webnovel

Labing-Isa

May crush ako sa school na babae. Kilala sya sa school hindi dahil maganda sya. Dahil lagi s'yang sinasali ng mga teachers sa competition sa labas ng school. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa kanya? Bawat panalo nya laging may pa tarpaulin ang school. Isa sya sa mga ipinagmamalaki ng school namin. Simple lang sya. May makapal na salamin, matangkad, buhaghag na kulot na buhok at maluwag na uniform. Di ko nga alam kung bakit ko sya nagustuhan. Ang layo naman nya sa mga naging ex ko. Habang ako ito ginawa ng tambayan ang guidance office. Andami ko na ring records dahil sa kagaguhan ko. Hindi sa pagmamayabang pero kilala ako sa school. Maraming babae ang nagkakagusto sa akin pero ewan ko kung bakit sa kanya ako nagkagusto.

One time, nakasalubong ko sya sa hallway. Nakayuko sya nun kaya di nya ako napansin at dahil gusto kong mapansin nya ako ay binangga ko sya pero dirediretso lang yung lakad nya. Di man lang sya nag sorry or tumingin sa akin. "Bakit ang hirap mong abutin Eca?" yun na lang yung mga nasabi ko sa sarili ko nung mga panahon na iyon.

Dumating yung huling buwan namin sa highschool at expected na namin na sya ang Valedictorian. Sa huling buwan din ng highschool nalaman ko na may gusto sya sa best friend ko. Ang sakit pala. Kung kanino mo pa gusto ng atensyon at pagmamahal yun pa yung di maibigay.Kumalat sa buong batch namin yung pagkakagusto ni Eca kay Kyle pero alam ko kasi na may ibang gusto si kyle kaya kampante ako na hindi nya liligawan si Eca. Pero mali pala ako. Dahil yung nagugustuhan nya ay si Eca din pala. Tanginang buhay to! Mas gwapo naman ako kay kyle, mas sikat at mas maraming nagkakagusto! Bakit si kyle pa? Bakit di ako?Wala e. Matalino si kyle. Running for salutatorian. Bagay na bagay sila ni Eca. Habang ako? Gwapo nga. Pasang awa naman. Madalas pa sa guidance office. Karma ko na siguro to.

Mas naging worst pa ng naging sila na ni kyle. Mahirap sa side ko dahil bestfriend ko yun. Lagi kong nakikita kung paano sila maging sweet sa isa't isa. Kung paano sila magpalitan ng I love you. Masakit! Sobrang sakit. Dahil di ko kinakaya. Ako na yung kusang lumayo. Nagdecide ako na sumama sa ibang bansa sa Tatay ko para doon na din mag-aral. Wala na akong naging balita sa kanila. Pinutol ko na lahat ng communication ko sa kanila even my social media accounts dinelete ko din.

Nagfocus ako sa pag-aaral. Ibang-ibang Ash na ako. Hindi na yung laging nagaguidance at bagsak sa ibang subjects. Nagsikap ako para may patunayan pagbalik ko. Kahit na sila ng bestfriend ko. Kahit na magiging traydor ako. Gagawin ko lahat makuha lang sya. Magustuhan lang nya ako.

5 years ang lumipas. Sya pa rin. Walang nagbago. Ginayuma nya yata ako e. Umuwi ako ng pilipinas para makita ulit sya.Para magustuhan nya na din ako. Pero ibang balita yung nakuha ko.

My bestfriend died 4 years ago. May Cancer na pala sya. Tinago nya sa akin. Habang ako iniisip na traydurin sya at agawin ang babaeng matagal ko ng nagugustuhan, sya naman namamahinga na ng hindi ko alam. Pano ko naiwan ang bestfriend ko sa panahon na nahihirapan sya?

Kaya nung nakita ko si Eca sa puntod ni kyle ay di ko na tinuloy ang balak ko. Siguro di talaga sya para sa akin. Ayokong agawin ang babaeng minahal ng kaibigan ko.

"Ash" ganun pa rin sya. Sobrang hinhin ng boses nya. Ang laki na din ng pinagbago nya. Wala na yung makapal na salamin at nakadress na din sya na hindi naman nya hilig suotin.

"Eca? Condolence, ngayon ko lang nalaman. I'm sorry." i said habang titig na titig sa kanya. Gusto ko syang yakapin sa sobrang pagkamiss ko sa kanya.

"okay lang. Ayaw din naman nya na ipaalam sayo. May pinapabigay s'yang sulat. Di ko binasa or binuksan yan dahil alam ko na para sayo yan" Inabot nya sa akin ang sobre na hawak nya.

Binuksan ko kaagad ang sulat para malaman ang mensahe sa akin ng kaibigan ko.

Ash,

I know kapag nabasa mo ito alam ko na magagalit ka sa akin pero baka di ko na marinig pa ang pagiging bitter mo bro dahil baka sa mga oras na binabasa mo ito ay wala na ako. I'm sorry kung inagaw ko sayo si Eca. I'm sorry kung naging girlfriend ko sya. Desperado na kasi ako. Mamamatay na ako bro! At gusto ko lang makasama yung babaeng matagal ko ng gusto at gusto mo rin. Naging selfish ako,dahil alam ko na once na sinabi mo kay Eca na gusto mo sya ay hindi malabong maging kayo dahil matagal ka na rin nyang gusto pero pinili nyang tuparin yung gusto ko. Kaya please bro, mahalin mo si Eca. Ingatan mo sya ng higit pa sa pag-iingat ko.

                                              - Kyle Navarro

Kasabay ng pagtingin ko kay Eca ay ang unti-unting pagtulo ng luha ko. Bakit? Bakit kailangan maging ganto?

"I'm sorry Ash" napatitig ako sa kanya. Umiiyak din sya kagaya ko. Nakakabakla mang pakinggan pero parang gusto kong umatungal sa pag iyak. I lost my best friend. My brother. My partner in crime.

Niyakap ko si Eca. At tumingala sa langit. I will take care and love her kyle. Rest in peace bro.

And now hinihintay ko sa altar ang babaeng pinakamamahal ko. Pinakasalan ko ulit sya sa ika-sampung pagkakataon. Kitang kita ko ang mga luha nyang pumapatak dahil alam nya baka ito na ang huling kasal na gagawin namin. Tinulak na ng apo ko ang aking wheelchair upang makatabi ko sya.

"Happy 50th anniversary Mahal." sabi ko sa kanya.

"Happy 50th anniversary mahal ko." nakangiti sya ngunit ang mga luha nya ay dirediretso sa pag agos.

Kasabay ng huling halik na iginawad ko sa taong mahal ko ay ang pagdilim ng paligod ko.

Natupad ko na ang pangako ko.