kin si Daddy saka siya nag-umpisang magkwento.

***

Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko. Huhuhu, antok na antok pa ako, eh, medyo natagalan kasi 'yong pag-uusap namin ni Daddy at inabot yata kami ng madaling araw, parang Kdrama session lang namin nina Kuya—haaay, miss ko na rin mag Kdrama session.

"Ay, ang ingay!" inis kong sabi dahil tunog pa rin nang tunog ang cell phone ko. Sinagot ko na lang 'yong tumatawag kahit antok na antok pa rin ako. "Hello?" muling sabi ko, pangalawang hello na 'yan, pero wala namang sumasagot. Ang aga mang trip nito, ha, o baka bingi lang talaga 'yong tumatawag? Sino ba 'to? Ay, unregistered number pala. "Hello, who's this?" tanong ko, pero walang pake 'yong kausap ko, hindi sumasagot. Hoy, medyo asar na'ko! Kay aga-aga mang trip! "If you don't have anything to say, then I'll end this now," tinatakot ko lang siya, pero wala pa rin. "Fine. I don't have time to play with you," ibababa ko na sana nang bigla siyang magsalita.

"I love your English accent, but I love you more."

Huta! Pakiramdam ko nangabayo bigla 'yong puso ko! Huta talaga parang gusto kong tumalon! Iyon lang naman 'yong sinabi niya, pero parang gusto ko nang magpaparty, imbitado lahat!