webnovel

Chapter 10

Unti-unti kong inimulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko kasi may kung sinong nakayakap sa akin.

''Oh God! Gising ka na nga!'' si Crayon na halata ang pinaghalong saya at pag-aalala sa kanyang mga mata.

''Crayon? Nasaan ako?'' Medyo nanghihina pa ang aking pakiramdam pero ang mahigpit na paghawak niya sa aking mga kamay ang nagbibigay lakas sa akin.

''Nasa ospital ka, Trish.'' aniya at naluha pa habang hinahalik-halikan ang aking kanang kamay.

Nakaupo si Crayon sa aking tabi ngunit pasimple siyang nakatunghay sa akin na tila sinisiguro na okay lang ako. Yakap-yakap niya ako sa ganung posisyon.

''Ang likod mo Crayon baka sumasakit na 'yan. Umupo ka nga ng maayos.'' Mahinang utos ko sa kanya at ngumiti. Ang gwapo niya pa rin sa kabila ng tumutubong balbas at bigote sa kanyang pisngi.

''Kumusta na ang pakiramdam mo?'' Hindi ko alam kung ano ang kakaiba pero parang mayroong nag-iba kay Crayon? He used to call me...'mine.'

Nakaramdam ako ng lungkot sa realisasyong iyon.

''Anong nangyari?'' balik-tanong ko sa kanya sa halip na sagutin ang tanong niya sa akin.

Bahagya siyang tumikhim. ''You got shot by Valerie on your lower back. Na comatose ka ng isang linggo.''

Kaya pala medyo may kaunting kirot sa aking likuran.

''How about her mom? Also, what happened to Valerie?''

Napayuko si Crayon bago nagpatuloy. ''Her mom died trying to save you from her second shot. After that, Valerie got all hysterical. She almost got herself killed too.''

''Nasaan na siya ngayon?''

''Nasa Mental Hospital. Gustuhin mo man na ipakulong siya pero wala na siya sa sariling katinuan. She lost it when she saw her mom slowly dying in front of her.''

''Oh my gosh!'' I am so speechless!

''Sinubukan kitang iligtas pero masyadong mabilis ang buong pangyayari. Natamaan ka na niya bago kita nasalo. When she pointed the gun again her mom cover you by herself.''

''God!'' Napaiyak ako sa narinig. Pinaghalong awa sa ina ni Valerie at galit na rin sa ginawa ni Valerie sa amin.

''Honestly, when I saw you all cover by blood I wanna kill her by myself but dad and the police stopped me. Napansin na kasi nila ang nangyayari kay Valerie.''

''What about, Kim? Kumusta ang bestfriend ko?''

This time, umayos na ng upo si Crayon at matiim akong tinitigan.

''She is now fine. Naka-attend nga siya sa Graduation natin, eh.'' aniya at medyo napangiti. Halatang proud siya sa kapatid.

''Teka! Graduation! Meaning, graduate na tayo last week?'' Tumango si Crayon at hinawakan na naman ang aking mga kamay.

''Sadly, we were not able to attend. Naka-comatose ka kasi.''

''How about you?''

He just smiled.

''Bakit hindi ka umattend sa ating graduation?'' Pangungulit ko pa. Pero hindi na niya nasagot ang tanong ko nang bumukas ang pintuan ng room at inuluwa nun sina tita Mary Ann at tito Dex.

''Hija...'' magkasabay pa nilang ani bago ako marahang nikayap.

Umiiyak si tita habang bahagyang hinahaplos ang aking likuran.

''Don't do that again, hija. Hindi mo alam kung paano ako nag-panic ng malaman kong napahamak ka.'' aniya habang humihikbi.

''I am sorry, tita. Nadala po ako sa bugso ng damdamin nun. Sorry po talaga.''

''Aysus, matigas lang talaga ang ulo mo, best!'' si Kim na agad pumasok at kinurot pa ako sa tagiliran.

''Ouch. Gagi ka talaga, masakit.'' Pabirong ani ko.

Napansin ko ang pagkunot-noo ni Crayon at akmang sasawayin si Kim pero agad ko siyang pinigilan.

''Hey, I am okay. Ano ka ba.'' Napabuntong-hininga na lamang siya at napakamot sa ulo.

''Ang kulit mo talaga, Kim.'' nakangiting ani na lamang niya sa kapatid.

Natapos ang araw na iyon at sa ospital pa kami nag celebrate sa aming post-graduation. Mabilisang nag-order sina tita at tito ng pagkain at pinakain lahat ng staffs sa ospital.

Naging masaya ang pananatili ko sa ospital bago ko pinasyang umuwi na sa aking bahay.

''Sa wakas best, okay ka na. Pwede na tayong mag-outing!'' Excited na pahayag ni Kim habang nasa bahay kami.

''Uhm, oo.''

''Eh..? Bakit parang hindi ka po excited?'' pabirong tanong ng aking makulit na kaibigan. Sumiksik pa siya sa aking kinahihigaan.

Ang kulit talaga. Napatingin ako sa screen ng aking cellphone. Hindi pa nagtetext si Crayon ngayong araw magmula ng makauwi ako sa bahay.

''Kanina ka pa nakatingin sa phone mo, best. May inaantay ka bang order sa shoppee?'' Nakangising tanong ulit ni Kim.

Inirapan ko siya. ''Crazy.''

Nasaan kaya si Crayon? Anong pinagkakaabalahan niya? Busy ba siya?

Biglang nag beep ang phone ni Kim. ''Wait, best ah. Nagtext si kuya.'' aniya at bumangon. Tahimik siyang nag-reply kay Crayon habang panay ang ngisi.

Buti pa si Kim tinetext niya. Sh*t Trisha, feeling girlfriend ka naman, jan. Kastigo ko sa aking sarili.

''Anong sabi niya, best?'' Medyo na curious ako sa usapan nila. Ewan, pero mukhang kinikilig pa ang aking kaibigan habang ka-text niya ang kanyang kuya.

'Ah...ano lang. Sabi niya late na daw siya uuwi mamaya sa bahay. Saka may date yata.''

''Date?!''

''Ay, kayo pa ba ni kuya, best?'' Tila nadulas si Kim sa kanyang sinabi kanina.

Kami pa nga ba? We just made a truce before. At ngayong nasagot na ang lahat ng mga katanungan ko sa pagkamatay ni Kisha, meaning, there is no 'us' anymore. Kaya pala parang nag-iba bigla si Crayon. Parang gusto kung maiyak sa naisip. Bigla kasi akong nakaramdam ng matinding kalungkutan. Is it really over for us, Crayon?

Is it?

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

drose31creators' thoughts