webnovel

Ang Low Profile na Kalaban

Biên tập viên: LiberReverieGroup

"Hi..hindi pa pala ang paggalaw niyang iyon ang pinakamalakas niyang asset, makikita pala ito sa paggamit niya sa kanyang blade." Tinitigan ni Luo Feng ang binatang si Rong Jun. Kasabay nito ang kanyang pag-alala sa nakaraan nilang laban nito 5 taon na ang nakalilipas. "Ang tunay kong gusto…ay ang maging una sa buong kalawakan!" Mukhang narinig muli ng mga tainga ni Luo Feng ang sigaw na iyon ni Rong Jun.

Nangunguna?

Mukhang hindi lang basta-basta ang mga sinabing iyon ng Savage Rong Jun na ito.

 "Oo, marami na ring nalalaman si Rong Jun maging sa 4 na secret areas ng Virtual Universe Company. Mukhang hindi nga siya isang basta-bastang fighter." Isip ni Luo Feng. "Marami na rin siyang impormasyon tungkol sa mga nangungunang henyo noong mga nakaraang kompetisyon pero nagawa pa rin niyang sabihin na ang tanging inaabot niya ay ang pagiging una sa buong kalawakan, nangangahulugan ito na mayroon nga siyang kasiguraduhan na magawa ito!"

Chương bị khóa

Hỗ trợ các tác giả và dịch giả yêu thích của bạn trong webnovel.com