webnovel

Pushed to the Limits

Shanaia Aira's Point of View

" Naiisip mo ba bhi yung naiisip ko?" tanong ko kay Gelo.

" Yeah, that's possible. Wala naman siyang kakilala sa village na ito kundi ako lang." sagot niya.

" Bakit alam niyang dito tayo nakatira?" tanong ko. Bigla niyang iniwas yung tingin niya sa akin.

" Hey! Ano yon ha? " tanong ko.

" What?" patay malisya pa siya.

" Alam kong umiwas ka sa tanong ko. Mayroon ba akong hindi alam? Naglilihim ka na sa akin bhi ha? Ano yon? Kapag hindi mo sinabi, wala kang exercise mamaya. Hmm."

" Naisama ko na kasi siya dito minsan,nung ginagawa pa lang tong bahay." sagot.

" Sure ka na minsan lang? " pinandilatan ko sya ng mata.

" Actually, twice pala. Kaya siguro inisip niya na magpo-propose ako sa kanya. Inakala niya surprise ko sa kanya itong bahay dahil wala kasi akong sinasabi sa kanya kung bakit ako nagpapagawa ng bahay."

" Ano naman ang ginagawa niyo dito. Baka ginawan nyo ng kababalaghan itong bahay hindi pa man natitirhan ha? Malas yon bhi! " naiirita kong tanong. Aba malay ko ba kung nagpa-gulong-gulong na pala sila nung malditang Roxanne na yon dito sa bahay.

" Hala! Ang asawa ko, advance na rin mag-isip. Di ba sinabi ko sayo na walang nangyari sa amin nung Roxanne na yon kahit second base? Kumain lang kami dito baby. Promise. Wala talaga."

" Okay." tipid kong sagot. Naniniwala naman ako dun. Sa akin lang talaga hindi makapag-pigil ito.

" Okay? "

" Yeah. I believe you. Now what is our solution to Roxanne 's evil plan? As I can see it, may motibo talaga siya. Una, wala naman siyang kakilala dito maliban sayo. Pangalawa, binitawan yung dalawang bata na nadampot dahil nagkamali at pangatlo, bakit idinahilan na pamangkin ang kukunin eh wala nga siyang kakilala dito. Malinaw na yung mga anak natin ang pinupuntirya. Paghihiganti ang motibo niya dahil napahiya siya kasi kalat na kalat na sa social media yung encounter niya sa atin the other day. "

" We need to hire a bodyguard. Hindi na tayo lalabas ng walang bodyguard. Maraming agency na alam sila daddy, dati silang may body guard ni daddy Adrian di ba? Kunin na lang ulit natin ang serbisyo nila. For you, I want a female bodyguard, mahirap na, baka magkagusto pa sayo kung male ang magbabantay sayo. " seryosong turan niya. Naku, umandar na naman po ang pagiging seloso niya.

" Kahit wala naman ako nun bhi, nasa ospital naman ako palagi. Kayo na lang ng mga bata. " sabi ko.

" No baby. Lahat tayo kailangang meron. Ayokong ipagsapalaran ang kaligtasan ninyo. Pupunta rin ako sa security nitong village at kakausapin ko na rin si kuya Andrew kung ano ba ang dapat gawin para hindi na makalapit pa yang si Roxanne sa atin. I'm fed up with her evil antics. Matapos lang talaga itong teleserye ko, aalis muna tayo ng bansa para magkaroon tayo ng katahimikan. "

" Sige bhi, kakausapin ko si dra. Isaac ask ko kung pwede akong magpatuloy sa ibang bansa. Kailangan ko ng recommendation mula sa kanya. "

" Good. Gusto ko namang mamuhay ng normal na kasama ko kayo. Yung walang gulo, tsismis o intriga ng showbiz. Nakakapagod na. "

" Okay bhi, whatever your decision is, doon ako. We're in this together. "

" Thank you baby. Tara, punta tayo sa inyo, kausapin natin sila tungkol dito sa balak natin. "

" Sige bhi. Tawagan ko si mommy na doon na tayo magdi-dinner. "

___________

" Ayon sa kwento ninyo sir, parang may mali yata. Bakit hindi dinala dito ng mga guard yung dalawang nahuli nila? Basta na lang naniwala dun sa alibi gayung maliwanag na may tangka talaga ng kidnapping kasi hindi sila tagarito. Dahil ba kilalang personalidad yung isa kaya hinayaan na lang at hindi ini-report? " sabi nung head ng security ng village sa amin ni Gelo.

" Tama sir kaya nga nagpunta kami dito para i-report yung nangyari, ako lang ang kilala niya dito kaya siya nakapasok at sigurado ako na yung mga anak namin ang pakay nila. " turan ni Gelo.

" Hayaan nyo sir gagawan namin ng report yan at iba-blotter natin sila. Dadagdagan na rin po natin ang security nitong village.At tungkol po dun sa mga guard na naroon at hindi nag-report sa amin, bibigyan po namin sila ng disciplinary action para hindi na maulit pa yung ganon. Pasensya na sir, ma'am. " sabi nung head ng security.

" Salamat po sir. Aasahan po namin yan, hindi lang para sa pamilya namin kundi para na rin sa lahat ng pamilyang nakatira sa village na ito. " sabi ko.

Matapos naming makipag-usap sa security ng village, dumiretso na kami kila mommy. Dinatnan namin sila sa living room habang naghihintay maluto ang dinner.

" Kumusta ang mga apo namin? " salubong ni mommy sa kambal na agad namang humalik sa kanila ni daddy. Lumapit naman si Dindin sa amin ni Gelo at humalik din.

" Nasaan ang mama at papa Aris mo, sweetie?" tanong ko kay Dindin.

" Nasa room pa po nila. Pababa na rin po para sa dinner." sagot niya.

" Ano ba yung tungkol dun sa binanggit mo kanina sa phone baby?" tanong ni mommy.

Kinwento namin ni Gelo ng buo kila mommy at daddy yung pangyayari. Saktong nakababa na rin sila ate Shane at kuya Aris kaya narinig din nila yung kwento. Nasabi na rin namin na dumaan na kami ng security office ng village.

" Mabuti pa siguro mag-hire na nga kayo ng bodyguards. Tatawagan ko yung agency na dati naming kinukuhanan ng serbisyo ni pareng Archie. Kukunin ko ulit yung magagaling na bodyguards na na-assign sa amin noon." turan ni daddy sa amin.

" Dad may female bodyguards din po ba sila? " tanong ni Gelo kay daddy. Talagang ipipilit niya na babae ang bodyguard ko.

" Ah oo meron naman. Mga magagaling din. "

" Good. Female bodyguard po ang gusto ko para kay baby. " ang lakas ng tawa ni ate Shane dahil sa sinabi ni Gelo.

" Hay nako besty, grabe ka talaga. Napaka-seloso mo. Mula noon hanggang ngayon bakod na bakod. " asar ni ate Shane.

" Tss. " yun lang sagot ni Gelo kay ate Shane dahil kapag nagsalita siya, hindi rin matatapos si ate sa pang-aasar.

" So tatawagan ko na yung agency ha? " sabi ni daddy.

" Opo dad. Kung pwede po bukas na rin agad sila mag-report. Four males and two females ang kailangan po namin. Thank you po." sagot ni Gelo kay dad.

Bago kami nag-dinner ay nakatawag na si daddy sa agency. Bukas din ng umaga ay ipapadala ng agency yung mga dating body guards ni daddy at daddy Archie plus yung dalawang female na minsan na ring nagserbisyo sa kanila nung panahon ng kampanya nila. Mabuti na rin yon na kakilala na namin yung magbabantay sa aming mag-anak.

KINABUKASAN maaga pa lang ay dumating na yung anim na body guards sa bahay. Yung apat na lalake ay sa servants quaters sa likod bahay tutuloy. Yung dalawang yaya ay inilipat namin sa bakanteng kwarto sa ibaba ng bahay. Dahil malaki yung kwarto nagdagdag na lang ng dalawang single bed para sa dalawang female bodyguards.

Puro married na yung mga body guards namin,nasa mid thirties na ang mga ages nila. Si Nico, Lemuel, Enzo at Gabo ang male bodyguards at si Crystal at Angie naman yung female bodyguards.

Si Angie at Crystal ang naka-assign sa akin. Si Lemuel ang kay Gelo tapos yung tatlong natira ay sa kambal na.

Pagpasok ko sa ospital ay kasama ko na agad yung dalawa bodyguards ko. Ayaw ko nga sana muna dahil gusto kong makapag - ayos muna sila ng mga gamit nila pero sabi nila start na daw ng trabaho nila at mamaya na pag-uwi ko doon sila mag-aayos ng gamit nila.

Hindi naman pala hassle na may bodyguards. Hindi naman kasi sila yung tipo na nasa tabi mo lagi, nasa malayo lang sila nakatanaw pero kasama ko sila tuwing kakain ako.

So far naging maayos naman ang buong araw naming mag-anak. Walang banta ng ano man, kaya kung ano man ang binabalak ni Roxanne o kung sino man, maaaring magdalawang isip ng lumapit sa amin.

Matapos naming mag-dinner ay inasikaso ko na yung mga bata. Ako ang naglinis sa kanila and after that I tucked them to bed. Binasahan ko muna sila ng book nila then nung makatulog ay iniwan ko na sa mga yaya nila.

Pagpasok ko ng room namin ay nakaligo na si Gelo at nakapantulog na. Pumasok ako sa bathroom namin para ako naman ang maligo.

Pagkatapos ko ay tumabi na ako kay Gelo na seryoso naman sa panonood ng tv. Balita ang palabas at showbiz balita ang naka-ere.

" Ayaw talaga niyang tumigil. Ano kaya ang gusto nyang mangyari?" sinundan ko ang tinitingnan niya tapos tiningnan ko ang tv screen.

Roxanne : May sulat po na dumating sa bahay, sinabi po na idedemanda daw po ako sa tangkang pangingidnap sa kambal ni Gelo Montero. Wala naman po akong intensiyong ganon pero bakit ginaganito nila ako? Hindi pa ba sapat yung pagpapahiya ni Aira sa akin sa mall? Sinira na nila ang maganda kong pangalan. Ako na nagbigay ng karangalan sa bansa ay puro kahihiyan ang ibinigay sa akin simula nung bumalik yang Aira Gallardo na yan.

" Grabe na talaga siya. Puro paninira na naman ang lumalabas sa bibig niya? Tayo na naman ang pinalalabas niyang may mali. Nagpapaawa na naman siya. Patulan ko na kaya ito baby? Magpapa-presscon ako."

Maang akong napatingin kay Gelo. Kahit sikat na sikat siya, may pagka low profile siya. Ngayong nasagad na ni Roxanne ang pagtitimpi niya, hindi ko na alam kung ano ang kayang gawin ni Gelo sa kanya.