webnovel

DRAGON'S TEARS

Maririnig sa buong pasilyo ng Palasyo ang mga mabibilis na yabag ng mga katulong at mangagamot sa Palasyo. Natataranta ang mga ito sa biglaang pagpa-patawag ng hari sa kanila.

Kanina, habang nasa training ground ang Hari, bigla itong natigilan ng makita ang biglaang pag-dilim ng kalangitan sa may kabundukan malapit sa Cloud Mountain. Kausap niya ang mga kawal ng palasyo ng mga oras na iyon, pagkatapos niyang maibigay sa mga kamay ng mga mangagamot ang kaligtasan ng kanyang mga magulang.

Mabilis pa sa tick-tock ng orasan ay sumakay siya sa kanyang espada. Kasunod ang limang shadow guards, tinumbok nila ang lugar kung saan madilim ang kalangitan. At iyon nga, nakita niya kung paanong nabuwal si Veronica pagkatapos tumakas ng mga Embers na naka-laban nito.

"Kamahalan, naririto na ang mga mangagamot ng palasyo. Bakit nyo po kami ipinatawag?" Ang pinuno ng mga doktor ang nag-salita.

Pumasok ang mga ito sa isa sa pinaka-malaking kwarto sa Palasyo. Ayun na rin sa pinag-utos ng kanilang hari.

"Treat her, she's poisoned." Maotoridad na utos ng hari na naka-tayo sa gilid ng malaking kama sa loob ng silid.

Nang umangat ng tingin ang mga doktor, natigilan ang mga ito ng makita ang babaeng naka-higa sa kama habang maputlang-maputla. Bumadha sa mga mukha ng mga ito ang pag-aalinlangan.

Sa totoo lang, ang mga doktor sa palasyo ay nanumpa na ang tanging mga dugong bughaw lamang ang kanilang gagamutin. Kaya sa mga sandaling iyon, literal na nag-dalawang isip ang mga ito.

"Pardon me your Highness, who is she?" And pinuno ng mga doktor ang muling nag-salita.

"It doesn't matter who she is! Ang utos ko ay gamutin nyo siya!" Malakas na sigaw ng hari. "Are you all disobeying my order?" Malamig at puno ng pag-babanta na sambit ni Yohan.

Napa-flinch naman ang mga ito. Napa-yuko at walang imik na unti-unting lumapit sa gilid ng kama.

Isang malalim na buntong hininga naman ag pinakawalan ni Yohan bago nag-salita ulit. "She's the one who saved the previous King and Queen. So do your best to help her too." Aniya.

Sabay-sabay na napa-sulyap sa kanya ang limang doktor ng palasyo kasama ang kanyang Butler. Alam niyang gusto ng mga ito na mag-tanong subalit isang madilim na anyo ang ibinigay niya sa mga ito.

"Kesa titigan ako, gamutin nyo na siya dahil delikado na ang lagay niya." Mariin niyang sabi.

Mabilis namang nag-si-kilos ang mga ito. Sina Rowel at Ravi ay lihim na naka-hinga ng maluwag. Kanina pa sila nag-pa-planong dalhin na si Veronica sa dagat kung hindi pa kikilos ang mga mang-gagamot ng palasyo. Mabuti na lang at hindi na tumagal pa ang diskusyon ng mga ito.

Samantala, lumapit ang Butler kay Yohan at mahinang bumulong.

"Is she really the one who helped your parents?"

Sinulyapan ni Yohan ang kanyang Butler. Actually, he is also his childhood friend. Hindi nalalayo ang edad nilang dalawa. Matanda lang ng dalawang taon ang kanyang kaibigan. He's name is Jevro, 32 years old. Anak ng dating taga-pangalaga niya.

"Narinig mo naman ang sinabi ko diba? Sya nga pala, kumusta ang ini-utos ko sa iyo?"

Napa-sulyap muna sa paligid si Jevro bago muling bumulong. "Unfortunately, wala akong nakitang kahina-hinala dito sa loob ng palasyo. Kaya malakas ang kutob ko, maaring nasa labas ng palasyo ang posibleng traydor sa kaharian mo."

Naningkit ang mga mata ni Yohan sa narinig. Kung nasa labas ng palasyo, imposible yun. Dahil nailagay ang parasite sa katawan ng kanyang mga magulang nung panahong nasa palasyo pa ang mga ito. Maaring sa labas nga ng palasyo subalit sa loob parin ng buong bakuran ng palasyo.

"I'll asked Haseen to secretly observe the Mages tower, then." Aniya.

Napa-tango naman si Jevro at tsaka sinulyapan ang lalakeng matiim na nanonood sa ginagawa ng mga doktor. Nagtataka bang Butler kung bakit kamukha ito ng batang nakita niya nang unang mapadpad sa palasyo ang babae at ang isa pang huluwa na kasama nito.

Muli siyang bumulong sa kaibigang hari. "Who is that man with aqua blue hair? Grabe ang tingin na ibinibigay niya sa babaeng dinala mo dito. Is he her boyfriend or partner?"

Napa-twitch ang kilay ni Yohan sa narinig. Veronica's boyfriend? Who? That blue haired guy?!

"No." He said coldly.

Napa-taas ang kilay ni Jevro sa narinig na tono ng hari. Nilingon niya ito at bahagya siyang natigilan ng makita ang klase ng tingin na ibinibigay nito sa lalakeng naka-bantay sa babae.

"What's her name again?" Tanong niya kay Yohan na naka-titig parin sa lalake.

"Veronica. Why?" Kunot noong nilingon siya nito.

Gustong panayuan ng balahibo ni Jevro. Gusto niyang itanong ng pasigaw, galit ba ang hari na binibigyan niya ng atensyon ang babaeng naka-higa? But why?

Teka, hindi ba't ayaw naman ng hari kay Veronica nung una niya itong makita? So what's the sudden change?

"Wala naman, your Highness. Gusto ko lang malaman nang sa gayon ay matawag ko siya sa tamang paraan. Kahit papano ay gusto kong mag-bigay galang at pasasalamat sa taong tumulong sa dating Hari at Reyna." Mahabang paliwanag ni Jevro na lihim na napa-ngiti.

He's already 32 years old. Hindi na siya inosente sa mga bagay patungkol sa mga lihim na pag-tingin. At hindi siya naging kaibigan ng hari para hindi mapansin ang kakaibang ikinikilos nito.

"You're smiling like idiot. Anong iniisip mo?"

"You're seeing it wrong, your Highness. Masaya lang ako dahil ligtas na ang mga magulang mo. My smile is telling you that I'm honestly grateful for everything that I'm witnessing." Isang ngiti ang muling ibinigay ni Jevro sa kaibigan.

Naka-ngiti si Jevro sa harapan niya subalit sa kanyang paningin, parang nakakaloko ang klase ng ngiti ng kanyang Butler. Nangangati tuloy ang kanyang kamay na hilain ito sa training ground at doon pahirapan.

"Stop smiling, its fake anyway." Aniya sabay iwas ng tingin dito.

Napa-tuwid naman ng tayo si Jevro at tsaka ibinalik ang ekspresyon ng pagiging Butler.

Samantala, biglang naging mabilis ang mga kilos ng Butler habang ginagamot ang wala ng malay na si Veronica. Mapapansin na rin ang pamumutla ng mga ito.

"What is happening?" Malamig ang boses na tanong ni Ravi ng mapansin ang ikinikilos ng mga doktor.

Napa-punas naman ng pawis ang leader ng mga ito at tsaka sumulyap sa hari na humakbang narin palapit sa kanila. Naka-kunot na rin ang noo nito.

"He's asking, what is happening?!" Medyo mataas ang tono ng hari.

Kaya lalo namang kinabahan ang mga doktor. Mabilis na yumuko ang mga mga ito at sabay-sabay na humingi ng paumanhin. Parang itinulos sa kinatatayuan ang hari, kasama sina Ravi at Rowel.

"The miss is poisoned just like what you told us, but Your Highness. Ang lason na kasalukuyang papunta na sa kanyang puso ay ang pinaka-malakas na lason sa buong kalupaan ng Terra Crevasse. Puso ang unang pinupuntirya ng lason, at dahil sa likod ang tama ng inyong..."

Hindi na naituloy ng doktor ang sinasabi dahil mabilis itong tinabig ng hari. Kasabay ng mabilis ding pag-tabig dito ng lalakeng unang nag-tanong.

At bago pa sila nakapag-reak. Mabilis nang nag-laho sa paningin ng mga tao sa loob ng kwarto ang tatlo kasama ang hari ng palasyo. Pagka-bigla ang naging reaksyon ng mga ito na sabay-sabay na lumingon kay Jevro na nagulat din.

Sa kabilang banda, nabigla man sa pangyayari, walang imik na patuloy na naka-hawak sa kamay ni Veronica si Yohan. Ang plano niya kanina ay suriin ang dalaga, subalit ng bigla itong buhatin ni Ravi, at mabilis din na kumapit dito si Rowel, alam niyang mag-te-releport ang mga ito.

Kaya hayun siya, kasama sa ilang beses na paglipat pwesto ng tatlo. Hanggang sa marating nila ang tabing dagat. Naguguluhan man, sapilitan na siyang bumitaw ng bumitaw na rin si Rowel. Patakbong dinala ni Ravi si Veronica sa dagat. He have no idea what's going on, pero patuloy siyang nanood sa nangyayari.

"Rowel, help me remove the clothes on her back! Hurry up!" Sigaw ni Ravi.

Mabilis naman itong sinunod ng tinawag. At dahil na rin sa pag-aalala na hindi niya maintindihan kung bakit nararamdaman niya ngayon. Humakbang din si Yohan palapit sa tatlo at gustong tumulong.

Ang plano niya, tutulong, pero ng biglang palutangin ni Ravi si Veronica sa ere at patayong inilapit sa kanya. Nanlaki pa ang kanyang mga mata na kusang pumulupot ang kanyang mga braso sa maliit na katawan ng dalaga.

"Hold her still." Utos sa kanya ni Ravi.

Sa totoo lang, naguguluhan si Yohan sa nararamdaman. Siya ang hari ng palasyo subalit sa klase ng tono at paraan ng pag-sasalita ni Ravi, at sa aura na ipinapakita nito sa kanya. Pakiramdam niya ay isa lang siyang pipitsuging nilalang na nabubuhay sa mundo ng Terra Crevasse.

Gayunpaman, sinunod niya ang utos at mabilis na sinuportahan ang walang malay na katawan ni Veronica. Her body is small. Saktong-sakto lang sa loob ng kanyang mga braso. Also, she smells nice.

"Rowel, help me open her mouth and feed her this." Ani Ravi na ngayon ay may hawak ng kulay puting perlas na kasing laki ng bilog ng centavo coin. Kung tititigan mo ng maigi, hindi perlas kundi parang liquid drop.

"What's that?" Hindi maka-tiis na tanong ni Yohan.

"Dragon's tears." Tipid na sagot ni Ravi.

Namilog naman ang mga mata ni Yohan.

Dragon's tear. Ang gamot sa lahat ng ano mang uri ng sakit. At may kakayahang buhayin ang natatagong kapangyarihan sa loob ng katawan ng isang tao. Subalit ito ay mahirap mahanap. Ang pagkaka-alam niya. Makikita lamang ito, kung kusang ibibigay ng isang dragon.

Who are these people? Really?!