webnovel

TELL ME YOUR NAME (Filipino)

A Story of Choice Imagine finding yourself at the crossroads of fate, torn between two paths. One leads to the person you love deeply—someone who has captured your heart and soul. The other path leads to the person who loves you more than anything, someone who would do anything to make you happy. What will you do if fate forces you to choose? Will you follow your heart, or will you choose the person who treasures you most? It's a story of choice, where love and loyalty collide, and no decision comes without sacrifice. A Story of Drama Trust is a fragile thing. What if the person you trusted with your life, turned out to be the one who wanted to end it? Betrayal cuts deep, and when it comes from someone you never expected, it shatters your world. What will you do when the mask comes off, and the truth is revealed? Will you confront them, or will fear keep you silent? This is a story of drama, where trust is broken, and survival depends on your next move. A Story of Action Learning to fight is one thing, but fighting for love is a battle of a different kind. When the world around you is in chaos, and your heart is caught in the storm, will you have the strength to hold on to love? Or will the struggles and dangers force you to let go? In this story of action, love is put to the ultimate test. The fight isn't just against the enemies outside—it's also against the doubts within. A Story of Love At the heart of it all, this is a story of love. Love in all its forms—complicated, beautiful, painful, and true. It's about the choices we make, the trust we give, the battles we fight, and the love we hold on to, no matter the cost. In the end, it's love that defines us and drives us, even when fate, betrayal, and danger stand in our way. Please enjoy reading!

MissKc_21 · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
127 Chs

TO THE UNCONSCIOUSNESS

""no!!!!! stop!!!!" sigaw nung babae.

"ssshhhh, huwag kang mag-aalala, saglit lang ito"

Kinuha niya ang panghampas at tiningnan ako .

"Nathan, panoorin mo ang magandang pangyayaring ito"

Hahampasin na sana niya 'yung babae ng bumukas ang pinto ng silid na iyon habang nakabulagta na ang dalawang nakamaskara kanina na mga lalaki.

"bwiset!!!! you guys are so stupid!!!" pagwawala niya this time.

Tapos may biglang pumasok na isang babae at lalaki mula sa pinto.

Teka lang...

Siya iyong babae na nakasalubong ko kanina sa oval. That girl, she can fight?

"epal talaga kayo!!! sinira nyo ang mga plano ko!!" daling sumugod ang baliw na kumag na iyon sa dalawa kaso agad siyang sinikmura nung babae dahilan nang paghandusay niya sa sahig.

"are you okay?" tanong niya sa akin.

"pa_paano niyo nalaman na..."

"mamaya na natin iyan pag-usapan, marami pang paparating" dali akong kinalagan nung lalaking kasama niya. Nakaface mask ito kaya hindi ko alam kung sino iyon pero malakas ang kutob kong taga-SA din siya.

"follow me" daling lumabas yung babae at lalaki kaya sumunod naman kami nung isa pang girl na kinidnap din.

"I know her, she's Abby" bulong nung babaeng kasama ko ngayon.

"Abby?"

Narinig ko na ba ang pangalan na iyon?

"guys, dito"

Mula sa madilim na silid na iyon, andito naman kami sa isang napakaliwanag na part ng ewan. Asaan ba kasi kami? Bakit andaming tanke ng tubig dito?

Iginala ko ang aking paningin, doon ko lang narealize na nasa isang laboratory pala kami.

May mga cooling tower kasi akong nakikita, tapos may turbines and steamer pa.

"weapon lab ata 'tong pinasukan natin" sabi nung babae na katabi ko.

"how did you know?" tanong ko naman.

"nabasa ko lang" ngumiti niyang itinuro yung nakapaskil sa dingding.

Bah, oo nga noh. Kailangan ko rin atang magbasa-basa minsan.

"bilisan natin, nasa rear door na sila" sabi naman nung lalaki matapos tingnan ang tracking device niya.

Dali naman kaming tumakbo papalabas sa laboratory na iyon at dumiretso sa fire exit. Hindi ko alam kung ilang palapag pa ba ang baba-baan namin kasi nararamdaman ko na ang pananakit ng katawan ko at pagkahilo.

"here" sabi ni Abby after niyang buksan ang isang pinto..nasa parking lot na kami kaso....marami nang nakatambang sa amin na mga lalaki. Lahat sila ay nakatuxedo attire. Ano ba ito, kung minamalas ka nga naman!

Nagtinginan lang sila Abby at 'yung lalaki tapos, nagsimula na silang makipaglaban.

Tae! Hindi pwedeng sila lang. Hindi nga ako nakaganti sa baliw na iyon kanina eh kaya dito ko na lang ibubuhos ang inis ko kanina.

Dali akong kumuha nang panghampas sa gilid at nakipaglaban na rin.

Hinampas ko yung lalaking papasugod sa akin kaso mas magaling siyang dumepensa. Hinila niya ako saka tinadyakan sa paa tapos sinuntok sa mukha.

Bwiset! Ang lakas niya.

Masyadong kina-reer ni manong ah. Sinubukan kong sapukin siya sa mukha, tumama naman kaso...medyo matigas ang mukha ni Manong. Gumanti siya ng suntok ulit sa kabila kong pisngi kaya napadura ako ng dugo.

Mabubungi ata ako nito eh.

Ang hirap talaga kapag puro bola lang ang natuto mong hawakan.

Sumugod siya sa akin...buti na lang at gumagana pa ng konti ang utak ko pagdating sa basagan ng mukha. Dali kong kinalabit yung isa pang kalbo na nakikipagsuntukan sa kabila, buti na lang at pinansin niya ako't dali siyang bwumelo. Umilag ako ng bahagya papalayo sa kanya kaya ang natamaan ay 'yung kasama niya.

Haha! 1 down!

"Jotham! sa likod!" narinig ko pang sabi nung Abby.

Agad naman siyang umilag tapos sinipa niya ang kalaban kaya napasubsob sa sahig ang kalaban.

Grabe! ang gagaling nila! Isang minuto lang, nakapagpatumba na sila ng kaaway.

"duwag, dito!" alok naman sa akin nung isang lalaking may bigote.

Nagulat ako sa kanya.

Siya agad ang kakalabanin ko?

Masyado siyang malaki kumpara sa akin at sa iba pang mga kalaban.

Tae! paano ba ito?

"ano?" nakangiti niyang sabi habang papalapit siya sa akin.

Napalunok na lang ako bago sumugod sa kanya.

Grabe, habang papalapit ako sa kanya, nanginginig na ang katawan ko sa takot.

Tapos hinigit niya ako agad sa braso ko kaya ngayon hindi na ako makagalaw.

"Kuya Nathan!" sabi nung babae na kasama ko kanina.

Pati siya ay natatakot na rin para sa akin.

Bwiset. Di man lang ako nakapatama sa kanya . Sobrang lakas niya't nawawalan na ako ng lakas sa pagpupumiglas.

"Kuya Nathan!" tawag niya ulit sa pangalan ko.

Gusto ko pa sanang mag-isip ng paraan para kumawala, kaso nanlalabo na ang aking paningin.

"Jotham! Here!" naramdaman kong may biglang tumama sa sikmura nitong lalaking nakabigote. Unti-unti niya akong nabitawan kaya napaluhod ako sa sahig.

Bwiset. Ang lakas niya sobra!

Dali akong nagpagilid para hindi maging sagabal sa paglalaban nila.

Pinagtulungan ni Jotham at Abby ang matikas na lalaking iyon. Napupuruhan na rin ang dalawa ngunit patuloy pa rin sila sa pakikipaglaban.

Naalala ko tuloy 'yung mga napapanood kong palabas na ang kalaban ng bida ay mga higante. Isa iyong digmaan sa pagitan ng dalawang kaharian na kung tutuusin ay mas malakas ang isa kumpara sa isa. Ngunit napakaganda ng napanood ko kasi ipinapahiwatig nito na 'habang may buhay ay may pag-asa pa talaga' at hindi basehan kung ano ang lamang nila sa isa't-isa.

Siguro mga ilang minuto din ang itinagal ng pakikipaglaban nila Abby sa lalaking nakabigote.

Hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na putok na umalingawngaw mula sa kung saan.

Dahil doon, napapikit ako saglit....

(isang malalim na paghinga)

Mula sa maingay na paligid hanggang sa nakakabinging katahimikan. Nagdilim bigla ang aking paningin.