webnovel

Swayed By The Waves

She was just a fan but fate choose to play a twist in her life.

blzfrances · Thanh xuân
Không đủ số lượng người đọc
2 Chs

1

Hypnos Viañez posted a status

My heart's attacked.

5.3k reacts.    2k comments.   1k shares

Napasimangot ako sa nabasa ko, nakakainis! Nakakaselos. Hindi naman kami, ni hindi niya ako kilala pero hindi ko pa rin maiwasan! Follower niya lang naman ako, isa lamang ako sa libo libong tao na humahanga sa kaniya. Friend request ko nga inamag na e. Tapos ngayon kung ano ano pang pinopost niya, may lovelife na ata 'to, pero hindi pwede! Not until we meet face to face. Kailangan ko munang pumunta sa book signing niya.

I reacted "angry" at his post, wala lang, maiba lang. Like what I usually do, I stalk him. Nawala na naman kasi 'yung request ko, siguro sa dami nang nagsesend sa kaniya nito. Nakakapangsimangot talaga, ang aga aga. Hindi tuloy ako updated sa mga nangyayari sa social media life niya.

Next week, I'll attend, finally, his book signing. Ang tagal tagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito. Good thing, naisipan ng publishing company nila na mag-set ng event dito. I can afford going to different places but I cannot waste money like that. Especially now, bubukod na ako sa family ko. Dad give me a condominium unit as a gift, para hindi na rin daw ako mahirapan sa work. Speaking of, next week na rin pala iyon.

"Honey." I turn my gaze to the door, Mom smiled at me while entering the room.

"Mom, bakit po?" Inayos ko ang pagkakasalansan ng mga librong dadalhin ko para sa book signing.

"Si Helios ang susundo sa'yo dito next week ha? Siya rin ang nagsuggest sa Dad mo ng condo na lilipatan mo. You should give thanks to your cousin."

That guy? Napasibi ako. Hindi kami magkasundo ng pinsan kong iyon, sobrang mapaglaro, ang ingay pa, at sobrang magastos. Naalala ko, minsan kaming pinagsama noon, he's the only cousin I have in my Dad's side, sa probinsya ng grandparents namin, he's very naughty while I'm the composed one. Sobrang expressive niya habang ako iyong patago mag-express sa lahat ng bagay. He got a lot of crushes and flings back then, and I was secrectly crushing on the writer of the book I've read.

I nod my head, "Okay po. Tatawagan ko po siya mamaya."

Tatawagan? Really Peitho? Tatlong taon na nga kayong walang ugnayan nung tao. I've seen his post on social medias, I also know that he became a writer now. I can't believe it at first, seriously, that flirty naughty guy is a writer? Anong sinusulat no'n? Spg? Hubadan? Buntisan? Flings? Ewan ko. Pero anyone can be a writer, siguro he's destined to be there. Sikat na ang pinsan kong iyon, naalala kong kasama pa siya sa book festival, I'm quite proud but I'm pissed off because he never invited me!

After the talk to my Mom, I decided to be true to my words. Binigay naman ni Mom ang number niya kaya walang problema.

The phone rings multiple times before he answer it.

"Hello. Who's this?"

Ang ingay ng paligid, halos kinakain na ang boses niya.

"Peitho."

"Pei? My bookish cousin Pei?"

Napairap ako. See, he's really good at ruining my mood. Nakakaasar.

"Oo."

Humalakhak ito sa kabilang linya, at narinig kong kinakausap siya ng mga kasama niya.

"Who are you talking to? Baka may tinatago kang babae ah!" That's a voice of a girl.

"Oo nga! Nako! Maraming magagalit. Fans are possessive these days." Narinig ko ang malutong na tawa ng isang lalaki.

"He's hiding a chick for sure." This one is somewhat cold, hindi nakasigaw pero malinaw kong narinig.

"Shut up! Pinsan ko 'to."

"Hello Pei, sorry, mga kaibigan ko 'yon, bakit pala?"

"Wala. Mom said I should thank you because you'll pick me up to my condo daw, and you help Dad to choose it."

"Oh. No problem. 'Yung condo nirecommend lang ng kaibigan ko. Wala na kasing vacant sa condominium ko e."

"Okay, send my gratitude to your friend then. See you next week and don't be late. Bye."

I am eager to end the call that's why I end it like that. I know he'll piss me off next week, and I'm not willing to be pissed off on phone, hindi ko siya masasaktan ng pisikal. He's like a Kuya but most of the time he's like an enemy.

Hindi nga ako nagkamali. He's teasing me again! Nasa sasakyan niya ako, nakasimangot dahil sa presensiya niyang halos hindi ko matagalan. Mukha pa lang ng lalaking ito nababadtrip na ako, hindi ko alam sa mga tagahanga niya kung bakit patay na patay sila. Kung alam lang nila ang baho nito. Kung ilabas ko kaya at pagkakitaan?

Napangisi ako.

"Hoy, nakakatakot ka talaga minsan. Para kang bruha na may masamang balak."

Nalukot ang mukha ko sa sinabi niya, "Ganoon? Gusto mong kulamin kita?"

"Mama Mary! Nooooo! She's a witch, save me! Save me!"

He looks like a fool while saying that with hand gestures, and I can't help but to roll my eyes.

"Stop it! Para kang tanga."

He look at me with fake hurt in his eyes, holding his chest like he's in deep pain, "Susumbong kita sa fans ko!"

"Okay."

He groan in frustration. It's always like this, mang-aasar siya but at the end siya rin naman ang talo. Asar talo kung baga. Sanay na sanay na ako, hindi ko alam na matapos ang tatlong taon ay wala pa ring pinagbago, kawawa naman ang mga nakakasama nito. I wonder how they react seeing him like this. Maiinis ka kasi talaga.

"Nandito ka na Madame." Sabi nito habang nakanguso.

"My things, Helios."

"Masusunod kamahalan!"

Isip batang malandi.

Inirapan ko siya bago pumasok sa loob ng building. Kinausap ako saglit ng staffs bago ako hinatid sa floor kung saan ako titira. 9th floor? Not bad. I want to be at the top floor, but I guess there's no vacant.

My cousin help me fix my things, he also volunteer to buy the things on my list, since dito naman daw nakatira ang kasama niya, magpapasama daw ito. Well, that's good. Atleast hindi ko na kailangang bumama pa.

Kinagabihan ay umalis na rin ito, he'll stay at his friends unit na lang daw. Baka daw kasi kulamin ko siya kung dito siya matutulog. Abnormal.

It was one tiring day and I slept so soundly.

Kinabukasan din ay late akong nagising, and it's the book signing day! Hindi ko narinig ang alarm! Halos hindi ko alam ang uunahin ko, nagmadali akong mag-ayos at halos madaliin ko na rin ang paglalagay ng books sa bag ko. I didn't even wear make up just to chase the running time. Hindi ko naalala, sobrang preoccupied ako masyado kahapon sa pag-aayos dito.

I feel so frustrated when I enter the taxi. Traffic pa kaya lalong hindi naging maganda ang pakiramdam ko. Hindi na ata ako aabot. Nagising ako ng ten thirty, and the start is ten! Tapos eleven nasa taxi pa lang ako. Isang oras pa ata ang byahe dahil sa sobrang traffic, sabi ng driver ay may nasiraan daw ata sa unahan at tinatanggal pa lang para hindi humarang.

At exactly 12:00 noon nakarating ako sa venue ng event.

"Ma'am, 'yung pass niyo po."

"Wait lang po, Manong."

Hinanap ko sa bag ko ang pass para makapasok. Kinabahan ako nang hindi ko ito makita sa wallet ko. Umupo po ako sa isang bench na malapit para tanggalin lahat ng laman ng bag ko. Wala, hindi ko mahanap. Hindi ko ata nalagay. Halos maiyak ako sa sobrang inis sa sarili, sa panghihinayang. I'm very excited for this tapos ganito. Ilang years kong hinintay ang pagkakataong ito tapos...

At the end wala akong nagawa, nginitian ko na lang ang guard 't saka umalis sa lugar na 'yon. I guess we're not really meant to cross path, we're always over lapping.

Nagpadiretso ako sa isang fast food chain matapos iyon, ikinain ko na lang ang samo't saring emosyong nararamdaman ko.

I open my account in facebook to see updates about the book signing.

A reader uploaded a picture with Him. I can't help but to feel jealous! When will I see that angelic face, his thick eye brows and beautiful eye lashes? Those expressive eyes but not smiling lips. Ito na ba ang tinatawag nilang patay na patay? Cause I'm really is.

I'm chewing my fries dipped in my float while scrolling. My eyes widened when I saw him post a picture. It was my flirty naughty cousin and him looking at the camera. Helios looks like someone who can be idolized by many. Lalo pa akong nagtaka dahil sa caption, "The bastard is ready to ruin my day." Close sila? Ba't hindi ko alam? Nakafocus ba ako masyado kay Hypnos at hindi ko na napansin ang ugnayan niya at ng pinsan ko?

Binasa ko ang mga comment.

:Halaaaaaa. Kung hindi man namin kayo makatuluyan sana kayo na lang!

:Bitch please Helios is here to get what is his

:SHOCKS BAGAY SILA HAHAHAHAHAHA IZ THIZ BROMANCE

Napairap ako sa pagkadisgusto. Yuck. Sa dami dami ng ilolove team kay Hypnos iyang pinsan ko pa? Seriously? Pwede namang ako na lang.

Hindi ko mapigilang magcomment, "They are close?" Buti na lang may mga mabubuting sumagot sa aking tanong. They said they've been good friends. Close daw ang dalawa. May mga nagbiro pang bromance daw sila. Ew.

Naglog-out na lang ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, Helios is close to him, and I wasn't able to attend his book signing, why should I feel? Oh well, I choose none. Uuwi akong hindi na dala ang halo halong emosyon.

It's already eight in the evening when I reach my condo. I feel so drain because of the devastating incidents that happened, but like what I've promised, I left those emotions there, I need to sleep soundly tonight. Pagkatapos ko kasing kumain ay gumala na lang ako.

Para akong zombie habang naglalakad papunta sa elevator. I feel so tired, really. At sa minalas malas pang pagkaktaon ay may nakabangga pa ako. Napasimangot ako ng todo at halos hindi na maayos pa ang pagkalukot ng aking mukha dahil sa masakit na pagkakasalampak sa sahig. It was too forceful because we're both heading our way walking too fast, and we didn't see each other coming.

Kunot noo kong pinulot ang nalaglag kong mga gamit at saka humarap sa taong hindi man lang ako tinulungang tumayo. Pagkaangat ko ng tingin ay sinalubong agad ako ng misteryosong mga mata na nakatingin sa akin. Napaawang ang bibig ko dahil sa napakapamilyar nitong mukha, ang mga detalyeng iyon, hindi ko man noon nakita sa personal ngunit kabisadong kabisado ko na.

"Sorry." Nag-iwas ako ng tingin at walang pag-aalinlangang umalis doon matapos akong humingi ng pasensya.

Why is he here?