webnovel

Teach Me (Sexy Monster Series #2)

Kung marami ang kinain ng sistema ng K-pop, mayroon din tinatawag na kinain ng sistema ng “porn”. Ito ay si Apple Dimaculangan, bente-anyos na geeky pero nuknukan ng curious sa mga makamundong bagay. Certified Birheng Maria sa modernong taon. Kung nabubuhay siguro si Maria Clara at uso nang internet noong panahon ng mga Kastila, malamang bestfriend sila ni Apple. Sabi kasi nila, `yung mga tao na wala pang experience sila raw ang mas malaki ang kuryosidad. Kung may “Kupido” para sa soulmates, mayroon din tinatawag na “Sex Demon” upang buhayin ang makamundong pagnanasa sa kalooban ng mga tao. Isa na roon si Levi—ang Top one agent sa SEX Inc. Gwapo to the highest level, sobrang sexy to the highest level times one hundred, at mapanukso to the highest level times one thousand! When the virgin meets the Sex Demon, nabuo ang isang misyon: maging ganap na babae si Apple at maibuka ang kanyang bulaklak. Levi will guide Apple on her journey how to embrace her sexuality. Para sa birhen, dating birhen at feeling birhen! Tara na at samahan niyo si Apple sa masaya, malandi at puro kaberdehang kwento na magpapangiti at magpapa-WET sa inyong... ...mga mata sa kakatawa! Uy iba ang inisip mo, aminin! Genre: Romantic-comedy, Fantasy, Smut Disclaimer: This story contains explicit content not suitable for young readers [R-18] Philippine Copyrights 2019 Anj Gee "Anj Gee Novels" Grim Reaper Chronicles- Completed Adik Sa'yo - On Hold [Sexy Monster Series] Bite Me- Completed Teach Me- Completed Mate with Me- TBA ————— Join our FB group: Cupcake Family PH Like my page: facebook.com/AnjGeeWrites

AnjGee · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
50 Chs

Lies [1]

KINALMA ko mabuti ang sarili matapos kong makapagbihis ng damit. Saktong-sakto nga ang sukat sa katawan ko. I can't believe na kabisado ni Levi ang measurement ng katawan ko. Samantalang si Kyle nga mahigit tatlong taon na kami pero kahit size ng paa ko di niya alam.

Bumigat ang dibdib ko nang maalala si Kyle. Biglang tumunog ang ringing tone ng cellphone ko. Pag-check ko sa screen ay tumatawag si Kyle sa facetime. Oh my God! Anung sasabihin ko? Bakit siya tumatawag? May nakakita ba sa'min ni Levi na magkasama? May nagsend ba ng pictures sa kanya o kaya siya mismo ang nakakita?

Shit na malagkit! Kinakain ako ng ka-praningan. Relax ka lang Apple, sagutin mo ang tawag, wala ka naman ginagawang masama.

Tama! I'm not cheating with Kyle. Dahil lang sa ulan kaya ako nandito sa loob ng hotel room ni Mr. Morgan. Nothing more, nothing less.

Ilang segundo muna akong huminga ng malalim bago i-ni-slide ang touchscreen at masayang ngumiti sa harap ng camera.

"Hon!"

"Hi Hon! How's the event?" bumungad sa'kin ang gwapong mukha ni Kyle. Ngayon ay nasa Nueva Ecija naman siya for another medical mission.

"O-okay naman. Nakakapagod pero masaya."

Tumungo-tungo siya tapos biglang kumunot ang noo niya, "Are you inside the hotel room?"

Kumabog ng malakas ang dibdib ko at ginala ang mata sa paligid. Halata nga naman na bathroom ito ng isang hotel. "Ah, oo, may hotel room kasi si… sir P-peter. Eh, medyo nahilo kasi kanina dahil naparami ako ng ininum na wine. Pinahiram muna sa'kin ni sir Peter 'yung keycard para makapagpahinga ako sandali."

"Oh, are you sure you're okay? Drink a lot of water para 'di ka ma-dehydrate."

"Yes, hon."

"Sige hon, baba ko na 'to. Maaga pa kami bukas kaya matutulog na ako. I just wanted to see your beautiful face, I miss you so much. Ingat ka pauwi. I'll see you soon!"

"Bye hon, good night."

"I love you honey."

Bumara ang lalamunan ko pero pinilit kong ngumiti, "I love you too."

Nanghihinang binaba ko ang cellphone at humarap sa salamin. Hindi dapat ako nandito. I'm in a relationship at hindi tama na nasa loob kami ng iisang kwarto ni Levi na kaming dalawa lang. I can't fool myself. Levi has a big part in my past at kung anuman itong pakiramdam na muling umuusbong. Dapat ko itong pigilan dahil hindi ito tama.

Pagbukas ko ng halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong nakasandal sa Mr. Morgan sa pader sa gilid.

"K-kanina ka pa ba diyan?" nasapo ko ang dibdib.

Walang reaksyon ang mukha niya. I know this kind of aura. It's very familiar to me. Sa tuwing ganito ang mukha ni Levi I know so well that there's something upsetting him. Bakit ganito na naman siya? Narinig niya ba ang pag-u-usap namin ni Kyle?

Nagtaas siya ng tingin at nagtama ang mata namin pero 'di siya nagsalita. He just kept on looking at me with his piercing dark gray eyes. This is wrong. The more na tumatagal na kasama ko siya mas lalong nag-i-iba ang tibok ng dibdib ko at hindi ito maganda.

"S-salamat dito sa damit. M-mauna na ako," nagmadali akong humakbang patalikod nang bigla akong pigilan ni Levi sa braso. Nagtatakang lumingon ako sa kanya. Sobrang higpit ng kapit ng kamay niya.

"B-bitawan mo ako, uuwi na ako." Pero 'di siya bumitaw at mas lalong nanigas ang bagang niya.

"Levi, anu ba, sabi nang uuwi na ako!" Sinubukan kong tangalin ang kamay niya pero masyado siyang matigas.

Napasinghap ako ng malakas nang hilahin niya ako palapit sa katawan niya at mabilis na pinulupot ang isang braso sa bewang ko. Nagtama ang dibdib namin at halos magdikit na ang mukha namin sa isa't isa. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa balat ko.

"Anu ba ang problema mo? Bitawan mo nga ako!" tinulak ko siya pero 'di siya nagpatinag.

"Why him?"

Napanganga ako sa tanong niya, "Ha?"

"Ganyan ka ba talaga katigas, Apple?"

Nagsalubong ang kilay ko at sinubukan ko siya ulit itulak, "Anu bang pinagsasabi mo? Bitawan mo nga ako, gusto ko nang umuwi! Let me go!"

Pero mas hinapit niya lalo ang katawan ko na halos hindi na ako makahinga. "Anu ba'ng kailangan kong gawin para ako ang piliin mo?"

Ang kaninang paninikip ng dibdib ko ay lalong nanikip. Bakit niya sinasabi sa'kin ang lahat ng ito? Anu ba ang gusto niyang palabasin? Muling sumagi sa alaala ko ang mga sinabi niya sa presscon. Ang mga galaw niya, ang pagbabalik niya.

Bakit mo ako kailangan pahirapan at guluhin ulit Levi?

Hello! Happy Midweek mga ka-BIRHEN! Ito na po ang inaabangang MASS RELEASE until FINALE! :) Sure akong mag-e-enjoy kayo sa mga huling chapters kaya don’t forget to vote with your powerstones! :)

Salamuch!

AnjGeecreators' thoughts